Simula ng mailabas pa lang ang teaser trailer ng "FELIX MANALO" ay sobrang excited na ang lahat ng kapatid lalo na habang palapit ng palapit ang araw ng paglabas nito sa mga sinehan sa buong bansa--> Oct. 7, 2015.
Mga pangyayari na dapat i-expect sa pelikula, ayon sa inilabas na full trailer:
1. Pag alis sa Iglesia Katolika at pag anib sa ibat ibang relihiyon
2. Paghahanap ng katotohanan at ang pagsisimula ng kaniyang pagpapangaral ng Iglesia ni Cristo
3. Personal na buhay at buhay-pag ibig ng Ka Felix Manalo
4. Mga pag uusig na naranasan ng Ka Felix sa pangangaral ng Iglesia, at pag uusig sa mga kapatid mula ng maanib sa Iglesia
5. Pagkarehistro ng Iglesia sa gobyerno ng Pilipinas
6. Pagkumbinsi kay Ka Felix Manalo na mamahala sa lahat ng relihiyon sa Pilipinas ngunit tumanggi ang Sugo
7. Pag uusig sa kamay ng mga hapon
8. Rebelyon na pinangunahan ni Teofilo Ora
9. Pagkilala kay Ka Felix Manalo ng "Christian Mission" bilang Outstanding Evangelist sa Sine Gloria, 1918
PERSONAL REVIEW FROM THE MOVIE
Sa totoo lang po hindi talaga ako "FAN" ng modern pinoy made-movies. Kasi kadalasan gumagawa sila ng movie para lamang KUMITA hindi upang makapagpalabas ng bagong istorya na maiinspired ang marami. Kaya ngayon mas tinitingala pa ang INDIE FILMS kesa mainstream movies. Mas may SENSE naman kasi yun di hamak kahit na low budgeted at hindi ganun kilala o kasikat ang mga artistang gumaganap.
Ang nangyayari kasi ngayon sa kasalukuyan, yung mga SIKAT gagawan ng movie. Yung movie naman recycled story na. Lalagyan lang ng konting HUGOT LINES, konting katatawanan, tapos pacute ng mga artista, konting promote, instant blockbuster na. Try nyo ipapanood mga blockbuster movies of all time natin sa ibang lahi baka pagtawanan lang tayo. At try naman natin panoorin ang mga blockbuster movies nila, kahit pa hindi natin naiintindihan ang lenggwahe, mapapatunayan natin na DESERVE nila maging blockbuster hit, di tulad satin.
Kaya ako po talaga bihirang bihira ako manood ng pinoy movies, pili lang, yung tingin ko mukang maganda, at may sense...
Puntahan natin ang review ko sa FELIX MANALO MOVIE...
Sa totoong totoo lang, hindi ako magsisinungaling sa inyo, simula nung ma-anounce na magkakaroon tayo ng movie noong 2012 hindi maalis ang pag aalinlangan sa isip ko. Nasa isip ko kasi, "naku, sayang baka hindi kagandahan ang gawa ng produksyon"
Tapos nalaman ko, si Direk Tikoy Aguiluz ang direktor, tapos bigatin pang mga artista ang gaganap, sila Albert Martinez, Bong Revilla at Richard Gomez.
Sabi ko, ahh sana maging maganda.
Nagkaroon ng announcement uli, si Cesar Montano na direktor, tapos isa isa na nawala yung leading actors. Sabi ko, naku wala na. Mukhang nanganganib na ang pelikula.
In the end, napunta kay Direk Joel Lamangan ang movie. Si Dennis Trillo ang gumanap na Ka Felix Manalo. At nalaman ko nalang na BEST OF THE BEST pala ang kinuhang production team. Mula sa mga costume design, photography, production design, visual effects at iba pa.
Nung hindi pa nilalabas ang teaser, ang nasa isip ko, sana maganda, sana. (pagpasensyahan nyo na po ako mga kapatid kung tingin nyo negative ako, personal na opinyon po lamang bilang isang manonood ng mga pelikula)
At ayan na nga, nung nilabas ang teaser, lalo na ang FULL TRAILER, na-amaze talaga ako. Lagpas sa expectation ko ang nagawa nila sa movie.
1. Hindi naging korni -dahil relihiyon ang tema, pag ang mga scene ay puro bibliya pag uusapan at sa paniniwala pa namin nakasentro sasabihin ng ilan ang korni, "Tumatayo balahibo ko"
2. Hindi minadali - pinag isipan talagang mabuti ang paggawa ng istorya, at lahat ng elemento sa pelikula, kahit yung camera movement na masyado kong pinoproblema pag nanonood ng movies dahil gusto ko hindi lang left o right ang camera, eh nagawan nila ng hustisya.
3. Hindi boring - Tingin ko sa kabuuan kahit 3hrs nakaupo ang mga manonood sa sinehan hindi sila maboboring na parang puro "usapan" lang mangyayari dahil maraming turn of events, hindi nagkaron ng POKUS sa iisang pangyayari lang.
4. Maraming mapupulot na kaalaman - may mga kasama sa movie na magbibigay linaw sa ating lahat ng tunay na pangyayari noong mga panahon na iyon. Iba kasi yung pakiramdam na BINABASA mo lang, dun sa pinapanood mo talaga, nabibigyang buhay kasi yung mga nakasulat. Tulad nung sinasabi nila na ORDINASYON daw sa Ka Felix noong 1918, pag pinanood natin nag pelikula malalaman natin na hindi naman talaga iyon ORDINASYON kundi pagkilala lamang kay Ka Felix Manalo.
5. Maraming mapupulot na aral - Hindi lamang aral o LESSON sa buhay kundi ARAL sa pananampalataya naming mga kaanib sa Iglesia ni Cristo. Mahalaga ring malaman nila kung ano talaga ang paniniwala namin at hindi yung "supposed doctines" namin halimbaway may IKAPU daw kami, pinagbabawalan daw kaming magbasa ng bibliya at dino-Diyos daw namin si Ka Felix.
Itong movie na ito ang magiging instrumento para malaman ng mga hindi pa kaanib ang pagsisimula ng Iglesia ni Cristo at ang naging buhay ng Ka Felix Manalo na nagtiis at nagsakit maipangaral lamang ang mga katotohanan na nakasulat sa bibliya. Ito rin ang magiging daan upang lalo pang magsuri ang mga di kaanib sa Iglesia sa buong mundo kaya napapanahon po talaga ang paglabas nito at malalaman ng lahat na ANG ATING PANGINOONG DIYOS ang nasa likod ng pagtatagumpay na ito ng Iglesia.
Very well said (to the author).. Since the movie started and watched the premiere night at the Phil Arena, I started to read different blogs especially if the topic is about Felix Manalo.. Called it curiousity but i feel enjoyment in doing so... Congratulations sa Felix Manalo the movie, I surely will wait for the DVD of this movie and keep that as long as I live in this earth....
ReplyDeleteMabuhay ang ating pananampalataya! Mabuhay ang pagkakaisa! Sa Diyos ang kapurihan!
5/5 para sa pelikula.
ReplyDeleteKay Oggy Cruz,bigyan ko siya ng siyanse,andaming IPIS sa bahay niya.