"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label Ka Eduardo Manalo. Show all posts
Showing posts with label Ka Eduardo Manalo. Show all posts

November 19, 2015

Part 2: Ang tunay na kwento sa likod ng pamilya ng Ka Erano Manalo

Ito po ay isang sulat mula kay Ka Cristina Jurado Menanza (Cousin of Angel's father in law) na galing sa kaniyang FB account. 

Lubos akong sumasampalataya, na sa lahat ng lumalabas na kwento tungkol sa pamilya ng Ka Erano Manalo, ay ito ang pinaka ACCURATE sa lahat. Marami kasing isyu dito ang nabigyang linaw mula sa mga kwentong nagmula kala Kelly Ong at Antonio Ebangelista. 

Kaya napagpasyahan ko na i repost dito sa blog na ito ang liham na isinulat ng isang kapatid na malapit sa pamilya ng Ka Erdy. 

July 23, 2015

Ang Iglesia ni Cristo ba ay pag-aari ng "pamilya Manalo"?


Ang Iglesia ni Cristo po ay isang samahang panrelihiyon na katuparan ng hula sa bibliya kung saan ang Iglesia ay lilitaw mula sa malayong silangan sa mga huling araw. At ito nga ay natupad na bumangon sa Pilipinas noong July 27, 1914 sa pamamagitan ng pangangaral ng Kapatid na Felix Manalo, ang sugo ng Diyos sa mga huling araw.

Ganito ang sabi ng ating Panginoong Hesukristo:
"Mayroon akong iba pang mga tupa na wala pa sa kulungang ito. Kinakailangang sila'y ipasok ko rin at papakinggan naman nila ang aking tinig. Sa gayon, magiging isa na lamang ang kawan at isa ang pastol." Juan 10:16

Sa ibang salin ganito ang sinasabi:

"I have other sheep too. They are not in this flock here. I must lead them also. They will listen to my voice. In the future there will be one flock and one shepherd." John 10:16 ERV

Sabi ng ating Panginoong Hesukristo ay MAYROON SIYANG IBA PANG MGA TUPA na wala sa kulungang yaon na kailangang silay ipasok din at PAPAKINGGAN ANG KANIYANG TINIG. At ang sabi naman sa ibang salin ng bibliya sa HINAHARAP ITO MANGYAYARI, ang sabi IN THE FUTURE THERE WILL BE ONE FLOCK AND ONE SHEPHERD.

Kung mayroon pang mga TUPA si Kristo na wala pa noong panahon niya at sa hinaharap pa sila makakapasok sa kawan, ang tanong ay kailan at saan?

Ganito ang sabi sa bibliya:
"Fear not, for I am with you; I will bring your descendants from the east, And gather you from the west; I will say to the north, "Give them up!' And to the south, 'Do not keep them back!' Bring My sons from afar. And My daughters from the ends of the earth.Isaiah 43:5-6 NKJV

Magmumula pala sila sa SILANGANAN, MULA SA MALAYO. Ayon naman sa Moffatt Translation ang pagkakasalin ay MALAYONG SILANGAN. At ang Iglesia ni Cristo nga ay lumitaw sa PILIPINAS, isang bansa na nasa MALAYONG SILANGAN.

Ang sabi pa sa talata kung ating mapapansin, itoy mangyayari SA MGA WAKAS NG LUPA, from the ends of the earth. Ano ba ang tinutukoy dito?

Ang tinutukoy dito ay ang MGA HULING ARAW. Itong panahon na ito ay nagsimula noong UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG, kasunod ng saktong petsa nung ini-rehistro ang Iglesia ni Cristo sa gobyerno ng Pilipinas-- July 27,1914.

November 19, 2014

Dinu-diyos ba namin ang mga "Manalo"?

(ang larawang nakikita niyo sa gawing kaliwa ay galing sa splendorofthechurch.com.ph)

Nagtataka ako kung saan nanggaling ang kaisipang kami daw na mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ay dinu-diyos daw namin sila Ka Felix Manalo, Ka Erano Manalo at Ka Eduardo Manalo. 

Sabi nila, sinasamba daw namin sila. Itong akusasyon na ito eh narinig ko rin mismo sa mga kakilala ko, hindi lang dito sa internet.

