"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 23, 2015

Ang Iglesia ni Cristo ba ay pag-aari ng "pamilya Manalo"?


Ang Iglesia ni Cristo po ay isang samahang panrelihiyon na katuparan ng hula sa bibliya kung saan ang Iglesia ay lilitaw mula sa malayong silangan sa mga huling araw. At ito nga ay natupad na bumangon sa Pilipinas noong July 27, 1914 sa pamamagitan ng pangangaral ng Kapatid na Felix Manalo, ang sugo ng Diyos sa mga huling araw.

Ganito ang sabi ng ating Panginoong Hesukristo:
"Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kinakailangang sila'y ipasok ko rin at papakinggan naman nila ang aking tinig. Sa gayon, magiging isa na lamang ang kawan at isa ang pastol." Juan 10:16

Sa ibang salin ganito ang sinasabi:

"I have other sheep too. They are not in this flock here. I must lead them also. They will listen to my voice. In the future there will be one flock and one shepherd." John 10:16 ERV

Sabi ng ating Panginoong Hesukristo ay MAYROON SIYANG IBA PANG MGA TUPA na wala sa kulungang yaon na kailangang silay ipasok din at PAPAKINGGAN ANG KANIYANG TINIG. At ang sabi naman sa ibang salin ng bibliya sa HINAHARAP ITO MANGYAYARI, ang sabi IN THE FUTURE THERE WILL BE ONE FLOCK AND ONE SHEPHERD.

Kung mayroon pang mga TUPA si Kristo na wala pa noong panahon niya at sa hinaharap pa sila makakapasok sa kawan, ang tanong ay kailan at saan?

Ganito ang sabi sa bibliya:
"Fear not, for I am with you; I will bring your descendants from the east, And gather you from the west; I will say to the north, "Give them up!' And to the south, 'Do not keep them back!' Bring My sons from afar. And My daughters from the ends of the earth.Isaiah 43:5-6 NKJV

Magmumula pala sila sa SILANGANAN, MULA SA MALAYO. Ayon naman sa Moffatt Translation ang pagkakasalin ay MALAYONG SILANGAN. At ang Iglesia ni Cristo nga ay lumitaw sa PILIPINAS, isang bansa na nasa MALAYONG SILANGAN.

Ang sabi pa sa talata kung ating mapapansin, itoy mangyayari SA MGA WAKAS NG LUPA, from the ends of the earth. Ano ba ang tinutukoy dito?

Ang tinutukoy dito ay ang MGA HULING ARAW. Itong panahon na ito ay nagsimula noong UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG, kasunod ng saktong petsa nung ini-rehistro ang Iglesia ni Cristo sa gobyerno ng Pilipinas-- July 27,1914.


Kanino ang IGLESIA NI CRISTO?

Ang nagtayo ng Iglesia ay walang iba kundi ang ating PANGINOONG HESUKRISTO, hindi po ang Ka Felix Manalo...
"At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya." Mat. 16:18

Si Ka Felix Manalo po ay ISINUGO lamang ng Diyos upang muling maitatag ni Kristo ang kaniyang Iglesia na NATALIKOD pagkawala ng mga apostol..
.
"Na tumatawag ng ibong mangdadagit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin." Isa. 46:11

Natupad kay Ka Felix Manalo ang hulang ito na TAONG magmumula sa SILANGANAN na mula sa MALAYONG LUPAIN. Ito nga ay nang simula niyang ipangaral ang tungkol sa Iglesia ni Cristo na NASA BIBLIYA.
"Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo." Roma 16:16  

Ang IGLESIANG ITO AY KAY KRISTO AT SA DIYOS!
"Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila." Juan 17:9-10 

Ayon sa ating PANGINOONG HESUKRISTO na siyang NAGTAYO NG IGLESIA, ang lahat daw ng sa kaniya ay SA DIYOS at ang lahat ng sa DIYOS ay sa kaniya. Kaya MALINAW NA MALINAW po na ang IGLESIA NI CRISTO AY PAGMAMAY-ARI NG ATING PANGINOONG DIYOS AT NG ATING PANGINOONG HESUKRISTO!


Hindi ba sa "PAMILYA MANALO"?

