Pero sa kanilang mga katanungan at opinyon na tulad nito, bakit nga ba talaga? ano nga ba talagang dahilan kung bakit kaming mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ay hindi nakikisama sa paggunita ng mga namatay ng mahal sa buhay tuwing Nov.1? At bakit hindi rin kami nakikisama sa mga kaugalian tuwing halloween?
Eto ang sagot...
Kaya hindi kami nagdiriwang ng araw ng mga patay at ng halloween ay dahil:
1. Mula sa pagano ang mga pagdiriwang na ito.
2. May mga aral ang Iglesia Katolika ukol dito na taliwas sa tinuturo ng bibliya.
3. Ang pagdiriwang na ito ay wala sa bibliya at hindi ipinagdiwang ng mga unang Kristiyano.
4. Wala ang practices ng halloween sa bibliya at hindi ipinagdiwang ng mga unang Kristiyano.
5. Magulo ang aral nila, Araw ng mga patay daw pero "ARAW NG MGA SANTO" ang Nov.1
Maaaring sabihin ng ilan, naku readme inaatake mo na naman ang mga katoliko wala namang basehan ang mga pinagsasasabi mo.
Hayaan nyong talakayin natin isa isa ang mga ito.
Halloween
Ano ang Halloween?
"Halloween or Hallowe'en (/ˌhæləˈwiːn, -oʊˈiːn, ˌhɑːl-/; a contraction of "All Hallows' Evening"), also known as Allhalloween, All Hallows' Eve, or All Saints' Eve, is a yearly celebration observed in a number of countries on 31 October, the eve of the Western Christian feast of All Hallows' Day. It initiates the triduum of Allhallowtide, the time in the liturgical year dedicated to remembering the dead, including saints (hallows), martyrs, and all the faithful departed believers" source: wikipedia
Kelan ito sinimulang ipagdiwang, at saan ito nagmula?
Pagtyagaan po sana nating basahin, ayon sa pagbubunyag ng paring katoliko na si Fr. William Saunders:
"Now for the Halloween connection: Nov. 1 marked Samhain, the beginning of the Celtic winter. (The Celts lived as early as 2,000 years ago in England, Scotland, Wales, Ireland and northern France.) Samhain, for whom the feast was named, was the Celtic lord of death, and his name literally meant "summer's end." Since winter is the season of cold, darkness and death, the Celts soon made the connection with human death. The eve of Samhain, Oct. 31, was a time of Celtic pagan sacrifice, and Samhain allowed the souls of the dead to return to their earthly homes that evening. Ghosts, witches, goblins and elves came to harm the people, particularly those who had inflicted harm on them in this life. Cats, too, were considered sacred because they had once been human beings who had been changed as a punishment for their evil deeds on this earth.
To protect themselves from marauding evil spirits on the eve of Samhain, the people extinguished their hearth fires, and the Druids (the priests and spiritual teachers of the Celts) built a huge new year's bonfire of sacred oak branches. The Druids offered burnt sacrifices — crops, animals, even humans — and told fortunes of the coming year by examining the burned remains. People sometimes wore costumes of animal heads and skins. From this new fire, the home hearths were again ignited.
Particular ethnic groups developed their own lore, which was merged with the celebration. In Ireland, people held a parade in honor of Muck Olla, a god. They followed a leader dressed in a white robe with a mask from the head of an animal and begged for food. (Ireland is also the source of the jack-o-lantern fable: A man named Jack was not able to enter heaven because of his miserliness, and he could not enter hell because he played practical jokes on the devil; so he was condemned to walk the earth with his lantern until judgment day.)
The Scots walked through fields and villages carrying torches and lit bonfires to ward off witches and other evil spirits.
In Wales, every person placed a marked stone in the huge bonfire. If a person's stone could not be found the next morning, he would die within a year.