Pero ang tanong, totoo ba na dinu-diyos namin sila at sinasamba?

HINDI PO. Maniwala man kayo o hindi sapagkat labag sa bibliya na sumamba sa mga hindi naman dapat sambahin. Mga TAO lang din silang tulad natin, hindi sila mga DIYOS at hindi sila pinapasamba ng Diyos Ama kaya walang dahilan para ituring namin silang mga Diyos.

Sasabihin ng ilan, eh bakit meron kayong mga larawan o kaya eh mga pigurin nila? Hindi ba katunayan yan na sobra ang pagkilala niyo sa kanila?

HINDI PO. Ang mga larawan nila na makikita nyo sa bahay ng isang miyembro o kaya naman eh makikita din sa PASUGO MAGAZINE ay upang kilalanin at alalahanin sila, bilang mga lider na nagpapagod para sa kapakanan ng Iglesia. Kung sa gobyerno nga lang tulad ni Pangulong Noynoy yung iba merong larawan sa bahay na nakasabit sa dingding, paano pa kaya yung RELIGIOUS LEADER?

Yung mga nakadisplay nilang larawan ay tulad lang din ng mga simpleng larawan natin na dinidisplay at nilalagay sa picture frame, minsan pa nga eh sinasabit sa dingding. Ibig bang sabihin sinasamba din natin at dinu-Diyos yung mga mahal natin sa buhay dahil lang doon?

Ihihirit pa ng iba, eh kung ganun naman pala, eh bakit tingin nyo saming mga katoliko eh sinasamba namin yung mga larawan at rebulto ng mga santo namin at ni Kristo? Hindi ba double standard yan?

HINDI PO, wala kaming double standard. Ang pagturing namin sa mga larawan o rebulto ng aming mga lider ay tulad ng pagturing namin sa mga ordinaryong larawan o rebulto ng aming mga mahal sa buhay o kaya ng ating pambansang bayani. Kahit kelan hindi namin sila ipinantay sa Diyos, ginawang tagapamagitan sa Ama, o mas mataas kay Kristo. Ang mga larawan o rebulto rin nila ay hindi namin dinalanginan, pinaniniwalaang nakakagawa ng mga himala, ipinagpipyesta at kung ano ano pa. Kaya naman malaki po ang kaibahan ng pagturing naming mga Iglesia ni Cristo at ng mga katoliko pagdating dito.

Idudugtong nila, kung ganoon, bakit kailangan nyo pang magkaroon ng mga larawan nila na nakadisplay sa bahay niyo? Bakit meron kayong larawan nila pero larawan ni Kristo wala?

Una po, HINDI TIYAK at walang makapagsasabi ng eksaktong itsura ng ating Panginoong Hesukristo kaya wala kaming larawan niya. Halimbawa, kung si Jake Cuenca ang pumanaw mong anak, tapos ang dinisplay mo sa bahay nyo eh larawan ni Coco Martin dahil kunwari eh nawala na ang lahat ng kaniyang larawan, walang natira ni isa, nasunog na o kaya eh binaha, kaya naman larawan na lang ng ibang tao ang ipinalit mo at in-assume mo nalang na siya iyon para alalahanin. Tingin mo kung nabubuhay pa yung anak mo matutuwa kaya siya kung yung dinisplay mo sa bahay nyo at yung larawan na lagi mong tinitignan at kinakausap pa eh HINDI NAMAN SIYA?

Pangalawa, meron kaming mga larawan sa bahay ng aming mga lider para sa PAGGALANG, PAGKILALA at PAG-ALALA sa kanila ayon sa nasusulat sa bibliya:


"Alalahanin ninyo ang mga dating namumuno sa inyo, ang mga nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo ang kanilang pananampalataya sa Diyos." Heb. 13:7

At sa I Tess. 5:12-13


"Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa."

Sinusunod lamang po namin ang bibliya ukol dito at kailanman hindi namin sila itinuring na parang Diyos at hindi rin namin sila kailanman sinamba. Isa lang ang kinikilala naming Diyos, walang iba kundi ang DIYOS AMA. Wala kaming ibang sinasamba kundi ang Diyos, kasama na ang kaniyang Anak na si Kristo para sa kaluwalhatian ng Ama.