"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

April 4, 2013

Si Ka Felix Manalo nga ba ay isang rapist?

Ano ba ang totoong mga pangyayari?

"Rapist" nga ba talaga si Ka Felix Manalo?

May "rape" ba talagang nangyari o WALA?

 May KATOTOHANAN ba ang affidavit o retraction ni Ka Rosita Trillanes?

Ito ang isyu kay Ka Felix Manalo na hindi mamatay matay, nakakatuwang malaman na next year mag 100 years na ang Iglesia ni Cristo sa Pilipinas hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang isyu na ito.

Pero kung tutuusin, naging malaking "ISYU" lang naman ito noong ginamit na ni Mr. Soriano at kanyang mga kampon ang atakeng ito para sirain ang pangalan ni Ka Felix Manalo. 

Naging epektibo ba? 

Naging epektibo naman, lalo na sa pangbebrainwash niya sa kaniyang mga myembro kaya nga hanggang ngayon ay active na active pa rin ang kanyang mga kampon sa paninira sa katauhan ni Ka Felix Manalo, at syempre di naman nagpahuli ang mga Catholic defenders, hindi nila pinalampas ang pagkakataong ito dahil isa sila sa asar na asar sa tagumpay ng Iglesia ni Cristo.

At ang isa pang nakakatuwa dito ay ang pagdidiinan nila sa isyu, na kesyo gawa gawa lang daw ng mga INC members ang retraction, o kaya naman ay napilitan lang daw siya itong gawin. Meron din silang mga pinagpipilitan na kesyo bakit naman ilang taon ang lumipas saka lang siya nagretract eh dapat finafile daw yon bago magdesisyon ang korte blah blah blah...

Para namang buhay na sila noong mga panahon na yon. Para namang meron silang mga ebidensya eh ang pinagbasihan lang naman nila eh yung 2 artikulo ng bombshell. AT NAGMAMAGALING pa talaga sila, para namang mas may alam sila sa nangyari kesa sa Iglesia ni Cristo.

Para mas maintindihan natin ang mga pangyayari, simulan na natin...

Noong 1938/1939, may isang Rosita Trillanes ang gumawa ng isang sulat tungkol sa panghahalay diumano sa kaniya at sa iba pa ni Ka Felix Manalo, ito ay pinakalat sa lahat ng miyembro ng Iglesia ni Cristo hanggang sa itoy malathala sa isang dyaryong tinatawag na "Ing Cawal". Ito ang nakalagay sa kaniyang sulat:


"Mga Kapatid:

Dahil sa pag-ibig ko sa Iglesia at ukol sa inyong kabutihan ay sumulat ako sa inyo upang magtapat ng bagay na talagang nangyari sa akin at ng mga bagay na aking nasaksihan at nalaman sa panahon ng dalawang taong pagkatigil ko sa Central. Ako ay isang dalaga na naging kaanib ng Iglesia ni Cristo sa Batangas. Ako ay kinapootan at itinakwil ng aking mga magulang. Sa paniwala kong ako’y makakatagpo ng pag-aampon ay pumayag ako kay kapatid na Jacinto Torres na dalhin niya ako sa opisina Central. Noong ako ay naroon ay naransan ko ang lubhang napakapait at napakasakit sa buhay ng dalaga gaya noong lapastanganin ako ni Manalo na itinuturing kong isang ama. Noong una ay niligawan niya ako ngunit nang tumanggi ako sa kanyang mga ninanais ay binugbog at hinataw niya ako ng aking ikinawala ng malay-tao. At noong ako’y wala nang malay-tao ay ginawa niya ang kahalayang ibig niya sa akin. Doon ay lubhang naghirap ako dahil sa masamang palakad sa akin, paghataw at pagbabanta na tinatanggap ko kailan ma’t tumututol ako sa mahahalay niyang nais sa akin.

