"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

December 19, 2013

Magastos ba ang maging kaanib sa Iglesia ni Cristo?

Maraming nagsasabi na pinapayaman lang namin ang mga "Manalo" dahil mga uto uto kaming bigay ng bigay ng pera namin sa kanila. 

Sinasabi din nila na NAPAKADAMI DAW na uri ng handog na kinokolekta sa loob ng Iglesia kaya naman daw ang mga miyembro ay patuloy na naghihirap at ang mga ministro at ang mga "Manalo" daw ay patuloy ang pagyaman.


Ang tanong na paulit ulit ng nasagot sa blog na ito,

1. Ang mga handog ba ng mga miyembro ay sa mga "Manalo" at mga ministro lang namin napupunta?

2. Yumayaman nga ba talaga ang mga ministro at talaga nga bang BILLIONAIRES ang mga "Manalo"?

3. Marami nga ba talaga ang handugan sa Iglesia ni Cristo?

Sagutin natin yan isa-isa at ng malinawan tayong lahat, pero okay lang naman kung hindi ka maniniwala, hindi kita pipilitin, basta ako nagsasabi lang ako ng katotohanan, dahil hindi naman ako yayaman sa pagsisinungaling.


#1  Maniwala man kayo o hindi, hindi napupunta ang mga HANDOG ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa mga ministro at mga "Manalo". Napakahigpit ng pananalapi sa Iglesia, konting mali lang sa resibo pwede ng masuspinde ang ministro at pwede pang ikatiwalag kung may nangyari pang mas matindi.

Kung sinasabi nyo namang sa mga "Manalo" lang napupunta, eh para niyo na ring sinabi na ang pera ng lahat ng mga miyembro ng lahat ng relihiyon sa mundo at sa lahat ng mamamayan ng mga bansa, eh sa HEAD o sa PRESIDENTE ito napupunta. Isang malaking kalokohan yon. Dahil kitang kita ng lahat, mapa miyembro man o hindi, ang pinupuntahan ng aming mga handog. 

Mismong sila pa nga ang pumupuri sa INC dahil kahit minority lang ito, nasa 3rd world country at halos lahat mahihirap ang miyembro, ngayon eh laganap na sa buong mundo at kitang kita nila ang magagarang kapilya namin na milyon milyon ang halaga.


#2 Wala pa kong nababalitaang ministro na yumaman dahil sa pagiging ministro, alam ng mga miyembro ito at alam namin ang kalagayan ng mga ministro, wala naman kasi silang SWELDO kundi TULONG lamang ang kanilang tinatanggap. Hindi sila pinapayagang maghanapbuhay para makapag focus sila sa kanilang tungkulin at para hindi na ma ISYU na kesyo yumaman sila o kung ano pa man.

Kung may makikilala ka na ministro na may kaya o mayaman, meron talaga non, bago pa man sila magministro may kaya na o mayaman na talaga sila. Pero yung sasabihing YUMAMAN dahil sa pagiging ministro, para mo na ring sinabing YUMAYAMAN ang public school teachers natin dito sa Pilipinas.

Hindi totoong mayaman ang mga "Manalo" at silay mga BILLIONAIRES, ang MAYAMAN ay ang IGLESIA NI CRISTO at hindi sila. Dahil lahat ng ari arian ay nakapangalan sa IGLESIA NI CRISTO at ang lahat ng handog ng miyembro ay pumupunta sa bank accounts ng IGLESIA at hindi sa bank accounts ng mga "Manalo".


#3 Tatlo lang ang uri ng HANDUGAN sa Iglesia ni Cristo.

- Thursday and Sunday offerings
- Thanksgiving offerings (July and December)
- Local/District offerings or for other purposes (tanging handugan) 

Yan lang yon, oo todo na yan.

Sasabihin ng iba, naku, sinungaling ka, may kakilala akong INC hindi lang yan ang nilalaanan niyo ng pera.

Oo nga, may isa pa, yung Official Magazine namin na published monthly, P15 lang para lang sa mga may gusto at hindi talaga iyon ang PRESYO non kung titignan mo ang quality non.

Ano pa?

Pag may mga aktibidad ang mga kapisanan, iba naman yon, yung mga organizations ang magcocontribute doon at wala na itong kinalaman sa finance ng Iglesia.

