"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

April 2, 2013

Nagsarang kapilya ng Iglesia ni Cristo?




Gumamit na naman pong muli  ng mga kasangkapan ang dyablo para magsinungaling sa mga tao. Ang latest ay ang larawan sa itaas, sinasabi nila na nagsara/inabandona na daw ang kapilya ng Iglesia ni Cristo dahil wala na daw sumasamba.

Hindi ko alam kung may naniniwala ba sa kanilang mga pinagsasasabi ngunit ang alam ko lang ay kahit 1 INC member ay walang maniniwala na may nagsarang kapilya dahil wala ng sumasamba. Napakaimposible po kasi nun dahil sa katunayan, nakikita natin ang paglago ng Iglesia sa pamamagitan ng tuloy tuloy na pagpapatayo ng mga bahay sambahan.

Imagine, more or less 100 houses of worship a year, milyun milyung pisong halaga ang bawat isa, at sa 3rd world country pa ito nagaganap. Naiinggit po kasi sila, dahil ang katotohanan po, isearch nyo pa sa internet, kabaligtaran ang nangyayari sa mga simbahan ng mga katoliko at protestante, binibenta na nila...

ang rason?

Para lumipat sa mas malaking simbahan?

Hindi po. Dahil wala nang nagsisimba sa kanila at hindi na nila kayang tugunan ang expenses sa chapel nila.

Ang Iglesia ni Cristo naman, bumibili ng mga property na mga nagsarang chapels.

Hindi po ito pagmamayabang o pagpapasikat, ito po ay KATOTOHANAN.

Balik tayo sa picture sa taas...

Anong lokal ba ito?

Ayon sa research ko, ito po ang lokal sa Mancatian, Porac, Pampanga na nasalanta ng LAHAR nang sumabog ang Mt. Pinatubo.







At sa kabutihang palad ay mayroon pong naipatayong gusaling sambahan kapalit nito, itinayo di kalayuan sa lokasyon ng dating lokal.

Hindi lang po talaga ako makapaniwala na lahat na lang ng pwede nilang ipang atake sa Iglesia ni Cristo ay ginagawa nila kahit pa magsinungaling sila na alam naman natin na ito ay bagay na hindi kailanman galing sa Diyos, kundi sa isang nilalang na kaugali nila.


3 comments:

  1. Kung sasabihin ng mga tumutuligsa na hindi nila alam na ang gusaling sambahang ito sa larawan ay bahagi ng "ruins" ng lahar sa Porac, Pampanga, tiyak na NAGSISINUNGALING sila. Bakit po?
    look at the picture carefully, mayroon bang gusali na pwedeng gamitin pa kung kalahati nito ay lubog sa lupa?
    Makikita sa larawan na ang bakod nito ay lubog na sa lupa...paano ka pa makakapasok dyan?

    KUNG SADYANG ALAM NILA na ito ay bahagi ng ruins, ANO ANG MAAARING TAWAG SA KANILA? - SINUNGALING at BULAAN...

    sa ganyang uri ng tao ka ba makikinig at sasama?

    kung sa mga bagay na may malinaw na ebidensya ay kaya nilang magsinungaling, gaano pa sa mga bagay na nakatago sa hiwaga, tulad ng Banal na Kasulatan?

    MAG-INGAT po sa mga ganyang uri ng tao!

    ReplyDelete
  2. Nakita ko na itong kapilya na ito.Local ng Mancatian,Porac,Pampanga.
    Victim of the lahar flow during Mount Pinatubo eruption,1991.
    The Church members left the Mancatian and resettled either in Porac proper or in Barrio Maligaya in Palayan-Laur boundary,Nueva Ecija.

    So,paano ka sasamba sa isang nakalubog na Kapilya?
    Bakit sa Cagsawa Ruins wala nang sumasamba?

    The same scenario sa Mancatian,wala na ang sasambahan nila.
    Nga naman,ang mga talangka,hihilahin ang nasa unahan nila.

    ReplyDelete
  3. Nakita KO n po ang kapilya na ito maraming beses n. Talagang bubong nlng po ng kapilya ang nakalitaw. Maraming beses na rin po akong nakasamba s ipinalit n kapilya s porac..

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.