"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

December 4, 2013

Bakit Iglesia ni Cristo at hindi "Iglesia ng Diyos"?

Ang tanong ng ilan sa Iglesia ni Cristo, bakit naman Iglesia ni Cristo ang pangalan ng Iglesia niyo, eh mas marami namang nakasulat na "Iglesia ng Diyos" sa bibliya? 

Bakit niyo ginagamit ang Gawa 20:28 ng Lamsa Translation eh karamihan ng salin non eh "Iglesia ng Diyos" at hindi Iglesia ni Cristo?

Yan ang kani kanilang mga tanong at sasagutin natin yan isa-isa.


Bakit Gawa 20:28 ng Lamsa Translation?

Hanggang ngayon hindi pa rin magkasundo ang mga bible scholars kung "church of the Lord" nga ba talaga o "church of God" ang tamang salin ng nasa Gawa 20:28, mga trinitarians kasi ang may pakana kung bakit naging "church of God" ang naging salin ng karamihan sa mga bible translations and versions.
Kung sasabihin naman nilang tignan natin sa original manuscripts, wala rin dahil wala na ang mga yon, mga kopya ng manuscripts na lang ang meron ngayon at hindi maitatanggi ng mga eksperto na may mga mali sa pagkakasalin ng mga ito. Lalo na language vs. language ang labanan, alam nyo naman na merong mga salita sa isang wika na walang eksaktong translation sa ibang wika.

Bukod sa Lamsa Translation saan saan pa ba natin makikita ang katagang "church of Christ" sa Gawa 20:28?


The English translation of the verse in Syriac manuscript such as MS Syriac 325 (12th century), MS Syriac 27 (16th century), and the Novum Testamentum Syriace (17th century) read "church of Christ".
Peshitta Aramaic Text which when translated into English, reads: 
"Take heed therefore to yourselves, and to the whole flock over which the Spirit of Holiness hath constituted you the bishops; to pasture the church of Christ which he hath purchased with his blood."  

Etheridge Translation:
"Take heed therefore to yourselves, and to the whole flock over which the Spirit of Holiness hath constituted you the bishops; to pasture the church of the Meshiha [Christ] which he hath purchased with his blood."
Disciples New Testament:
"Therefore, take care of yourselves, and of all the congregation in which you have been appointed through the holy Spirit as bishops, to shepherd the church of Jesus Christ, that which he established by his blood."

Alamin nga natin ang paliwanag ni George Lamsa kung bakit nga ba niya ito trinanslate as "church of Christ":


“The Eastern text reads: "the Church Of Christ which he has purchased with his blood. Jewish Christians could not have used the term “God”, because in their eyes God is spirit, and spirit has no flesh and blood. It was Jesus of Nazareth who shed his blood on the cross for us, and not God.” [George M. Lamsa, New Testament Commentary, pp. 149 - 150]

Ganoon din ang katuwiran at paniniwala namin ukol sa kung sino ba talaga ang tumubos sa Iglesia sa pamamagitan ng kaniyang dugo: ang DIYOS ba o si KRISTO?

Ang sagot ay mahahanap sa bibliya, dahil ang bibliya ang saligan ng aming paniniwala, kaya hanapin natin ang sagot sa katanungang yan. 

Ito ang sinasabi ng bibliya:


"higit ang nagagawa ng dugo ni Cristo! Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu, inialay niya sa Diyos ang kanyang sarili bilang handog na walang kapintasan. Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating a puso't isipan sa mga gawaing walang kabuluhan upang tayo'y makapaglingkod sa Diyos na buhay." Hebreo 9:14

"Gayundin naman, namatay si Jesus sa labas ng bayan upang linisin niya ang tao sa kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. Hebreo 13:12

Tinubos tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob" Efeso 1:7

Alam ninyo kung ano ang ipinantubos sa inyo sa walang kabuluhang pamumuhay na inyong minana sa inyong mga magulang. Ang ipinantubos sa inyo'y hindi ang mga bagay na nasisira o nauubos, tulad ng ginto o pilak, kundi sa pamamagitan ng mahalagang dugo ni Cristo. Siya ang korderong walang batik at kapintasan." I Juan 1:18-19

at mula kay Jesu-Cristo, ang tapat na saksi, ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay at pinuno ng mga hari sa lupa. Iniibig niya tayo, at sa pamamagitan ng kanyang dugo ay pinalaya niya tayo sa ating mga kasalanan." Pahayag 1:5

Inaawit nila ang isang bagong awit: "Ikaw ang karapat-dapat na kumuha sa kasulatan at sumira sa mga selyo niyon. Sapagkat pinatay ka, at sa pamamagitan ng iyong dugo ay tinubos mo ang mga tao para sa Diyos, mula sa bawat lahi, wika, bayan at bansa." Pahayag 5:9

Hindi ko na sana kailangan pang ibigay ang mga verses na ito lalo na kung ikaw ay nagbabasa ng bibliya, dahil from cover to cover ng bibliya wala tayong mababasa na dugo ng DIYOS ang ipinantubos sa tao o sa Iglesia.