Besides the Celtic traditions in place, the Roman conquest of Britain in A.D. 43 brought two other pagan feasts: Feralia was held in late October to honor the dead. Another autumn festival honored Pomona, the goddess of fruits and trees; probably through this festival, apples became associated with Halloween. Elements of these Roman celebrations were combined with the Celtic Samhain." source: catholicculture.org
Mismong paring katoliko na ang nagsasabi, na ang HALLOWEEN ay galing sa mga kaugaliang PAGANO. Ang mga tunay na Kristiyano kailanman ay hindi makikiisa sa mga gawaing pagano.
All Saints Day
Ano ba ang All Saints Day?
"All Saints' Day, also known as All Hallows, Solemnity of All Saints, or Feast of All Saints is a solemnity celebrated on 1 November by the Catholic Church and various Protestant denominations, and on the first Sunday after Pentecost in Eastern Catholicism and Eastern Orthodoxy, in honour of all the saints, known and unknown. The liturgical celebration begins at Vespers on the evening of 31 October and ends at the close of 1 November. It is thus the day before All Souls' Day." source: wikipedia
Kelan ba ito sinimulang ipagdiwang?
"By the late fourth century, this common feast was celebrated in Antioch, and Saint Ephrem the Syrian mentioned it in a sermon in 373. In the early centuries, this feast was celebrated in the Easter season, and the Eastern Churches, both Catholic and Orthodox, still celebrate it then. The current date of November 1 was instituted by Pope Gregory III (731-741), when he consecrated a chapel to all the martyrs in St. Peter's Basilica in Rome and ordered an annual celebration. This celebration was originally confined to the diocese of Rome, but Pope Gregory IV (827-844) extended the feast to the entire Church and ordered it to be celebrated on November 1." source: catholicism.about.com
Ang selebrasyon palang ito ay ginawa para sa mga SANTO, kilala man o hindi. Kaso tayong mga Pilipino nakasanayan na tawagin itong ARAW NG MGA PATAY, dito palang mali na. Hindi rin pala ito practice ng mga sinaunang Kristyano, kasi nung 4th century lang ito nagpasimulang ipagdiwang, si Pope Gregory III ang nagpanukala na iselebrate ito ng Nov. 1 noong 8th century at pangkalahatan itong ipinagdiwang noon lamang 9th century sa utos ni Pope Gregory IV.
All Souls Day
Ano ang All Souls Day?
"All Souls' Day is a day of prayer for the dead, particularly but not exclusively one's relatives." source: wikipedia
Kailan ito sinimulang ipagdiwang, at saan ito nagmula?
"Some believe that the origins of All Souls' Day in European folklore and folk belief are related to customs of ancestor veneration practised worldwide, through events such as the Chinese Ghost Festival, the Japanese Bon Festival. The Roman custom was that of the Lemuria.The formal commemoration of the saints and martyrs (All Saints' Day) existed in the early Christian church since its legalization, and alongside that developed a day for commemoration of all the dead (All Souls' Day). The modern date of All Souls' Day was first popularized in the early eleventh century after Abbot Odilo established it as a day for the monks of Cluny and associated monasteries to pray for the souls in purgatory. However, it was only much later in the Medieval period, when Europeans began to mix the two celebrations, that many traditions now associated with All Souls' Day are first recorded." source: wikipedia
Pati ang All Souls Day pala ay may koneksyon pa rin sa mga kaugaling PAGANO. Pagkatapos ng 3rd century lang pala ito naimbento, ipinagdiriwang ito ngunit hindi pa tuwing Nov.2, nagsimula itong ipagdiwang noong Nov. 2 after Medieval period, 11th century onwards.
Ang mga doktrina at paniniwalang wala sa bibliya
Ayon sa paniniwala ng iba, ang kaluluwa daw at espirito ay IISA LANG, totoo ba ito?
Eto ang sagot ng bibliya:
"Nawa'y lubusan kayong gawing banal ng Diyos na siyang nagbibigay ng kapayapaan. At nawa'y panatilihin niyang walang kapintasan ang buo ninyong katauhan, ang espiritu, kaluluwa at katawan, hanggang sa pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo." I Tess. 5:23
Ang katauhan pala natin ay binubuo ng 3: ESPIRITU, KALULUWA AT KATAWAN. Iba pala ang espirito sa kaluluwa, di tulad ng nakasanayan nating paniwalaan.
