"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

September 14, 2015

Pagpupugay sa mga kapatid na "S.C.A.N"

Nung ipinost ko sa isang fanpage ang artikulo kong "Paglilinis pagkatapos ng malalaking pagtitipon, gawain ng Iglesia" may isang comment doon na nakatawag ng pansin ko. 

Hindi ko na maalala yung saktong mga sinabi nya ngunit nagpapasalamat sya sa SCAN dahil sa lahat ng kanilang pagsasakripisyo magampanan lang ang kanilang mga tungkulin.

Napaisip ako, oo nga no?

Para sakin, sa lahat ng tungkulin sa Iglesia, kung pisikal na paggawa lang ang pag uusapan, ang mga kapatid natin na taga- SCAN ang unang papasok sa isip natin. Sila kasi ay mga multi-tasker, marami silang ginagawa para maging katuwang ng Iglesia sa kaayusan. Sila ang makikita nating nangunguna sa:

1. Pagtulong sa pag aayos ng mga venue ng aktibidad
2. Pagtulong sa paglilinis ng mga venue pagkatapos ang aktibidad
3. Pagpapatupad ng kaayusan: seguridad at trapiko tuwing may isinasagawang aktibidad at sa mga pagsamba
4. Pagbabantay ng kapilya
5. Pag-rescue kapag may mga emergency kung may bagyo etc.
6. Nakikipagkaisa sa mga proyekto ng pamahalaan hal. bantay lansangan. 
7. Pagdi-distribute ng relief goods kapag may Lingap Pamamahayag o Lingap sa Mamamayan

Ano pa ba?

Sa dami nilang ginagawa sila yung mga kapatid na pag tayo nasa tahanan na pagkatapos ng mga aktibidad sila naman nandoon pa rin, sila yung pinakahuling umuuwi dahil sa pagtupad pa rin ng kanilang tungkulin. 

Pagod, puyat, sakripisyo...

Kaya naman SALUDO po ako sa mga kapatid nating taga SCAN INTERNATIONAL!

MABUHAY PO KAYO!

Huwag po sana kayo magsasawa at mapapagod tuparin ang inyong tungkulin dahil malaki ang ginagampanan nyo upang matulungan ang buong Iglesia. Ang Ama na ang bahalang magsukli sa lahat ng inyong pagpapagal. Pagpalain nawa po ang inyong sambahayan.

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.