"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

December 6, 2012

Mr. Cenon Bibe Jr. vs. Pope Benedict XVI: Dec. 25 daw ang birthday ni Kristo

Nakakatuwang malaman na may isang Catholic Apologist, na sa pagkakaalam ko ay isa ring writer sa isang tabloid at mayroon ding blog na tinatawag na "TUMBUKIN NATIN", siya po si Mr. Cenon Bibe Jr. at ang nakakatuwa dito ay mayroong siya post sa kaniyang blog na may title na "December 25 proven", gumawa talaga siya ng "research" kuno para patunayan na Dec. 25 talaga pinanganak ang ating Panginoong Hesukristo.

Ngunit maliwanag pa sa sikat ng araw na HINDI TALAGA DEC. 25 ang eksaktong araw ng kapanganakan ni Kristo, at ito mismo ay pinatunayan ng kanilang present pope na si Pope Benedict XVI. Tunghayan po natin ang kaniyang PATOTOO DI UMANO tungkol sa Pasko:


Ang artikulong ito ay ang mas bagong bersyon ng mga naunang naisulat ko tungkol sa December 25 bilang petsa ng Pasko
December 25 isinilang si Kristo:
AYON SA BIBLIA, KASAYSAYAN, SIYENSIYA
LIBONG taon nang ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang pagsilang ng Panginoong Hesus tuwing December 25 pero mayroong mga nagtatanong kung saan mababasa ang paniniwalang ito.

Sa pagdaan kasi ng panahon ay marami ang mga limitaw at pinagdudahan ang paniniwala kaugnay dito. Marami na rin ang gumawa ng sarili nilang paliwanag kung kailan isinilang at nagkatawang tao ang Diyos.

Bilang nagtatanggol sa pananampalatayang Katoliko sinaliksik ko ang bagay na ito at natuklasan ko na matatag ang mga batayan ng December 25 bilang petsa ng isinilang ng Kristo.

Iyan ay may ebidensiyang nakabatay sa Bible, sa kasaysayan, at sa siyensiya.

Unahin nating tingnan ang sinasabi ng kasaysayan.

Patotoo ng Kasaysayan

Sa pagitan ng 171 AD at 183 AD, isang obispong Kristiyano, si Theophilus ng Caesaria (Palestina), ang nagsabi na si Hesus ay isinilang ng December 25.

Sabi niya, “We ought to celebrate the birth day of our Lord on what day soever the 25th of December shall happen."  (Magdeburgenses, Cent. 2. c. 6. Hospinian, de orign Festorum Christianorum)

Sunod diyan, noong 220 AD ay sinabi ni Hippolytus — isang Kristiyano na nabuhay sa pagitan ng 165 AD at 235 AD — na si HESUS ay ipinanganak noong December 25.
Dalawa iyan sa mga sinaunang patotoo na noon pa man ay kinilala na ang December 25.
Opisyal na talaan

Magandang pansinin na ginawa nina Theophilus at Hippolytus
ang kanilang mga pahayag noong iligal pa ang pagiging Kristiyano sa Emperyo Romano. Naging ligal lang ang Kristiyanismo sa emperyo noong 313 AD.

Noong 354 AD, ilang taon matapos payagan ng Emperyong Romano ang lantarang paniniwala sa Kristiyanismo, nabuo ang isang koleksyon ng mga petsa at kapistahang Kristiyano.

Kasama sa koleksyon na iyan ang Deposito Martyrum, o listahan ng mga kapistahan ng mga martir kay Kristo, at ang Depositio Episcoporum, na naglalaman ng mga kapistahan na ipinagdiwang ng mga unang Kristiyano.

At ayon sa mga iyan, noon pa man ay ipinagdiriwang na ang kapanganakan ni Hesus tuwing December 25.

Ibang Petsa?

Pero kahit noon ay may iba nang petsa na kinilala bilang araw ng kapanganakan ni Hesus. Naroon ang January 6 at ang mga buwan na Mayo, Oktubre at Nobyembre.

Pero mauunawaan natin ang pagkakaiba ng paniniwala dahil noong mga unang taon ng Kristiyanismo na hindi pa napag-uusapan o nabibigyan ng pansin kung kailan ang tamang petsa kung kailan isinilang si Kristo.

Isa sa dahilan ng iba’t-ibang petsa at hindi pag-uusap tungkol diyan (at sa marami pang bagay ukol sa pananampalataya) ay dahil iligal pa nga noon maging Kristiyano.

Kristiyano Inuusig

Dapat nating maunawaan na inuusig at pinapatay ang mga unang Kristiyano kaya hindi pa napagtuunan ng pansin ang mga bagay tulad ng petsa ng kapanganakan ng Panginoon.

Napag-usapan lang ang mga bagay na iyan noong hipuin ng Diyos ang puso ng emperador na si Constantino na pumayag na ring lumantad ang Kristiyanismo sa kanyang nasasakupan.

At dahil ligal na ang Kristiyanismo, maayos at malaya na ang mga Kristiyano para pag-usapan ang mga tulad ng petsa ng kapanganakan ng Tagapagligtas.

