Pati ang Quezon City Police District at Commission on Human Rights pala ay di nakaligtas sa mga kasinungalingan nila G. Angel Manalo, pinapalabas nilang silay INAAPI sa MEDIA. Patuloy ang kanilang paghingi ng simpatya sa mga tao, para ano? Para magmukang sila ang nagsasabi ng totoo. Ngunit sa paggawa nila ng mga kasinungalingan, nalalantad lamang ang tunay nilang mga kulay.
Narito po ang report ng GMA NEWS, pansinin ang nasa video simula sa 1:35 kung papaano pinasinungalingan ng QCPD ang claim nila G. Angel Manalo na hinaharang daw nila ang mga nag vivigil sa compound. Sagot naman ng pulis, may "NAPAG USAPAN PALA" sila nila G. Angel at ito raw ay para sa kanilang SEGURIDAD.
Dumating naman ang mga kinatawan ng CHR na may tumawag daw sa kanila na nagsasabing hinaharangan daw ang pagpapapasok ng pagkain at tubig sa bahay nila. Ngunit nung tinignan nila ay kitang kita nila na WALA NAMANG HUMAHARANG kundi tuloy tuloy lang ang pagpapapasok sa mga tao. Mismong CHR ang nakasaksi na wala silang nakitang anumang pagharang sa mga supply na pagkain, iba sa pinagsasasabi nila G. Angel Manalo.
Anlalaking sinungaling ng mga Ahas.
ReplyDeleteNagkulong sa bahay nila tapos sasabihing ginigipit sila.
May mga kasapakat pang nagdadala ng pagkain.Bakit hindi na lang nila itakas yung nakakulong?
Umaalis ng destino para sabihing dinukot sila.Ano to?
Hindi daw dinadamay ang Ka Eduardo.Neknek niyo.Alam kong gusto ninyong ipilit si ka Angel na humalili kay Ka Eduardo.Bakit hagip pati si Ka Eduardo sa mga issue at kaso sa mga Sanggunian.Ano si Ka Eduardo,collateral damage?
Diyos na bahala sa inyo.