"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

December 17, 2012

Bakit hindi nagdiriwang ang Iglesia Ni Cristo ng Pasko?



1. Wala sa bibliya na si Kristo ay isinilang ng December 25

2. Wala sa bibliya ang PASKO

3. Wala sa bibliya na nagdiwang ng Pasko ang mga sinaunang Kristyano

4. Ang mga tradisyon na nakapaloob sa pagdiriwang na ito ay hango sa kaugalian ng mga pagano.

Ang batayan ng aming pananampalataya ay BIBLIYA at hindi tradisyon.

Dapat din po nating malaman na hindi lang naman ang Iglesia ni Cristo ang NATATANGING RELIHIYON SA BUONG MUNDO ang walang "Christmas". 

Ating sagutin ang madalas ba itanong ng mga hindi kaanib sa Iglesia...

Bakit hindi ninyo inaaalala si Kristo? 

Itong tanong na ito ay isa sa mga misunderstanding ng marami sa INC, oo, hindi kami nakikicelebrate ng Christmas pero hindi ibig sabihin non ay wala kaming pakialam o kaya ay ayaw naming alalahin si Kristo. Sadya lang talagang meron kaming mga dahilan kung bakit di kami nakiki-Christmas, pero kahit ganon, INAALALA namin siya hindi nga lang sa paraan ng mga Katoliko at Protestante.

Eh paano pala?

Sabi sa bibliya:
 Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin." Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin."
I Corinto 11:23-25

Kaya po kami nagsasagawa ng pagbabanal na hapunan ay upang alalahin si Kristo sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay na sumisimbulo sa katawan ni Kristo at paginom ng katas ng ubas na sumisumbulo naman sa dugo ni Kristo. Ito ay NASA BIBLIYA, ang CHRISTMAS, WALA SA BIBLIYA.



Bakit napaka impokrito niyo sasabihin ninyo hindi kayo nagcecelebrate ng Christmas pero nakikisama kayo sa mga Christmas party, tumatanggap ng Christmas bonus, at iba pa...?

Ito ngayon ang banat ng marami sa aming mga Iglesia ni Cristo, nung nakabasa ko ng ganitong opinyon mula sa iba, sabi ko, oo nga may point, kaso masyado namang binibigyan ng maling pakahulugan nito ng ilan. At may gusto lang muna akong klaruhin, wala naman pong doktrina sa INC na lahat ng bagay na LINKED sa CHRISTMAS AY BAWAL.

Ang o.a lang kasi ng ilan, kung makareact ay matindi, porke kasi alam nilang hindi nagcecelebrate ng Christmas ang INC members ay LAHAT LAHAT NG BAGAY NA CONNECTED DITO, walang exemption, ay bawal. Dapat po nating malaman na kaya hindi nagcecelebrate ng Christmas ang INC ay dahil sa mga bagay na may history ng pagano, tulad ng DIUMANOY kaarawan ni Kristo, Christmas tree, kandila na sinisindihan sa araw na iyon, kahit nga ang gift giving sa season na iyon at iba pa.

Bago nyo po sana kami husgahan sana po ianalize muna natin ang sitwasyon at ang aming totoong paniniwala. I think 90% + ng populasyon ng Pilipinas ay Christians, ibig sabihin 85%+ ng populasyon nito ang nagcecelebrate ng Christmas.

Ano ang ibig sabihin nito?

Christmas is everywhere, sabi nga nila, pero LITERALLY. Lahat ng tradisyon at practices ng Christmas ay nadyan dyan lang sa tabi tabi, napakaimposibleng maiwasan, it cant be avoided.

Ang bilin samin, HANGGAT MAAARI, huwag nang makipagparticipate sa mga activity na kaugnay ng Christmas. Hal. na lang ay ang "Christmas" party, ang iba ginagawang mandatory ang pakikipagparticpate don kung sino man nag organize, mapa school, office at iba pa, kaya yung ibang INC members napipilitan at walang magawa kundi pumunta. Saka kung titignan din naman kasi, as my opinion, ang Christmas party ay hindi naman party for Christ or for celebrating the birthday of Christ, normal na party ito ng mga tao sa office, school and etc. na ginawa lang sa Christmas season usually December kaya tinawag na "Christmas party", as far as i know.

Pati ang "Christmas" bonus, masama bang tumanggap nito? Muslim nga tumatanggap samantalang against na against sila sa Christians:
"Dear questioner, thanks for your question and we implore Allah earnestly to bless all our earnings and to purify them.

There is nothing wrong, as far as Islam is concerned, in receiving a cash bonus from one’s employer on the occasion of Christmas. Such money is usually given to employees regardless of their religious affiliation, and hence there is nothing wrong in receiving that money and spending it in a lawful way." source: islamawareness.net

Eh ano ba kasi ang BONUS? ang sabi:

". . . an amount granted and paid to an employee for his industry and loyalty which contributed to the success of the employer’s business and made possible the realization of profits. It is an act of generosity granted by an enlightened employer to spur the employee to greater efforts for the success of the business and realization of bigger profits. The granting of a bonus is a management prerogative, something given in addition to what is ordinarily received by or strictly due the recipient. Thus, a bonus is not a demandable and enforceable obligation, except when it is made part of the wage, salary or compensation of the employee." source: jlp-law.com

Ano namang masama sa bonus? Ninanakaw ba iyon ng INC members kaya masama? Di ba bahagi yon ng trabaho nila? Bonus yon dahil alam ng mga employers na ang season na ito o ang month of December ay maraming gastusin especially pag Christmas, eh kaso nga wala naman kaming Christmas kaya ginagastos namin ito sa handaan sa New Year at iba pa.