HINDING HINDI PO. Kinasangkapan lamang ng Diyos si Ka Felix Manalo upang ipangaral ang TUNAY NA IGLESIA na dapat na aniban ng tao para maligtas. Nagkataon lamang din na ang sumunod na lider ay ang kaniyang anak na si Ka Erano Manalo sapagkat siya ang nanalo sa botohan ng mga ministro noong panahon na nangangailangan na ng papalit sa Ka Felix upang manguna sa Iglesia. Noon din ay ibinoto si Ka Eduardo Manalo bilang susunod na magiging tagapamahalang pangkalatatan, meron pong ELEKSYON na nagaganap sa susunod na magiging LIDER ng Iglesia at hindi dahil sa KAMAG ANAK o sa kung ano pa mang bagay.

Isa sa PINAKA MATIBAY NA EBIDENSYA sa kasalukuyan na hindi pagmamay-ari ng "pamilya Manalo" ang Iglesia ni Cristo ay ang pangyayari kung saan napagpasyahang ITIWALAG ng Ka Eduardo ang SARILI NIYANG PAMILYA: Ang kaniyang ina at mga kapatid. 

Sa anong kadahilanan?

Sapagkat nakapagdulot sila ng pagkakabaha bahagi sa Iglesia. Isa sa mga turo ng bibliya na IWASAN ANG PAGKAKABAHA BAHAGI.

"Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin." I Cor. 1:10

ISYU SA PAMILYA NG KA ERDY

Kung nalalaman na nga ninyo ang ugat ng lahat, itoy dahil nagpost ng video sa youtube ang Ka Angel at Ka Tenny kung saan silay NANAWAGAN sa mga kapatid na silay tulungan sapagkat nanganganib DAW ang kanilang buhay.

PANSIN sa bagay na ito:

1. Kung talagang nanganganib ang kanilang buhay, bakit hindi sila sa PULIS magsumbong? O kaya sa NBI? Bakit sa halip ay NANAWAGAN sila sa mga kapatid na wala namang kamalay malay sa mga nangyayari? Kung may nagbanta ba sa buhay mo anong gagawin mo? Mananawagan ka rin ba sa mga kapatid o magtutungo ka sa PULIS na siyang TUNAY na makakatulong sa problema mo?

2. Sa PANANAWAGAN nilang iyon, ang ibig sabihin lamang ay gustong nilang MANGHIKAYAT ng mga kapatid na tumulong sa kanila o sa ibang salita ay gusto nila na MAKISIMPATYA sa kanila ang mga kapatid.

Ang tanong ko naman sa iyo:

Kung ikaw ang nasa posisyon ng Ka Eduardo, bilang pinakamataas na lider ng Iglesia anong gagawin mo?

a. Ititiwalag ang mga gumagawa ng pagkakabaha bahagi, kahit sino pa sila, kahit gaano kataas ang katungkulan sa Iglesia at kahit pa kadugo. Sapagkat hindi naman usaping pang pamilya lamang ang pagkakabaha bahagi kundi itoy seryosong usapin na PANG-IGLESIA.  Kailangang gawin ang pagdidisiplina upang hindi humantong sa mas malalang mga pangyayari.

b. Walang gagawin, hahayaan na lamang na magkaroon ng pagkakabaha bahagi sa Iglesia hanggang sa humantong sa paglaban sa pamamahala at tuluyang masira ang Iglesia ni Cristo.

Ano ang DAPAT NA MANAIG, ARAL NG DIYOS O SARILING KADUGO?

Anong pasya ng Ka Eduardo?

Ayon kay Ka Bienvenido Santiago:

"Dapat malaman ng lahat na ang Iglesia ay hindi isang korporasyon na pampamilya. Ito ay isang relihiyon na ang sinusunod ay ang mga patakaran at mga aral ng Diyos na nakasulat sa Bibliya. Hindi po makapapayag ang kapatid na Eduardo V. Manalo, ang kasalukuyang Tagapamahala, na ang Iglesia ay guluhin ng sinumang tao. Kaya doon sa ginawa nila kagabi ay maliwanag na ang layunin ay makalikha ng mga pagkakabaha-bahagi ay hindi maiiwasan na ipatupad sa kanila iyong mga tuntunin at patakaran ng Iglesia na ipinatutupad ng Tagapamahalagang Pangkalahatan ng Iglesia."

Ano ang damdamin ng Ka Eduardo Manalo?

Hindi ko na po pangungunahan ang damdamin ng Ka Eduardo sa kasalukuyan. Ako nalamang po ang magtatanong sa inyo, kung kayo ang nasa posisyon ng Ka Eduardo, anong mararamdaman nyo???

Sa tingin nyo ba OKAY lang sa Ka Eduardo na pagpasyahan na itiwalag ang sarili niyang mga kapatid, lalo na, ang kaniyang SARILING INA?


