Totoo pala yung sinasabi nilang "History repeats itself", yan ang napagtanto ko sa mga nangyayaring ito sa Iglesia sa kasalukuyan.
Kung babalikan kasi natin ang kasaysayan ng Iglesia, may mga nagsagawa na ng REBELYON at ang mga may pakana ay mismong mga mangagawa sa Iglesia (part of the 1st batch of ministerial students).
At kung iisipin nating maigi, NAGKAROON NG REBELYON, NAGTAYO SILA NG SARILING RELIHIYON, MARAMING KAPATID ANG SUMAMA SA KANILA, MAY MGA KAPATID NA NATIRA, MAY ILANG KAPATID NA BALIK LOOB... Naging payapa na uli ang Iglesia at sumunod na ang mga tagumpay...
KUNG LAHAT NG KAPATID AY NANGHINA, AT NAGPATANGAY SA MGA NAG REBELDE SA IGLESIA, tanong, AABOT KAYA SA 101 TAON ANG IGLESIA SA KASALUKUYAN?
Medyo nagkakaroon na ba kayo ng ideya kung ano gusto ko tumbukin? :)
TEO FILO ORA REBELLION
Noong 1921, pagkabalik ng Ka Felix Manalo galing sa ibang bansa ay nagkaroon ng malaking rebelyon na pinangunahan ng ilan sa mga hindi naordenahang mga manggagawa na sila Teofilo Ora, Juanario Ponce, at Basilio Santiago.
TAKE NOTE: Hindi basta basta mga miyembro lang ang may pakana nito kundi mismong mga pioneer church workers o mga kauna unahang manggagawa.
Inakusahan at pinaratangan nila ang Ka Felix Manalo ng kung ano ano. Hanggang sa nagpatawag ng emergency meeting ang Ka Felix upang madepensahan nya ang kanyang sarili na may mga kasama pang paglalahad ng mga ebidensya. Sa pagpupulong na yon, nanalo si Ka Felix Manalo, at ang mga nag akusa naman sa kaniya... Dahil sa pagkabigo, Ayun at nagtayo ng sari sarili nilang Iglesia.
TAKE NOTE: Isinama nila ang maraming mga kapatid sa ibang lokal kung saan may mga lokal pa sa Bulacan at Nueva Ecija na halos mawala na sapagkat karamihan ng kaanib ay sumama sa kanila. At iilang kapatid lang ang nanatili sa Iglesia pagkatapos non.
KA ROSITA TRILLANES' ACCUSATIONS
Noong 1939 ay itiniwalag sila Ka Rosita Trillanes kasama ang ilan pa niyang mga kasamahan sapagkat may nilabag sila sa doktrina ng Iglesia. Dahil dito, gumanti sila sa pamamagitan ng pag atake ng personal sa Ka Felix Manalo at gumawa pa ng mga kasinungalingang mga paratang.
Dahil dito, sinampahan sila ng kasong LIBELO ng Ka Felix Manalo. Nanalo sa kaso si Ka Felix, ngunit umapela naman ang kampo ni Ka Rosita Trillanes. Sa pagkakataong ito ay napawalang sala sila sa pagke-claim na hindi ito paninirang puri kundi pagbibigay lamang ng babala sa mga kapatid. Pinanigan sila ng korte, ngunit hindi na umapela pa si Ka Felix sapagkat alam niya na ginagamit lang nila si Ka Rosita para makapaghiganti at naawa siya sa mga ito.
Pagkatapos ng sampung taon ay nag retract si Ka Rosita, ibig sabihin ay BINABAWI NIYA ANG LAHAT NG AKUSASYON niya kay Ka Felix Manalo. Inilahad niya ang mga pangyayari sa isang affidavit. Sa huli, nakapagbalik loob siya sa Iglesia, naging diakonesa at namatay na kaanib sa Iglesia ni Cristo.
PANSIN
-- 7 taon pa lang ang Iglesia noon ng kinaharap na nito ang isa sa malaking rebelyon sa Iglesia kung saan halos karamihan ng kapatid ay natangay ng mga manggagawang nag paratang sa Ka Felix Manalo ng kung ano ano.
-- 25 taon noon ang Iglesia ng dumaan na naman ito sa malaking pagsubok kung saan pinaratangan ang Ka Felix Manalo ng imoralidad. Hindi man nabanggit o nalathala sa mga aklat sa Iglesia ngunit alam ko na NAYANIG ang pananampalataya ng mga kapatid at hindi imposible na may mga kapatid din silang natangay.
Ang mga kapatid na nanatili sa Iglesia at hindi natangay sa mga taong PILIT SINIRA ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA ay buong pusong NAGTIWALA, hindi lang sa pamamahala kundi sa magagawa ng Diyos. Kahit ano pa ang naging paratang nila sa kaniya (Ka Felix Manalo) ay nagpatuloy pa rin sila sa kanilang paglilingkod at hindi nagpatinag anuman ang mangyari.
