"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

December 21, 2012

Saan napupunta ang abuloy ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo?

Kung paniniwalaan natin ang mga akusasyon ng mga taong inggit na inggit at asar na asar sa INC na sinasabi nilang LAHAT DAW NG PERA NG MIYEMBRO AY SA "MANALO" NAPUPUNTA, di bat napaka illogical naman nun?

Sabi pa nila ang pinapayaman daw ng mga myembro ay ang mga "Manalo" at mga Ministo ng Iglesia ni Cristo lalot napakalaki daw ng "koleksyon" at "huthutan" sa "kulto" daw na ito.

Tanong: May katotohanan ba ito?

Ganito daw ang sistema ng abuluyan sa Iglesia ni Cristo:






Kung sa kanila lang pala napupunta ang aming mga handog, saan pala kinukuha ng INC ang pera sa lahat ng ipinapatayo nitong mga gusaling sambahan na milyon milyon ang halaga?

Saan kaya nila kinukuha ang pera sa pagmamaintain ng mga ito? Tulad ng pagpapalit ng mga ilaw, upuan at iba pa?

Saan kaya nila kinukuha ang pera sa pagbili ng libo libo at milyung dolyar na halaga ng mga properties abroad upang gawing bahay sambahan, at ang para maging District Offices?

Saan kaya nila kinukuha ang pera na ginagamit upang tulungan ang mga nangangailan sa pamamagitan ng FYM Foundation, Lingap sa Mamamayan at INC Giving na gumagastos ng milyon milyon din?

Saan kaya nila kinukuha ang pera na ginagamit sa mga housing at resettlement projects? Lupa pa lang ay milyon na ang halaga paano pa ang mga bahay na itatayo doon?

Saan kaya nila kinukuha ang pera na ginagamit sa pagrenta ng mga venues pag may mga pagtitipon ang INC at sa mga Pamamahayag? Magkano kaya ang renta sa Araneta Coliseum pa lang? Nung Pamamahayag noong Feb. 28 sa Grand Stand, magkano kaya ang kanilang nagastos sa renta sa bus at jeep na pumuno sa mga kalsada ng Maynila, dahil ayon sa narinig ko ang renta sa 1 bus ay P4000-P10,000.

Saan kaya nila kinukuha ang pera na ginagamit sa pagpapatayo ng mga eskwelahan at hospital na milyon din ang halaga? Isama pa ang ilang mga clinics na naipatayo.

Saan kaya nila kinukuha ang pera na ginagamit sa broadcasting sa radyo at TV? Piso piso lang kaya ang mga ginugugol dun? Magkano kaya ang totoong presyo ng 1 Pasugo Magazine na nabibili lang ng mga kaanib sa halagang P10?

Saan kaya nila kinukuha ang pera na ginagamit pagpaparepaint at pagpaparenovate ng mga kapilya? Kitang kita naman na ang mga kapilya ng INC ay mukang laging bago at pinturado kahit na ilang taon na ang mga ito.

Saan kaya nila kinukuha ang pera na binibigay sa mga ministro, mangagagawa at mga volunteer workers bilang "tulong" at hindi sweldo?

Saan kaya nila kinukuha ang pera lalo na sa Centennial Project ng INC, Philippine Arena palang ay nagkakahalaga na ng P 9.4 billion pesos, paano pa ang iba pang gusali?

Sasabihin ng ilan, e di sa negosyo ng mga "Manalo"!

Kung ang tinutukoy nila ay ang mga paaralan at ospital ng Iglesia ni Cristo, ay nagkakamali sila. Dahil hindi naman tinayo ang eskwelahan at ospital ng INC para sa purpose na KUMITA, at kung sasabihin nila ay yung bayad sa tuition at sa ospital, nagkakamali pa rin sila. Ito pong mga ito ay ginagamit din sa pagmamaintain at pasahod sa mga nagtatrabaho doon, hindi sinasama ng INC ang pera ng ospital at eskwelahan sa handog ng mga myembro para sa pagpapatayo ng mga kapilya at marami pang iba.