Marami din akong nasaksihang mga ginahasa ni Felix Manalo, ang iba ay mga dalaga; ang iba ay mga asawa ng mga kaanib; samantalang ang isa ay asawa ng isang Ministro. Sinabi ni Manalo sa akin ang tungkol sa mga ibang kanyang ginawan ng kahalayan, noong ako’y kanyang hinihikayat na pumayag sa kanyang mga ninanais. Sinabi niya sa akin ang tungkol sa tatlumpung mga babaing kanyang kanyang pinagsamantalahan. Hindi ko maaaring ihayag ang kanilang mga pangalan upang pagtakpan ang kanilang karangalan, ngunit madalas silang nagpupunta sa Opisina. Sa piling ko ay pinagsikapan niyang ginahasa ang isang dalaga na pagkatapos ay nagbuntis at iyon ay nangyaring napapunta din sa opisina central ukol sa tanging pagkakataong may kaugnayan sa Manalo. Marahil ang dahilan kung kaya si Liloy ay nagbitiw, ay sapagkat sinikap ni Manalong pilitin si Amanda. Ang lahat ng mga itong kanyang nilapastangan ay nangatatakot magsabi sapagkat sila’y binalaang papatayin kung sila’y magsasabi, katulad ng ginawa niya kay Basilia Santos ng Paco, na itinuturo niya si Manalo, bilang ama ng kanyang dalawang anak. Naging balitang-balita ito sa Paco.

Bago nagpunta si Manalo sa America, ay dinala niya ako sa bahay ng mga Protacio, sa Pasay. Ngunit noong wala pang isang buwan ay dumating siya upang kunin niya akong pabalik, nangangambang baka sinabi ko sa mga Protacio ang lahat ng kanyang inasal at ginawa sa akin; noong ako’y tumangging sumama sa kanya ay binalaan niya ako ng masama at tinakot niya ako ng isang rebolber at sa pamamagitan ng lakas ay pinilit niya akong sumama sa kanya. Pagkatapos nito ay pinalayas niya sa Iglesya ang mga mag-anak ng Protacio at pinaratangan ng kabulaanan.

Kanyang ginugugol ang lahat niyang buwanang sahod na P 1,300.00 ukol sa mga babae at sa mga mahahalay na mga gawain, samantalang ang abang manggagawa ng Iglesya ay tumatanggap lamang ng P5.00, P 10.00, P 15.00, P 20.00 isang buwan. Ang nangyayari sa lahat ninyong mga abuloy na iniaalay sa Dios, ay nagpupunta sa kanya at bagay na kanyang ginugugol ukol sa lahat niyang mahahalay na gawa. Sinabi ko kay kapatid na Doro ang lahat ng bagay na ito noong si Manalo ay naroon pa sa America.Sa ganitong paraan ay pababayaan ba ninyong pagmalabisan ni Manalo ang mga kaanib at tanggapin ang Iglesya sa ngalan ng Dios…? Hindi ba ninyo iniibig ang Iglesya…? Ang inyong asawa at mga anak na babae ay nasa panganib sa kasawian sa mahahalay na pita ng taong iyan na ipinalalagay at kinikilala ninyong bilang tagapagturo ng mga salita ng Dios.

Ipinagtatapat ko sa inyo ang lahat ng bagay na ito, ipinauubaya ko sa inyo ang kapasiyahan na magagawa ninyo kung tunay na iniibig ninyo ang Iglesya at ang Dios. Sa paghimok sa babaeng iniibig niya maging siya ay isang dalaga o isang may asawa, ay binabanggit niya ang maraming asawa ni Solomon at inaangkin niyang ang taong sinugo ng Dios, ay dapat gawing maligaya at ang pagpayag na pagsang-ayon sa kanyang mga ninanais ay isang kapuri-puring gawa sa mga mata ng Dios. Matatanggap ba ng inyong mabuting diwa ang walang kaayusang ito…? Nasa inyo ang kapasiyahan.

Ang inyong kapatid na naging sawingpalad dahil sa malabis ng pagtitiwala."

Ang tanong, bakit kaya niya nagawa ito?

source: philippinestudies.net



Yun naman pala, isa siya sa mga natiwalag, at dahil nga dito sa ginawa niya siya ay kinasuhan ng LIBEL ni Ka Felix Manalo. Nanalo si Ka Felix sa kaso kaya nakulong si Rosita Trillanes ayon sa desisyon ng korte:


source: philippinestudies.net


Ngunit umapela si Rosita Trillanes sa mas mataas na hukuman, ang Court of Appeals. Dito ay pinanigan ng korte si Rosita Trillanes dahil kinlaim nya na "I was motivated by good intentions". 