Alam naman ng lahat na ang DIYOS ay espirito, walang laman at walang buto kaya WALANG DUGO yon:


"Ang Diyos ay espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.” Juan 4:24

Samantalang si Kristo, may laman at buto, kaya malamang siya ang may DUGO:

"Tingnan ninyo ang aking mga kamay at mga paa. Ako nga ito. Hawakan ninyo ako at pagmasdan. Ang multo ay walang laman at buto, ngunit ako'y mayroon, tulad ng nakikita ninyo." Lucas 24:39

Yan ang mga dahilan kung bakit maling salin ang "Iglesia ng Diyos" sa Gawa 20:28 dahil hindi naman ang DIYOS ang nagtubos sa pamamagitan ng dugo kundi si KRISTO na TAO.

Sasabihin naman ng iba, eh hindi naman kasi Diyos Ama ang tinutukoy don kundi si Kristo, Diyos nga kasi si Kristo kaya tama lang na "Iglesia ng Diyos"!

Ang salitang "Diyos" ay laging tumutukoy sa Diyos Ama hindi kay "Kristo", wala tayong mababasa ni isang verse sa bibliya, unless maling salin yung gagamitin mo, na ang salitang "Diyos" ay tumutukoy kay "Kristo". 

Dahil kung siya yon, sino ang ANAK NIYA? Diba may anak ang Diyos, ngayon, sino ang ANAK NI KRISTO na ayon sa inyo eh ANG DIYOS?


Mas maraming talata sa bibliya mababasa natin ang katagang "Iglesia ng Diyos" kesa "Iglesia ni Cristo", bakit hindi na lang IGLESIA NG DIYOS ang pangalan ng Iglesia niyo?


Eto daw ang mga verses kung saan nabanggit ang "Iglesia ng Diyos":


"para sa iglesya ng Diyos na nasa Corinto, sa inyo na mga hinirang ng Diyos na maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Cristo Jesus, gayundin sa lahat ng tao na nasa lahat ng dako na tumatawag sa pangalan ni Jesu-Cristo, na Panginoon nating lahat," I Cor. 1:2
"Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman, ng mga Judio, ng mga Hentil, o ng mga kaanib sa iglesya ng Diyos," I Cor. 10:32
"Wala ba kayong sariling bahay upang doon kumain at uminom? O hinahamak ninyo ang iglesya ng Diyos at hinihiya ang mahihirap? Ano ang gagawin ko ngayon? Ipagmamalaki ko ba kayo dahil sa bagay na iyon? Hinding-hindi ko gagawin iyon!" I Cor. 11:22

Mula kay Pablo na isang apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa ating kapatid na si Timoteo--- Para sa iglesya ng Diyos sa Corinto at sa mga hinirang ng Diyos, na nasa buong Acaya." II Cor. 1:1

Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay noon bilang masugid na kaanib ng relihiyon ng mga Judio. Walang awa kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito'y wasakin." Gal. 1:13

Sapagkat paano siyang makakapangasiwa nang maayos sa iglesya ng Diyos kung hindi niya maiayos ang sarili niyang pamilya?" I Tim. 3:5

Nguni't kung ako'y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan. " I Tim. 3:15
at iba pa...

Maaaring itanong niyo, kung madami pala ang verses kung saan nakasulat ang katagang "Iglesia ng Diyos" ibig bang sabihin yun na ang PANGALAN NG IGLESIANG ITINAYO NI KRISTO?

Eh ano ba kasi ang dahilan kung bakit tinawag na "Iglesia ng Diyos" ang Iglesia ni Cristo?

