"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

July 21, 2012

Ano ba talaga ang mensahe ng pamamahala ukol sa mga kapatid na gumagamit ng internet?


Alam po natin ang mga paalala ng pamamahala tungkol sa mga kapatid na gumagamit ng social networking sites, mga sumasali sa forum at gumagawa ng mga videos sa youtube at blog/websites para sa INC.

Marami ang mga ipinagbabawal, halimbawa na lang ay sa facebook, bawal magpost ng mga litrato na may (alam nyo na), bawal din kahit mga litrato ng maytungkulin na pinipicturan ang sarili habang nakadamit pantupad at habang nasa loob ng kapilya, bawal din ang paggamit ng logo at mga pag aari ng INC, mga fb page/accounts na nakapangalan sa Iglesia, sumali sa mga forum habang nakikipagdebate, at marami pang iba.

Itong mga ipinagbabawal na ito ay may kanya kanyang dahilan, hindi lang basta ipinagbawal.

Halimbawa na lang ay ang pagbabawal na magpost ng sariling litrato habang nakadamit pantupad, kasi nga ginagamit ito ng mga pwersa ng kasamaan partikular na ng mga myembro ni Mr. Soriano upang siraan ang INC. Isang pangyayari na lang ay ang nakapost sa facebook ngayon at sa iba pang blogs at forum ang isang kapatid na dyakonesa, sa litrato makikita ang nasa kaliwang bahagi ay picture nya habang nasa kapilya at nakadamit pantupad, ang nasa kanan na bahgi naman ay picture nya habang nakadamit pang swimming habang nasa pool, at kinomentuhan nila na "ay ganito pala ang mga INC members, kunwari banal pero ito at nilalantad ang katawan". Gusto ko nga sanang sagutin pero saka na muna, ilalagay ko na lang dito sa blog ko. Alangan naman mag suot sya ng pang swimming habang nasa kapilya at magdamit pantupad habang nasa pool? Gagawin lahat talaga nila ang lahat para siraan ang Iglesia sa lahat ng paraan at sa lahat ng magagawa nila, kaya pinapaalalahanan ang mga kapatid tungkol dito.

Nakakatuwa dahil may mga kapatid na hindi lang sumusunod kundi nakikipagkaisa sa pamamahala, tumutulong sila na sabihan ang mga kapatid na nakikitaan ng paglabag dito. Kaso, sana maintindihan po natin lahat ang totoong mensahe ng pamamahala ukol dito, kasi ang ibang kapatid ay, paano ko ba idedescribe, "o.a"? parang ganun, pasensya na po pero may ilang kapatid na ganyan, na poke sinabi ng pamamahala ay "BAWAL" eh lahat ay tumutukoy sa kahit anong bagay at sa kahit sino, walang exemption.

Kung hindi po ninyo naiintindihan ang binabanggit ko, didiretsuhin ko na, halimbawa na lang ay ang nangyari sakin, may kapatid na nakabisita sa blog ko at sinabi na burahin na ito at kung ano pa man. Inexplain ko naman sa kanya kung para saan ito, kaso pinagpilitan nya talaga ang tagubilin tungkol sa "BAWAL" na iyon hanggang sa nagkadiskusyunan na kami. Sa totoo lang po, honestly, ewan ko ba pero naiinis po ako pag may ganun akong nakakasalamuha, alam ko naman po na concern kayo sa ginagawa ko, pero sana alam nyo rin at naisip na ALAM KO PO ang ginagawa ko, ALAM KO PO ang limitasyon ko bilang INC defender, may permiso man ang lahat ng ginagawa ko o wala, dahil wala rin namang nabibigyan ng permiso dahil ipinagbabawal nga.

Matagal na rin po akong nagboblog tungkol sa INC, kahit wala man kapalit ang mga ginagawa kong ito, may sukli naman po itong malaking kagalakan pag may nageemail sakin na mga kapatid na naaapreciate nila ang blog ko, na ituloy ko pa daw ang ginagawa ko, at nagpapasalamat dahil ginawa ko ang blog na ito na marami daw akong natutulungan dahil marami ang natututo. Iyon po ang dahilan ko kung bakit patuloy lang po ako sa pagpopost ng mga artikulo, isa lang naman po ang gusto ko--> upang ipakita ang KATOTOHANAN sa loob ng iglesia, hindi ko po ito ginawa para lang depensahan ang INC, o purihin ang INC at kung ano pa man, gusto kong ipakita ang mga totoong nangyayari sa INC.