Kumbaga kaya daw niya ginawa ang sulat na iyon ay para magbigay babala lamang diumano sa mga kaanib, na wala siya intensyong masama o manira ng puri ng iba. Basahin natin at unawain ang mga kadahilanan kung bakit pinanigan ng korte si Rosita Trillanes:





source: philippinestudies.net


Isa sa mga dahilan kung bakit pinanigan ng korte si Rosita ay dahil nga daw motivated siya by good intentions. Isa pang dahilan ay dahil pangatlong kaso na daw ito kung saan nagsampa ng libel si Ka Felix sa iba pang tao, at kung saan daw ang isa sa mga kinasuhan niya ay na acquit. Muli, ang usapin dito ay kung paninirang puri ba o hindi ang nasa sulat ni Rosita Trillanes.

Ano ang sumunod na mga pangyayari?

Noong May 10, 1951 ay gumawa ng affidavit si Rosita Trillanes sa tagalog. Nagkaroon naman ng english version nito noong Nov. 21, 1952, ito ang nakasaad:


Republic of the Philippines
City of Manila S.S. 
AFFIDAVIT

I, ROSTIA TRILLANES, Filipino, of legal age, married a resident of and with a postal address at 639 Piy Margal, Manila, upon being duly sworn according to law depose and say:

1. That I am the same ROSITA TRILLANES who was accused of libel by Mr. Felix Manalo before the Court of First Instance of the City of Manila, in the month of September in the year 1939;

2. That I was convicted by the Court of First Instance for that crime upon my failure to prove the truth thereof, said conviction having been published by the Taliba, on January 4, 1941;

3. That I appealed from the decision of the said Court of First Instance to the Court of Appeals because of my fear that upon my failure to pay the fine imposed threat that I would be imprisoned;

4. That concerning that libelous letter I wrote and for which I accused by Mr. Felix Manalo, I hereby state and so declare, that all matters therein stated and written areall false and pure fabrications without any truth whatsoever;

5. That the letter and all those matters stated therein was fabricated by Messrs Raymundo Mansilungan, Tedoro Briones and Cirilo Gonzales who induced me to sign the same upon their representation that it would be shown only to the brethren of the Church of Christ (IGLESIA NI CRISTO) to convince them to revolt against the administration of Mr. Felix Manalo, in retribution against him for expelling us from the Church;

6. That together with Messrs Raymundo Mansilungan, Tedoro Briones and Cirilo Gonzales, we were expelled from the Church for Acts and behaviors contrary to the doctrines of the Church;

7. That contrary to my expectation, my companions above mentioned not only showed the letter to the brethren in the Church, but published the same in a Pampango Newspaper, entitled “Ing Cawal”, whose editor at the time was Salvador Tumang, and as a consequence thereof, Mr Felix Manalo filed a libel suit against me and against Salvador Tumang and Cirilo Gonzales, resulting in our conviction,

8. That after my conviction I appealed the case to the Court of Appeals and by claiming that I was motivated by good intentions I was able to acquit myself (see Official Gazette Vol. 1, July 1942 – No. 8180, April 21, 1942), although, since then and up to the present time, I have been bothered continuously by remorse and a guilty conscience;

9. That I have therefore executed the foregoing affidavit to confirm the truth of all I haves stated above and for such other purposes for which the same could be availed of to right the wrong and injustice I have committed against Mr. Felix Manalo aboutwhose integrity and character I have the highest of regard and respect.Furthermore, I have executed the same without any consideration whatsoever, without having been induced by any one, except for the reasons I have stated, and without mental reservation whatsoever.

IN WITNESS WHEREOF, I have signed this affidavit, and affixed my right hand thumb mark below that of my signature at the left margin of the first pageand at the bottom hereof, to remove any doubt about the authenticity of this instrument, this 21st day of November 1952, in the City of Manila, Philippines.

(signature)
Rosita Trillanes
Right hand_________Thumb mark

Signed in the presence of:

(Signature of witness) (signature of 2nd witness)


Subscribed and sworn to before me this 21st day of November, 1952, at Manila, Philippines; affiant exhibited to me her Residence Certificate No. A0385178 issued at Maila, on November 7, 1952.

