Pagsubok sa Iglesia, at pagsubok sa pananampalataya ng mga kaanib.
Isa lang ang alam kong sagot dyan: MAGTIWALA PO TAYONG LUBOS SA MAGAGAWA NG ATING PANGINOONG DIYOS.
Simple lang po diba?
Ngunit bat parang hindi ata natin ginagawa?
Nakakalimutan ata natin?
At PINAGWAWALANG HALAGA PO ATA NATIN?
Inspired ang artikulo kong ito sa katanungan ng isang kapatid na nag email sa akin. Alam ko ang ilan sa mga kapatid ay may kaparehas na katanungan at nararamdaman, hindi alam ang gagawin at gusto ng kasagutan.
Hayaan po ninyong ipakita ko sa inyo ang pag uusap namin...
Ang tanong ng kapatid ay "WHAT IF"?? "Paano kung"??
Sige, for the sake of the argument, let us ASSUME na "May katiwalian na naganap sa Iglesia kaya ginagawa nila Antonio Ebanghelista ang mga bagay na ito"
Anong gagawin natin?
a. Manlalamig, manghihina, hindi na sasamba, aalis sa Iglesia
b. Wala lang, walang reaksyon
c. Sasama sa grupo ni Antonio Ebanghelista, kakalabanin at pababagsakin ang pamamahala
d. MAGTITIWALA SA MAGAGAWA NG DIYOS
Kayo po ano po ang gagawin ninyo?
Ako, I MADE MY CHOICE. Dati pa.
At tulad ng sabi ko, kung NANINIWALA KA NA TUNAY ANG IGLESIANG ITO, NA TUNAY ANG SINASAMBA NATING DIYOS, NA DITO LANG MAY KALIGTASAN, NA ANG DIYOS ANG PINAKAMAKAPANGYARIHAN SA LAHAT, NA WALANG IMPOSIBLE SA DIYOS, NA MAY MAGAGAWA ANG DIYOS AT HINDI SIYA MAPAGPABAYANG DIYOS...
Tanong ko kapatid, BAKIT HINDI KA MAGTIWALA?
At bakit hindi po rin ba kayang magtiwala sa PAMAMAHALA NG IGLESIA?
Ang Diyos ang naglagay sa kanila para manguna, for the sake of the argument let us ASSUME na nagkaroon nga ng ilang anomalya sa hanay nila... Hindi ba pwedeng maitama ang pagkakamali? Hindi ba pwedeng magbago? Na dahil lang doon itataya mo yung kaligtasan mo, na mawawala na yung pananampalataya mo...
Samantalang kaya tayo kaanib sa Iglesia ni Cristo ay hindi naman dahil sa kanila kundi DAHIL SA MGA ARAL NG DIYOS NA TINANGGAP NATIN?
Kung ang ating Panginoong Diyos, sabihin na natin na kaya mong pagtiwalaan, eh hindi naman nakikita. DAPAT DIN TAYONG MAGTIWALA SA PAMAMAHALA NA ATING NAKIKITA.
Tanong, may magagawa ba ang Diyos?
MERON. Alin man ang katotohanan, siya ang kikilos... IN GOD'S TIME. Kung talagang may katiwalian gagawa siya ng paraan para maalis ito. At kung HINDI NAMAN TOTOO, kundi pakana lamang ng mga taong may personal na interes kaya gustong pabagsakin ang pamamahala ng Iglesia, ang Diyos ang magpaparusa sa kanila. Huwag sanang dumatin ang panahon na huli na, sana makapag balik loob pa sila hanggat may panahon pa. Dahil pag inabot nila ang ganti ng Diyos, SUMPA ang sasapitin nilang lahat.
Ang sinasabi ng bibliya
"Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan." Kawikaan 3:5
Pakatandaan po natin, ang sabi MAGTIWALA SA DIYOS NG BUONG PUSO AT LUBUSAN...