Kunwari para sa mga maytungkulin ng kabataan, nag organisa sila ng SOCIALIZING, syempre magpapakain sila ng mga bata, mamimigay ng prizes para sa laro, etc... Mga maytungkulin ang sumasagot noon.

Parang sa classrooms o mga samahan, pag may event merong contribution na nagaganap, ganon lang yon.

Meron din yung pag may namatayan na kaanib sa Iglesia, nagrerequest ang kamag anak para makalikom para sa pagpapalibing, ang koleksyon na ito ay ginagawa tuwing pagkatapos ng pagsamba sa uwian na at bihira lang naman ito. Dahil meron kaming brotherhood kaya nagdadamayan kami, pero ang karaniwang hulog doon eh pabarya barya lang naman, pag kakilala mo syempre mas malaki dipende sayo.

Ang sasabihin naman nila, sus, eh kahit naman sabihin mong tatlo lang ang uri handugan niyo eh malamang NAPAKALAKI NG GASTOS NG MGA KAANIB NYO SA HANDUGAN NYO!

Okay, sasagutin ko yan, at ihahalimbawa ko ang sarili ko, with all honesty.


- Thursday and Sunday offerings

Madalas ang handog ko ay P20, pag walang wala P10. Atlis, bukal sa puso ko ang paghahandog at hindi ako napipilitan, na inspire ako sa nabasa kong comment ng isang INC member tungkol sa halaga ng inihahandog niya. Totoo naman, hindi naman ito palakihan at hindi naman kailangan mine-maintain ang halaga, halimbawa P20 karaniwang handog mo, tapos sa lahat na ng pagkakataon eh P20 na talaga.

Ang gusto ng Diyos BUKAL SA PUSO, kahit pa sabihin mong P100 ang handog mo kung masama naman sa loob mo, wala rin yon. Hindi sa HALAGA nasusukat yon, kundi sa kalooban. Napatunayan na yan sa ilang pangyayari sa bibliya.

- Thanksgiving offerings (July and December)

Ito yung aming PASASALAMAT, nagsasagawa kami nito tuwing July, para gunitain at ipagpasalamat ang kaarawan ng Iglesia at tuwing December, para ipagpasalamat ang kabutihan ng Diyos sa buong taon.

Meron kaming tinatawag na PAGLALAGAK o pagbubukod ng handog tuwing linggo, para maipon at maihandog sa pasasalamat tuwing December. Para itong bangko, ang kaibahan lang, puro deposit, at walang withdrawal, dahil kaya ka nga nag iipon para sa PASALAMAT at hindi para sa sarili mo, nagbubukod ka para sa Diyos at hindi sa panggastos mo.

Nagiistart ito mula January-December, at pagsapit ng pasasalamat, lahat ng naipon mong halaga ay ginagawang cheke at iyon ang ilalagay sa sobre at ang ihahandog sa pasasalamat. Bukod sa cheke na nasa sobre, naglalagay din kami ng handog na pera pandagdag kung gugustuhi .

Hindi ko binubunyag ang financial records ng Iglesia, itong lahat ay mga simpleng katotohanan lamang. Meron ngang kabuuan ng lagak ay umaabot ng hundreds, at ang iba ay thousands.

Gusto mo pa ba banggitin ko ang sakin ngayong taon? Sige, sakin naman yon eh at hindi ko kinakahiya, umabot lang ng hundreds. Wala eh, studyante pa lang naman ako at budgeted talaga ang baon ko, pagnagka trabaho naman ako, doon ako babawi :)

Ang halaga naman ng aking inihahandog tuwing Pasalamat tuwing July ay higit sa handog ko tuwing pagsamba pero hindi hihigit sa handog ko sa Pasalamat tuwing December. Kayo na bahalang tumantsa, hindi naman kalakihan, ang importante, bukal sa puso at ayon sa iginiginhawa.

- Locale/District offerings or for other purposes (tanging handugan) 

Ang handugan na ito, na tinatawag na TANGING HANDUGAN ay inilalagay sa box na nasa lobby ng kapilya. Ang tanging handugan sa lokal ay tuwing Linggo. Ang sa Distrito naman ay depende, minsan quarterly, minsan isang beses isang buwan etc... Ang para sa ibang paglalaanan tulad ng para sa lingap etc... ay minsanan din.

