Hindi ko talaga maintindihan ang mga asar na asar at inggit na inggit sa INC sa di malamang kadahilanan. Hindi ko alam kung sila bay sincere sa sinasabi nilang opinyon o gumagawa lang talaga sila ng palusot para lang kontrahin ang Iglesia ni Cristo.
BIBLE VERSION
Sinasabi ng ilan (may alam na katoliko), bakit nyo ginagamit ang bibliya namin hindi naman sa inyo yan, sa amin yan, eh kung gumawa kaya kayo ng sarili nyong bibliya! (sariling version/translation)
Sasabihin din ng ilan (ignoranteng katoliko), kaya tumutugma ang aral nyo sa bibliya kasi sarili nyong bibliya yan eh! Dapat ang gamitin nyo eh bibliya namin para patas!
Ano ba talaga?
Ano ba talaga ang mas okay para sa inyo, ang gumawa ang INC ng sariling bersyon ng bibliya o hindi?
Pag gumawa naman ang INC ng sariling bersyon ng bibliya ang sasabihin nyo, eh sarili nyong bibliya yan eh, kaya gagawin nyo yan para umayon sa doktrina nyo... Kapag naman walang sariling bibliya ang sasabihin nyo naman, Eh di gumawa kayo ng sarili nyo bakit kayo nakikigamit?
ANG SUGO MOVIE
Sinasabi ng ilan, bakit naman ang kinukuha nyong mga artista eh mga katoliko, eh movie nyo yan eh dapat puro Iglesia ni Cristo lang ang gaganap dyan!
Sasabihin din ng ilan, bakit hindi mga ka myembro nyo ang gumanap dyan? Kinakahiya nyo ba ang mga artistang Iglesia ni Cristo?
Ano ba talaga?
Ano ba talaga ang mas okay para sa inyo, ang mag hire ng mga artista ang Iglesia ni Cristo kahit hindi kamyembro o puro Iglesia ni Cristo lang ang gaganap?
Pag nag hire ng mga di-INC member naman para sa pelikula ang sasabihin niyo eh INC movie yon kaya dapat INC members din gaganap, ang sabi pa ng ilan, bakit ganyan, ang title eh "ANG SUGO" pero puro katoliko ang bida... Kapag naman puro myembro lang ang gaganap sasabihin nyo naman, sino naman kaya ang matyatyagang manood sa pelikula nyo, eh hindi naman ganun na mga kasikat ang artistang myembro nyo!
PHILIPPINE ARENA
Sinasabi ng ilan, dapat payagan nila for all concerts/religious assemblies ang arena na ito tutal ipinangalan ito sa bansa natin! Hindi ba isang kadamutan nyo kung hindi pwede ang catholic assemblies/ protestant assemblies dito? Eh kung si Lady Gaga, hindi nyo papayagan?
Sasabihin din ng ilan, kung papayagan nila ang kahit sino na magperform at gumamit ng arena nila kahit ibang pananampalataya, hindi ba ito magiging AGAINST sa kanilang paniniwala? Di ba Iglesia ni Cristo ang may-ari nito? Bakit nila papayagan, tutal sila na mismo ang nagpapatakwil sa mga maling aral ng mga ito?
Ano ba talaga?
Ano ba talaga ang mas okay para sa inyo, ang payagan ang kahit sino na magperform at gumamit ng arena o PILI lamang ng Iglesia ni Cristo?
Pag hindi pinayagan ang religious assemblies at concerts sasabihin nyo sakim kami dahil pinangalan sa bansa natin pero hindi naman pinapagamit sa lahat... Kapag naman pinayagan ang lahat, bukas sa lahat ang paggamit ng arena ang sasabihin nyo naman eh AGAINST ito sa paniniwala namin, na bakit daw namin ito pinapagamit sa mga ganoong events eh labag ito sa mga aral na itinuturo ng INC.
BLOC VOTING
Sinasabi ng ilan, kaya lang naman nananalo ang mga ibinoboto nyo dahil umaasa kayo sa survey, bukod sa pansariling survey na ginagawa nyo, sinusuportahan nyo yung mga popular at sa tingin nyong mananalo sa survey, kaya kalokohan yang bloc voting nyo!
Sasabihin din ng ilan, wala naman talaga kayong kaisahan sa pagboto, gawa gawa nyo lang yan! Tignan mo, mapa national o local elections may mga sinusuportahan ang Iglesia na hindi naman nananalo! 2.3% lang naman kayo ng populasyon ng Pilipinas kaya hanggang panaginip na lang kayo!
Ano ba talaga?
Naniniwala ba talaga kayong may kaisahan sa pagboto ang INC o hindi?
Pag nanalo ang mga sinuportahan ng INC ang sasabihin nyo, dahil binase lang ito sa resulta ng mga survey sa TV at sa sarili naming survey, sasabihin nyo pa na kesyo nagpapagamit kami sa mga pulitiko, na kesyo uto uto kami kasi sumusunod kami sa leader namin at kayo hindi, na kesyo may bayad yung suporta namin sa mga kandidato at marami pang iba... Kapag naman natalo ang sinuportahan ng INC ang sasabihin nyo wala naman talaga kaming kaisahan sa pagboto, imbento lang yon para lumakas ang political influence ng INC pero sa huli talo din ang mga kandidato at hindi lahat eh sumusunod sa kaisahan kaya talagang mahina ang kaisahan sa Iglesia...
BUILDING OF HOUSES OF WORSHIP
Sinasabi ng ilan, bakit kayo nagpapatayo ng milyon milyong pisong halaga ng mga kapilya nyo eh di ba nga malapit na ang araw ng paghuhukom, gugunawin din yan, sinasayang nyo lang ang pera ng mga myembro nyo, di bat mas mabuting ibigay nyo na lang yan sa mahihirap?