Tanong: Imortal ba ang kaluluwa na kapag namatay ang tao ay aalis ito sa katawang lupa at pupunta na sa purgatoryo, langit o impyerno?
"Akin ang buhay ng lahat ng tao, maging sa ama o sa anak, at ang kaluluwang magkasala ay mamamatay." Eze. 18:4
Hindi naman pala IMORTAL ang kaluluwa kundi namamatay ito ayon sa bibliya.
Sabi nga nila, yun nga, pagkamatay na pagkamatay daw ng tao ay diretso na ang kaluluwa nito sa langit kapag mabuti, pag masama sa impiyerno, kapag alanganing masama at mabuti ay sa PURGATORYO.
Totoo ba ang paniniwalang ito?
"and the dust returns to the earth as it was, and the spirit returns to God who gave it." Ecc. 12:7
Pagkamatay pala ng tao ang katawang lupa natin ay babalik sa pagiging alabok, ang ESPIRITU naman natin ay babalik sa Diyos na siyang nagbigay satin.
Sabi sa bibliya, ang kaluluwa ay kasama ng katawang lupa.
"Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa." Awit 44:25
Kaya nga ganito ang sabi sa Gen. 3:19:
"...Dahil sa alabok, doon ka nanggaling, sa lupang alabok ay babalik ka rin."
Nanggaling tayo sa alabok, kaya babalik din tayo sa pagiging alabok at tama nga ang bibliya sa pagsasabi nito...
Ang PURGATORYO
Ang tanong naman ngayon, meron ba talagang PURGATORYO?
Sagot: Wala. From cover to cover ng bibliya, wala tayong mababasang PURGATORYO. Imbento lamang ito ng Iglesia Katolika noong 12th century:
"Medievalist Jacques Le Goff defines the "birth of purgatory", i.e. the conception of purgatory as a physical place, rather than merely as a state, as occurring between 1170 and 1200." source: wikipedia
Isa pang tanong: Saan ba manggagaling ang mga patay sa Araw ng Paghuhukom? Sa Purgatoryo ba?
Hayaan nating ang bibliya ang sumagot nito:
"Huwag ninyong ipanggilalas ito: sapagka't dumarating ang oras na ang lahat ng nangasa libingan ay makaririnig ng kaniyang tinig, At magsisilabas; ang mga nagsigawa ng mabuti, ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol." Juan 5:28-29
Ang mga patay pala ay magsisilabas mula sa libingan. Walang sinasabi ang Biblia na manggagaling sila mula sa Purgatoryo patungo sa langit.
At kahit hindi na natin pagbasehan ang bibliya, isipin mo na lang, kung totoong pagkamatay ng tao diretso agad ang kaluluwa sa LANGIT, IMPYERNO O PURGATORYO, tanong, PARA SAAN PA ANG ARAW NG PAGHUHUKOM? Kung dumiretso ka na agad sa langit o impyerno, bakit kailangan pang hatulan? Ibig bang sabihin kung nasa impyerno kana may chance ka pang mapunta sa langit o kaya naman eh nasa langit kana may chance ka pa ring mapunta sa impyerno? Ang gulo naman nun?
Ang mga sinasapian, multo at zombie...
Maaaring itanong ng ilan, kung totoong namamatay ang kaluluwa at hindi sila gumagala gala pa sa mundong ito, ano yung napapanood namin sa tv na sinasapian, tapos meron pang nakikitang mga multo?
Hindi po totoo ang mga MULTO o mga kaluluwang pagala gala na hindi daw matahimik. Pwede nyong i-search sa internet ang mga patotoo ng mga scientists at mga paliwanag nila tungkol sa mga kwento ng mga tao kung saan nakaramdam daw sila o nakakita ng multo. Sa bibliya po tayo maniwala na ang kaluluwa ay namamatay at huwag sa mga kwento kwento lamang.
Tanong: Kung nakakapanood tayo sa tv na sinasapian, ang sumasapi ba ay mga kaluluwa ng mga namatay?
