"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

November 9, 2014

Bakit "sanlibutan" ang terminong ginagamit ng INC sa mga taong nasa labas ng Iglesia?

Tanong ng ilan, bakit ba TAGA SANLIBUTAN ang tawag nyo saming mga di nyo ka miyembro? konting respeto naman...

Pag sinabi ba naming SANLIBUTAN, ito ba ay pambabastos sa kanila? Inimbento lang ba namin ang terminong ito?

Ang sagot po ay HINDI. Sapagkat ang terminong ito ay termino ng BIBLIYA para sa mga taong nasa labas ng Iglesia.

Maaaring may magtanong, saan naman mababasa sa bibliya na ang tawag ng mga nasa labas ng Iglesia ay SANLIBUTAN readme?

Ganito po ang sinasabi ng bibliya, basahin natin ang sinabi mismo ng ating Panginoong Hesukristo:

"Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alalahanin ninyong ako muna ang kinapootan nila bago kayo. Kung kayo'y taga-sanlibutan, mamahalin nila kayo, sapagkat kayo'y kabilang sa kanila. Hindi kayo taga-sanlibutan. Sila'y napopoot sa inyo dahil pinili ko kayo." Juan 15:18-19

Ang mga tao ay TAGA SANLIBUTAN, ngunit ang mga PINILI o HINIRANG ni Kristo ay HINDI NA TAGA SANLIBUTANG ito.

Eto pa ang sinasabi, sa Juan pa rin, 17:9-11,14-18

"Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila.  At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa. 

Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita, at kinapootan sila ng mga tao sa sanlibutang ito, sapagkat hindi na sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi taga-sanlibutan. 
Hindi ko idinadalanging kunin mo sila sa daigdig na ito, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan. Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan."

 Ayan, maliwanag na maliwanag ang sabi ng bibliya, HINDI NA PALA TAGA SANLIBUTAN ang mga taong sa Diyos at kay Kristo kahit na NASA SANLIBUTAN pa rin ang mga ito. Kahit nga si Kristo sabi niya hindi rin siya TAGA SANLIBUTAN, bagamat siyay tao na isinilang sa mundong ito.

Kaya hindi po kawalang galang kung sasabihin man namin na ang mga di kaanib sa TUNAY NA IGLESIA ay TAGA SANLIBUTAN dahil si Kristo mismo ang nagsabi noon. Ang mga sa Diyos at kay Kristo ay HINDI TAGA SANLIBUTANG ito dahil silay PINILA na, silay mga HINIRANG.

Kaya kung gusto nyong mapabilang sa mga kay Kristo, kailangan po ang pag anib sa Iglesiang itinatag niya, dahil ang Iglesiang iyon ang kaniyang ililigtas pagdating ng araw ng paghuhukom.

 

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.