Hindi nga nagtagal ay kinilala na ng nakararami ang December 25 bilang araw kung kailan isinilang ang Kristo.

Tutol pa rin

Pero meron pa ring tutol sa December 25 at nagsasabi na iyan daw ay kapistahan ng diyus-diyosang si Mithras.

Ang December 25 din daw ay kapistahan ng Sol Invictus, o kapistahan ng Araw, ayon sa paniniwala ng mga paganong Romano. At diyan daw kinuha ang petsa ng kapanganakan ni Hesus.
Sinasabi nila na ipinalit lang ng Simbahang Katoliko ang kaarawan ng Kristo sa mga pistang pagano.

Sorry pero mali sila.

Ang kapistahan ng Sol Invictus tuwing December 25 ay noon lang 275 AD idineklara ni Emperador Aurelian.

Kung babalikan natin ang mga naunang pahayag ukol sa petsa ng kapanganakan ni Hesus ay makikita natin na noon pang 183 AD (Theophilus) at 220 AD (Hippolytus) ay paniniwala na iyan ng mga Kristiyano.

Pagano Gaya-Gaya

Sa madaling salita, bago pa maging opisyal na ipagdiwang ang Sol Invictus ay kinilala na ng mga Kristiyano ang December 25 bilang birthday ni Hesus.

So, puwede pa nating sabihin na ang mga pagano ang nanggaya sa petsa na December 25 at hindi ang mga Kristiyano.

Kung kukuwentahin natin, 92 taon bago ipagdiwang ng mga pagano ang Sol Invictus ay December 25 na ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang Pasko.

So, mali talaga at walang batayan ang sinasabi ng iba na ang Pasko ay pista ng mga pagano.

Biblical basis

Ngayon, kung titingnan natin ang Biblical basis ng December 25 ay makikita natin na unang siglo pa lang ay iyan na ang alam ng mga Kristiyano.
Sa madaling salita, higit na mas maaga pang kinilala ng mga Kristiyano ang December 25 kaysa ng mga pagano.

Ang batayan natin ay ang Ebanghelyong isinulat ni Luke kung saan inisa-isa ang mga pangyayari bago ang kapanganakan ni Hesus.

Sinimulan ni Lukas ang kuwento nang magpakita ang anghel na si Gabriel sa pari na si Zacarias habang ang huli ay nagsusunog ng insenso sa loob ng templo. (Luke 1:5-20)

Ang pagsusunog ng insenso ay ginagawa sa loob ng “Holy of Holies,” o ang Kabanal-banalang Lugar, ng templo ng mga Hudyo.

Ayon sa Bible, isang beses lang sa isang taon puwedeng pumasok ang sino man sa Holy of Holies. At ito ay sa tuwing "Day of Atonement," Araw ng Pagtitika. (Leviticus 16:33-34)

Tishri 10

Sa Lev 16:29 ay tinutukoy ang araw na ito sa ika-10 araw ng buwan ng Tishri, ang ika-pitong buwan ng kalendaryong pang-relihiyon ng mga Hudyo. (Sa kalendaryong sibil ng mga Hudyo, ang Tishri ay unang buwan)

Kaugnay sa sinaunang kalendaryong ginamit ng mga Kristiyano--ang Julian Calendar--ang Tishri 10 ay maaring pumatak sa pagitan ng September 1 at October 5.
Kaugnay sa pagsunog ni Zacarias ng insenso sa templo, tinataya na nangyari ito sa pagitan ng 6BC at 1BC. Sa mga taong ito, ang Tishri 10 ay tumapat sa mga sumusunod na petsa ng Julian Calendar:
Tishri 10, 3756 = September 22, 6BC (Mierkules)
Tishri 10, 3757 = September 11, 5BC (Lunes)
Tishri 10, 3758 = October        1, 4BC (Lunes)
Tishri 10, 3759 = September 19, 3BC (Huwebes)
Tishri 10, 3760 = September   8, 2BC (Lunes)
Tishri 10, 3761 = September 27, 1BC (Lunes)

Si Herod
Sa mga petsang iyan, dalawa ang malamang na pinangyarihan ng pagpapakita ng anghel kay Zacarias. Iyan ang Tishri 10, 3756 (September 22, 6BC) at Tishri 10, 3757 (September 11, 5BC). At sa dalawang petsa ay ang Tishri 10, 3756, ang pinaniniwalaan kong tugma.

Nasabi ko iyan batay sa ilang pangyayari sa buhay ni Haring Herodes, na siyang naghahari sa Hudea noong isilang ang Panginoong Hesus. (Luke 1:5)

Una, ang pagpatay ni Herodes ng lahat ng bata at sanggol sa Bethlehem at karatig lugar. (Matthew 2:16) Iyan ay sa layuning mapatay ang batang Hesus na kinatakutan ni Herodes na papalit sa kanya bilang hari ng Hudea. (Matthew 2:1-3)

Pangalawa, matapos ipapatay ang mga bata ay nabuhay pa si Herodes ng ilang taon bilang hari bago siya namatay. Makikita yan sa pagtigil ng Banal na Pamilya sa Ehipto. (Matthew 2:14-15)

At pangatlo ang pagkamatay ni Herodes na ayon sa ilang tantiya ay nangyari noong 1BC.