(Note: "tulong" at hindi salary o sweldo ang tawag sa ibinibigay sa mga nagseserbisyo sa Iglesia. Ang sweldo kasi ay "bayad" sa serbisyo ng isang nagtatrabaho. Ang mga ministro, manggagawa at mga full time district officers o yung mga voluntary workers, ginagawa lang nila ang kanilang tungkuling sinumpaan, binibigyan sila ng "tulong" pinansyal, at mga pabahay dahil hindi rin naman sila pinapayagang magkaroon ng ibang trabaho o negosyo para makapagfocus sila na magampanan ang kanilang mga tungkulin. Hindi po totoo na ang mga ministro at iba pa ay YUMAMAN o MAYAYAMAN dahil dito, alam nyo sa totoo lang dahil experience na rin, marami sa kanila ang kinakapos dahil yun nga lahat ng kanilang pinagkukunang pinansyal ay nanggagaling lang sa "tulong" wala silang negosyo o ano pa man. Kapag kinakapos sila ay ang mga ibang kapatid na rin ang nagbibigay sa kanila sa abot ng kanilang makakaya.

Sasabihin ng ilan, eh bakit may kakilala akong ministro may kaya naman sa buhay? May bahay at may kotse pa?

Dapat po kasi natin malaman na ang iba rin sa kanila ay may kaya na talaga o may kaya ang kanilang mga magulang bago pa man sila mag ministro. Napakaimportante ng sasakyan sa mga ministro dahil kung saan saan sila naaasign na lokal para mangasiwa ng pagsamba. May resident minister pa rin naman sa bawat lokal pero syempre nakakasawa naman kung siya rin at siya yung nangangasiwa sa lahat ng pagsamba 2-3 beses huwebes at 2-3 beses linggo depende kung ilan sa schedule ng pagsamba.)

Kayo na po ang bahalang manimbang kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang dapat paniwalaan.

Di bat nakakatuwang obserbahan na ang dapat magreklamo man sa abulyan namin ay walang iba KUNDI KAMI RIN. Ang kaso, ang naapektuhan dito ay yung mga DI NAMAN KAANIB, yung hindi naman nag aabuloy sa INC, nakakapagtaka, BAKIT GANYAN KAYO MAGREAK?

Sasabihin nila, Eh naawa lang kami sa inyo halos lahat na nga ng miyembro nyo mahihirap at eto "hinuhuthutan" pa ng inyong lider.

Yun na nga ang punto, lahat ng TAGUMPAY NG IGLESIA ay HINDI KAMI AT ANG MGA "MANALO" ang may gawa kundi ang ating Panginoong Diyos. Di bat nakakapagtaka din na halos lahat ng INC members ay mahirap ngunit nakakapag HANDOG PA RIN?

Di bat ganito ang unang mga Iglesia ni Cristo sa Macedonia?:

"Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang ipinakitang kagandahang-loob ng Diyos sa mga iglesya sa Macedonia. Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila at bukas ang palad sa pagbibigay. Sila'y kusang-loob na nagbigay, hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa. Alam ko ito sapagkat 4 mahigpit nilang ipinakiusap sa amin na sila'y bigyan ng pagkakataong makatulong sa mga kapatiran na taga-Jerusalem." 2 Corinto 8:1-5

Hindi po totoo ang akusasyon ng mga asar na asar sa INC na SAPILITAN DAW ang aming handog o kaya namay meron daw kaming IKAPU, ito po ay isang malaking kasinungalingan galing sa Diablo. Ang aming handog ay bukal sa aming puso, iyon ang doktinang natanggap namin sa pagdodoktrina palang ng INC.

Ang abuluyan sa INC ay tuwing pagsamba, Huwebes at Linggo.Ito ay para sa gastusin sa pagpapalaganap ng Ebanghelyo.

Meron din kaming tinatawag na "Tanging Handugan" ito ay optional, pang lokal o pang distrito. Ang panglokal ay para sa gastusin sa lokal tulad ng electric bills, water bills at iba pa. Ang pang distrito naman ay para halimbawa kung may isang lokal sa isang distrito na kelangan irenovate o irepaint dito iyon kinukuha.