Maaari ring makita ng ilan na yung ibang myembro ay hindi maiwasang makisaya sa ibang Christmas practices, this truly happens, sabi ko naman sa inyo hindi ako bias, realidad lang.

Dapat po kasi natin malaman bago manghusga, na most INC members ay CONVERTS na dating mga Katoliko at Protestante.

Alam nyo yung sitwasyon na kunwari 50 years old na sya tas biglang nag INC, meaning 50 years in his/her life nagcecelebrate siya ng Christmas then all of a sudden biglang natigil dahil yun nga nag INC siya. Isa ring hal. 7 sila sa pamilya, siya lang yung nag INC, pati kamag anak niya lahat Katoliko, syempre silang lahat nagpapasko tas sya lang di kasama. Mahirap para sa ibang INC members na i AVOID at biglaan yung pagtigil ng NAKASANAYAN na nila, kaya kahit mali yung ginagawa nila medyo naiintindihan ko sila, hindi naman kasi biru biro ang ganoon, mahirap din.

Hindi na ISSUE dito ang RELIHIYON, ang issue dito yung KULTURA at TRADISYON. Siguro naman ang pagbabago o pag aadopt sa panibagong pananampalataya hindi naman biglaan, syempre nag aadjust muna. Tulad na lang sa pagsamba nila, ang mga Katoliko kasi aminin man natin at hindi, minsan lang sila magsimba, kabaligtaran sa INC na twice a week ineexpect na dadaluhan iyon at pati na sa ibang aktibidad sa church. Kaya nga may "sinusubok" o probationary period after doktrina, ito yung mga panahon na kelangan na nilang baguhin ang lifestyle nila at mag adjust, isa na rito ang palagiang pagdalo sa mga pagsamba...

Pero kahit may ilang INC members ang ganoon, ang paniniwala namin ay mali pa rin ang pagcecelebrate ng Christmas ayon sa true purpose nito, upang ICELEBRATE DAW ANG KAPANGANAKAN NI KRISTO.

Ang pagsasaya sa Christmas season ay hindi naman masama sa amin, ang masama ay yung pagpapawalang bahala sa natanggap na doktrina tungkol dito, tuwiran at sinasadyang pakikiisa sa lahat ng mga nakasanayang traditions and practices na nakapaloob sa Christmas, lalo na ang mga bagay na labag sa aral ng Diyos.

At kung di pa rin naintindihan ng iba dyan, kayo na ang bahala wala naman ako kasing magagawa kung di nyo kayang intindihin iyon at kung patuloy na masasama ang iniisip niyo sa amin. Bahala na po ang Diyos sa inyo.


Ako naman ang magtatanong

Sino kaya mas mukhang may birthday pag Dec. 25? Si Kristo ba o si Santa Claus?

Mahirap magbigay ng opinyon dito baka kasi sabihin na naman ganito ganiyan, kahit obvious ang sagot. Kung titignan kasi natin, kahit sa mga dekorasyon palang sa mga bahay, kaninong mga imahe/statwa/pigurin/stuffed toy o kung ano pa man ang MAS MADALAS NATIN MAKITA SA MGA BAHAY-BAHAY at kahit na sa mga KALSADA AT PASYALAN? Kay Kristo ba o kay Santa Claus?

Sino ba ang mas madalas ikuwento ng mga magulang sa kanilang mga anak pag Christmas? na kapag di sila naging mabait ay hindi nila makukuha ang kanilang gustong regalo? si Kristo ba o si Santa Claus?

Kanino ba mas natutuwa at naeexcite ang mga bata? kay Kristo kaya o kay Santa Claus? 

Sino ba ang inaabangan ng mga bata sa langit na nakasakay sa slay sa gabi habang hila hila ng mga raindeers at biglang lalabas sa chimney at maglalagay ng regalo sa ilalim ng Christmas tree at sa mga medyas? si Kristo ba o si Santa Claus?

Kayo na po ang bahalang sumagot niyan^^ 


Bakit nagcecelebrate ang mga Katoliko at Protestante ng BIRTHDAY ni Kristo na kanilang kinikilalang Diyos?

Alam naman nating lahat na, God is eternal and everlasting:

"The eternal God is your shelter, and his everlasting arms support you. He will force your enemies out of your way and tell you to destroy them." Deut. 33:27

"Before the mountains were brought forth or ever you had formed the earth and the world, from everlasting to everlasting you are God." Psalm 90:2

Ano ba ang ibig sabihin ng eternal?:
e·ter·nal [ih-tur-nl] 
adjective
1.
without beginning or end; lasting forever; always existing ( opposed to temporal ): eternal life.
2.
perpetual; ceaseless; endless: eternal quarreling; eternal chatter.
3.
enduring; immutable: eternal principles.
4.
Metaphysics . existing outside all relations of time; not subject to change. 

Bakit ang kinikilala nilang Diyos na si Kristo MAY BEGINNING?  
At bakit ang Diyos nila may BIRTHDAY? 

Di ba sa TAO lang akma ang birthday celebration dahil tao ang ipinapanganak at hindi Diyos?
 

4 comments:

  1. For your information di namin cinecilebrate ang birthday ni manalo gawa pa ng kwento

    ReplyDelete
  2. Iglesia ni Cristo is not the Church of Christ and although other religions.The Church of Christ are whom people believe in Jesus and to His Father

    ReplyDelete
  3. plss respect our religion as INC, meron akong katoliko na kaibigan and rinerespeto ko ang kanilang ralihiyon,,,plss all catholics respect our religion as we respect YOURS,,,pwede naman magtanong pero wag nyung sunbrahan...and kahit na wala kaming pasko as far as I know ang pananampalataya namin sa panginoong diyos at sa panginoong jesus ay totoo

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.