6BC nagpakita si Gabriel

Ngayon, kung 1BC namatay si Herodes at nabuhay pa siya ng ilang taon matapos ipapatay ang mga bata sa Bethlehem, lalabas na naganap ang pagpatay bandang 3BC.

At dahil mga dalawang-taong gulang pababa ang ipinapatay ni Herodes, lalabas na may dalawang taon gulang na ang batang Hesus noong 3BC. Ibig sabihin, isinilang Siya noong 5BC.

So, kung 5BC isinilang ang Panginoong Hesus ay 6BC ang petsa nung magsilbi sa templo si Zacarias at nagpakita sa kanya si anghel Gabriel sa loob ng templo. At iyan nga ay noong Tishri 10, 3756, o September 22, 6BC.

Si Elisabet

Sabi ng Bibliya, matapos ng pagsisilbi ni Zacarias sa templo ay umuwi na siya at saka “nagdalantao si Elisabet.”

Sa Lk 1:26 ay sinasabi, “Sa ikaanim na buwan (ng pagbubuntis ni Elisabet), ipinadala ng Diyos ang anghel na si Gabriel sa isang bayan ng Galilea na tinatawag na Nazareth, sa isang birhen na nakatakdang ikasal sa isang lalaki na ang pangalan ay Jose ng angkan ni David. Ang pangalan ng birhen ay Maria.”

Ang Maria na iyan ay ang ina ni Hesus.

Ang paghahayag sa magiging pagsilang ni Hesus ay tinatawag ng Iglesia Katolika na Annunciation, o ang paghahayag ng magiging pagsilang kay Hesus, ang “Anak ng Kataas-taasan.” (Lk 1:31-35)

Ika-anim na buwan

Dahil September 25, 6BC, ipinaglihi si John the Baptist, bibilangin natin ang anim na buwan hanggang sa nagpakita ang Anghel na si Gabriel sa Birheng Maria ayon sa Luke 1:26. Ang petsa ay papatak sa March 25, 5BC, ang unang araw ng pagbubuntis ni Maria.

Mula sa March 25 ay bibilang tayo ng siyam na buwan (ang panahon ng pagbubuntis ng isang babae) para matukoy natin ang araw ng kapanganakan ni Hesus. At ito ay sa December 25, 5BC.
So, batay sa ulat ni Lukas at sa ebidensiyang bigay ng Bibliya ay makikita na si Kristo ay ipinanganak ng December 25.

Mapagkakatiwalaan ba?

Ang tanong: Mapagkakatiwalaan ba natin ang ulat ni Luke?

Kung naniniwala tayo sa Bibliya ay magtitiwala tayo. Bakit?

Dahil sabi niya sa Luke 1:3-4, "Matapos kong suriin nang buong ingat ang mga pangyayari ... ako man ay nagpasya na isulat ito para sa iyo ... para makita mo ang katiyakan ng mga itinuro sa iyo.”

Hindi lang po pala nag-ulat si Luke. Siya ay nagsuri nang “buong ingat” at nakita niyang tiyak ang mga bagay na sinabi niya sa atin.

So, iyan po ang malinaw na Biblical basis na December 25 isinilang si Hesus.

Scientific proof

Tiyak na mayroong nagtatanong kung paano natin natiyak na pumapatak sa huling bahagi ng September ang Tishri 10 sa Lk 1:8-9?

Diyan natin ipapasok ang scientific na patunay na December 25 ipinanganak si Hesus.

Ang scientific na paraan na iyan ay sa paggamit natin ng calendar converter kung saan matutukoy natin ang magkakatumbas na petsa sa iba’t-ibang uri ng kalendaryo.

Ang ginamit natin ay ang calendar converter na nasa website na: http://www.abdicate.net/cal.aspx

Kung pupunta tayo sa website na iyan ay makikita natin na may iba’t-ibang espasyo para makuha ang katumbas na petsa sa mga kalendaryong “Jewish,” “Gregorian,” at “Julian.”

Kung may petsa sa “Jewish” calendar na gustong malaman ang katumbas sa “Gregorian” at “Julian” ay ita-type lang ang “Day,” “Month” at “Year” na gusto nating suriin at saka pipindutin ang button na “Jewish” na nasa kanan.
Julian Calendar
Sa ating pagtalakay ay ang Julian Calendar ang ating gagamitin. Ito kasi ang kalendaryong gamit ng mga unang Kristiyano hanggang 1582, kung kailan sinimulan nang gamitin ang Gregorian Calendar.

Ngayon, paano natin makikita na ang katumbas ng Tishri 10 sa Hebrew Calendar ay katumbas ng mga petsang ibinigay natin sa Julian Calendar?

Ganito.