Sagot: Hindi. Ang sumasapi sa tao ay ang MASASAMANG ESPIRITU o ang mga demonyo at hindi ng mga kaluluwa ng mga mahal natin sa buhay. Totoong may mga sinasapian, dahil recorded din sa bibliya na may mga taong sinapian ng mga masasamang espiritu o ng mga demonyo. Isa lang ito sa ilang pangyayari sa bibliya:
"Nang dumating si Jesus sa kabilang ibayo, sa lupain ng mga Gadareno, sinalubong siya ng dalawang lalaking sinasapian ng mga demonyo. Sila ay nakatira sa libingan. Napakababangis nila kaya't walang sinuman ang dumaraan doon." Mateo 8:28
Eh ang mga zombie, kasama na ang multo, totoo ba ang mga ito?
Ito ang sinasabi sa bibliya:
"Ngunit ang tao kapag namatay, iyon na ang kanyang katapusan, pagkalagot ng kanyang hininga, saan naman kaya siya pupunta? Ngunit ang tao kapag namatay hindi na babangon hanggang ang langit ay maparam." Job 14:10,12
Pag ang tao daw ay namatay yun na ang katapusan niya kaya ang patay HINDI NA BABANGON hanggang ang langit ay maparam.
Ang taong patay na ay hindi na MAKAKABALIK SA MUNDO:
"Tulad ng ulap na napapadpad at naglalaho, kapag namatay ang tao, di na siya makakabalik sa mundo. Hindi na siya makakauwi kailanman, mga kakilala niya, siya'y malilimutan." Job 7:9-10
Kaya ngayon po sinasabi ko na HUWAG PO TAYONG MATAKOT SA MGA MULTO AT ZOMBIE dahil hindi ito totoo. Muli, kung meron man kayong maririnig na mga kwento, hindi po ito kaluluwa ng mga namatay, kundi mga MASASAMANG ESPIRITU at MGA DEMONYO.
Ang pagdarasal sa mga patay
Ngayon naman, eto tanong, MAY KABULUHAN BA ang kaugalian ba ng mga katoliko kung saan ipinagdarasal nila ang mga namayapa nilang mahal sa buhay taon taon para daw maialis sila sa purgatoryo?
"Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan. Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw. " Ecc. 9:5-6
Wala pong kabuluhan kahit ipagdasal pa natin sila araw araw ng 1buong taon dahil HINDI NA NALALAMAN NG PATAY ANG ANUMANG BAGAY, AT WALA NA SILANG ANUMANG BAHAGI SA ANUMANG BAGAY na nangyayari dito sa mundong ito. Sayang lang ang effort kung wala rin namang kabuluhan iyon, lalo na kung hindi rin naman makakatulong ang ating mga panalangin sa kanila.
Ang tao ay HUHUKUMAN base sa nagawa nila nung silay nabubuhay pa lamang. Kaya habang buhay pa tayo dapat nating gawin ang tama, sumunod sa mga utos ng Diyos hanggang wakas.
"Sapagka't tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo; upang tumanggap ang bawa't isa ng mga bagay na ginawa sa pamamagitan ng katawan, ayon sa ginawa niya, maging mabuti o masama." II Corinto 5:10
Sabi nga sa bibliya:
“In particular, I want to urge you in the name of the lord, not to on living the aimless kind of life that pagans live. Intellectually they are in the dark, and they are estranged from the life of God, without knowledge because they have shut their hearts to it.” (Eph. 4:17-18, Jerusalem bible)
Huwag daw tayong makitulad sa paraan ng pamumuhay ng MGA PAGANO. Yan ang utos ng Diyos, kaya kami bilang mga Iglesia ni Cristo, sinusunod lamang namin ang mga kautusan niya.
sa doktrina pa lang po itinuturo na na bawal ang pagtitirik ng kandila sa puntod ng mga kamag anak nating namatay na. maging ang purgatoryo po ay hindi talaga mababasa sa bibliya. kaya nga po sobrang swerte ko po na isa ako sa mga natawag sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Ang sabi nga sa bibliya, hindi lahat ay mkakapasok sa kaharian ng langit. Thank you po Ka. Readme dahil ginawa niyong topic ito . dagdag kaalaman na rin po sa mga ngsisiyasat sa mga aral na tinuturo sa loob ng Iglesia Ni Cristo.