(signature)
(Notary Seal) Frolian Tafalla
Notary Public
Until December 31, 1952
Doc. No. 118
Page No. 97
Book No. II
Series of 1952

Ang ibig sabihin lamang nito ay WALANG KATOTOHANAN ang mga akusasyon na ibinintang kay Ka Felix Manalo kahit pa pumanig kay Rosita Trillanes ang korte noon. Katunayan, si Ka Rosita Trillanes ay nagbalik loob sa Iglesia ni Cristo at namatay hawak ang tungkulin ng pagiging diakonesa.


Tanong: may "rape" o wala?

Sagot: WALA. Dahil itoy paratang lamang kay Ka Felix Manalo kaya nga sa huli ay nagretract din si Ka Rosita Trillanes at inilahad niya ang tunay na mga pangyayari. Ano man ang sabihin ng mga di kaanib ng INC na ipinipilit nilang totoo daw na may "rape" nga, halatang mga opinyon na lang nila ang mga ito, gusto nilang ipagpilitan kasi si Mr. Soriano, mga paring katoliko, at mga pastor protestante ay may mga kasong rape, iniisip siguro nila na magiging patas kung pati si Ka Felix ay naiugnay din sa rape (kahit napatunayang walang katotohanan).


Tanong: Totoo ba ang ginawang affidavit ni Ka Rosita Trillanes?

Sagot: OO. May ginawang research si Mr. Joseph J. Kavanagh na taga Ateneo de Manila University. Ang mga litrato sa itaas ay sa libro niya galing. At siya mismo ang nagpatunay na meron ngang "retraction" na ginawa si Ka Rosita na napublish pa nga sa Pasugo Issue November 1952.

Nandito po ang buong content.



Wala pong katotohanan na "rapist" si Ka Felix Manalo dahil kung totoo man ang mga paninira sa kaniya ng mga natiwalag na myembro ng Iglesia ni Cristo kung kayat silay kinasuhan ng LIBEL, sana ay sila na mismo ang NAGSAMPA NG KASONG RAPE tutal marami sila kaya paniguradong malakas ang kanilang kaso. Isa pa, kung itoy totoo, BAKIT HININTAY PA NI ROSITA TRILLANESS NA MATIWALAG SILA SAKA LAMANG SILA MAGPAPAKALAT NG KANIYANG SULAT SA DIUMANOY PANGHAHALAY NG KA FELIX MANALO?

At hindi po naiugnay kailanman si Ka Felix Manalo sa KASONG RAPE, kundi sa KASONG LIBEL lamang na kanyang isinampa sa mga nag akusa sa kaniya. 

Dahil ang totoong may mga kasong rape ay ang mga Catholic Priests, Protestant Pastors ibang religious leaders at syempre si Mr. Eliseo Soriano. Isearch nyo lang sa google at malalaman nyo ang sinasabi ko. YAN PO ANG KATOTOHANAN.

Kaya nga ang dating tumutuligsa sa INC na si Ka Rey Ismael na dating natiwalag na INC minister kung kaya lumipat sa ang dating daan, eto ang kaniyang sinabi:




English translation:
Recently, the group of Soriano added a tv station where they broadcast their program. And it is noticeable how they repeatedly replay the negative comments I said against the Iglesia ni Cristo back when I was still with them in their group.

For the benefit of those who had just now seen those comments, I thought it appropriate and timely that I should again face the audience so that I can air my side of this issue.

My fellow citizens, there's nothing new concerning the things Mr Eli Soriano hurl(sic) at me. I've already answered of of those issues in their entirety. Those comments were made against my will. I was forced to make those comments and were only dictated to me by the leadership. And because in those days I had no option but to say on air those things which they wanted me to say. That's why I left their group and tried my best to go back to the Iglesia ni Cristo so I can make right what I did wrong.

One of those things I say on air was the issue concerning Rosita Trillanes. They say in their program that we (Iglesia ni Cristo) do not dare touch that issue. We've (InC) already responded to that, a while back. Not just me, but even Bro Paul Guevarra answered that. Even Maximo Bularan. Even then, when they we're forcing me to say those things, I refused. I told them 'I know that case'. She (Trillanes) was sued by Bro Felix Manalo and they were convicted, she and her accomplishes. There even came a time when she (Trillanes) retracted. Why would I repeat something that's not true?

But they threatened me. And they said the attack would be more effective if I did it myself. I told them 'no, it should be you', but they said 'you must do it, it will be more convincing'. But its not forever that my conscience will endure the guilt I feel in my heart so at this time, I'm making right what I did wrong.