Una, kailangang malaman natin ang taon kung kailan isinilang si Hesus.

Ideally, ang taon na iyan ay 1 AD, na ang ibig sabihin ay “Anno Domini,” o ang taon (Anno) ng Panginoon (Domini).

BC at AD

Nag-ugat iyan sa isang monghe, o monk, na si Dionysius Exiguus na mistulang tinukoy ang 1 AD nang sabihin niya na ang pamumuno ni Flavius Probus ay 525 taon “mula nang magkatawang tao ang ating Panginoong Hesu Kristo.”
May mga sumunod sa tantiya ni Exiguus kaya noong taon 731 ay ginamit ni Saint Bede ang “AD” sa kanyang panulat. Si Saint Bede din ang isa sa unang gumamit ng “BC” o “Before Christ.”
Ang pagkakaiba ng AD at BC ay dumadagdag ang bilang ng AD, samantalang pabawas ang bilang ng BC. Halimbawa, ang AD ay 1 AD, 2 AD, 3 AD, 4 AD, 5 AD etc. Ang BC ay paatras tulad ng 6 BC, 5 BC, 4 BC, 3 BC, 2 BC, 1 BC.
Sina Exiguus at Bede ay parehong gumamit ng Julian Calendar kaya iyan ang ginagamit nating batayan sa pagtukoy sa petsa ng pagsilang ng Panginoong Hesus.
Sa Pagitan ng 6 BC at 1 BC

Nitong mga nakaraang taon ay nadiskubre na mali ang tantiya ni Exiguus. Ayon sa mga researcher, hindi tama ang 1 AD bilang taon ng pagsilang kay Kristo.

Batay sa pagsusuri, naniniwala ang mga eksperto na ang pagsilang sa Panginoon ay sa pagitan ng 6 BC at 1 BC.

Tulad ng ipinakita natin sa itaas, ang tutugmang taon ay 6 BC para sa pagpapakita ng anghel kay Zacarias sa loob ng templo.
5 BC ‘Most Likely’
Sa sarili kong pagsusuri, batay na rin sa ipinakita kong mga ebidensiya sa itaas, nakita ko na malamang na noong December 25, 5 BC, isinilang  si Hesus.

Ibig sabihin, kung 5 BC isinilang si Hesus, ang tagpo sa Lk 1:8-9 ay nangyari sa sinusundang taon, o nung 6 BC.

Para makita kung suportado niyan ang December 25 ay gagamit tayo ang calendar converter, na sa pagkakataon ngang ito ay ang http://www.abdicate.net/cal.aspx.
Dahil tiyak natin na Tishri 10 ang petsa noong maganap ang pagpasok ni Zacarias sa templo ayon sa Luke 1:8-9 ay hahanapin na lang natin ang katumbas na taon ng Tishri 10 na tatapat sa 6 BC sa Julian Calendar.
Para mabilis nating malaman iyan ay pumunta tayo sa hanay ng calendar converter na nakasulat ang “Julian.” I-type ang “25” sa ilalim ng “Day.” Piliin ang “September” sa hilera ng “Month.” At i-type ang “-6” sa ilalim ng “Year.” Saka pindutin ang button na “Julian” na nasa kanan.
Lalabas sa bandang itaas (puting bahagi ng screen) ang resulta ng mga katumbas na petsa sa “Gregorian,” “Julian,” at “Jewish” calendar.
Makikita natin na ang katumbas na taon ng “-6” o “6 BC” sa “Jewish” ay ang taon na “3756.”
Birthday ni Hesus noong 5 BC
Saka tayo babalik sa calendar converter at ita-type sa hilera ng “Jewish” ang “10” sa ilalim ng “Day.” Pipiliin natin ang “Tishrei” sa ilalim ng “Month” at ita-type ang “3756” sa ilalim ng “Year.” Saka pipindutin ang button na “Jewish” na nasa kanan.
Lalabas sa resulta ang katumbas na petsa ng Tishri 10, 3756, sa kalendaryong “Julian.” At iyan ay September 22, 6 B.C., araw ng Mierkules.
Ibig sabihin ay Mierkules nagpakita ang anghel kay Zacarias.
Sabi sa Luke 1:23, umuwi si Zacarias matapos ang mga araw ng paglilingkod sa templo. At dahil isang linggo (Linggo hanggang Sabado) ang paglilingkod ng mga pari sa templo, makauuwi lang si Zacarias sa darating na Sabado. Iyon ay noong Tishri 13, 3756, o September 25, 6 BC, ang mismong araw ng paglilihi ni Elisabet kay John the Baptist.
Tungo sa December 25
So, eksaktong September 25, 6 BC, ay umuwi si Zacarias at noon din nagbuntis ang asawa niyang si Elisabet.