Ang pagbabawal sa paggawa ng blogs/websites at pakikipagdebate tungkol sa INC ay sa kadahilanang baka kasi magkamali ang ibang kapatid lalo na hindi naman sila ministro, hindi naman sila ang nag aral sa pagkaministro upang malaman ang mga tinatanong ng di kaanib sa mga kaanib ng INC, at kung magkamali ay sasabihin nila at aakalain na ang INC as a whole ang nagkamali.

Sana wag na po tayo magkaroon ng pag iisip na parang "hayaan nyo na lang sila akayin na lang natin sila sa mga doktrina" dahil hindi po ganyan dito sa internet, lahat ng taga sanlibutan ay hindi seryoso sa pagsusuri sa INC, ginagawa lang nila itong dahilan para batikusin at siraan ang INC. Kaya kahit isang milyong beses nyo silang sabihang, "dumalo na lang po kayo sa aming pamamahayag at mga pagsamba", hindi nila yan gagawin dahil hindi naman po nila intensyon yan, ang intensyon nila ay manira at akayin ang INC members sa kanilang relihiyon. Kaya marami na ring mga INC members na pinangatawanang "INC defenders" sila tulad ko.

Alam ko po at naiintindihan ang totoong mensahe ng pamamahala, hindi po porke sinabing eto at ganyan eh "BAWAL", ibig sabihin eh lahat na ng klase ng ganun ay bawal, walang exemption.

Tulad na lang ng doktrina natin na nasa bibliya na bawal gumawa ng inanyuang tao sa langit o sa lupa upang gawing rebulto o larawan, ibig sabihin ba nito ay bawal ang statwa ni Ka Felix at bawal ang mga statwa ng mga bayani?

Ang ibig sabihin, ang bawal eh yung mga larawan at statwa na sinasamba, pinaglilingkuran at inaalayan ng kung ano ano.

Isa pa, pag sinabi bang "bawal uminon ng alak" ang ibig sabihin kahit isang patak ng alcoholic drink ay bawal na? Hindi naman ganun ang mensahe sa bibliya at ng tagubilin galing sa pamamahala, ang mensahe noon, eh bawal ang maging lasinggero/lasinggera dahil hindi ito nakakagawa ng mabuti satin, nakakagawa pa nga tayo ng masasamang bagay dahil dito. Ibig sabihin ba nito kahit ang mga cocktail at mismong katas ng ubas (wine) ay bawal?

Sana nagets po ako ng mga kapatid.

Parehas lang po ang tagublin na iyon sa sinasabing bawal makipagdebate at gumawa ng ganitong uri ng mga blog o websites. Ang pagbabawal pong ito ay para lamang sa mga kapatid na wala naman masyadong alam sa doktrina ng INC, ibig sabihin yung hindi masyado marunong makipagdebate at yun nga, wala masyadong kaalaman tungkol sa INC, syempre mamaya magkamali sila mahirap na. Ako naman po at ang ibang INC defenders ay mga bihasa na tungkol dyan, ako matagal tagal na rin, at marami rami na rin akong alam tungkol sa INC dahil sa pagreresearch na ginagawa ko, kaya sana lang ay wag nyo na po akong isama sa mga taong sinanasabihan na itigil na ang blog na ito o wag na makipag ganito ganyan, kung sa bagay hindi na rin naman ako nakikipagdebate sa mga forums dahil nagsawa nako^^ Nakakatamad kadebate ang mga closeminded kaya sumuko nako.

At sana maintindihan nyo ang ginagawa namin, hindi naman kami nagpapakapagod at nagpapakahirap para sa ikasisira ng Iglesia, bagkus tulad ng sinasabi ng iba, ginagawa pa kaming mga kasangkapan para lalong mas malaman ng iba nating di kapananampalataya ang katotohanan na pinaniniwalaan nating mga Iglesia ni Cristo.

Salamat sa mga sumusoporta saming mga nagtatanggol sa Iglesia, at sana yung iba ring kapatid na alam nyo sa sarili nyong wala pa kayong masyadong kaalaman tungkol sa INC, wag narin po kayo makipagdebate at sumali sa mga forums dahil hindi basta basta ang mga andun, mga professional at amateur debaters po ang mga kalaban nyo dyan.

Naniniwala ako sa kasabihang "You cannot please everybody", alam kong may ilan paring kapatid na hindi nakakaintindi sa ginagawa ko at namin dito sa internet pero kahit ganoon nagpapasalamat din ako sa mga pagpapaalala na ginagawa nyo.

