"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label Humble Texas. Show all posts
Showing posts with label Humble Texas. Show all posts

November 20, 2015

Binenta o naibenta ba ang kapilya ng Lokal ng Humble, Texas?

Ito ang tanong ng marami at ang pinaka pinag uusapan pa rin hanggang sa ngayon. 

BIG DEAL kasi para sa mga hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang balita na "nagbenta" ang Iglesia ng bahay sambahan o kahit property pa. 

Hindi ko rin alam kung bakit. 

Alam ng lahat na sa ibang bansa ay kaliwat kanan ang pagbebenta ng kapilya ng ibat ibang relihiyon, una dahil hindi na kaya ang expenses, pangalawa, wala ng nagsisimba sa kanila.

Sa Iglesia Ni Cristo, NEXT TO IMPOSSIBLE ang ganiyang scenario. Hindi ko ito sinasabi dahil kaanib ako, kundi dahil sadyang IMPOSIBLE itong mangyari. 

Una, kung "saka sakaling nagkataon" na hindi makaya ang expenses sa lokal (kahit wala pa kong nabalitaang pangyayaring ganito), pwede naman sigurong humingi ng tulong sa distrito, at kung sobra sobra pa ring hindi kaya (kaya imposible talagang mangyari) ay pwede naman humingi ng tulong sa central. Pangalawa, NEXT TO IMPOSSIBLE din yung scenario na WALA NG SUMASAMBA sa isang lokal. Pwede siguro may nagsialis at lumipat ng ibang lokal, pero yung dahil "wala na talagang sumasamba" ay mahirap paniwalaan. But for the sake of the argument, kunwari may ganung case, kahit iilan lang ang kapatid ay tuloy tuloy pa rin ang pagsamba sa lokal na yun. Wala namang required na bilang sa pagsasagawa ng pagsamba ehh...