Muli, sinasabi sa Luke 1:26 na sa ikaanim na buwan ng pagbubuntis ni Elizabeth ay inanunsyo ni Anghel Gabriel ang pagbubuntis ni Maria.
Kung bibilangin natin ang anim na buwan mula sa September 25, 6 BC, ay darating tayo sa March 25, 5 BC (Nisan 17, 3756)
At kung bibilangin natin ang siyam na buwan ng pagbubuntis ni Maria ay makikita natin nanganak siya noong December 25, 5 BC. Iyan ay Tevet 25, 3757 sa kalendaryong Hebreo.
So, kahit gamitan ng siyensiya at calendar converter ay malinaw nating makikita na ang kaarawan ng Panginoong Hesus ay December 25.
Matibay na Pruweba

At diyan natin makikita na saan man daanin ang pagkukwenta: sa kasaysayan man, sa Bibliya o siyensiya, ay lilitaw na December 25 ipinanganak ang Panginoong Hesus.
Katunayan, nagsusuportahan ang mga iyan sa pagpapakita na isinilang ang Kristo sa petsang December 25.
Sa madaling salita, ang Bibliya, ang kasaysayan at ang siyensiya ay nagbibigay ng iisa at matibay na pruweba na tama ang paniniwalang Katoliko kaugnay sa December 25, ang tamang petsa ng Pasko.

Hindi ko na po sasagutin ang PATOTOO DI UMANO ni Mr. Cenon na Dec. 25 daw talaga ang birthday ni Kristo, at MALI daw na ipinalit lang ng Iglesia Katolika ang kaarawan ni Kristo sa pista ng pagano, sinabi pa nyang PAGANO pa daw ang gumaya sa kanila.

Tignan na lang natin kung yung pinagsasasabi ba nitong si Mr. Cenon ay AKMA o base sa pinaniniwalaan ng Iglesia Katolika:

Sabi ni Mr. Cenon:
Ang December 25 din daw ay kapistahan ng Sol Invictus, o kapistahan ng Araw, ayon sa paniniwala ng mga paganong Romano. At diyan daw kinuha ang petsa ng kapanganakan ni Hesus.
Sinasabi nila na ipinalit lang ng Simbahang Katoliko ang kaarawan ng Kristo sa mga pistang pagano.

Sorry pero mali sila.

Ang kapistahan ng Sol Invictus tuwing December 25 ay noon lang 275 AD idineklara ni Emperador Aurelian.
 
Sabi ng kanilang Papa:

"For Christianity the Feast of Christmas acquired its definitive form in the fourth century when it replaced the Roman Feast of the Sol invictus, the invincible sun."
source: vatican.va 


Sabi ni Mr. Cenon Bibe:
Sa pagitan ng 171 AD at 183 AD, isang obispong Kristiyano, si Theophilus ng Caesaria (Palestina), ang nagsabi na si Hesus ay isinilang ng December 25.

Sabi niya, “We ought to celebrate the birth day of our Lord on what day soever the 25th of December shall happen."  (Magdeburgenses, Cent. 2. c. 6. Hospinian, de orign Festorum Christianorum)


Sunod diyan, noong 220 AD ay sinabi ni Hippolytus — isang Kristiyano na nabuhay sa pagitan ng 165 AD at 235 AD — na si HESUS ay ipinanganak noong December 25.
Dalawa iyan sa mga sinaunang patotoo na noon pa man ay kinilala na ang December 25.

Ngunit ayon naman sa kanilang Pope:
"Hippolytus of Rome, in his commentary on the Book of the Prophet Daniel, written in about a.d. 204, was the first person to say clearly that Jesus was born on 25 December."
source: vatican.va 


Sabi ni Mr. Cenon:
"At diyan natin makikita na saan man daanin ang pagkukwenta: sa kasaysayan man, sa Bibliya o siyensiya, ay lilitaw na December 25 ipinanganak ang Panginoong Hesus.
Katunayan, nagsusuportahan ang mga iyan sa pagpapakita na isinilang ang Kristo sa petsang December 25.
Sa madaling salita, ang Bibliya, ang kasaysayan at ang siyensiya ay nagbibigay ng iisa at matibay na pruweba na tama ang paniniwalang Katoliko kaugnay sa December 25, ang tamang petsa ng Pasko."
 
Ayon naman sa isang website kung saan pinag usapan ang LATEST NA LIBRO NG KANILANG PAPA:

"The Bible does not specify a date for the birth of Christ. The monk instead appears to have based his calculations on vague references to Jesus's age at the start of his ministry and the fact that he was baptised in the reign of the emperor Tiberius. 

Christ's birth date is not the only controversy raised by the Pope in his new book – he also said that contrary to the traditional Nativity scene, there were no oxen, donkeys or other animals at Jesus's birth...." 



"The idea that Christ was born on Dec 25 also has no basis in historical fact. "We don't even know which season he was born in. The whole idea of celebrating his birth during the darkest part of the year is probably linked to pagan traditions and the winter solstice.""...

source: telegraph.co.uk 
 

Sino ba ang dapat nating pakinggan at paniwalaan, si Mr. Cenon o ang kanilang Pope?

May katotohanan nga ba sa pinagsasasabi ni Mr. Cenon tungkol sa birthday ni Kristo, na ito daw ay Dec.25?

