Tama po yan, kahit nasan man tayo, kahit pa nasa bahay lang at gumagamit ng internet, dapat nating isa-isip na hindi nawawala ang pagka-KRISTIYANO natin at pagka-IGLESIA NI CRISTO, anuman ang sitwasyon. Kaya kung tayo po ay gumagamit ng social networking sites, napakaimportante na maghinay hinay lang tayo sa ating mga pinopost o kino-comment, dahil hindi nyo napapansin andami dami na palang nakakabasa non. Kaya nga ang sabi, THINK BEFORE YOU CLICK and before you type.
Eto po paalala lang para sa ating lahat, para maingatan natin ang ating pagka-INC, at para maprotektahan natin ang Iglesia sa kabuuan.