"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

December 31, 2013

Lingap sa Mamamayan on Yolanda victims

Mahigit isang buwan na ang nakakaraan ng humagupit ang isa sa pinakamalakas na bagyo sa buong mundo, at unti unti nang bumabangon ang mga nasalanta ng bagyo. 

Marami buhay ang nawala at maraming ari arian ang nawasak. Marami rin tayong mga kapatid na nabiktima ng sakuna, ngunit patuloy pa rin sila sa mga pagsamba at pagtupad ng kanilang mga tungkulin, walang tigil.

Ang mga lokal ng Iglesia ni Cristo na dinaanan ng bagyo ang nagligtas ng mga buhay at ang naging pansamatalang kanlungan ng mga kababayan natin na malapit sa lokasyon doon mapa miyembro man o hindi. Kaya laking pasasalamat ng mga local government officials dahil dito, sila mismo ang saksi sa kabutihang loob na ito ng Iglesia, kaya naman isang malaking kasinungalingan ang lumabas na balitang HINDI NAGPAPASOK SA LOOB NG KAPILYA noong kasagsagan ng bagyo.

Nagsagawa naman ng LINGAP SA MAMAMAYAN ang Iglesia ni Cristo upang dagliang matulungan ang mga biktima upang magbigay ng RELIEF GOODS,  MEDICAL CHECK UP, at GAMOT. 

Isa ang Iglesia ni Cristo sa mga pinaka unang organisasyon na tumulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda, lalo na sa mga lugar na hindi pa naabutan ng tulong.

Narito ang mga lugar na nabigyan ng tulong ng Iglesia ni Cristo:

Ormoc, Leyte
Carigara, Leyte

Ormoc and Carigara mission benefited 50,000 people

Bogo, Cebu 
Camotes Island, Cebu
Bantayan Island, Cebu 
Danao City, Cebu

45,000 relief bags were distributed in Cebu mission, 12,000 relief bags on each area.

Kalibo, Aklan
Sara, Iloilo
Roxas City, Capiz
Salcedo, Eastern Samar
Quinapundan, Eastern Samar
Hernani, Eastern Samar

20,000 relief bags were distributed in each area in Aklan, Iloilo, Capiz and Eastern Samar.

Ormoc, Leyte

INC revisited Ormoc, Leyte and distributed 80,000 relief bags

Tacloban, Leyte

120,000 relief bags were distributed in Tacloban, Leyte alone.

Hernani, Eastern Samar 

INC revisited Hernani, Eastern Samar and distributed 70,000 relief bags. The last stop on the series of distribution for Yolanda survivors on Dec.1 
references: businessmirror, eaglenews, philstar

Bukod dito, sa mag inupahang barkong magdadala sa mga truck na may lamang relief goods, ay naging instrumento din upang ang mga biktima ay makatawid sa Cebu.

Ang mga pumila ay hindi lamang binigyan ng 1 relief bags, kundi kung ilan ang kaya nilang dalhin, ang iba naman ay pabalik-balik sa pila. Kaya naman masayang masaya ang mga natulungan dahil sa iba daw eh kakaunti lang ang binibigay, pa isa-isa lang at kailangan pa daw ng ticket sa pagpila, hindi daw tulad dito sa tulong ng INC.

Nagbigay din ng tulong ang mga kapatid sa kapwa kapatid sa pananampalataya sa mga maytungkulin na nasama ang kanilang uniporme sa pantupad na naanod ng baha. Kaya laking pasasalamat ng mga kapatid na maytungkulin dahil nabigyan sila ng mga uniporme upang makatupad sila sa mga pagsamba sa Diyos.

Ang pagtulong na ito ng Iglesia ni Cristo ay walang kapalit, at ginagawa ito upang sundin ang kalooban ng ating Panginoong Diyos.

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.