ReplyDeleteKa Readme Pwede niyo po ba talakayin ang nawawalang Araw, at natagpuan kay Josue? nabalitaan ko lang po itinexto daw po sa pamamahayag sa Tondo di ko po napakinggan sayang namanpo... dagdag kaalaman din po, Maraming Salamat po
ReplyDeleteBakit takot ang INC na makipagdebate sa muslim?
ReplyDeleteFYI Magkaiba po ang Koran at biblia
DeleteDahil kapag natalo ng INC ang mga muslim. Sigurado, titirahin ng mga baril at bomba araw araw ang mga kapilya namin. Kaya, ayaw makipagdebate alang alang sa mga kapatid, at hindi na kailangan sapagkat, kitang kita naman kung anong relihiyon ang muslim. Pagsinabing muslim? allah Akbar!
DeleteKung bakit naman kasi makikipagdebate na lang kayo pagdadalhin nyo pa ng itak ung member nyo.
Deletetama
Deletehindi po takot mkpagdebate ang INC s muslim o islam. magkaiba lng po tau ng paniniwala at magkaiba po ang batayan natin ng ating pananampalataya. papanu magdedebate at papanu mo idedepensa ngaun ang paniniwala mo n iba nman ang basehan mo? khit n minsan nagbabasa ng biblia ang muslim, pero magkaiba po tau ng paniniwala. bagaman parehong naniniwala ang INC at muslim n iisa lamang ang tunay na Dios at ang Panginoong Jesucristo ang sinugo ng Dios at hindi sia Dios.
DeleteHindi naman sa takot. Unang una ang kelangan dapat mo mapansin ang inyong ang aklat ay iba sa aklat ng kristyano. Kaya kung pag babatayan mo ang inyong aklat ay lalabas talaga na kayo ang tunay. Pero kung pag kakaisahin sa debate na ang gagamitin or pag babatayan na aklat ay ang BIBLIYA ay matatalo kayo dahil sa bibliya ng salita ng Diyos wala kang mababasa na ang muslin ay maliligtas . Marami din na lalabas na talata na laban sa inyo . Kaya hindi nakikipag debate ang iglesia sa muslim.
ReplyDeleteAyon sa aking opinyon :) peace po tayo. Akin lamang sinagot ang iyong katanungan
Magandang sagot kapatid.
DeleteTama nga naman, walang matatalo, walang mananalo kung magkaiba ang batayan.
Gawing isa ang batayan upang may pagdebatehan.
para sa aking pananaw lang po ..wla ni isa sa atin ngayon kung anung bibliya ang tunay at totoo kc malaking palaisipan sakin na bakit kung saan pa pinanganak c jesus christ na lugar at sa mga lugar na pinasyalan niya is ang mother religion nila is ISLAM o muslim ...kaya d natin masasabi na mas tama ang ginaamit niyong biblya kesa sa Quran nila ... isipin niu nlang kunwari kung jan sa pinas pinanganak c jesus christ sa tingin niu sino ang unang makakarinig sa mga payo niya ?kami bang andito sa middle east? dba kayo na taa jan mismo na makakasaksi??..peace po tau im not a muslim ah a christian also ...
DeleteSUBUKAN NYONG MAKIPAG DEBATE SA CHRISTIAN (BORN AGAIN) PAREHO KAYO NG MAGIGING BATAYAN PUNONG TAGAPAMAHALA LABAN SA PUNONG TAGAPAMAHALA MANALO VS. SORIANO ^__^
Deletehindi po kami takot, nagkataon po kasi na magkaiba ang basehan ng ating paniniwala. kmi ay sa Biblia kayo po ay sa Koran. at ang Diyos namin ay ang Ama at sa inyo po ay si Allah.
ReplyDeleteganto po yan, di po tau pwedeng magdebate kung Math book ang gamit ko at sa iyo po ay Laguage book.
