Tama po yan, kahit nasan man tayo, kahit pa nasa bahay lang at gumagamit ng internet, dapat nating isa-isip na hindi nawawala ang pagka-KRISTIYANO natin at pagka-IGLESIA NI CRISTO, anuman ang sitwasyon.
Kaya kung tayo po ay gumagamit ng social networking sites, napakaimportante na maghinay hinay lang tayo sa ating mga pinopost o kino-comment, dahil hindi nyo napapansin andami dami na palang nakakabasa non. Kaya nga ang sabi, THINK BEFORE YOU CLICK and before you type.
Eto po paalala lang para sa ating lahat, para maingatan natin ang ating pagka-INC, at para maprotektahan natin ang Iglesia sa kabuuan.
THINGS WE SHOULD NOT POST AS INC MEMBERS:
1.Seal of the Church.
Eto po yung INC logo. Huwag po natin ito gagamitin na profile picture. Halimbawa profile picture natin yung INC logo tapos kung ano-ano pinopost natin o kino-comment syempre para sa ibang nakakabasa noon, baka tayo pa mismo ang makasira ng imahe ng Iglesia. Kaya mas mainam na huwag na lang natin itong gamitin at ipakalat pa dahil baka babuyin lang din ng mga kumakaaway sa Iglesia (na nangyayari na sa kasalukuyan, huwag nang palalain pa).
2.Wacky shots inside the Church. Wacky shots while wearing uniform (toga,saya,kalihim uniform etc.) even outside Church premises.
Yung mga ginagamit nating uniporme sa ating mga pagtupad at pagsamba sa Diyos ay dapat lamang din naman na nasa kaayusan. Suot suot natin ito, tapos parang ang pangit lang po talaga tignan na bigla mag wacky shot diba. Wala namang tututol doon sa punto na ito pag naisip nating mabuti.
3.Shots showing the Tribuna, Koro, and Kaban. Hymns of the Church used in Worship Services. The list of Hymn numbers for Worship Services or Takda.
Yung mga bagay bagay na tayo tayo lang din naman na nakakaalam na mga miyembro eh siguro po ay huwag na nating ipost para di na magamit pa ng mga naninira sa Iglesia at gawan ng kung ano anong kwento at kasinungalingan.
4. Post that take the Lord’s name in vain we dont used expressions like OMG,and all its variations or Dios ko!, jusko, jesusmaryosep or their many playful spellings & variations.
Nasa bibliya po iyan, huwag nating gamitin o banggitin ang pangalan ng Diyos sa mga walang kabuluhang bagay.
5. Profanity even in initials and shorten format like “WTF” or “amp”....
Utos din po sa bibliya ingatan ang dila dahil ginagamit ito sa pagpupuri sa Diyos. Kahit pa sabihing ipost lang eh huwag din po dahil ang tunay na INC hindi nagmumura at hindi gumagamit ng masasamang salita.
6 . Sharing or posting dirty photos, like barely clad women.
Hindi dapat makita sa isang Kristiyano ang kalaswaan, lalo na sa parte ng mga kalalakihan. Iwasan natin ang pagnanasa ng laman at mga makamundong bagay.
7. Horoscope/astrology
Hindi po tayo naniniwala sa mga horoscope at astrology. Yung mga swerte/malas na yan. Yung mga pagbabasa ng kapalaran at ang mga katulad nito.
8. Buddhist or other religious quotation that are not in the Bible.
Kristiyano po tayo, at ang saligan ng ating pananampalataya ay BIBLIYA. Kaya nga tayo Kristiyano-> follower of Christ kasi naniniwala tayo sa BIBLIYA lamang, hindi sa Quran o kung saan man.
9. Greeting posts: celebrations/activities of other religions ex. Valentines day, Christmas etc.
INC po tayo, alam natin ang mga selebrasyon na hindi natin ipinagdiriwang dahil kung makikipagkaisa tayo, ano pang kinaiba natin sa kanila? Eh di sana naging katoliko o protestante na lang din tayo kung ganun lang din.
10.Using INC terms in jokes, green joke, pick up lines
Ang relihiyon at ang Diyos ay hindi isang biro kaya huwag na po natin isali ang Iglesia at lalong lalo na ang pangalan ng Diyos sa mga jokes o pick up lines. Dahil sa halip na seryosohin ang mga bagay bagay eh nangyayari nagiging katatawanan na lang.
11. Comments that attack (directly or otherwise) the sanlibutan or smug, degrading comments about people of the sanlibutan. Comments that attack other religions: lets keep it strictly doctrinal, no personal attack, we promote God's truth so we should not put down people. Propagation should always read positively.
Hayaan lang natin na sila ang umatake satin at tayoy dumepensa lamang dahil natutupad ang sinasabi sa bibliya na tayo ay uusigin. Tayo ay INUUSIG at huwag tayong maging MANG UUSIG. Kung magbabanggit man tayo kahit na alam natin na maaaring ma-offend ang iba eh dapat usaping doktrina lamang at hindi po mga pamemersonal.