"Ang iyong sarili'y sa kanya italaga, tutulungang ganap kapag ika'y nagtiwala.Ang nagtitiwala kay Yahweh, mabubuhay, ligtas sa lupain at doon tatahan, ngunit ang masama'y ipagtatabuyan." Mga Awit 37:5,9
Italaga natin ang ating sarili sa kaniya, pag ginawa natin yon tayoy kaniyang TUTULUNGAN. ANG NAGTITIWALA SA DIYOS AY MABUBUHAY, LIGTAS SA LUPAIN AT DOON TATAHAN SA PANGAKONG LUPA, ngunit ang MASAMAY IPAGTATABUYAN.
"Siya'y hindi matatakot sa mga masamang balita: ang kaniyang puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon." Mga Awit 112:7
Dapat HINDI TAYO MATAKOT SA MGA PANGIT O MASASAMANG BALITA na patungkol sa Iglesia, kahit GAANO PA ITO KALALA AT KAHIT GAANO PA ITO KASAMA, dapat maging MATATAG ANG ATING PUSO NA TUMITIWALA SA PANGINOON.
"Mapalad ang mga taong nagtitiwala kay Yahweh, pagpapalain ang umaasa sa kanya." Jer. 17:7
Yan ang sabi ng bibliya sa mga nagtitiwala sa DIYOS: SILAY MAPAPALAD AT ANG UMAASA SA KANIYA AY PAGPAPALAIN.
Ngunit paano naman iyong mga taong MAS GINUSTONG MATIWALAG, MAS GINUSTONG LUMABAN SA PAMAMAHALA AT MAS GINUSTONG TALIKURAN ANG DIYOS?
"Sinasabi ni Yahweh, "Susumpain ko ang sinumang tumatalikod sa akin, at nagtitiwala sa kanyang kapwa-tao, sa lakas ng mga taong may hangganan ang buhay." Jer. 17:5
Kaya sa lahat po ng mga dating kapatid na sa halip na MAGTIWALA SA DIYOS ay nagtiwala DOON SA MGA TAONG kumakalaban sa Iglesia, habang may panahon pa, MAGBALIK LOOB NA PO TAYO SA IGLESIA, dahil kung hindi, ayan maliwanag po sa bibliya SINUMANG TUMALIKOD SA KANIYA AY SUSUMPAIN NIYA. Huwag na po natin antayin na SUMPAIN tayo ng Diyos, magpakumbaba tayo, alisin natin ang mga pag aalinlangan sa ating puso at maging handa sa pagpapasakop sa mga nangunguna sa atin.
Si Ananias at Zafira ay pinarusahan ng kamatayan hindi lamang dahil sa kanilang ginawang pagtataksil at di pakikipagkaisa o pagpapasakop sa Pamamahala ng mga Apostol kundi dahil sa HINDI PAGKILALA AT PAGSISI SA NAGAWA NILANG KASALANAN. Binigyan sila ng pagkakataon na magsisi ngunit ipinagwalang-bahala pa rin nila.
ReplyDeleteKung natuto lamang sana sila na magpakumbaba at kumilala sa kanilang napakalaking kasalanan baka hindi sila pinarusahan ng Diyos ng kamatayan.
Ang panawagan sa mga nahulog sa napakabigat na kasalanan na paglaban sa pamamahala na magsisi at magbalik-loob na hanggat may panahon pa ay isang pagkakataon na ibinibigay sa kanila ng Diyos upang sila'y huwag mapahamak. Ngunit kung magpapatuloy pa rin sila sa kanilang kasamaan, tapos na ang pasiya ng Diyos sa kanila:
"Ngunit kung ang isang taong matuwid ay magpakasama at gumawa ng mga kasuklam-suklam na gawain, hindi siya mabubuhay. Mamamatay siya dahil sa kanyang pagtataksil at sa kasalanang nagawa. Mawawalan ng kabuluhan ang lahat ng kabutihang ginawa niya noong una." (Ezek. 18:24)
Wala talagang magawa tong si AE kundi manira.
ReplyDeleteGanito ang typical na uri ng AHAS.