"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

March 11, 2013

Pinakamatinding palusot sa pagka Diyos ni Kristo

Hindi ko alam kung seryoso ba ang mga naniniwalang Diyos si Kristo o nang aaning lang kapag ipinagtatanggol nila ang pagka-Diyos niya. Kapag kasi binigyan mo sila ng pagkarami raming ebidensya na tao si Kristo at hindi Diyos, ang isasagot naman nila "Meron ba kayong mababasa sa bibliya na sinabi ni Kristo, hindi ako Diyos?".

Hindi ako nanlalait o kung ano pa man pero yon na yata ang isa sa mga walang ka sense sense na palusot na nabasa ko. Taktika ng mga pilosopo. Ang mga pilosopo kasi walang common sense, yun bang kailangan mo pang kumpletuhin ang mga sinasabi mo para lang magets nila.

Kapag ba sinabi mong lalaki ka, kailangan mo pang sabihing hindi ka babae?

Kapag ba sinabi mong gutom ka, kailangan mo pang sabihing gusto mong kumain?

Kapag ba sinabi mong maputi ka, kailangan mo pang sabihing hindi ka maitim?

Kapag ba sinabi mong gusto mong maglakad, kailangan mo pang sabihing ayaw mong tumakbo?

Kapag ba sinabi mong tatay ka ng anak mo, kailangan mo pang sabihing mag-ama kayo?


Kailangan pa bang sabihin ni Kristo na siyay hindi Diyos kung sinabi na niyang siya ay TAO? 

At kailangan pa ba niyang sabihin siyay hindi Diyos kung mismong siya na ang nagpakilala sa IISANG TUNAY NA DIYOS, ang kaniyang AMA, na sinabi niyang kaniyang Diyos at Diyos din natin? 

Ano sa tingin nyo?

12 comments:

  1. baka kasi pwedeng maging bakla yung lalake?ahahaha

    ReplyDelete
  2. Ang pagtuturo ng Panginoong Jesus na Siya ay tao (Juan 8:40) ay katunayan na Siya ay hindi Diyos sapagkat ipinahayag na mismo ng Diyos (AMA) na Siya ay Diyos at hindi tao.

    "Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit." (Oseas 11:9)

    Sinabi na ng Diyos na Siya ay Diyos at hindi tao. Labag sa Biblia ang aral na ang Diyos ay may dalawang kalikasan o dual nature--"Diyos na ay tao pa; tao na ay Diyos pa." Mali yon!

    Ang tao ay laman (Gen. 6:3) samantalang ang Diyos ay espiritu (Juan 4:24)

    Itinuwid na ni Cristo ang mga nagtaglay noon pa man ng maling akala na Siya ay isang Espiritu. Pinatunayan Niya na Siya'y may laman at buto pa rin noong mabuhay Siya na mag-uli.

    36At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. 37Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. 38At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? 39Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. (Lukas 24:36-39)

    ANG DIYOS AY ESPIRITU (WALANG LAMAN--Juan 4:24)

    SI CRISTO AY HINDI ESPIRITU (MAY LAMAN--Luk. 24:39)

    Kaya, SI CRISTO AY HINDI DIYOS!


    Bakit kaya hirap na hirap sila na intindihin ang katotohanang ito?

    ReplyDelete
  3. kuya readme how can i message you?? mag sesend po ako ng pictures tungkol kay bro. felix y. manalo... papa research ko po sau.. :) thanks.. confidential po toh :)

    ReplyDelete
  4. brod .. pa post naman po yung ginawa kong fan page sa facebook ..

    http://www.facebook.com/pages/Iglesia-ni-Cristo-Defender/387526991337102?fref=ts

    salamat po sa Dios ! :)

    ReplyDelete
  5. Lets us pray for brother Alex Ferrera for he is in the lowest point of his life. Knowing him well, I believe that he could overcome the biggest "pagsubok" he is now facing, but our prayers and love can help him a lot. He is great teacher. mentor, and brother to me and to all of us. A veteran and great soldier of faith.

    ReplyDelete
  6. kuya Read me panu po yung nasa Colosas 2:9 "Sapagkat sa kanya na nanahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayun sa laman"

    SA gREEK ito daw po yung theotes.. na ang katumbas eh Diety,, EDI MAy Pagka Dios po ba talga ang Panginoong Jesus?
    sana po maibigyan ng kasagutan SALAMAT PO,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat po sa tanong, eto po ang kasagutan ko: http://readmeiglesianicristo.blogspot.com/2013/03/sapagkat-sa-kaniyay-nananahan-ang-buong.html

      Delete
  7. ANO PO BA YUNG KAPUSPUSAN NG DIOS ? ANG TINUTUKOY PO DYAN AY YUNG PAGIGING BANAL NG DIOS ..


    "Dahil ang Diyos na pumili sa inyo ay banal, dapat din kayong magpakabanal sa lahat ng inyong ginagawa," I PEDRO 1:15
    NA GAYON DIN SI CRISTO NA PINABANAL NG DIOS .. :)

    "Sinasabi baga ninyo tungkol sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan, Ikaw ay namumusong; sapagka't sinasabi ko, Ako ang anak ng Dios?" JUAN 10:36

    ReplyDelete
  8. Ka Read me merun na po ba kaung ginawa tumatalakay sa talatang ito?>>> kundi nakikita natin si Jesus, na sa sandaling panahon ay ginawang mababa kaysa mga anghel, na dahil sa pagdurusa ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay maranasan niya ang kamatayan alang-alang sa lahat. Heb. 2:9

    diba si Jesus ay mataas pa sa anghel pero sabi dyan minsan ginawa mas mababa kesa anghel


    Salamat po

    ReplyDelete
    Replies
    1. Glassheart,

      Ang sagot sa tanong niyo ay nasa verse na rin na binanggit nyo. Si kristo po ay GINAWANG MABABA sa mga ANGHEL sa SANDALING PANAHON.

      Bakit?

      "Dahil sa pagdurusa ng kamatayan... upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay maranasan niya ang kamatayan alang-alang sa lahat"

      ginawa siyang ganoon sa SANDALING PANAHON LAMANG. Pero ang totoo ay ginawa siyang HIGIT NA DAKILA SA MGA ANGHEL tulad ng binigay sa kaniyang PANGALAN na HIGIT NA DAKILA:

      "Ang Anak ay ginawang higit na dakila kaysa mga anghel, tulad ng pangalan na ibinigay sa kanya ng Diyos ay higit na dakila." Heb. 1:4

      sa paanong paraan pa siya ginawang mas dakila?


      sapagkat kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,

      "Ikaw ang aking Anak,
      mula ngayo'y ako na ang iyong Ama."

      Ni hindi rin niya sinabi sa kaninumang anghel,

      "Ako'y kanyang magiging Ama,
      at siya'y aking magiging Anak."
      At nang isusugo na ng Diyos ang kanyang panganay na Anak sa sanlibutan ay sinabi niya,

      "Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Diyos."

      Kailanma'y hindi sinabi ng Diyos sa sinumang anghel,

      "Maupo ka sa kanan ko,
      hanggang lubusan kong mapasuko sa iyo ang mga kaaway mo."

      Heb.1: 5-6, 13


      salamat po.

      Delete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.