Hindi naman aabot sa LIBO ang handog ng isang miyembro dito, merong hindi umaabot ng isang daan at meron naman lagpas isang daan.

Eh saan ba inilalaan ang ibat ibang uri ng handugan sa Iglesia ni Cristo?


- Thursday and Sunday offerings

Gugulin sa pagpapalaganap ng ebanghelyo  (tv, radyo, magazine, website, etc)

- Anniversary and Thanksgiving offerings

Gugulin sa pagbili ng mga lupa para pagtayuan ng mga kapilya at pagpapatayo ng milyun milyung halagang mga magagarang bahay sambahan

-Locale/District offerings or for other purposes (tanging handugan) 

Lokal- Gugulin sa lokal tulad ng bills sa kuryente, telepono, etc...
Distrito- Gugulin para sa renovation/repainting ng ibang lokal sa distrito etc...
For other purposes- Gugulin sa lingap sa mamamayan, etc...

Para sa iba pang nilalaanan ng handog namin, paki click dito.

Marami tayong mababasa sa mga website/blog/forum ngayon kung saan nakalagay ang DIUMANOY ibat ibang uri ng handugan sa Iglesia, ito ang isa sa mga nabasa kong kasinungalingan nila na hindi ko alam kung saan nila napulot:



4) To contribute to the many offerings:
a) Thursdays and Sundays offerings;
b) Weekly local fund offerings;
c) Weekly EGM offerings;
d) Weekly deposits for the year end thanksgivings;
c) Monthly District offerings;
d) Monthly God's Message offerings;
e) Special Worship offerings;
f) July Anniversary offerings;
g) Additional cash to supplement the deposited
thanksgiving offerings.

source: iglesiaexposedi8.com

Hiniwalay hiwalay kasi nila eh. Kapag may tanging handugan ng DISTRITO ng isang beses, wala na yung tanging handugan para sa LOKAL. Hindi ko alam kung saan nanggaling yung WEEKLY EGM OFFERINGS. Kasinungalingan din na ang mga TANGING PAGSAMBA (Special Worship Services) eh may HANDUGAN, kalokohan yan. Yung sinasabing ADDITIONAL CASH TO SUPPLEMENT etc... kasama na yon sa Thanksgiving offerings, hindi na hiwalay yon dahil IISA LANG YON.


Eh bakit ba kasi ganun na lang kami kung maghandog, na mas inuuna namin ang para sa Diyos kesa sa pangsarili namin?

Simpleng sagot: Sumusunod kasi kami sa utos ng Diyos.

Naniniwala rin kami na tama lang na ibalik sa Diyos ang lahat ng biyaya na galing sa kaniya. Siya lahat ang may dahilan ng biyayang tinatanggap mo sa Diyos, tapos magmamaramot ka sa kaniya? Kung siya ang nagbigay, siya rin ang babawi sa iyo nyan.

Hindi naman kailangan ng Diyos ang pera, dahil itong mga handog na ito ay para sa Iglesia, sabi nga ni Kristo, Ibigay sa Diyos ang para sa Diyos kaya walang rason upang magmaramot sa kaniya.

Hindi magastos ang maging kaanib ng Iglesia ni Cristo, wala kaming tithing, lahat ng HANDUGAN namin ay BUKAL SA PUSO pag kami ay nagbibigay, at itong paghahandog ay isang obligasyon para sa amin, hindi ito parang sa ibang relihiyon na DONASYON lang, parang limos dahil hindi man lang pinaghahandaan at kung anong sobra sa pera ay yun lang ang ibinibigay.

Hindi rin kami nag aalinlangan sa paghahandog lalo na alam namin at nakikita mismo ng mga mata namin kung SAAN ITO NAPUPUNTA.


9 comments:

  1. Bro. readme, sa Pananalapi ka rin po pala! Ako naman po sa P13 ung Tanging Handugan and/or Lingap Section. Tama po kayo dyan, kung alam lang nila, mahigpit ang tuntunin sa Pananalapi. Kunting tampering ng numero o pangalan, may salaysay kaagad..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Gelo Salvacion,

      opo, ngayong taon lang^^

      Akala ko nga kumbaga madali lang sa P9, ang hirap pala pag sumasapit ang december, ang daming trabaho, puro numbers, nakakaduling.