Kung ikukumpara itong nangyayaring ngayon kung saan ang ilang mga ministro sa Iglesia at pamilya pa mismo ng Ka Felix (Isaias Samson Jr., Joy Yuson, Angel Manalo at iba pa) ay nagtangka na pabagsakin ang Pamamahala ng Iglesia...
Malaki ang pag asa na malalampasan din natin ang PINAKA MALAKING PAGSUBOK sa Iglesia sa kasaysayan. Kung kinaya at nalampasan nila ito noon, naulit lang muli, BAT HINDI NATIN KAKAYANIN AT MALALAMPASAN NGAYON?
Kung nagkaroon ng mga suliranin at mga pagsubok sa Iglesia noong 1-100 taon nito (1st century), ngayon naman 101-200 taon nito (2nd century), hindi pwedeng hindi ito dadaan sa hindi lang munti kundi mas malalaki at mas matitindi pang mga pagsubok.
Noong bata pa ang Iglesia, katakot takot na ang pang uusig sa Iglesia, mga kaanib at mga lider nito. Ngayong NAULIT MULI, na halos ang buong bansa ay naiinis at nagagalit sa atin. NGAYON PA BA TAYO BIBITIW AT TULUYANG MAGPAPA APEKTO SA MGA SINASABI NILA SA ATIN?
Kung dati pagkatapos ng pagsubok saka sumunod ang mga tagumpay ng Iglesia..
Naniniwala ako ng buong puso na pagkatapos ng lahat lahat ng ito, muli ay SUNOD SUNOD NA NAMAN ANG TAGUMPAY nito.
Imaginin nyo na lang, kung yung mga natirang kaanib sa Iglesia dati ay nanghina, nanlamig, at nag alinlangan o kaya kung lahat ng kapatid noon ay sumama at nakisimpatya sa mga nagsagawa ng REBELYON laban sa Iglesia, mayroon pa kayang "IGLESIA NI CRISTO NGAYON"?
SAGOT: Kung hindi sa Diyos ang Iglesiang ito, malamang NAWALA ITO NG PARANG BULA. Tulad ng ibang mga sektang protestante, bumagsak hanggang sa nawasak. Ngunit dahil may TUNAY TAYONG DIYOS, pagkatapos bumagsak ay agad itong TUMAYO NG MAY PAG ALALAY AT GABAY PA NG AMA.
PATUNAYAN NATIN SA MGA NAUNANG MGA KAPATID SA IGLESIA, NA HINDI NASAYANG ANG PAGTITIWALA NILA SA PAMAMAHALA AT HINDI NASAYANG ANG KANILANG PAKIKIPAGLABAN SA ATING PANANAMPALATAYA. PATUNAYAN NATIN SA NAUNANG HENERASYON NG MGA KAPATID NA TULAD NILA, MAYROON DIN TAYONG MATIBAY NA PANANAMPALATAYA.
BILANG NASA MAKABAGONG HENERASYON NG MGA KAANIB SA IGLESIA, PATUNAYAN NATIN NA KAHIT ANONG MANGYARI, O KAHIT ANO PANG MAS MALALANG MANGYARI, NA KAHIT KAMUHIAN TAYO NG BUONG MUNDO AY MAGPAPATULOY TAYO SA ATING MGA PAGLILINGKOD AT MAGIGING ISANG MATIBAY NA IGLESIA NI CRISTO HANGGANG WAKAS!
Kung naulit ang kasaysayan, dun sa parte na may mga nagrebelde, may mga nagparatang sa pamamahala, at may mga kapatid na nakisimpatya sa kanila...
SANA MAULIT DIN ANG KASAYSAYAN KUNG SAAN DOON TAYO GAGAYA SA MGA KAPATID NA NAGPATULOY MANINDIGAN SA PANANAMPALATAYA at hindi doon sa mga dating kapatid na sumama at nakisimpatya sa mga taong nagbalak sirain ang Iglesia at ang pamamahala nito.
If history repeats itself then let it be. I know, after all of this, MARK MY WORD, the Church will RISE AND SHINE AGAIN, STRONGER THAN EVER!
September 7, 2015
4 comments:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Lahat ay natatagumpayan ng buong Iglesia dahil tunay at buhay ang Diyos Ama.
ReplyDeleteMABUHAY ANG IGLESIA NI CRISTO
ReplyDeleteLagi lang tayong Sumunod at Magpasakop sa PAMAMAHALANG Inilagay ng Diyos sa ating Unahan mga kapatid Tiyak na Magtatagumpay tayo..
ReplyDeleteHistory repeats itself.
ReplyDeleteTulad na lang ng itinayo ni Ora,asan na ba yun?
Ganyan din ang mangyayari sa itatayo ni Angel.