"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

November 6, 2014

Ang pagkakaisa ay lakas



Naniniwala ba kayong ang PAGKAKAISA AY LAKAS? 

Unity is strength ika nga sa english.

Wala sa bilang ang lakas, kundi nasa pagkakaisa.

Takang taka ang karamihan na mga di kaanib ng Iglesia, sabi nila ang konti nyo lang naman wala pang 5% sa  populasyon ng Pilipinas pero panong nakapagpapatayo kayo ng milyon milyong pisong halaga ng mga kapilya nyo? Meron pa kayong mga binibiling properties sa ibang bansa na milyon milyon din ang halaga, meron pang mga ospital, paaralan, mga resettlement projects, pati na yung Philippine Arena. Saan nanggaling yung perang ginugol nyo para dito?

Sa pagtataka nilang ito, hindi nila maiwasang mag isip na kesyo tumatanggap kami ng pera mula sa mga pulitiko, o kaya naman eh merong mga negosyo ang Iglesia o kaya naman eh todo todo daw ang "panghuhuthot" o ang dami dami daw abuluyan kaya ganun.

Kapag naman sinasabi namin na GALING LAMANG ITO SA MGA KUSANG LOOB NA HANDOG ng mga kaanib, ayaw nilang maniwala.

Pati nga yung kaisahan sa pagboto na isinasagawa namin pinagtatakhan nila, sabi nila PANO NYO NAGAGAWA NA MAGING MAIMPLUWENSYA SA PULITIKA SA PAMAMAGITAN NG BOTO NYO EH ANG KONTI NYO LANG NAMAN.

Kung ano ano pa sasabihin nila, kesyo bine-brainwash daw ang mga kaanib kaya ibinoboto ang pasya ng lider, o kaya eh tinatakot na ititiwalag o kung ano pa man. Andyan din yung sinasabing MAY KAPALIT DAW na pera ang pagsuporta ng Iglesia sa mga kandidato, may bidding daw na nagaganap, kung sino may pinakamalaki yun daw sinusuportahan. At syempre ibabanat nila, kesyo sikreto lang daw kasi ng namamahala yun kaya daw hindi namin alam.

Kung alam lang nila, at kung mag-Iiglesia sana sila eh malalaman nila na lahat ng mga iniisip nila ay WALANG KATOTOHANAN.

Unang una, ang tagumpay ng Iglesia ni Cristo ay walang iba kundi dahil sa Diyos.

Pangalawa, ang formula para magawa ang lahat ng ito ay isa lang, PAGKAKAISA.

Kahit gaano pa kayo kakonti sa bilang, bastat kayoy nagtutulungan at nagkakaisa, kayoy magtatagumpay. Kumpara sa marami nga kayo sa bilang, hindi naman kayo nagkakaisa, nagkakaiba iba pa nga kayo ng pananaw at nag aaway pa, KABIGUAN lang ang ibubunga non.

Parang VOLTES V lang at POWER RANGERS (naku naka relate ang mga isip bata hehe), hanggat hindi nila kino-combine yung katawan nung robot o kung ano man klaseng nilalang yon, hindi nila natatalo ang kalaban. 

Kaya nga ang Iglesia ni Cristo ay itinulad sa isang TAO, si Kristo ang ulo at ang Iglesia ang katawan. Gumagana ang mga parte ng katawan mo base sa gusto mo, dahil isa lang ang utak mo at konektado ito sa ating katawan. Kung may kani-kaniyang utak ang bawat parte ng katawan natin, e di magulo ang buhay mo sa pang araw araw. Ngayon, tungkol naman sa Iglesia, kahit may kaniya kaniyang pag iisip ang myembro, dapat manaig ang namamahala para maging maayos ang takbo nito. Pakikipag-cooperate ang tawag doon. Kaya nga nung tayoy nag aaral pa, kung merong members merong LEADER. Pwedeng magsuggest ang members pero sa huli ang masusunod ay ang LEADER, kaya kung may ayaw man na miyembro eh kelangan niyang magpaubaya sa magiging desisyon ng leader para naman maging maayos at matagumpay ang kung ano man ang gusto gawin.

Sabi nga ni Ka Felix Manalo nung siyang nabubuhay pa:

"Ang pagkakaisay mabuti, sapagkat ang pagkakaisay lakas at kapangyarihan. Malaki ang nagagawa at maraming nayayari ang ibinubunga." 

"Ibig kong magkaisa ang lahat nang ayon sa kalooban ng Diyos, at hindi sa kalooban ng mga tao, upang masaklaw ng katuwiran ng Diyos sa ikapaghahari ng Diyos sa mga tao, kung paano sa langit ay gayon din naman sa lupa. Itoy hindi mahirap kung itatanggi ang sarili ng bawat isa at susunod sa hulihan ni Hesus na papasanin ang kaniyang pamatok." (from "Ang pagkakaisang Ebangheliko" published in March 1939)

At ang sabi sa bibliya:


"Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin." I Cor. 1:10

Kaya naman merong KAISAHAN sa loob ng Iglesia ni Cristo, di tulad ng ibang relihiyon, kung kaya nakakamit ang PAGTATAGUMPAY dahil dito, at lalo na dahil sa pakikisama ng Ama. Kaya mga kapatid, huwag po tayong magsasawang makipagkaisa sa namamahala sa atin, sapagkat silay instrumento ng Diyos para tayoy pangalagaan at gabayan tungo sa daan na patungo sa Diyos.

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.