"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

September 7, 2015

Lahat ng mata nakatingin sa Iglesia ni Cristo

Totoo po yan. Simula ng inilabas nila G. Angel Manalo ang kanilang youtube video kung saan nanghingi sila ng tulong sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo, ito ang simula ng pakikipaglaban ng grupo nila na pabagsakin ang pamamahala ng Iglesia. 

Ito rin ang simula ng pagtutok ng buong bansa sa mga nangyayari sa Iglesia ni Cristo. Religious matters turned into national issue. Galing ano? Yan talaga ang balak ng grupo ni Antonio Ebanghelista dati pa.

At dahil parang naging national issue na ito kaya ang LAHAT NG MATA nakatingin sa Iglesia ni Cristo. Mapa maliit na balita, asahan nyo na may sasabihin at sasabihin sila. Ngayon lang kasi ang unang pagkakataon na nagkaroon ng malaking "eskandalo" (kung tawagin ng iba) sa Iglesia. Gusto kasi nilang MAKA TABLA dahil kung pag uusapan ang kasaysayan, bagsak na bagsak ang kanilang relihiyon sa kahihiyan dahil sa ibat ibang usapin ng korupsyon, marangyang pamumuhay ng mga pari, sex scandals, pagpatay at iba pa.

Kung meron nga naman silang mai-papanira sa Iglesia, eh di lalabas PATAS na ang laban.

Kapag nagkakaroon ng mga usapin sa relihiyon nila, kung mapapansin nyo, hindi iyon BIG DEAL sa kanila. Kasi PANGKARANIWAN na eh. Kung may mabalita na nangrape na pari, common na. Kapag na eskandalo ang Iglesia Katolika, common na rin. 

Eh sating mga kaanib sa Iglesia ni Cristo?

Hindi COMMON sa atin ang mga ganitong bagay na tulad sa kanila, ngunit hindi na BAGONG BAGAY sa kasaysayan ng Iglesia ang pang uusig, rebelyon at pagpaparatang sa Pamamahala ng Iglesia.

Kaya gagamitin at gagamitin nila ang PAGKAKATAONG ito para sirain, at usigin ang Iglesia ni Cristo. Nasa stage kasi ang Iglesia ng "kahinaan" para sa kanila, kumbaga sa giyera kung kelan mahina na ang kalaban dun ka mag full attack para siguradong matatalo sila. Ganyan na ganyan ang ginagawa nila ngayon, pero NAGKAKAMALI sila. Marami ng napagdaang ganitong uri ng problema ang Iglesia, panandalian lamang ang nararanasan na ito ngayon, sa huli, tatayo muli ang Iglesia ni Cristo sa tagumpay at MAPAPAHIYANG MULI ang mga humahamak dito.

Simula po ngayon, bilang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay maging maingat na po tayo sa mga ikinikilos, ginagawa at sinasabi natin. Dahil tulad ng sabi ko, at tulad ng napapansin nyo, LAHAT NG MATA NAKATINGIN SA IGLESIA NI CRISTO.

Oo, magsasabi sila ng masasakit patungkol sa ating pananampalataya, ngunit sa halip na PATULAN natin o gayahin natin sila para makaganti ay MAGPAKUMBABA nalang po tayo, magpatuloy sa ginagawa nating mga paglilingkod at palakasin pang lalo ang ating pananampalataya.

"Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong alipustain ang umaalipusta sa inyo. Sa halip, gantihan ninyo sila ng pagpapala sapagkat tinawag kayo upang gawin ito, upang kayo ay magmana ng pagpapala." I Pedro 3:9

Alam ko susubaybayan nila ang kasong ILLEGAL DETENTION laban sa Sanggunian. Kung saka sakaling itoy mababasura o hindi na uusad, sasabihan nila ang INC ng kung ano anong paninira. Ang gusto kasi nila ay MAKULONG ang ating mga lider, hindi dahil sa gusto nila ng katotohanan, kundi dahil galit sila sa atin matagal na dahil sa hindi maipaliwanag na inggit. Andyan yung sasabihin nila, naku binayaran naman yan ng INC eh, o kaya inimpluwensyahan nyo kasi. Kaya di nako magtataka kung sila mismo ang gagawa ng mga paraan para ipanawagan ang kasong ito o kaya ay sila mismo ang susuporta sa kaso/

Kung saka sakali namang mapapatunayan ang mga inakusahan ay guilty, katakot takit na paninira pa rin ang gagawin nila. Andyan yung sasabihin nila, naku ganyan pala sa inyo sabi na kulto kayo etc etc... 