I've already issued a format retraction of the statements I made when I was with them. I also apologized to the InC and to you my fellowmen. (Talking to ADD) That's why the primary reason, you know this' that I left your group and went back to the InC is to make right the wrong I did.

Si Ka Rey Ismael mismo ang nagpatunay, na isang dating MCGI member na WALANG KATOTOHANAN ang hindi mamatay matay na isyu tungkol kay Ka Felix Manalo.

Nasa sa inyo na po iyon kung saan kayo maniniwala at kung anong paniniwala nyo. Hindi namin ipinipilit na maniwala kayo sa amin, ang ginagawa lang namin ay inilalahad ang KATOTOHANAN sa inyo para hindi na matangay ng masasamang gawa ng diyablo ang maraming tao.


Para sa karagdagan at mas detalyadong impormasyon, paki basa po ang "Did Bro. Felix Manalo raped Rosita Trillanes?"

6 comments:

  1. Ang tagal ng hinahamon ng INC ang sinuman lalo na kung ang mga pari o mga official representative ng alin mang naninira sa pagkatao ni ka Felix Manalo na patunayan nila sa harapan ang kanilang akusasyon. Hanggang ngayon lahat sila ay naduduwag at walang makatayo upang lumaban ng harapan sa INC.

    Alam na kasi nila na di pala diamante ang napulot nila kundi puwet lang pala ng basag na baso. Itinapon na nga yon ng mga naunang nakapulot dinampot pa rin nila kaya sila ang nagkasugat-sugat sa tindi ng kahihiyan na inaabot nila ukol sa isyu ng diumano ay immoralidad ni ka Felix Manalo.

    Tama ang sinabi mo Bro. nagbabakasali sila na makatabla dahil sa mga religious leaders nila totoong nangyayari ang mga sexual immoralities at scandals kaya lalo lang silang nasasadalak sa matinding kahihiyan. Busted na ay humihirit pa. Lalo lang napatutunayan ang kanilang kahangalan at kahiya-hiyang mga gawain

    ReplyDelete
  2. bro malaking tulong ang blogspot na to, hindi lang sa mga naninira sa Iglesia Ni Cristo upang maliwanagan kundi pati na rin sa mga kapatid sa buong mundo. two thumbs up for this article!

    ReplyDelete
  3. Panahon pa ng kopong kopong itong issue na ito na pilit nilang binubuhay. Nakakatawa talaga. Kung noong araw di nagtagumpay eh ngayon pa kaya. Sabi nga ng isang kapatid sa akin na pabiro: "Nakarating na nga sa buwan ng INC, hanggang ngayon pa ba ay ginagamit pa rin yang Trillanes case na yan." Kaya yung kanilang mga BINULAG na tagasunod eh makakita na rin sana at magisip isip na iwanan na nila ang kanilang mga pekeng relihiyon. May panahon pa mga kabayan at sana makasama namin kayo sa lalong madaling panahon sa tamang paglilingkod. Our centennial is fast approaching. All of you are welcome to the INC fold.

    ReplyDelete
  4. Matagal nang gasgas na gasgas ang isyung iyan, kasi nga hindi nila tayo kaya sa ARAL, kaya ang TAO ang kanilang sinisiraan. Sabi nga ni Cristo sa TURO nakikilala kung sino TUNAY [JUAN 7:17-18], Gayang-gaya nila ang mga tao nung una na umuusig kay Cristo, hindi nila kayang tutulan ang mga aral niya, kaya ang kaniyang pagkatao ang kanilang inatake.

    ReplyDelete
  5. Salamat brod, ngayun may pinapakalat sila tungkol kay noong 1921 si teresa teodoro ginahasa ni felix manalo at nagkaanak. 1923 ginahasa ni felix manalo sina tomasa geronimo (criminal case 23858) at basilia santiago (criminal case 23859). Sana po ay masagot niyo para parehas po lahat ang sagot ng mga kapatid. Thank u po.

    ReplyDelete
  6. Brod, sana po ay palo check po itong site na ito, sinisiraan po ang Ka. FYM, thank you po.

    http://malayangkomunikasyon.blogspot.com/2012/06/felix-manalo-and-teresa-teodoro.html

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.