Totoo kayang walang LINK ang mga pista ng pagano at ang Christmas nila tuwing Dec. 25?


KAYO NA PO ANG HUMUSGA.

Tunay nga na walang sikretong di malalantad at walang katotohanan na hindi maibubunyag.
Ilang daang taon na sa pagsunod sa tradisyong ito ang mga Christmas-celebrators, ngunit eto at pinapatunayan mismo ng mga lumikha nito na MALI ang mga practices at traditions na nakapaloob dito LALONG LALO NA, na HINDI TALAGA DEC. 25 ang Birthday o araw ng kapanganakan ni Kristo.


12 comments:

  1. ang taong nagpapakatalino pero MANGMANG pa rin.. :)

    ReplyDelete
  2. Hayaan sana ninyong sagutin ko ang tanong ninyo kung "[s]ino ba ang dapat nating pakinggan at paniwalaan, si Mr. Cenon o ang kanilang Pope?"

    Parehong puwedeng paniwalaan ang sinabi ng artikulo at ang sinabi ng Papa dahil wala namang kontrahan sa dalawa. Nagkamali lang kayo ng pagbasa at pag-unawa sa mga pahayag nila.

    Sa isyu ng kung "ipinalit lang" sa pista ng pagano ang Pasko ay walang kontrahan sa mga pahayag.

    Naipakita sa artikulo na bago pa ideklara ang paganong pista na Sol Invictus noong 275 AD ay kinilala na ang Dec. 25 bilang kaarawan ni Hesus.

    Hindi sinabi ng Papa na nadeklara lang ang Dec. 25 noong ipalit ito sa Sol Invictus. Ang sinabi ng Papa ay "the Feast of Christmas acquired its definitive form in the fourth century when it replaced the Roman Feast of the Sol invictus."

    Sa Pilipino, "nagkaroon ng batayang anyo" (definitive form) ang Pista ng Pasko noon palitan nito ang pista ng Sol Invictus. Anyo ang punto, hindi ang petsa.

    Katunayan, sinabi ng Papa--batay na rin sa sipi ninyo sa kanya--na noon pa lang 204AD ay may malinaw nang nagsabi na ang Dec. 25 ay petsa ng Pasko. Iyan ay 71 taon bago ideklarang pista ng mga pagano ang Sol Invictus noong 275AD. So, paano ipampapalit ang Dec. 25 sa pista ng Sol Invictus kung nauna na itong kinilala bilang petsa ng Pasko kaysa pista ng pagano?

    Sa madaling salita, hindi ang petsang Dec. 25 o ang Pasko mismo ang ipinampalit kundi ang "batayang anyo" nito. Inalis na ang anumang anyo ng pistang pagano at pinalitan ng anyo ng Pista ng Pasko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr. Cenon Bib Jr,

      Pinakita ko nga ang kontrahan ng pahayag nyo sa pahayag ng inyong POPE kaya maling mali ang ginawa ninyo, title palang mali na.

      Maliwanag na maliwanag po kasi:

      AYON SA INYO

      "Ang December 25 din daw ay kapistahan ng Sol Invictus, o kapistahan ng Araw, ayon sa paniniwala ng mga paganong Romano. At diyan daw kinuha ang petsa ng kapanganakan ni Hesus.

      Sinasabi nila na ipinalit lang ng Simbahang Katoliko ang kaarawan ng Kristo sa mga pistang pagano.

      Sorry pero mali sila."

      Ang punto nyo MALI NA SABIHING IPINALIT LANG NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG KAARAWAN NI KRISTO SA MGA PISTANG PAGANO.

      AYON NAMAN SA INYONG POPE:

      "For Christianity the Feast of Christmas acquired its definitive form in the fourth century when it replaced the Roman Feast of the Sol invictus, the invincible sun." source: vatican.va

      Yung sinasabi mong si Hippolytus of Rome, ang sabi ikowt ko uli "a.d. 204, was the first person to say clearly that Jesus was born on 25 December." HE WAS THE FIRST PERSON TO SAY. Nagsabi lang sya hindi sya nagdeklara dahil wala namang siyang authority para gawin yon. Isa lang siya sa maraming writers na nag-speculate kung KELAN NGA BA TALAGA ANG BIRTHDAY NI KRISTO. Pero ang katotohanan maliwanag:

      "The Chronography of 354, an illuminated manuscript compiled in Rome, is an early reference to the date of the nativity as December 25." source: wikipedia

      Tama ang POPE nyo, nung fourth century lang naman talaga ito sinelebrate at kumbaga napagpasyahan na Dec25 talaga ang KAARAWAN NI KRISTO.