      Sobra talagang higpit ng Pananalapi ng Iglesia, nung nagbilangan nga para sa Pasasalamat, may mga proseso pa talaga, may ministro din na tumitingin, at dahil first time ko last week, nagkamali ako sa pagtatala, salaysay agad.

      Kaya kalokohan na may CORRUPTION na nagaganap sa Iglesia, o kaya naman eh sa MINISTRO lang daw napupunta, kahit pa gaano karaming ministro yan kung nalaman na may ginawang di dapat, walang pag aalinlangan na silay masuspinde, mawalan ng karapatan at ang pinaka masaklap ay matiwalag.

      Kalokohan din yung sa mga "MANALO" lang daw napupunta, dahil kung ganoon sana eh wala silang nakikitang mga magagandang kapilya ng Iglesia lalo na, wala sana yung mga ipinapatayo sa Ciudad de victoria.

      Delete
  2. Nakakatawa nga na ang mga hindi naman INC members ang mga natitisod sa mga handog. Obvious masyado na sa materyal na bagay ang atensyon nila at hindi sa mga aral ng Biblia.

    ReplyDelete
  3. ako rin po kapatid sa p9 . overall auditor ng p9 . mahirap po tlga lalo na pag december. yung magsulat ng napakaraming cheke. pero masaya, ibig sbhn pg maraming cheke maraming nghahandog :)

    ReplyDelete
  4. Ang tinitingnan agad ng mga nanunuligsa ehh yung handugan...

    Palibhasa hindi nagbabasa ng bibliya ahahaha
    Lagi may ganyan dit samin... ULTIMO PAGDADALAW DAW NG MGA KAPATID "PANININGIL NG ABULOY SA BAHAY KAPAG HINDI NAKASAMBA"
    wahahaha just saying...

    continue this kind of posts! XD astig ka talaga brad!

    ReplyDelete
  5. tama ka jan Ka James. sa Dios din nmn lahat galing ng lahat ng meron tayo kaya bakit natin Siya pagdadamutan di ba? Binabalik lng nmn natin sa Kanya (Dios) yung mga binibigay Niya sa atin sa pamamagitan ng ating paghahandog. palibhasa po kasi wala silang malalim na pagkakilala sa paghahandog kaya ganyan mga reaksiyon nila :)

    ReplyDelete
  6. Ako nga pag walang-wala ako P5 pesos lang pero nasa puso ko na para yun sa mga gugulin para mas maraming mailigtas.
    Nag-lilingap rin ako tuwing Sabado at Sunday.
    Yung tsismis na kinakaltasan daw ang mga INC na employee ng lokal,not true.Nakapagtrabaho ako,pero walang ganun.
    Sa totoo lang, mas magastos pag Catholic ka.
    Sa Binyag: at least 5,000 wala pa sa pari at handog kuno sa simbahan.
    Sa Pabasa: hindi pwede na wala kang ihahandog
    Sa Kumpil: may bayad yun.
    Sa "charity" daw: may amount na nakasulat.
    Sa Patay: yung last rites,may bayad.Yung ate ko ngang namatay,may bayad yung pari.
    Sa Padasal para sa kaluluwa sa "Purgatory": Imposibleng hindi ka magbabayad kundi walang babanggit sa kanila.

    TY ReadMe,Kabagis.

    ReplyDelete
  7. kung sino pa po yung wala talagang alam tungkol sa handugan ng iglesia, sila pa yung wagas maka comment. tsaka hinihingi ba natin sa kanila yung mga pinang hahandog naten? hindi nmn po di ba? kaya anong karapatan nilang husgahan ang handugan sa loob ng Iglesia Ni Cristo? tayo lng nkikita nila, hindi nila nkikita yung maling ginagawa ng mga pari nila sa mga handog nila. atleast tayo nkikita naten kung saan napupunta yung mga handog natin. eh sila? kahit sira sira na mga simbahan nila hindi man lng nila maipaayos.Di ba nga dapat kung maayos ng iyong tahanan, lalo na dapat ng tahanan ng Dios.

    ReplyDelete
  8. Salamat po sa Gumawa ng blog na ito
    ngayun nalinawan napo ako...


    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.