Ano ba talaga ang TUNAY nilang DAMDAMIN patungkol sa mga lumalaban sa pamamahala, specifically referring to TEAM A.E?
Natangay na ba ang karamihan upang maging taga suporta ng grupo ni Antonio Ebanghelista?
Porke ba nagbabasa ang mga kapatid ng kaniyang blog kung kaya proud na proud ang TEAM A.E na naka 2million+ views na sila, ang ibig sabihin iba na rin ang kanilang paninindigan?
Ako kasi nagbabasa ko PALAGI, note, PALAGI ng mga anti-INC blogs partikular na ng mga catholic defender blogs, ngunit ibig bang sabihin SINUSUPORTAHAN KO SILA? And take note also, simula ng mag blog si AE ay updated ako lagi sa pinopost nya, ngunit ang tanong, NAAKIT NIYA BA KO SA MAGAGANDA NIYANG MGA SALITA AT MAPANGHIKAYAT (non obvious-style) NA PAGSUSULAT?
Ngayon, eto po ang TUNAY na saloobin ng mga TUNAY NA KAPATID sa Iglesia ni Cristo.
NOTE: Indicated po ang personal facebook accounts nila, with profile picture pa, kaya HINDI PO ITO GAWA GAWA KO LAMANG, hindi po tulad ng mga nasa BLOG NI AE na kung bubusisiing maigi eh siya lang ang nagsusulat ng kaniyang sinasabing "VOICE OF THE BRETHREN" para ipakita na marami na KUNO ang mga kapatid na nahikayat nila kung kayat silay tumutulong na magsend ng mga "ebidensya" upang pasamain ang mga nasa "sanggunian".
Ilan sa mga komento sa "Liwanag tungo sa Kaligtasan" facebook fanpage:
______________________________
Meron po akong na-realize sa akin pong mga pagtatanong sa kapatid, isama na rin ang mga nagmemessage sa akin sa facebook, facebook fanpage at maging sa mga nag eemail sa akin...
1. Kahit po pala marami ng mga kapatid ang nakabasa sa blog ni AE, hindi naapektuhan ang kanilang paninindigan. Oo, nalungkot sila, nanghina at nagtatanong bakit nangyayari ito sa Iglesia? Ngunit sa kabila nito, isa lang ang kanilang damdamin --> SA DIYOS TAYO NAGLILINGKOD. SA IGLESIA. HINDI KAMI PAPA APEKTO SA ILANG NAGSASABING SILA AY KAPATID NGUNIT IBA NAMAN ANG KANILANG MGA GAWA. SILAY LUMALABAN SA PAMAMAHALA.
2. Karamihan sa mga kapatid ay hindi sang ayon sa ginagawa ni AE at ng grupo niya, sapagkat "KUNG TOTOO" daw talaga ang mga ISYU na sinasabi niya, dapat ipakita niya lahat ng ebidensya, ng HARAPAN at LUMANTAD siya, huwag siyang magtago dahil wala namang patutunguhan ang ginagawa niya kung hindi niya ipapakita na ang isang ANTONIO EBANGHELISTA ay tunay na tao, at tunay na ministro.
3. May mga kapatid din na HINDI PINAPANSIN ang mga ISYU ni AE, nakapagbasa sila ng ilang sa mga artikulo niya pero tinigilan na nila dahil wala naman itong mabuting naidudulot sa kanilang pananampalataya.
4. Hindi naging malaking ISYU sa ibat ibang lokal sa buong mundo ang mga isinisiwalat ni AE sa kaniyang blog. Hindi ito USAPIN sa mga kapatid sa ngayon. Doon sa mga madalas gumamit ng internet, oo, pero karamihan sa mga kapatid ay BUSY sa pagtupad ng kanilang tungkulin at sa mga pagsamba.
5. Sa mga tunay na kapatid na nagbabasa sa blog ni AE, lalong lamang tumitibay ang kanilang pananampalataya dahil sa tuwing naglalabas ng mga akusasyon si AE ay nasasagot ito ng theiglesianicristo.blogspot.com ni Ka Pristine truth. Kumbaga, "CHARGES, CLEARED" ang kanilang nasa isipan, at lalong lumalakas ang kanilang paniniwala na HINDI TALAGA DAPAT PANG pagkatiwalaan ang grupo ni AE.
Dahil sa mga nabasa ko at nalaman ko, lalo ding tumatag ang paninindigan ko.
Ang ano?
ANG LABANAN ANG MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA, SAPAGKAT SILAY NASA LIKONG DAAN. MERON SILANG MASAMANG LAYUNIN KUNG KAYA NILA TO GINAGAWA. ANG PABAGSAKIN ANG PAMAMAHALA, PALITAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN AT PALITAN ANG MGA NASA SANGGUNIAN.
NGUNIT SILAY MABIBIGO, DAHIL ANG DIYOS ANG MAY HAWAK SA IGLESIA, AT KAMI, BILANG MGA TUNAY NA MIYEMBRO NG IGLESIA NI CRISTO AY HINDI KAKAMPI SA MGA TAONG LUMALABAG SA KAUTUSAN NG DIYOS. LUMALABAN SA PAMAMAHALA. NAGDUDULOT NG PAGKAKABAHA BAHAGI SA IGLESIA.
-README IS SILENT NO MORE
Maraming nagtitiwala sa Pamamahala sa kabila ng sumulpot na parang kabuteng si AE na kunwa concerned sa Iglesia,pero actually,gusto na ring magtayo ng sarili niyang Relihiyong katulad ng ginawa nina Ora noon pa man.
ReplyDeleteGreed is the disease God must eradicate,to make us all happy and equal to His eyes.