      SPECULATION lang ni Hippolytus yun:

      "Hippolytus of Rome (170–235) may also have identified December 25 for the birth of Jesus and March 25 for the conception.Sextus Julius Africanus (c. 160–c. 240) identified December 25, later to become the most widely accepted date of celebration, as the date Jesus' birth in 221.The precise origin of assigning December 25 to the birth of Jesus is unclear.Various dates were speculated: May 20, April 18 or 19, March 25, January 2, November 17 or 20." source; wikipedia


      KAYA SALUNGAT PO TALAGA ANG SINABI NYO SA BLOG NYO KUMPARA SA SINABI NG POPE AT SA NILALAMAN NG HISTORY. Uy, kala makakalusot :)

      Delete
    2. Ang ISYU RITO ay ang PETSANG "DECEMBER 25," di po ba?

      HINDI NINYO NAPATUNAYAN na NAGKONTRAHAN KAMI ng SANTO PAPA sa BAGAY na IYAN.

      Kaya naman MEDYO INILIHIS o INILIKO NINYO ang USAPIN.

      SINABI NINYO:
      "Ang punto nyo (Cenon Bibe) MALI NA SABIHING IPINALIT LANG NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG KAARAWAN NI KRISTO SA MGA PISTANG PAGANO."

      HINDI KO po PUNTO YAN.

      YAN ang PUNTO na GUSTO NINYONG PALABASIN dahil HINDI NINYO NAPATUNAYAN ang BINTANG NINYO na NAGKONTRAHAN NAMIN ng SANTO PAPA sa DECEMBER 25.

      Katunayan, HINDI NINYO PINANSIN ang SINABI KO na:
      "Hindi sinabi ng Papa na nadeklara lang ang Dec. 25 noong ipalit ito sa Sol Invictus. Ang sinabi ng Papa ay "the Feast of Christmas acquired its definitive form in the fourth century when it replaced the Roman Feast of the Sol invictus."

      "Sa Pilipino, "nagkaroon ng batayang anyo" (definitive form) ang Pista ng Pasko noon palitan nito ang pista ng Sol Invictus. Anyo ang punto, hindi ang petsa."

      Paki pansin na PETSA ang ISYU. Consistent sa ISYU na PINUNA NINYO.

      INILIKO NINYO sa PAGPAPALIT lang sa PISTA ng Sol Invictus. NAWALA NA ang ISYU sa DECEMBER 25.

      Ang GINAWA NINYO ay isang LOGICAL FALLACY o MALING PANGANGATWIRAN kung saan INILAYO NINYO ang USAPAN sa TUNAY na ISYU dahil HINDI NINYO MAKONTRA ang SINASAB IKO.

      DINALA NINYO ang USAPIN sa isang “MINOR” ISSUE na AKALA NINYO ay MAIPAPANALO NINYO.

      SORRY pero HINDI UMUBRA.

      Delete
    3. Mr. Cenon Bibe Jr.

      Ok lang naman na gawan nyo ng palusot ang mga sinabi nyong mga imormasyon pero pasensya na may sarili napo akong kopya at orihinal yan wala akong ginawang dagdag bawas po. diba po? :)

      Kaso ang mga mambabasa na ang manghuhusga kung talaga ngang may kontrahan ngang nangyari dahil napaka obvious naman, wala ng dapat pang ipaliwanag dahil sobrang LINAW ng mga statement nyo.

      Ang KONTRAHAN dito ay hindi lang basta sa PETSA, kundi ang BUONG NILALAMAN na mga impormasyon sa inyong artikulo. title lang yon ng post, kaya pwede ba...

      COPY PASTE KO ULI ANG KONTRAHAN:

      AYON SA INYO

      "Ang December 25 din daw ay kapistahan ng Sol Invictus, o kapistahan ng Araw, ayon sa paniniwala ng mga paganong Romano. At diyan daw kinuha ang petsa ng kapanganakan ni Hesus.

      Sinasabi nila na ipinalit lang ng Simbahang Katoliko ang kaarawan ng Kristo sa mga pistang pagano.

      Sorry pero mali sila."

      Ang punto nyo MALI NA SABIHING IPINALIT LANG NG SIMBAHANG KATOLIKO ANG KAARAWAN NI KRISTO SA MGA PISTANG PAGANO.

      AYON NAMAN SA INYONG POPE:

      "For Christianity the Feast of Christmas acquired its definitive form in the fourth century when it replaced the Roman Feast of the Sol invictus, the invincible sun." source: vatican.va

      ___________________________________________________

      Mismong kapwa nyo Catholic defender ang nag admit, si Riel Lopez aka Lay apologist, ang creator ng EXPOSING IGLESIA NI CRISTO CULT OF MANALO FB FANPAGE. Ang sabi niya:

      "If the Catholic Church indeed adopted Christmas from Paganism and purified it as a celebration of the birth of Christ, whats wrong with it?"

      Lahat ng CFD alam ang katotohanan, pati ikaw mismo, kaso, dahil kilala ka, ayan at hugas kamay ka. IBIGAY NATIN SA READERS ANG KAPANGYARIHANG HUMUSGA.

      Kahit ano pang pagtatakip gawin nyo, malinaw na malinaw po yan :)

      Delete
  3. 3. At doon sa umano ay sinabi sa libro ng Papa, ang mga sinipi ninyo ay HINDI GALING sa LIBRO ng Papa kundi komentaryo lang ng nagsulat ng artikulo na si Nick Squires.