Ayon na rin sa Apologeticpress.org:


"Several times in the New Testament, the term “church” is linked together with the Greek term theos (God), and thus one easily can ascertain the fact that the Church to which obedient believers belong is the Church begun and owned by God.
Paul wrote “to the church of God which is at Corinth” (1 Corinthians 1:2; 2 Corinthians 1:1, emp. added), and later commanded the Corinthians to “[g]ive no offense...to the church of God” (1 Corinthians 10:32-33, emp. added). He confessed to the churches of Galatia that he had “persecuted the church of God” before becoming a Christian (Galatians 1:13, emp. added).
Paul also wrote to the Christians in Thessalonica, reminding them how they “became imitators of the churches of God which are in Judea” (1 Thessalonians 2:14, emp. added), and even boasted of them “among the churches of God” for their endurance through persecution (2 Thessalonians 1:3-4, emp. added).
One must not miss the point that the Church of the New Testament is God’s Church."

Ipinantatawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa mga hentil na miyembro ng Iglesia ni Cristo, ang mga hentil kasi ay hindi kabilang sa bayan ng Diyos, ang Israel, kaya sila ay WALANG DIYOS:


"Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo na walang pag-asa at walang Diyos." Efeso 2:12

Wala silang Diyos dahil hindi sila bayan ng Diyos:


"Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil. Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, "Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging 'Bayan ko,' at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging 'Mahal ko.'" Roma 9:24-25

Kaya hindi nila kilala ang Diyos:


"Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios" I tess. 4:5

Yon ang dahilan kung bakit ipinantawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa Iglesia para malaman nila na ang Iglesiang iyon ay MAY DIYOS at ang mga natawag na mga HENTIL sila ngayoy sa DIYOS NA.

Ang iglesia ng Diyos ay kay Kristo, ang Iglesia ni Cristo ay sa Diyos:

"Ang lahat ng sa Ama ay sa akin, kaya ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa akin at ipahahayag niya ito sa inyo." Juan 16:15

"Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila." Juan 17:9-10

Ang Iglesia ay itinatag ni Kristo, ITO AY SA DIYOS kaya walang problema kung tinawag ang Iglesia na "iglesia ng Diyos" pero hindi ito ang OPISYAL na PANGALAN ng Iglesia dahil ito ay isang adjective lamang, o dinedescribe lang na ang IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS.


Eh kung ganoon, bakit nga ba Iglesia ni Cristo at hindi "Iglesia ng Diyos"?

Naniniwala kami na tamang itawag sa Iglesia noong 1st century ay IGLESIA NI CRISTO dahil si Kristo ang nagtayo nito:


"At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya." Mateo 16:18

Si KRISTO ang ULO at IGLESIA ang KATAWAN:

"Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. " Col. 1:18

Eh ano ba kasing meron sa pangalan niya kaya ipinangalan ang IGLESIA kay KRISTO?


nais kong malaman ninyong lahat at ng buong Israel na ang taong ito ay nakatayo sa inyong harapan at lubusang gumaling dahil sa kapangyarihan ng pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, na inyong ipinako sa krus ngunit muling binuhay ng Diyos. Ang Jesus na ito, 'Ang batong itinakwil ninyong mga tagapagtayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan.' Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas." Gawa 4:9-12

Wala palang IBANG PANGALAN NG SINUMANG TAO SA BUONG MUNDO na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayoy MALIGTAS. At sa ating Panginoong HesuKristo pala matatagpuan ang KALIGTASAN. Siya kasi ang TAGAPAGLIGTAS ng IGLESIA:


"Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito." Efeso 5:23

Kaya kung gusto mong MAKASAMA sa ILILIGTAS NIYA, kailangan mong pumasok sa kaniya:

"Ako nga ang pintuan. Ang sinumang pumapasok sa pamamagitan ko'y maliligtas..." Juan 10:9

Hindi siya literal na pintuan na daanan ng tao, ang ibig sabihin ni Kristo, umanib ka sa IGLESIANG ITINAYO niya.


Tanong, nasusulat ba ang pangalang "Iglesia ni Cristo" sa BIBLIYA?


"Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo." Roma 16:16 BMBB

Yan ang mga dahilan kung bakit "Iglesia ni Cristo" at hindi "Iglesia ng Diyos" ang pangalan ng Iglesiang itinayo ni Kristo kung saan kami kabilang. Isa isahin ulit natin.