Sasabihin naman ng ilan kapag hindi na nila napapansing nagpapatayo ng kapilya ang INC, asan na ang pera ng mga miyembro nyo? nako, nilimas na ng mga manalo at mga ministro nyo, ayaw nyo pang umalis diyan hinuhuthutan lang naman kayo ng pera ng mga yan, pinapayaman nyo lang ang mga manalo eh!
Ano ba talaga?
Gagastos ba ang INC para sa mga ito para sa kapurihan ng Diyos, o hindi?
Pag nagpapatayo ang INC ng mga kapilya at ibat ibang proyekto dapat ipamigay na lang sa mahihirap ang pera dahil kasama rin naman itong magugunaw pagdating ng paghuhukom... Pag naman mapapansin nyong hindi na nagtatayo ang INC ng mga ganito ang sasabihin nyo bunubulsa na ng mga ministro at ng mga "Manalo" ang mga pera namin...
MEMBERS' OBEDIENCE
Sinasabi ng ilan, bakit ba ninyo sinusunod ang pamamahala nyo? Wala ba kayong sariling utak? Bakit masyado kayong panatiko na kapag sinabihan kayo ng ganito eh susundin nyo agad? Halatang halata naman na binibrainwash lang kayo ng mga ministro nyo eh, eto naman kayo, uto-uto!
Sasabihin naman ng ilan kapag hindi na ganoon ang pagiging masunurin ng mga miyembro, oh, akala ko ba may pagkakaisa kayo? Bakit hindi nyo sundin ang namamahala sa inyo, di bat nakasulat yun sa bibliya? Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi kayo sa Diyos dahil hindi kayo marunong sumunod!
Ano ba talaga?
Susunod ba ang mga myembro sa mga kinikilala naming Diyos ang nagbigay ng tungkulin o hindi?
Pag sinunod namin sila ang sasabihin nyo na BRAINWASH kami, kapag naman hindi kami sumunod sasabihin nyong hindi kami naturuan ng aral dahil mismong myembro ayaw sumunod sa leader o sa mga ministro namin.
DOCTRINES AND PRACTICES
Sinasabi ng ilan kapag napansin nila na may pagkakatulad ang doktrina ng INC sa ibang relihiyon, ano ba yan, mga wala kayong originality! Kinopya nyo lang ang mga aral nyo sa ibang relihiyon eh, gaya gaya lang kayo nanghiram lang kayo ng aral sa iba nakakahiya naman ang sugo nyo!
Sasabihin naman ng ilan kapag napansin nila ang ilang doktrina sa INC na unique, walang katulad sa ibang relihiyon... Kaya walang kaperaha ang ilan sa doktrina nyo kasi pansarili at maling pag intindi yan ng mga ministro nyo! Inimbento lang yan ng pamamahala nyo eh, tulad ng bloc voting... Kulto talaga kayo dahil hindi kayo sumunod sa mga doktrinang Kristiyano!
Ano ba talaga?
Kailangan bang maging unique ang doktrina ng INC o kailangan may kapareha sa ibang relihiyon?
Kapag may kaparehang doktrina sa ibang relihiyon ang sasabihin nyo nangopya lang kami, pag kakaiba naman ang doktrina sasabihin nyo inimbento lang, wala na sa bibliya di pa makakristyano...
March 10, 2013
6 comments:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Palaging ganyan sila eh :)
ReplyDeleteang kulit nga nila hahaha halatang di sila nagkakaisa kahit sa pagbatikos
ReplyDeleteTama ka dyan, kapatid.. Gumagawa lang sila ng sarili nilang puna para siraan ang INC..
ReplyDeleteE2 pa ha, lalo pa't mag-eeleksyon na naman..
Kapag ang ibinoto ng INC ay natalo, sasabihin na mahina ang kaisahan ng INC..
Kapag nanalo naman, sasabihin naman nilang sa survey lang tayo umasa kaya natin ibnoto ang mga kandidatong ito..
Manalo, matalo ang kandidatong dinala ng kaisahan ng INC, laging may puna..
Kahit anong gawin ng INC, pupunahin ng mga taong ayaw sa INC..
Ganyan ang gawain ng mga taong yan, walang kontento sa sarili..
Hindi naman porke't ibinoto ng INC, eh mananalo o matatalo na..
Sila lang naman ang nagsasabi nun para palabasing may kasiraan ang INC..
Kaya wag po tayo paaapekto sa mga punang ito dahil di naman nila alam ang mga doktrina sa loob ng INC..
Ang totoo po,kaming mga INC eh wlang pakialam kung sin ang mananalo, Ang mahalaga sa amin eh masunod ang kaisahan.
ReplyDeleteKaya po ito binabatikos ng marami eh dahil kahit anong gawin nila, at kahit gaano pa kalaki ang samahan nila, HINDI NILA KAYANG MAGKAISA.
Bakit sa min sa INC almost 100 years na, wlang pang nag aklas sa kaisahan na yan. Simple lang po, MAY DIOS KASE KAMI, AT TUNAY
Bloc voting:
ReplyDelete2.5% votes can make a senatorial or presidential candidate's fate.
Kasi naman,yung Catholic vote nila ay 1 million lang ang bumoto kay JC Delos Reyes at sa Ang Kapatiran.
Samantalang ang kay Noynoy ay 25 million at kay Erap ay 20 million Catholics ang bumoto sa kanila.
Huwag na kasi kayong managinip na may "Catholic voting" talaga.
Philippine Arena:
ReplyDeleteKunwari sa tapat ng simbahan ninyo,may magpa-bikini open,o magka-gay Sagala.
Di ba di kayo mapakali sa pagkontra sa kanila?
We only chose what's wholesome.