Hindi ko na sana to ipopost, pero natutuwa kasi ako sa style ng isang katolikong defender, na bigla na lang nagtanong kunwari sa isang FACEBOOK post, yun pala ay may gustong palabasin na hindi masabi sabi, at sa huli, lumalabas ang totoong kulay. Sa katotohanan, marami ring ganyang style ngmga katoliko dito sa internet, kunwari magtatanong, yun pala makikipag argumento. Eto po ang sagutan namin, na kung mapapansin nyo kahit anong mangyari ay mahinahon ako at may paggalang pa rin^^
Tips na rin to sa mga kapatid, lagi po tayong maging magalang, mahinahon, at mapagkumbaba. Kahit anong gawin nilang pang aasar sa atin, dapat cool lang tayo at wag papaapekto, hayaan nyo silang magsalita ng kung anong gusto nilang sabihin kung yun ang paniniwala nila, kasi ang realidad, kahit naman anong sagot natin sa kanila o kahit anong pilit na ipakita ang katotohanan sa kanila, hinding hindi po magbabago ang kanilang opinyon at impression sa atin.
Kaya mas maganda na, na maging mapagkumbaba na lang tayo at maging mahinahon, kasi pag napikon tayo, tayo ang TALO nun.^^ Natalo nila tayo kasi nagpaapekto tayo sa mga pang aasar nila, sa mga trick nila. Natuto nako, kasi dati ganyan din ang paraan ko nun, na para bang naaasar ako, nagagalit at iba pa, ngayon naman, mahinahon na ko makipag argumento, kasi sa huli lahat ng debate na pag naaasar ka o naiinis ay wala rin magandang kinakalabasan, walang resulta, sayang lang effort.
Eto na po ang naging pag uusap namin ni
Mr. Mark Louie Cantor, obserbahan nyo po:
Napansin nyo ba ang kaniyang mga style? Tara at isa isahin natin:
1. Kunwari magtatanong, pero ang gusto talaga eh makipag argumento.
2. Kunwari nagtatanong lang, pero pag nasagot naman ipipilit pa rin ang gustong palabasin.
3. Maang maangan, hindi daw sya nakikipagdebate pero pinipilit yung gustong palabasin, hindi makuntento kahit nasagot na yung tanong.
4. Paawa epek- kunwari magpapadoktrina na sana pero nagbago daw isip dahil sa mga sinabi ko, pero biglang bawi, proud Catholic pala sya.
5. Pag hindi nakuha ang gustong mangyari, ang innexpect nya, saka ilalabas ang tunay na kulay.
6. Tamad tamaran style, ayaw maghanap gusto susubuan pa.
7. Misunderstanding style, imimisunderstand yung mga sinasabi ko para magmuka akong sinungaling.
8. Lihis topic style, kung mapapansin natin ang pinaka una nyang tanong ay tungkol lang sa kung bakit wala daw kapilya na nagiging evacuation center, tas napunta kay Charice, anong konek???^^
Tapos, nagsumbong pa sya sa sinampulan naming ireport na FB fan page, okay na lang sana kung magpost sya sa wall ng FAN PAGE na yun kaso ayun at nagsinungalinga pa, eto ang sabi:
Sa Admin ng Grupo ng Ito:
Nagbabalak po si readme na alisin at idelete ang group na ito sa pamamagitan ng pag-announce sa kanyang fanpage na ireport ang group na ito sa facebook at ibang facebook groups, pages at facebook accounts na mahilig manuligsa sa kanila, para walang sumagabal sa kanila sa paninira sa Iglesia Katolika, ganyan sila kabias, dahil diyan pinaaalalahanan ko rin po lahat ng members ng group na ito na mag-ingat na binabalak po ng mga INC na idelete ang mga facebook accounts ninyo at ihack........maraming salamat po.....
Ano daw? Anong kapangyarihan namin magdelete ng mga facebook accounts at ihahack daw namin ang mga ito? Pasensya na po hindi po namin yan gawain, siguro gawain nyo yan no... hahaha
Ito po ang pambubuking sa mga style ng isang Katoliko na isa palang ANTI-RH BILL advocate, wow, buti ka pa sumusunod sa Catholic Church, pero yung ibang mga pari, obispo at mismong mga katoliko ay mga PRO-RH BILL. Hindi ko na sana ito ipopost kung di ka lang sinungaling.^^
Tungkol sa pagtulong: Alam nyo, walang masamang tumulong, kanya kanya tayo ng paraan ng pagtulong sa iba, kaya kung TOTOO at BUKAL SA PUSO nyo ang pagtulong nyo, WALANG BILANGAN, at dapat hindi nyo IPINAPAMUKHA sa iba ang patulong nyo. At PLEASE, exempted ang INC dahil hindi namin ipinapamukha ang pagtulong namin, kahit na nagkamit pa ng 3 world records ang pinakamalaking LINGAP namin, hindi kami pupunta sa isang blog/website/forum/social networking site at sasabihin, "E BAKIT KAYO WALA NITO? BUTI PA KAMI, HINDI PALA KAYO MAKAKRISTYANO PAG GANYAN", wala pong ganun samin^^ At kung sasabihin nyong kesyo bakit binobroadcast pa sa tv ang pagtulong, normal lang yun, kasi HISTORIC ang nangyari sa tondo at sa mga normal na lingap naman, para naman makita nyo kung saan napupunta ang mga handog namin, na inaakusahan nyo ang INC na binubulsa lang ng mga ministro at ng mga "Manalo" ang handog namin. Siguro sa church nyo, panigurado, nasa history may corruption, samin po hindi uso yan.^^
______________________________
"Mag-ingat kayo na huwag gawing pakitang-tao lamang ang inyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Kung magkagayon ay hindi kayo tatanggap ng gantimpala sa inyong Ama sa langit. Kaya nga, kapag ikaw ay namamahagi sa mga kahabag-habag, huwag mong hipan ang trumpeta na nasa harap mo, gaya ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan. Ginagawa nila ito upang sila ay luwalhatiin ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Kung mamahagi ka sa mga kahabag-habag, huwag mo nang ipaalam sa iyong kaliwang kamay kung ano ang ginagawa ng iyong kanang kamay. Sa gayon, maililihim ang iyong pamamahagi sa mga kahabag-habag. Ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay magbibigay ng gantimpala sa iyo nang hayagan." Mateo 6:14