1. Dahil hindi ang Diyos ang nagtubos sa Iglesia sa pamamagitan ng kaniyang dugo kundi si KRISTO.

2. Hindi kami naniniwala na Diyos si KRISTO

3. Si Kristo ang nagtayo ng Iglesia.

4. Walang ibang pangalan na sukat ikaligtas ng tao kundi sa pangalan lamang ng ating Panginoong Hesukristo.

5. Si Kristo ang ULO at Iglesia ang KATAWAN. 

6. Ang iglesia ng Diyos ay kay Kristo.



Hindi IGLESIA NI CRISTO ang pangalan ng kinabibilangan namin dahil trip trip lang, o dahil lang sa Roma 16:16 na kesyo, may nakita lang na Iglesia ni Cristo yun agad ang ipinangalan. Meron pang mas malalalim na dahilan dito at itoy natalakay na sa itaas.

Ang iba kasing mga pekeng relihiyon makabasa lang ng IGLESIA na may kasunod yun agad ang ipnantatawag, tulad ng IGLESIA NG DIYOS NA BUHAY, HALIGI AT SUHAY NG KATOTOHANAN, o kaya naman IGLESIA NG DIYOS NA BUHAY, at marami pang iba, masabi lang na nakasulat sa bibliya pangalan ng relihiyon nila.

13 comments:

  1. Hi bro, request lang ako. Pwede post ka ng tungkol sa 1 Corinthians 10:1-4. Yung stand natin about dun. Panglaban ko lang sa mga trinitarians. :) Ty bro.

    ReplyDelete
  2. Ibig bang sabihin na ang iyong anak o ama ay hindi mo kadugo? Kng naniniwala kang si Kristo ay anak ng Diyos hindi ka ba naniniwalang kadugo na ng Diyos si kristo? At dahil ipinadala niya si Kristo para tubusin ang kasalanan natin hindi ba ibig sabihin na sa Diyos galing ang pinantubos?

    ReplyDelete
    Replies
    1. wala pong dugo ang Diyos. siya po ay Spiritu. Juan 4:24.

      luke 24:39 - Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

      Delete
    2. Hindi sapagkat maging ang mga tao sa bayan Niya ay kinikilala Niyang mga anak, samakatuwid ang tawag sa mga anak ng bayan ng Diyos "anak ng Diyos". Nangangahulugan bang Diyos din ang mga anak ng bayan ng Diyos?

      Hindi maging biyolohikal ang pagiging anak ni Cristo sa Diyos na kaniyang Ama, sapagkat ipinanganak si Cristo ng kaniyang ina na si Maria, na nagdadalang TAO (si Cristo) sa pamamagitan ng Espiritu Santo. (Mat.1:18)

      Kaya iyon ang ginawang paraan ng Diyos upang patunayan na si Cristo ay hindi Diyos at malamang hindi Niya kadugo ng Diyos. Pero Siya ay anak ng Diyos kagaya ng mga karaniwang tao sa Tunay na bayan.

      Delete
  3. Ano ba ang "of" sa eglish di ba "ng"? So kung translation pa lang may mali na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakatawa naman to. Hehe!!!

      Ano ang mga salitang pilipino na katumbas ng salitang English na "of"?

      1.) ng
      2.) ni

      Paano mo ililiwat sa wikang pilipino ang "the house of John"

      A. Ang bahay ni Juan?

      B. Ang bahay ng Juan?

      As simple as that.

      Delete
  4. Ang panginoong jesu cristo ay hindi tao siya ang anak ng dios upang itatag ang iglesia kinasangkapan lang ang panginoon para itatag ang iglesia at hindi iglesia ni cristo ang ipinangaral ng panginoon kundi iglesia ng dios kay cristojesus namay uring haligi at suhay ng katotohanan siya ay kinasang kapan lamang hindi sya makagagawa ng sa sarili nyalang kung wlang tulong ng dios kinasangkapan lamang sya

    ReplyDelete
  5. Hindi lang sa pangalan ng simbahan naka base kung ito'y totoo... kundi (lalong-lalo na) pati rin sa aral. :)

    ReplyDelete
  6. Iglesia ni Cristo man o Iglesia ng Dios parehong HINDI OPISYAL yun. ang opisyal na pangalan "Iglesia ng Dios kay Cristo Jesus" pinatunayan yan ng I Tes.2:14. dahil yung Iglesia ay tatawagin sa pangalan ng Ama at ng Anak sabi sa Apoc .14:1. hindi naman sinabing sa Anak lang.

    ReplyDelete
  7. Replies
    1. Ang ka felix po ay napatunayang walang kasalanan
      hindi nga po siya nabilanggo e

      Delete
  8. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.