At mahirap po makipag debate lalo na sa mga taong paiba iba ang topic tulad ngaun about "Araw ng Patay" ang topic tpos bigla mo ipapasok ung debate ng Islam at INC? o db magulo? pero kung mapilit ka sige debate tau anu bang paksa ang gusto nyo pong mapag usapan? basta Biblia tau magbabase at hindi sa kung anu anong basura???
Hello, I would like to agree :) the Word of the Lord spoke this to us. I praise the Lord for the expansion of His word through this article. God bless the author. Btw, with the first comment it doesn't mean in the Bible that only those who are in your church will be saved. God did not limit it when he sent Jesus here to die and be our Savior. It is for all. :) for He loves all the people with a love that is immeasurable. God bless still.
ReplyDeleteMawalang galang na po. Ako ay isang Katoliko at hindi ko lang matiis na hindi sumagot. Ipagpaumanhin ninyo po ang aking kalapastanganang kontrahin ang nasasaad sa blog na ito. Kung ayaw n'yo po ay malaya naman pong made-delete ng admin ang paliwanang ng isang Katolikong tulad ko.
ReplyDeleteBatay po sa mga paliwanag sa itaas: "2) May mga aral ang Iglesia Katolika ukol dito na taliwas sa tinuturo ng bibliya. 3) Ang pagdiriwang na ito ay wala sa bibliya at hindi ipinagdiwang ng mga unang Kristiyano." Tanong ko lang po, may libro po ba ng Macabeo ang inyong Bible? Kung wala po, yun po siguro ang sagot sa tanong sa headline. Dahil kung meron po, makikita ninyo ang 2 Macabeo 12:44-46 (o hanggang 45 lamang sa ibang bersyon) na nagsasaad:
"Nagpalikom siya ng mga kaloob na umabot sa halagang apat na librang pilak at ipinadala ito sa Jerusalem upang ihandog na pantubos sa kasalanan. Ginawa ito ni Judas sapagkat naniniwala siya sa muling pagkabuhay ng mga patay. Kung hindi siya umaasa na ang mga patay ay muling mabubuhay, magiging kahangalan lamang ang ipanalangin pa ang mga namatay na. Dahil buo ang kanyang paniniwala na ang lahat ng namamatay na nanatiling maka-Diyos ay tatanggap ng dakilang gantimpala, ginawa niya ang paghahandog na iyon upang ang pagkakasala ng mga namatay na ito ay patawarin."
Ito po ang dahilan kung bakit may pagdiriwang ang mga Katoliko ng Araw ng mga Patay -- may maliwanang na Biblical basis ang pagdarasal para sa kaligtasan ng mga patay. Nakalulungkot naman po na ang mga pumanaw ninyong mga mahal sa buhay ay wala nang nagdarasal para sa kanilang lubusang kaligtasan dahil lamang ang Banal na Kasulatan ninyo ay hindi kumpleto. Kung sasabihin n'yo naman pong idinagdag ng mga Katoliko ito ay hindi rin po tama dahil noong 367AD pa lamang ay 73 Books na ang Bibliya. Ang sinasabi n'yo pong idinagdag ay nandoon na talaga noong una pa. Si Martin Luther po ang nagtanggal ng anim na libro noong 1500s (mahigit na isang libong taon pagkatapos na nakumpleto ang Bibliya) dahil lamang hindi siya sumasang-ayon sa anim na librong ito. Dito po sa Bibliyang ito (na may 66 Books lamang) nakabatay ang maraming Bibliya ng protestante. Hindi ko na po hahabaan. Kung nais po ninyong pag-aralan pa ng husto ang bagay na ito, narito po ang link: http://www.catholicbible101.com/thebible73or66books.htm.
Marami pong salamat kung ia-approve po ng admin ito. At marami rin pong salamat kung hindi. Mabuhay po kayo.
P.S. Nabanggit din po ang "purgatory." Kung meron po sa inyong nais malaman ang katotohanan ayon sa paniwala ng aming Simbahan, nandito po ang paliwanag: http://www.catholic.com/blog/tim-staples/is-purgatory-in-the-bible. Salamat pong muli.