12. Sharing superstitious posts or chain posts.
Hindi po tayo naniniwala sa mga pamahiin ng mga matatanda at yung mga chain posts na kapag di mo pinasa sa iba eh may mangyayari sayong masama, hindi po totoo yon.
13. Pictures, videos and whereabouts of our Executive Minister.
Yung mga personal na larawan, mga private videos at mga personal na impormasyon
ng tagapamahalang pangkalahatan ay huwag na nating ipost. Kung mahal natin siya siguro naman po ayaw nating makita na bibababoy yung larawan niya, nilalagyan ng sungay o kung ano ano pa. Mahalaga rin ang seguridad ng pamamahala kaya huwag na tayong magbahagi kung ano man ang ating nalalaman, para sa kanilang kapakanan.
14. Pictures of yourself in improper and unchristian situations:
a) drinking alcohol, doing drugs, drunk
b) bearing firearms
c) Salacious clothing and poses,or absence of clothing or malaswang pananamit.
d) gross posts
e) green jokes
f) Doing activities of other religions ex. Posing with idols during fiesta or posing with a christmas tree.
Hindi ko na ito kailangan ipaliwanag. Tandaan, tayo po ay mga "Kristiyano" at gawin natin ang gawi ng isang TUNAY na Kristiyano.
Mas okay na po na sundin natin ang paalala na ito, meron nga tayong kasabihan, "PREVENTION IS BETTER THAN CURE" :) ______________________________
Gagamitin ko na rin ang pagkakataong ito para ipabatid sa mga kapatid na gumagamit ng facebook. Paki check naman po kapatid baka nakajoin ka sa mga debate groups at nakalike sa mga anti-INC fanpage na ito.
GROUPS
https://www.facebook.com/groups/TatalakaysaIglesianicristodatingdaanbornagain/ https://www.facebook.com/groups/cfd.incdefender/
https://www.facebook.com/groups/559267270854442/
https://www.facebook.com/groups/catholicfaithvsinc123/
https://www.facebook.com/groups/RCCvsINCdebatechallenge/
https://www.facebook.com/groups/453197771473058/
https://www.facebook.com/groups/Labanngkatuwiran/
https://www.facebook.com/groups/catholicsopenforum/
https://www.facebook.com/groups/ipagtanggol.pananampalataya/ https://www.facebook.com/groups/486839268112862/
https://www.facebook.com/groups/Catholicvs
https://www.facebook.com/groups/incvscath/
FANPAGES
https://www.facebook.com/…/The-Splendor-of-…/159157594193295 https://www.facebook.com/trueiglesia
https://www.facebook.com/iglesiacult
https://www.facebook.com/thetruthaboutiglesianicristo
LEAVE NA PO TAYO SA MGA DEBATE GROUPS NA NASA ITAAS AT UNLIKE PO NATIN ANG MGA ANTI INC FANPAGES KUNG SAKA SAKALI. Saka importante po, kapag ileave group nyo ang mga ito, check nyo po yung box na "PREVENT OTHER MEMBERS FROM RE-ADDING YOU" para di na ulit kayo maisali doon.
Nilista po namin yung mga magugulong debate groups na dapat na nating lisanin na mga INC members, lalo na dahil ang mga nabanggit sa itaas ay puro taga sanlibutan mga admin kya wag na po tayo magtaka. Wala po tayong makikita dyang maaakay dhil karamihan po ng nandyan ay sarado na ang pag iisip, maniwala po kayo. Kapag sila sila nalang ang nasa group na yon magsasawa din sila, hanggat wala kasi silang naaasar di sila titigil. At hanggat maaari nga po, kung pwede lang eh huwag na tayo sumali sa mga debate groups at makipagdebate.
Maraming salamat po sa pakikiisa.
November 19, 2014
5 comments:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Just wanna point out that there's nothing wrong with carrying guns per se. Hunting is a completely legitimate occupation that doesn't violate any teaching as long as you do it sustainably and you make use of the captured game for food or clothing or some other decent purpose.
ReplyDeleteBut yes, I see where this could turn south if people photoshop things to look like we're shooting something other than animals or pottery. Still it's really kinda sad that it has to be this way and really shows how low the bedeviled will go to achieve their ends.
Buti may guide na ganito, pero those who needs this guide badly does not know this. I'll help spreading this guide, maybe, this can help them think clearly and prevent them from being so dogmatic.
ReplyDeleteThe Do's and Dont's in using social networking sites. Thank you Ka Readme
ReplyDeleteNapakagandang Gabay
ReplyDeleteDapat sa lahat ng mga kapatid na may FB,Twitter at Instagram ay dapat may ethics tayo di tulad ng iba.
ReplyDelete