Nagtataka ako kung saan nanggaling ang kaisipang kami daw na mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ay dinu-diyos daw namin sila Ka Felix Manalo, Ka Erano Manalo at Ka Eduardo Manalo.
Sabi nila, sinasamba daw namin sila. Itong akusasyon na ito eh narinig ko rin mismo sa mga kakilala ko, hindi lang dito sa internet.
Pero ang tanong, totoo ba na dinu-diyos namin sila at sinasamba?
HINDI PO. Maniwala man kayo o hindi sapagkat labag sa bibliya na sumamba sa mga hindi naman dapat sambahin. Mga TAO lang din silang tulad natin, hindi sila mga DIYOS at hindi sila pinapasamba ng Diyos Ama kaya walang dahilan para ituring namin silang mga Diyos.
Sasabihin ng ilan, eh bakit meron kayong mga larawan o kaya eh mga pigurin nila? Hindi ba katunayan yan na sobra ang pagkilala niyo sa kanila?
HINDI PO. Ang mga larawan nila na makikita nyo sa bahay ng isang miyembro o kaya naman eh makikita din sa PASUGO MAGAZINE ay upang kilalanin at alalahanin sila, bilang mga lider na nagpapagod para sa kapakanan ng Iglesia. Kung sa gobyerno nga lang tulad ni Pangulong Noynoy yung iba merong larawan sa bahay na nakasabit sa dingding, paano pa kaya yung RELIGIOUS LEADER?
Yung mga nakadisplay nilang larawan ay tulad lang din ng mga simpleng larawan natin na dinidisplay at nilalagay sa picture frame, minsan pa nga eh sinasabit sa dingding. Ibig bang sabihin sinasamba din natin at dinu-Diyos yung mga mahal natin sa buhay dahil lang doon?
Ihihirit pa ng iba, eh kung ganun naman pala, eh bakit tingin nyo saming mga katoliko eh sinasamba namin yung mga larawan at rebulto ng mga santo namin at ni Kristo? Hindi ba double standard yan?
HINDI PO, wala kaming double standard. Ang pagturing namin sa mga larawan o rebulto ng aming mga lider ay tulad ng pagturing namin sa mga ordinaryong larawan o rebulto ng aming mga mahal sa buhay o kaya ng ating pambansang bayani. Kahit kelan hindi namin sila ipinantay sa Diyos, ginawang tagapamagitan sa Ama, o mas mataas kay Kristo. Ang mga larawan o rebulto rin nila ay hindi namin dinalanginan, pinaniniwalaang nakakagawa ng mga himala, ipinagpipyesta at kung ano ano pa. Kaya naman malaki po ang kaibahan ng pagturing naming mga Iglesia ni Cristo at ng mga katoliko pagdating dito.
Idudugtong nila, kung ganoon, bakit kailangan nyo pang magkaroon ng mga larawan nila na nakadisplay sa bahay niyo? Bakit meron kayong larawan nila pero larawan ni Kristo wala?
Una po, HINDI TIYAK at walang makapagsasabi ng eksaktong itsura ng ating Panginoong Hesukristo kaya wala kaming larawan niya. Halimbawa, kung si Jake Cuenca ang pumanaw mong anak, tapos ang dinisplay mo sa bahay nyo eh larawan ni Coco Martin dahil kunwari eh nawala na ang lahat ng kaniyang larawan, walang natira ni isa, nasunog na o kaya eh binaha, kaya naman larawan na lang ng ibang tao ang ipinalit mo at in-assume mo nalang na siya iyon para alalahanin. Tingin mo kung nabubuhay pa yung anak mo matutuwa kaya siya kung yung dinisplay mo sa bahay nyo at yung larawan na lagi mong tinitignan at kinakausap pa eh HINDI NAMAN SIYA?
Pangalawa, meron kaming mga larawan sa bahay ng aming mga lider para sa PAGGALANG, PAGKILALA at PAG-ALALA sa kanila ayon sa nasusulat sa bibliya:
"Alalahanin ninyo ang mga dating namumuno sa inyo, ang mga nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo ang kanilang pananampalataya sa Diyos." Heb. 13:7
At sa I Tess. 5:12-13
"Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa."
Sinusunod lamang po namin ang bibliya ukol dito at kailanman hindi namin sila itinuring na parang Diyos at hindi rin namin sila kailanman sinamba. Isa lang ang kinikilala naming Diyos, walang iba kundi ang DIYOS AMA. Wala kaming ibang sinasamba kundi ang Diyos, kasama na ang kaniyang Anak na si Kristo para sa kaluwalhatian ng Ama.
nkakatuwa tlaga ang mga taong wla ng maituligsa s INC, kc kung cno p talaga ang sumasamba s mga diyus-diyosan ang sya png mlakas ang loob n mgsabi ng kcinungalingan. khit cguro itanong ng mga tga-sanlibutan s isang bata n nkatala s PNK (pagsamba ng kabataan), eh bka matawa lng. Humahanap lng ang mga tga-sanlibutan n ito ng tabla. kc nga sla ang halatang-halata n sumasamba s mga larawan.
ReplyDeleteano kaya ang sasabhin nla kung pumunta sla s mga tanggapan ng gobyerno at nkalagay dun ang picture ng pangulo ng pilipinas, bka pagbntangan dn nlang ang mga tga-gobyerno ay cnasamba ang presidente. nkakatawang kaisipan. gagawa sla ng rebulto o picture man ng taong pra s kanila ay banal tapos luluhuran, dadalanginan at minsan pa ay ipuprusisyon, tapos ibibintang nla s iba ang mali nlang gnagawa. nkakalimiutan kc nlang mag-isip ng tama.
tama ka po jan kapatid. naalala ko po nung katoliko pa lng kame, lumuluhod din kami sa mga rebulto pero ngayon na alam ko na ng mga diyus-diyusan lng yung mga sinasamba namin noon, naisip ko kahit pala simba ako ng simba noon, kaaway pa rin pala ang tingin sa akin ng Ama dahil hindi ako sa kanya sumsamba kundi sa mga rebulto.
ReplyDeleteANG NAGSUSULAT SA HEBREO AY MATAGAL NA SYANG PATAY SI SAN PABLO.NGAYON PAANO MO PAHAHALAGAHAN ANG KANILANG NAGAWA
DeleteDAHIL ISA SYA NAGHIHIRAP PARA SA ATIN SI SAN PABLO. HUWAG NATING SABIHIN NA SI SAN PABLO HINDI NATIN PUEDENG PASALAMATAN DAHIL HINDI NATIN NAKIKITA ANG KANYANG MUKHA. BAKIT MAYRON BSNG NAKAKITA SA ANGHEL O ARCHANGEL PARA GAWAN SILA NG REBOLTO?