"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 24, 2015

Dapat bang makisawsaw sa isyu ang mga di kaanib sa Iglesia ni Cristo?

Natupad na po ang matagal ng balak ng grupo ni Antonio Ebanghelista--> ang isapubliko ang kanilang mga ipinaparatang dati pa. Noong una pa blog blog lang, hanggang gumawa ng mga dummy accounts, hanggang gumawa na ng ibat ibang kwento para may makisimpatyang mga kapatid, hanggang sa nananawagan na ng kung ano ano, hanggang gumawa ng video para gamitin upang ireport ito ng MEDIA...

Meron pang DRAMA na may nagpopost sa labas ng compound ng pamilya Manalo na HOSTAGE DAW SILA, na kinidnap daw ang mga ministro, and so on. Ang gusto lang pala ay HUWAG UMALIS ang mga taga media, manatili silang curious kung totoo bang may pangho-hostage na nagaganap, sabay sasabihing MAY BATA LANG NA NAGBIBIRO.

Yung totoo???

At eto na nga, ang grupo ni A.E sa social media, isa isa nang nagpapa-interview sa media, isa isang lumalabas at sinasabi sa PUBLIKO-->which means, sa BUONG PILIPINAS, at sa BUONG MUNDO (na wala namang kinalaman sa mga problema sa loob ng Iglesia) ang mga dati na nilang mga akusasyon sa Pamamahala at sa Ka Eduardo Manalo.

Kaya ang mga di kaanib sa Iglesia ay naguguluhan sa mga pangyayari, andyan yung nagbibigay sila ng kanilang mga opinyon at mga komento na wala sa katotohanan, dahil sa simpleng kadahilanang WALA SILANG TUNAY NA NALALAMAN. Andyan din ang mga dati ng kumakalaban sa Iglesia na nagpipiyesta dahil di na nila kailangan mag effort gumawa ng mga paninira at akusasyon sa Iglesia dahil meron na silang magagamit laban sa amin.

Sasabihin nila, ano ba yan kala ko ba maka Diyos kayo bakit kayo nagkakagulo? sasabihin pa, ayan na naglalabasan na ang mga katiwalian sa Iglesia ni Manalo, sabi na peke lang yan eh! at kung ano ano pa...

Ngunit ang tanong, DAPAT BANG MAKISAWSAW SA ISYU ANG MGA DI KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO? Alam kong may kalayaan sa pagpapahayag ng ating saloobin, ngunit ang sasabihin ba natin ay PAWANG KATOTOHANAN?

Hayaan nating ang bibliya ang sumagot niyan...


"Huwag kayong gagawa ng anumang pahayag na walang katotohanan. Huwag kayong magsisinungaling para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan."
Exodo 23:1

Huwag daw tayong GAGAWA NG ANUMANG PAHAYAG NA WALANG KATOTOHANAN. Huwag ding MAGSISINUNGALING para lamang tulungan ang isang taong may kasalanan. Bakit ka gagawa ng isang komento na wala namang katotohanan sapagkata hindi mo naman alam ang tunay na mga pangyayari?

Saan itinulad ng bibliya ang mga taong mahilig makisawsaw at maki-isyoso sa problema ng iba?


 "Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga." Kawikaan 26:17 ADB

"Ang nakikisali sa gulo ng may gulo ay tulad ng taong dumadakma sa tainga ng aso." Kawikaan 26:17 MBB

Tingin ko, ang mas mainam na termino na angkop sa nangyayari sa kasalukuyan ay PROBLEMA...


Sang ayon ako sa sinabi sa inquirer.net

"Members of other religions should not gloat over the infighting among the top officials of the influential religious sect.

The INC, founded in 1914, is a relatively new religious organization and is still suffering from birth pangs.

The 2,000-year-old Catholic Church in the early days was also racked by disunity and quarrels within its top hierarchy.

That’s why there was the Great Schism, which separated the Eastern Orthodox Church from the Roman Catholic Church, in the 11th century.

Many prominent members of the Catholic clergy, notably Martin Luther, left the Church because of differences over religious doctrine and a power struggle.

This same struggle appears to be what is happening within the INC."

Ang mga taong patuloy na nakikisawsaw at sumasakay sa nangyayaring problema sa loob ng Iglesia ay mga nagsasalita ng walang alam...

Ang pangyayaring ito ay hindi nangangahulugang MAGULO ang Iglesia ni Cristo sa kabuuan, may problema, oo, ngunit hindi totally KAGULUGAN sapagkat isa lamang itong MALAKING PAGSUBOK SA IGLESIA AT SA PANANAMPALATAYA NG MGA TUNAY NA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO.

9 comments:

  1. Mas marami pa silang alam sa mga may kinalaman... "MEDIA" ang OA na source of info...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama nga, nakakainis nga eh tuwing makakabasa ako ng mga nonsense na statement.

      Delete
  2. At nagumpisa na nga ang mga SAWSAWERA at SAWSAWERO...gaya nitong si CatholicDefender na walang kasawa-sawa hehehe...wala namang nalalaman, eh banat ng banat, sa huli alam na alam na natin kung sino ang malalagay sa kahihiyan.

    http://catholicdefender2000.blogspot.com/2015/07/feud-within-clan-of-manalo-eduardo-v.html

    ReplyDelete
  3. Mabuhay ang Iglesia Ni Cristo...Magpasakop tayo sa pamamahala..

    ReplyDelete
  4. ANg nkakainis lng kasi sa mga SANLIBUTAN na yan mxadong msakit na magsalita: -( .. pero wla kang magawa kundi mag sawalang kibo: -( haist ang hirap nmn..

    ReplyDelete
  5. Kaya natin to mga kapatid. Dito natin malalaman kung sino yung matitibay ang pananampalataya.. natupad lamang po ang sinasabi ng biblia. Na darating ang pagsubok sa iglesia. Kitang kita naman kung sino ang kasangkapan ng demonyo. Kaya dapat lang na magpasalamat tayo sa AMA kasi. Tinatanggal nya ang mga di karapatdapat na maligtas. At alam natin na mahal na mahal tayo ng AMA. Purihin ang DIYOS..

    ReplyDelete
  6. matira matibay na to mga kapatid. huling pagsubok na satin to. magpakatatag tayong lahat

    ReplyDelete
  7. Well,Catholicism has their fair share of problems,pero bumigay sila.
    Orthodox,Protestants,Baptists,Syriac,Assyrian,Yazidi,Coptic,Greek,Church of England ang naging bunga ng pagkakabaha-bahagi nila.

    Muslims has their too.Sunni,Shia,Alawi,Sufi,Ahmadi,Houthi at Yusufiya ang naging bunga ng gulo.

    Buddhists meron din.May Mahayana,Tibetan,Japanese,Chinese at Indian Buddhism

    Tayo.Wala.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.