At ang handog sa Pasasalamat tuwing December, ito ay aming pinaghahandaan ng isang taon sa pamamagitan ng paglalagak tuwing Linggo. Itong LAGAK na ito ay ang pakunti kunting hulog o ipon at pagsumapit na ang Disyembre kung magkano ang naipon mo iyon ang HANDOG SA PASALAMAT. Ang paraan pong iyan ay galing sa bibliya:

"Tuwing unang araw ng sanlinggo, bawat isa sa inyo'y magbubukod ng isang halaga ayon sa kanyang kinikita para pagpariyan ko ay hindi na kailangang lumikom pa." (New Pilipino Version) I Corinto 16:2

Hindi rin kami madamot sa aming pag aabuloy dahil ibinabalik lang namin sa Ama ang kaniyang kabutihan sa amin, though hindi naman mapapantayan o masusuklian iyon dahil kahit buhay namin ay hindi namin iyon kayang tumbasan. Lahat ng tinatamasa namin ay galing sa Diyos, kaya walang dahilan upang ipagdamot ang handog:

"Iyo, Oh Panginoon ang kadakilaan at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, at ang pagtatagumpay, at ang karangalan: sapagka't ang lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo: iyo ang kaharian, Oh Panginoon, at ikaw ay nataas na pangulo sa lahat. Ang mga kayamanan at gayon din ang karangalan ay nangagmumula sa iyo, at ikaw ang nagpupuno sa lahat; at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at kalakasan; at nasa iyong kamay ang pagpapadakila, at pagpapalakas sa lahat." I Kronica 29:11-12
 

At bilang pangwakas, ito lang ang masasabi ko:

Lahat ng ginagastos sa Iglesia kahit ano pa man yan, isa lang ang pinanggalingan nyan, ANG AMING HANDOG. Hindi kasi tumatanggap ang INC ng pera galing sa iba, kahit mapa pulitiko o galing sa sugal, hindi tulad ng ibang Church diyan. Kaya wag sana kayong maiinis o maiirita kung may mga INC members na PROUD NA PROUD sa mga proyekto ng INC, kaya kami proud ay dahil may kontribusyon kami sa mga bagay na iyon. Kaya kami PROUD kasi nakikita namin ang pagtulong at pag gabay ng Ama sa Iglesia, hindi naman kasi ito dahil LANG  sa katalinuhan o kagalingan ng mgapinuno ng INC, itoy dahil sa DIYOS.

Wala rin kaming dahilan upang MAGREKLAMO sa handog dahil KITANG KITA NG AMING MGA MATA kung saan ito napupunta at alam naming nagagamit ito sa maayos. Masaya kaming nagbibigay kaya sana wag itong PASAMAIN ng ilang inggit na inggit sa INC.

Hindi mga "MANALO" ang nakikinabang nga aming mga handog, dahil KAMI RIN ANG NAKIKINABANG SA MGA ITO, lalo na pag may mga sakuna, tinutulungan ng pamamahala ang maraming kapatid at nasa history ito ng Iglesia.

Wala na po kaming magagawa kung sa lahat ng sinasabi namin ay hindi nyo kami paniwalaan. Diyos na ang bahala sa inyo. Sana lang maging OPEN MINDED tayo sa panghuhusga, hindi dahil kalaban na relihiyon nyo kami at kung ano pa man.

8 comments:

  1. ANG MGA TUMUTULIGSA sa ginagawa ng INC na PAGHAHANDOG ay mga HYPOKRITO dahil kung MANULIGSA sila ay TILA WALA SILANG GINAGAWANG HANDUGAN.

    Ang PAGHAHANDOG sa INC ay ang PARAAN NA ITINUTURO ng BIBLIA...
    > pasya ng puso
    > hindi mabigat sa loob
    > sumasagana sa pag-ibig at pananampalataya

    NAKIKITA ang RESULTA ng PAGHAHANDOG sa INC:
    > mahigit 100 gusaling sambahan ang NAITATAYO at
    NAIHAHANDOG sa DIYOS BAWAT TAON!
    > HOUSING PROJECTS
    > RESETTLEMENT PROJECTS
    > HILIPPINE ARENA
    > CIUDAD DE VICTORIA (ALL FACILITIES)
    > LINGAP SA MAMAMAYAN
    > INC GIVING
    > INTERNATIONAL AID TO HUMANITY (WORLDWIDE)
    > CLEAN-UP DRIVES
    > TREE PLANTING ACTIVITIES
    > INTERNATIONAL PROPAGATION OF THE GOSPEL
    = radio, TV, internet, etc
    > at MARAMING-MARAMI pang iba

    Ang mga BAGAY NA ITO ay SAPAT para MAUNAWAAN NG MGA KAANIB sa INC na MASINOP na NAGAGAMIT ang mga HANDOG na galing sa PASYA NG PUSO ng mga KAANIB.

    Ang mga BAGAY NA ITO rin ay SAPAT para MAGING BITTER ang mga TUMUTULIGSA sa INC.
    Bakit?
    KASI MAY ABULUYAN SILA PERO HINDI NILA MAGAWA ang mga NAGAGAWA NG INC.

