"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 14, 2012

CFD Mr. Talibong, totoong nandaya sa debate!



Eto po ang parte ng video galing na mismo sa mga katoliko, kung saan nandaya ng lantaran ang CFD at tanggap na tanggap naman ito ni Mr. talibong. Ang nakakatawa lang eh pinagtatanggol pa ng mga katoliko, CFD, at pari nila na hindi daw siya nandaya, meron daw talagang ganoong version sa bibliya na nakalagay sa Mat. 16:18 eh "One holy Catholic apostolic roman church". Magkaparehas lang daw talaga sila na "Confraternity bible" pero magkaiba daw ang version.


Totoo ba ito? O isa na naman nilang kasinungalingan?



Tinalakay na ito sa "Ang tamang daan" ngunit sabi nila eh EDITED DAW YUNG VIDEO AT BIAS, eto po:





Kung kaya kinuha ko ang parte ng video kung saan naganap ang pandaraya ni Mr. Talibong galing na mismo sa kanilang mga katoliko, nilagyan ko ng "annotations" nilagyan ko ng opinyon ko tungkol sa nangyari, at hindi ko ito INEDIT, baka sabihin na naman nila eh INEDIT KO YUNG VIDEO, AYSUS.

Dun sa video sa itaas, pwede nyong simulan sa 6:10.

Alam ng buong mundo, na walang NI ISANG BIBLIYA na ang nakalagay sa Mat. 16:18 eh "One Holy Catholic Apostolic Roman Church", bakit? Kasi nga:

In 1870, at the Vatican Council, the name ‘Roman Catholic Church’ was proposed, but it was rejected. The bishops assembled unanimously decided upon this official name: ‘The Holy Catholic Apostolic Roman Church’” Discourses on the Apsotle’s Creed, Rev. Clement Crock, p. 191

Nung 1870 lang naman kasi naimbento ang opisyal na pangalan ng Catholic Church, eh paano masusulat yun eh nung dati pa naisulat at naipublished ang bibliya? Wala ring MATINO at SERYOSONG biblical scholar sa buong mundo na sasang ayon sa kanila na totoong may nakasulat na One Holy etc. sa bibliya lalo na sa Mat. 16:18 dahil ang binabanggit lamang doon eh "I will build my CHURCH..."

Ang pandarayang ito ay naganap sa isang public debate noong Aug. 2006 sa pagitan ng Catholic Church CFD: Mr. Wendell Talibong at Iglesia ni Cristo public debater: Ka Ramil Parba. Pinalitan lang naman nila ang isang page sa bibliya sa Confraternity bible, sakto naman na ang gamit din ni Ka Ramil Parba ay pareho ring bibliya kaya kitang kita sa video sa itaas na napahiya si Mr. Talibong, pero kahit ganoon nakakatuwa naman na TANGGAP nya ito. Ang nakakapagtaka lang ay pilit syang pinagtatanggol ng mga katoliko, yan ang sinasabi ko sa mga manananggol katoliko, basta maka DEPENSA LANG, wala naman sila sa KATOTOHANAN...

Makikita rin sa video pagkatapos nyang mapahiya ay nangatwiran syang "bastat nabasa ko sa bibliya (adulterated bible o hindi) ang pangalang One holy Catholic etc." kaya pumagitna na si Ka Jose Ventilation kasi nga naman unfair, kaya sinabi nya ito sa moderator buti na lang kamo at ang audience ay hindi mga ignorante dahil alam nila na talagang may naganap nga na pandaraya. Grabe, kakaiba talaga ang mga Catholic defender, ibat ibang taktika, puro pandaraya.

Alam nyo, kung totoong magkaiba LANG ng version ito at totoong may nakasulat ngang ganung pangalan sa bibliya, BAKIT NI HINDI MAN LANG NYA NAIPAGTANGGOL ANG SARILI NIYA? AT BAKIT HINDI ITO GINAGAMIT NG IBAT IBANG CATHOLIC DEFENDERS SA BUONG MUNDO UPANG PATUNAYAN NA ANG CATHOLIC CHURCH NILA AY NAKASULAT SA BIBLIYA?


(Note: di ko po naiintindihan ang legwahe nila, pero mabuti na lang at may halong tagalog ang dialekto nila kaya ginamit ko na lang ang common sense ko.^^)



2 comments:

  1. Present po ako sa debateng yan.. Naganap yan sa Cultural Center ng Tagbilaran City, lalawigan ng Bohol... Grabe talaga yan brod, totoong nandaya si Mr. Talibong.. Yung one page ng biblia, pinalitan, magkaiba na ang kulay ng papel, halatang-halata na peneke. Nung mabuko na siya, halatang nahihiya na siyang magsalita.. At ang sabi pa niya, basta raw nabasa niya sa Biblia, yun na daw yun.. hahaha.. nakakatawa nga, hindi man lang niya maipagtanggol ang sarili niya na meron talagang version ang bibliya na ganun ang Nakasulat sa Roma 16:18....
    Ngunit gayunpaman, kahit maliwanag na nandaya sa Mr. Talibong, hindi naman ito matanggap ng ilang sa kanyang mga tagasuporta,.

    Subalit may nakausap akong CFD, Felix Langit ang pangalan, naging kaibigan ko na siya sapagkat pabalik-balik na siyang customer ko as encoder, dito sa Tagbilaran City, tungkol dun sa debate, anya, TOTOO ngang nandaya si Mr. Talibong at marami daw na mga kapwa niya CFD ang nagalit sa ginawa niyang ito, nagsisi daw sila kung bakit kumuha pa nila si Mr. Talibong para gawing representative nila.. Ibig lang sabihin, ang pandarayang ito ay hindi nila ipinaabot sa kanilang mga tagasunod..

    Ang kanilang ginawa, depensahan nalang si Mr. Talibong kahit alam nilang totoong nandaya, para naman hindi sila magiging kahiyaya sa madla lalong lalo na sa knilang mga tagasunod...

    Magandang ideya. hahahahahahahaha..

    ReplyDelete
  2. Wala po bang nairecord sa Youtube na video ng INC vs. Church of Christ 33 AD na ginanap last year sa Agoo, La Union? Gusto ko po sana mapanood.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.