13 comments:

  1. Very informative ang blog mo bro, keep it up! Marami kaming nalalaman sa mga updates at doktrina.

    ReplyDelete
  2. I empathize with you brother. I myself was a voluntary online defender from time to time. I have read many ad hominem and maligning to the INC. I am supporting your blog for the love of the INC. We may not be minister or evangelical worker but we have the same passion to defend the One True Church.

    ReplyDelete
  3. tama po kapatid. hindi naman po kasi lahat ng kapatid natin sa pananampalataya ay may kakayanan para ipagtanggol ang ating pananampalataya. pero hindi po ibig sabihin nun ay hindi na natin magagawa ang pagiging defender sa INC. may mga iba't ibang paraan lang para maging epektibo tayo sa pagiging defender gaya po ng ginagawa nyo. pero para po sa iba ay pwede rin naman natin gamitin ang pagiging defender natin sa pamamagitan ng pag aanyaya sa mga tao na nakakasalamuha natin na dumalo na lang sa ating mga pag-samba at mga pamamahayag maging sa mga programa natin sa TV at Radyo. napaka selan po kasi ng mga bibitawan nating salita dito sa worldwide web lalo na kung hindi naman talaga natin alam ang eksaktong detalye ng mga tanong na ginagamit ng mga tao na ang totoong pakay ay kumuha ng mga maling impormasyon sa mga karaniwang kaanib gaya ko. kaya payo na lang din po sa ibang kapatid iwasan na lang nating gumawa ng mga blogs gaya nito lalo't hindi naman tayo mga propesyonal sa biblia. natutuwa po ako sa blogs ni kapatid na readme at ang katunayan po ay lagi ako sumisilip dito. at marami na din ako napupuntahan na blogs at forum pero umiiwas po ako makipag dabate kasi nga hindi naman ako marunong sa biblia. ipagpatuloy nyo lang po ang blogs nyo kapatid para sa iba na gusto talaga mag research tungkol sa INC. Happy Anniversary po sa ating lahat.......

    ReplyDelete
  4. Maraming salamat po sa inyong lahat^^ kayo po ang inspirasyon ko sa paggawa ng blog na ito. At kung man, na nalaman ng pamamahala ang blog ko at gusto nilang ipatigil na handa naman po ako dito, ang sakin lang sana maintindihan ng iba ang ginagawa naming ito.

    Isa na nga sa pinaghahandaan ko ay ang centennial, dahil sa taon na iyon inaasahan na nating mabobroadcast worldwide ang tungkol sa INC, at katulad ng ginagawa ng mga di kaanib na inggit na inggit sa INC, gumagawa sila ng disinformation campaign para siraan ang INC, kaya ang mga foreigners o yung wala pang alam sa INC ay nagkakaroon ng bad impression, kaya sahalip magsuri sa doktrina ng INC ay iniilagan ito at nilalayuan.

    Manghihingi po sana ko ng suporta pa at tulong ninyo kasabay ng paghahanda ko at syempre NATIN para sa 100th anniversary ng INC. ito pong lahat ay para sa kapurihan ng ating iisang dyos-ang ama.^^

    ReplyDelete
  5. Matagal na rin akong naging defender ng pananampalataya natin mga kapatid, simula pa nong dinodoktrinahan pa lamang ako noong 1998. At minsan na rin akong nagkamali noon dahil sa kapangahasan ko na ipaliwanag ang mga bagay na hindi ko pa narinig ang paliwanag, official na paliwanag ng INC. At ang incidenting iyon ay muntik nang maging dahilan para matiwalag ako sa INC.

    Kaya nauunawaan ko kung bakit nagpalabas ng circular ang pamamahala tungkol sa mga pagbababawal na nababanggit sa article.

    Ang totoo, hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong nagsusulat ng mga article na related sa pananampalataya natin subalit sinigurado ko nang lagyan ng nota o disclaimer na ang mga idea napapaloob sa aking mga article ay hindi official o authorisado ng INC at hindi kailan maaring gamiting reference para sa INC.

    Pero tungkol sa blog mo, ang totoo, marami akong natutunan dito. Mga bagay na bihira lang nating marinig sa pagdodoktrina, pagsamba at pagpupulong.

    Maaring sasabihin ng iba na nagsasariling kalooban ka lang sa paggawa ng blog na ito, pero at least kung babasa sila dito, siguradong may matutunan sila na makakatulong upang lalong tumatag pananampalataya nila.