    Partikular na mga komentaryo lang ni Squires ang mga sinipi ninyong sumusunod:

    "The Bible does not specify a date for the birth of Christ. The monk instead appears to have based his calculations on vague references to Jesus's age at the start of his ministry and the fact that he was baptised in the reign of the emperor Tiberius."

    "Christ's birth date is not the only controversy raised by the Pope in his new book – he also said that contrary to the traditional Nativity scene, there were no oxen, donkeys or other animals at Jesus's birth...."

    Paki pansin na binanggit diyan ang "raised by the Pope in his new book." Obviously, hindi yan sinabi sa libro ng Papa. Una, third person ang pagtukoy sa Papa. Kung Papa ang nagsabi niyan ay malamang gamitin niya ang first person. Dapat ang pagkakasulat ay "I raised in MY new book" o "I raised in THIS, MY new book."

    So, mali ang attribution ninyo sa mga citation na iyan.

    Ito namang sumusunod na sipi ninyo ay hindi rin sinabi ng Papa o ng libro niya kundi sinabi ni Squires at ni "John Barton, Professor of the Interpretation of the Holy Scripture at Oriel College, Oxford University," na tila na-interview ni Squires.

    Itong bahagi na ito ay komentaryo ni Squires:
    "The idea that Christ was born on Dec 25 also has no basis in historical fact."

    Heto naman ang pagsipi ni Squires sa sinabi ni Barton:
    "We don't even know which season he was born in. The whole idea of celebrating his birth during the darkest part of the year is probably linked to pagan traditions and the winter solstice.""...

    Wala kayong nasipi na salita mismo ng Papa o ng kanyang libro.

    Sana ilabas ninyo ang mga pagtutuwid na ibinigay ko in the name of fair play at para hindi malito o maligaw ang mga nagbabasa ng inyong blog.

    Salamat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr. Cenon Bibe Jr.,

      Ang sabi nyo:

      "At doon sa umano ay sinabi sa libro ng Papa"

      Ang sabi ko naman eh:

      "Ayon naman sa latest na libro ng kanilang Papa"

      BASE SA LIBRO NG PAPA, kasi yung article na kinowt ko pinag uusapan nila ang LATEST NA LIBRO NG INYONG PAPA. Kung meron kayong tutol sa sinabi nila eh sa kanila po maganda kayo magreklamo at huwag sakin, sila ang nagbasa at umunawa ng libro hindi ako.

      Pero dahil mabait ako sige po wala namang problema sakin kung lilinawin ko ang nakalagay sa pagkakakowt ko sa artikulo na iyon :) Request nyo eh pagbigyan. Pero still, tunay nga na KONTRA talaga ang inyong artikulo sa mga katotohanan na nakalagay dito :)

      Delete
    2. ANO po ang PROBLEMA sa SINABI KONG "LIBRO ng PAPA" at sa SINABI NINYONG "LATEST na LIBRO" ng PAPA?

      PAREHO LANG po yata yan. SUBUKAN PO NINYONG SURIIN baka NALITO LANG KAYO.

      NAGULUHAN po siguro KAYO dahil NAHIRAPAN KAYONG TUTULAN ang PUNA KO na MALI ang PAGSIPI NINYO sa ARTIKULO na TUMALAKAY sa LIBRO ng PAPA.

      Tila SINUBUKAN kasi NINYONG PALABASIN na LIBRO ng PAPA ang NAGSABI na “The idea that Christ was born on Dec 25 also has no basis in historical fact.”

      MALI nga, di po ba?

      Ang SIPI kasi na GINAMIT NINYO ay HINDI naman GALING sa LIBRO ng PAPA kundi sa IBANG TAO.

      PASENSIYA NA KAYO kung NALANTAD and HINDI MAGANDANG KATOTOHANANG YAN.

      Delete
    3. mR. cENON BIBE JR,

      Kayo ang lito ehh, ang linaw linaw di ko naman kailangan ang paulit ulitin dahil pareho naman tayong nakapag aral, sadyang may mga tao lang na ayaw iapply ang PINAG ARALAN :)

      Muli, kung meron kayong reklamo sa kinowt ko, dun sa WRITER kayo ng website magsabi wag sakin dahil SILA PO ang nagbasa nung libro ng papa nyo at hindi ako. Kung meron lang akong kopya non hindi ko na kailangan pang magkowt ng iba. ok po ba? nagkakaintindihan po ba tayo? sana naman :)

      PASENSYA na rin po kung nahalata ko ang paraan nyo ng pagpapalusot, sa tagal ko ng pagboblog alam ko na yang galawan na yan ehh :)

      Delete
  4. Si Mr.Duck ay nakorner sa sariling sinabi niya....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Paki BASA po uli yung TUGON KO sa ARTIKULO RITO. Baka po NALILITO rin KAYO.

      IBA na po yung NAGBIBIGAY ng REAKSYON na BATAY sa TAMANG UNAWA.

      Delete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.