Malamang sa malamang ay hindi. Sa ngayon hindi man natin nakikita ang reaksyon ng tagapamahalang pangkalahatan ngunit alam ko, alam natin na NAPAKABIGAT ng kaniyang pasanin sa ngayon. Kung pwede lang makatulong na mabawasan ang kaniyang nararamdaman ay ating gagawin, ngunit ang lahat ng problema sa ngayon ay siyang sumasalo, sa lahat ng sakit at kalungkutan.

Kaya mga kapatid, damayan po natin siya ngayon, ipakita po natin na HINDI TAYO MANGHIHINA, kundi tayoy MAGIGING MATIBAY sa kabila ng mga pagsubok na ito sa ating buhay. Huwag tayong mawalan ng pag asa, andyan ang DIYOS upang tayoy saklolohan.



Walang respeto sa magulang?

Ang akusasyon pa ng iba, masamang anak daw si Ka Eduardo sapagkat hindi daw niya ginalang ang kaniyang ina.

Ngunit TOTOO BA ITO?

Ang pagpapatupad ba ng tuntunin sa Iglesia at ang pagsunod sa ARAL NG DIYOS ay pambabastos sa magulang?

Ano po ba ang sinasabi sa bibliya?

"Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin." Mateo 10:37

Ginawa lamang po ng Ka Eduardo ang NARARAPAT na dapat nating tuluran bilang mga TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO. ANG DIYOS PO ANG DAPAT NA MANAIG SA LAHAT. SIYA AY HIGIT SA LAHAT. KAHIT PA SARILI NATING KADUGO, KAPAMILYA O MGA MAGULANG.

Hindi ibig sabihin nito ay mawawalan tayo ng respeto sa kanila, ang ibig sabihin lamang ang HIGIT NATING IBIGIN AY ANG DIYOS. ANG KANIYANG MGA ARAL ANG DAPAT NATING SUNDIN HIGIT SA ANO PA MAN.

Sa ganitong mga pagkakataon, anong dapat nating gawin?

MANALANGIN.

Isang salita ngunit NAPAKAMAKAPANGYARIHAN at MALAKI ANG MAGAGAWA.

Nawa ay matapos na ang lahat ng ito, magkaayos na ang bawat panig. Dahil ang mga nangyayaring ito, ang IGLESIA ang napapasama sa paningin ng iba.

HUWAG PO TAYONG PADALOS DALOS at MAGING EMOSYONAL MGA KAPATID!

Wala po tayong dapat na PANIGAN. Dahil ang pag panig kaninoman ay pagkakaroon ng PAGKAKABAHA BAHAGI. Manatili po tayong matibay na IGLESIA NI CRISTO hanggang wakas. Kung meron tayong dapat panigan, sa DIYOS TAYO PUMANIG.

Opo, lahat tayo ay nalulungkot sa mga nangyayaring ito, lalo na pag babasahin na ang serkular sa pagtitiwalag sa pamilya ng Ka Eduardo. NAPAKASAKIT sa damdamin, opo, ngunit kailangan itong mangyari.

Huwag po tayong MAG ALALA. Naniniwala ako na parte lamang ito ng PAGDIDISIPLINA. Tandaan po natin, ang pagkakatiwalag ng sinuman ay hindi PANGHAMBUHAY. Pwede po sila magbalik loob at naniniwala ako na silay MAKAKAPAG BALIK LOOB SA IGLESIA, hindi pa nga lang ngayon...


KAPATID, huwag po tayo MAKIKISIMPATIYA sa kanila, at lalo na ang MAKIISA sa kung ano mang ipapanawagan ng grupo ni ANTONIO EBANGHELISTA. Matagal na namin sinasabi sa inyo, ang TUNAY NILANG LAYUNIN ay unti unti na nilang ginagawa, at maisasakatuparan nila iyon kung tayoy MAKIKISANGKOT sa kanila. Dahil ang pakikisangkot sa kanila ay pagtulong upang magawa nila ang tunay nilang plano, 

ANG PABAGSAKIN ANG PAMAMAHALA, PALITAN ANG MGA NASA SANGGUNIAN AT PALITAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.

#akoyhinditatalikod
#akoytunaynaiglesianicristo

2 comments:

  1. I am siding on the one who tells and knows the truth.

    ReplyDelete
    Replies
    1. AND THE TRUTH IS IN THE HOLY BIBLE ALONE AND NOT IN ANYONE ELSE WHO DECEIVE PEOPLE INTO BELIEVING THINGS UNKNOWN TO THEM.

      Delete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.