    ReplyDelete
  6. ito sana ang gusto kung ipahayag sa iyo dati kaso kahit na tayo ay nagkadiskusyunan rin sa walang kwentang bagay. ^_^
    B.E.M ka ba kapatid?

    teka, naalala mo ako?? ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo, ang natatandaan ko ikaw yung makulit na kung ano ano ang sinasabi, ikaw na rin ang nagsabi, walang kwenta.^^

      nabura ko na kasi ang mga comments kaya di ko na maalala ang mga napagdiskusyunan natin. kung mangungulit ka lang ulit, please lang.wag na.^^

      hindi po ako nagbebem.
      nasa about me section po, pakibasa na lang^^

      Delete
  7. hahahaha XD
    peace mga kapatid!
    BASA na lang din ako nang BASA...
    tapos pinapabasa ko to sa mga kaklase ko at mga tropang kaibigan..

    sa ngayon, may dalawa na akong tala... hahahaha XD

    ReplyDelete
  8. Agree ako 100% sayo ka readme, kasi ganyan din ang aking nararamdaman na maraming tagasanlibutan ang maililigaw ng mga detractors kung hindi natin maitutuwid ang kanilang paninira at kasinungalingan. Ang "INCDefender" na katulad natin, ay alam kung hanggang saan ang limitasyon natin, hindi tayo narito para mangaral,nandito tayo sa internet sumasagot lamang sa maling akusasyon sa atin. Ipagpatuloy po ninyo ang inyong naumpisahan. Pagpalain po kayo ng ating Panginoong Dios.

    ReplyDelete
  9. Kuya, sinabi po ninyo na"Ang may karapatan lang naman talaga sa mga bagay na ito kung tutuusin ay ang mga ministro at manggagawa, dahil iyon ang kanilang trabaho. Ngunit dahil nga sa wala ni isang ministro at manggagawa ang nasa world wide web upang ipagtanggol ang INC, wala kaming magagawang mga CONCERN INC MEMBERS kundi ipagtanggol ang INC sa lahat ng aming makakaya."

    Curius lang po ako kuya, PAANO PO KUNG MAYROON NG MGA MINISTRO AT MANGGAGAWA NA NASA INTERNET AT SUMASAGOT NA SA MGA TANONG AT NAGTATANGGOL SA IGLESIA? Ano na po ngayon ang gagawin ninyo?

    Salamat po.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Depende po. Katulad nga po ng sinabi ko, ang isa sa mga dahilan ng paglitaw ng mga "incdefenders" kung tawagin natin ay dahil wala nga pong mga ministro at mangagagwa sa internet na sumasagot o nakikipagdebate dahil sa mga magagandang rason din naman tulad ng mas maganda kung personal silang sasagutin, hindi dito sa internet dahil maraming maruruming bagay ang nangyayari dito.

      ngayon kung meron na, ang sagot ko po ay depende. kung iaatas ng pamamahala na ipasara na ang blog ko, susunod ako, pero kung may ilang myembro lang ang magsasabi dahil hindi nila naiintindihan ang ginagawa ko, ay ipagpapatuloy ko pa rin po. Isa pa, ang tanong ay kung nakakatulong ba sa iba ang blog ko, kung nakakatulong sa kanila lalo na sa kanilang pananampalataya lalo na sa mga nagsusuri sa Iglesia, bakit ko naman po ito isasara, sayang naman ang pinaghirapan ko at ang blog kong ito, para sa akin, ay no.1 INC blog sa internet kung saan maraming naglalaman ng impormasyon sa Iglesia.

      pero tulad ng sinabi ko, kung saka sakaling sinabi ng pamamahala na itigil na o isara na syempre magpapasakop po ako.

      salamat po.^^

      Delete
  10. Bro, bago p lng ako nagkaroon ng laptop at halos nangangapa p ako s paggamit. Ito po ay bigay ng aking misis n kasalukuyang nagpapakahirap magtrabaho s Hong Kong. Mula po ng magkaroon ako ng gnitong gadget eh hndi ko nkakalimutan halos linggo-linggo bumisita s blog n ito kc nga po ay MARAMI akong natututunan. At yun pong mga nbabasa ko d2 eh bnabahagi ko dn s ibang mga kapatid pg kmi'y nakakakwentuhan. Naisip ko dn pano kung wala ang blog n ito? Cno kya ang mgtatanggol s mga anti-INC n nagkalat d2 s net? mbuti nga po at naisip nyo ito. Nagagmit ko dn minsan s mga non-INC ang mga nababasa ko d2. Sna Brod lagi kng gabayan ng Ama at sna nga po lalong mging daan ito s mga non-INC member n matawag sla s loob ng Iglesia. Mraming slamat s u kapatid.

    ReplyDelete
  11. Very informative ang blog na ito. I always visit this everytime I surf the Internet. Keep it up Kapatid!

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.