Eto naman ang sabi ng isang pari na si Mr. Abe Arganiosa sa kaniyang website:
"SUBALIT NAKALIMUTAN YATA NILA ANG ISANG BAGAY. ANO PO IYON MGA KAPATID? NAKALIMUTAN NI GINOONG MANALO AT NG MGA MANALISTANG PULPOL NA ANG KANYANG SARILING INA AY ‘CATOLICO’. HINDI LANG CATOLICO ANG KANYANG BUTIHING INA KUNDI TAPAT NA CATOLICO HANGGANG KAMATAYAN. HINDI NIA NALOKO ANG KANYANG SARILING INA AT HINDI NAGPALINLANG SA KANYANG ANAK NA NAGING BULAANG PROPETA.
ANO BA YAN MGA MINAMAHAL NA KAPATID KAY CRISTO JESUS? ANONG URI NG SUGO ITONG SI GINOONG MANALO NAPAKA-INUTIL. WALANG SILBI AT WALANG BINATBAT. HINDI MAN LAMANG NIA MAKUMBINSI ANG KANYANG SARILING INA. HA HA HA… IMAGINE, ANG INA NI FELIX MANALO AY NABULID SA IMPIERNO AYON SA KANYANG MALA-DEMONIONG INTERPRETASYON."
source: splendorofthechurch.com.ph
Anlakas naman magbida itong mga CFD na ito wala naman palang alam sa buhay ni Ka Felix Manalo.
Dito palang sa pinakasimpleng katotohanan na ibubunyag ko nga nga na silang lahat...
Tanong, KELAN BA PUMANAW ANG INA NI KA FELIX NA SI MRS. BONIFACIA MANALO?
Sagot: Noong 1905
Eh kelan ba muling naitatag ang Iglesia ni Cristo?
Alam ng lahat ang sagot, 1914 po.
Kung ganoon naman pala paano naman makukumbinsi ni Ka Felix Manalo ang kaniyang ina na mag-Iglesia ni Cristo kung binawian na siya ng buhay bago pa ipinangaral ni Ka Felix ang mga aral ng Iglesia ni Cristo?
Ano sagot ng mga CFD???
Nyek...
Pano po ba yan halatang halata na naman ang mga kawalang kaalaman ng mga mayayabang na naninira sa Iglesia?
Pero i-share ko na rin sa inyo ang ilang FACTS...
Totoo pong namatay na katoliko ang nanay at tatay ni Ka Felix Manalo na sila Mr. Mariano Ysagun at Mrs. Bonifacia Manalo. Pero ibig bang sabihin dahil hindi nila naabutan ang pagkakatatag muli ng tunay na Iglesia ay diretso na sila sa dagat dagatang apoy? Wala na ba silang pag asa sa kaligtasan? Ano rin ang kapalaran ng mga taong nabuhay bago ang 1914?
Ganito ang sinasabi ng bibliya:
"Ito ay sapagkat ang lahat ng nagkasala na hindi sa ilalim ng kautusan ay lilipulin na hindi sa ilalim ng kautusan. Ang lahat ng nagkasala sa ilalim ng kautusan ay hahatulan sa pamamagitan ng kautusan.
Ito ay sapagkat hindi ang mga nakikinig ng kautusan ang matuwid sa paningin ng Diyos kundi ang mga gumagawa ng kautusan ang siyang pinapaging-matuwid. Ito ay sapagkat ang mga Gentil bagaman walang kautusan, ay likas naman nilang ginagawa ang bagay na nakapaloob sa kautusan.
Sa paggawa nila nito, nagiging kautusan ito para sa kanilang sarili. Ipinapakita nila na nakasulat sa kanilang mga puso ang gawa ng kautusan. Nagpapatotoo rin ang kanilang budhi at sa bawat isa ang kanilang isipan ang umuusig o kaya ay nagtatanggol sa kanila." Roma 2: 12-15
Ang ibig sabihin, kahit hindi nila narinig ang mga tunay na aral ng Diyos, bastat ginawa nila ang tama ayon sa kanilang konsensya, meron silang pag asa sa kaligtasan. Kung ikaw naman eh nabuhay pagkatapos ng 1914 at narinig mo ang pangangaral ng sugo ng Diyos pero hindi mo sinunod o kaya naman eh kaanib ka nga sa Iglesia pero hindi mo naman sinusunod ang aral, hindi ka maliligtas. Ang sabi nga sa bibliya HINDI ANG MGA NAKIKINIG NG KAUTUSAN ANG MATUWID, kundi ang mga GUMAGAWA NG KAUTUSAN ANG SIYANG PINAPAGING MATUWID.
Kaya yung argumento ng mga CFD ay mga kasinungalingan at kalokohan lamang.
nice one Ka. Readme :)
ReplyDeleteHaha, pinapahiya talaga ng mga CFD (hindi naman lahat) na ito ang kanilang sarili. Puro sila salita at hindi man lang nagre-research nang maayos. Kaya ito ang kinalabasan ay kahihiyan sa kanilang sarili. Kawawa naman sila, basta makapanira lang, talagang gagawa sila ng kahihiyan sa sarili nila.
ReplyDeletePaano nga,sanay sila sa kahihiyan.
ReplyDeleteSanay kasi yung mga ito na sumamba sa patay kaya kahit ang ina ni Ka Felix,pinapatos.
Baka nakalimutan nila ang Corpse Synod.Isa sa kahiya-hiyang ginawa ng PAPA nila.