Mas matitinding pagsubok

Gusto ko lamang din ipaalala sa lahat ng kapatid na HINDI PA RIN NATATAPOS ANG ATING LABAN, sapagkat NANDIYAN PA PO ANG MGA KALABAN. Ang mga kalaban natin ngayon sa pagkakataong ito ay ang mga ex-INC members na nagpaparatang ng kung ano ano sa Iglesia. Hindi natin alam kung hanggang kelan ito magtatagal, kaya KONTI PA PONG PAGTITYAGA, KONTI PA PONG PAGTITIIS... MATATAPOS DIN PO ANG LAHAT NG ITO.

Ganito ang sinasabi sa bibliya:


"Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan. At kung magkagayo'y maraming mangatitisod, at mangagkakanuluhan ang isa't isa, at mangagkakapootan ang isa't isa. At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig. Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas." Mateo 24: 9-14

Ito ba ay HULA? At ito ba ay may koneksyon sa nangyayari sa Iglesia sa kasalukuyan?

Kung saan KAKAPOOTAN KAMI dahil sa kami ay kaanib sa Iglesia ni Cristo. Na marami ang matitisod, marami ang maililigaw, na ang pag ibig ng marami ay LALAMIG? Hindi po natin alam, walang nakakaalam.

Ngunit anong sabi sa bibliya?

DATAPUWAT ANG MAGTIIS HANGGANG WAKAS ANG SIYANG MALILIGTAS.

Kaya MAGTIIS TAYO HANGGANG WAKAS mga kapatid, kung kapalit man nito ay ang ating inaasam na KALIGTASAN. Tandaan natin hindi tayo taga dito, TAGA BAYANG BANAL TAYO sapagkat tayo ang magmamana ng pangako ng Diyos.

Papaalala ko nga pala, magkakaroon po tayo ng napakalaking aktibidad sa September 26, 2015 na tinaguring PINAKAMALAKING PAMAMAHAYAG SA KASAYSAYAN NG IGLESIA.

At kung maalala nyo sa talatang kinowt ko, ang sabi sa verse 14 IPANGANGARAL ANG EBANGHELYONG ITO SA KAHARIAN SA BUONG SANLIBUTAN SA PAGPAPATOTOO SA LAHAT NG MGA BANSA...

At ang sabi...

KUNG MAGKAGAYOY DARATING NA ANG WAKAS...

Nakakakilabot ano po?

Pero wala po tayong sinasabing ganoon na may koneksyon ang talata sa gagawin nating pamamahayag, ngunit kung ako ang tatanungin, mas gusto ko na pong dumating ang araw na yon. Ang araw ng paghuhukom. Para hindi na natin maranasan ang lahat ng bagay na masasakit, para doon sa bayang banal wala ng kalungkutan... kagutuman... Kundi sama sama lamang tayo kasama ni Kristo at ng ating Panginoong Diyos.


9 comments:

  1. God bless us all INC.

    ReplyDelete
  2. Thank u sa article nato. Mas lalong sumigla ang aking pananampalataya. Pa share po.

    ReplyDelete
  3. kung sabagay, maliit n pagsubok p lng itong gnagawa s tin kung ikukumpara s pagsubok n sinapit ng iglesia nung pnahon ng ating panginoong hesukristo at ng pnahon ng sugo. npagtagumpayan nila ang mga pagsubok s pnahon nila at nanatiling matatag ang iglesia. alam ntin n KAYA DIN NATIN ang mga gnitong pag-uusig dhil nandyan ang Ama n patuloy n papatnubay s tin. mtatapos din ang mga pagsubok n ito at mtatapos din ntin ang ating mga takbuhin s tulong NYA.

    ReplyDelete
  4. di ko mapigil ang luha ko sa mga nabasa ko sa huling bahagi. SALAMAT po sa inyo kapatid kung sino man po kayo. isi-share ko po ito ng paulit-ulit.

    ReplyDelete
  5. DPAT LNG N MATIBAY TYONG LAHAT SA ATING FAITH DAHIL D2 NKASALALAY ANG ATING KALIGTASAN...GOD BLESS US ALL!!!

    ReplyDelete
  6. Kaakibat po kasi talaga ng pagiging Iglesia ang lahat ng pang-uusig dahil hindi normal sa relihiyon po natin ang makagawa ng mali kung kaya naghahanap sila ng butas di gaya ng sa kanila na normal na ang gumagawa ng mali. Hanapin niyo lang po siya sa FB sa pangalang James Montenegro (screen name nga lang niya yan)db Ka ReadMe? ;)

    ReplyDelete
  7. Lalong tumibay at tumatag ang aking pananampaltaya ,
    salamat sa blog na ito .

    ReplyDelete
  8. Salamat sa blog na to madaming aral akong napulot at nadagdagan ang kaalaman ko ..

    ReplyDelete
  9. Ang pangmamata sa atin ng lahat ang dahilan kaya maraming nagsusuri sa INC ngayon....

    Reverse Psychology,ika nga.Wala silang nakitang masama,kaya nagsuri na sila.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.