    ACTUALLY, GUSTO NILA ITANONG SA MGA PASTOR AT PARE NILA KUNG NASAAN ANG MGA HANDOG NILA...
    eh hindi sila makakuha ng matinong sagot at
    HINDI NILA MAKITA ang RESULTA ng KANILANG MGA HANDOG...so, may DEFENSE MECHANISM silang ginagamit, ung tinatawag na "PROJECTION"
    na sa halip na magalit sila sa mga LIDER NILA at KUNG SAAN NA NGA BA NAPUNTA ang mga abuloy nila
    ay sa INC sila NAGAGALIT kasi NAHAHALATA NA HINDI NAGAGAMIT SA WASTONG PARAAN ang kanilang mga HANDOG.

    ANG MALAKING HALAGA NG SALAPI NG KATOLIKO AY IBINABAYAD SA MULTI-MILLION DOLLAR LAWSUITS ng mga PEDOPHILE PRIESTS sa AMERICA.
    Ibabalik ko lang ang mga pukol nilang tuligsa..
    SAYANG NAMAN, SANA IPINAMIGAY NA LANG SA MAHIHIRAP ANG MULTI-MILLION DOLLARS na IYAN KAYSA IBINAYAD SA MGA BIKTIMA NG PEDOPHILE PRIESTS. Gets nyo ba?

    NATUTUPAD lang ang sinabi ng Biblia na ang MABANGONG SAMYO ng TAGUMPAY NG BAYAN NG DIYOS, ang INC, ay TILA LASON na NAKAMAMATAY SA MGA KUMAKAAWAY.

    PURIHIN ANG DIYOS SA PATULOY NA PAGBIBIGAY NG TAGUMPAY SA IGLESIA NI CRISTO!

    HAPPY CENTENNIAL... ABANGAN NYO PA ANG MANGYAYARI SA PAGDIRIWANG DAHIL ANG 100 YEARS CELEBRATION NG INC AY MARARAMDAMAN SA BUONG MUNDO...

    LAHAT NG PARAAN ay gagawin ng PAMAMAHALA upang
    MAKARATING sa LAHAT ng tao na mayroong IGLESIA NI CRISTO at ITO ang ILILIGTAS ng PANGINOONG JESUCRISTO sa araw ng kagantihan.



    ReplyDelete
  2. Hi, I use to go to this blog a year ago and I am glad that you are still active here. So thanks for this blog! Keep up the hard work

    ReplyDelete
  3. Yung mga pari daw sa Catholic ay mga simpleng mensahero daw....Ang tanong,bakit yung parokya ay nagiba habang kayo ay may Expedition,Pajero at iba pang luxury cars?

    May nabalitaan ako noong nagiba ang Loboc Church sa Bohol,humingi sila ng funds sa government,tayo ba humingi sa gobyerno?Hindi.

    ReplyDelete
  4. We never beg the Government to help us...We are self-sustaining.

    Sila,humingi sila ng tulong noong ipaayos ang Quirino dahil dadating si PAPA KIKO.

    Taxes na binayaran ng INC,akala nila sila lang may kakayahang magbayad ng buwis.

    ReplyDelete
  5. mga kapatid hayaan nlng po natin sila, dahil alam naman natin kung ano ang katotohonan patungkol sa issue na ito, pero understandable naman talaga kung maka react din tayo na negatibo sa kanila dahil tao din naman tayo na nasasaktan, na pupuno at na gagalit, dahil alam din natin na puro walang katotohan ang mga sabi-sabi o haka-haka nila sa ating mga abuloy... pagtibayin nlng po natin ang ating pananampalataya sa Diyos at tiwala sa pamahalang pangkalahatan, malalagpasan din po natin ito, at kung ito po lahat ay maayos na, siguro po, ito po ang isa sa mga pinaka unforgettable at can not be explain na kasiyaan dahil nalagpasan natin ang isang pinaka ma tinding pag-subok sa atin nang Diyos sa loob ng Iglesia...

    ReplyDelete
  6. the bible tells about the story of Zafira who cheat about offerings its seriously in death...nobody want this to happen in terms of cheating the finances of the church....God will reveal the truth ...let's unite and continue united to our church administration...

    ReplyDelete
  7. Tama po yan kapatid. Hayaan nalang po natin sila basta tayo may tiwala sating pamamahala. :)

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.