Ang post nya ay tungkol sa pag iral ng mga bagay na wala sa panahon ng Ka Felix Manalo at Ka Erano Manalo ay nangangahulugan daw na isang korupsiyon.
Ang reaksyon ng isang kapatid na matitisurin at walang tiwala sa Diyos--> teka, oo nga no?
Ang reaksyon ng isang tunay na kapatud na may pananampalataya at may tiwala sa Diyos--> teka, parang may mali?
Maganda po na sa bawat pagbabasa ng kanilang mga argumento at mga akusasyon ay binubuksan nating maigi ang ating kaisipan at pinapalawak natin ang ating pang unawa. Upang sa ganoon ay huwag po tayong matangay at malinlang sa mga taong gusto tayong ihiwalay sa ating mga paglilingkod.
Ito po ang sagot ko sa post ni Kelly Ong sa kaniyang fanpage (black) at ang post mismo nya (red)...
________________________________________________
Narito po ang mga bagay na nagpapatunay sa matinding kurapsiyon sa loob ng Iglesia ngayon:
ANG PAG-IRAL NG MGA BAGAY NA DATI AY WALA SA PANAHON NG SUGO AT NG KAPATID NA ERANO G. MANALO.
Ang argumento ni Kelly Ong ay kung hindi umiral o hindi NAG EXIST sa panahon ng Sugo at ng Ka Erano Manalo ay isa ng "matinding kurapsiyon". Ngayon, Kelly Ong tanong ko saiyo, ibig din bang sabihin na ang pag iral ng mga bagay na wala sa panahon ng Sugo na naganap sa panahon ng Ka Erano Manalo ay nangangahulugan din isang "matinding kurapsiyon"?
Ilan lamang ito sa mga bagay na umiral sa panahon ng Ka Erano Manalo na "dati ay wala":
1. New Era University
2. New Era General Hospital
3. Tabernacle
4. INC museum
5. Central Pavillon
6. Maligaya Resettlement project and others.
7. Lingap sa Mamamayan
8. DZEM (radio)
Sa pagpaparatang mo kay Ka Eduardo Manalo lalabas na pinaparatangan mo rin ang Ka Erano Manalo na pinapabayaan lamang ang "matinding korupsyon" na ito. At kung ipapakita ko naman sa iyo ang pag iral ng mga bagay na wala sa panahon ng ating Panginoong Hesukristo na naganap sa panahon ng Ka Felix Manalo lalabas din na pinaparatangan mo rin ang Sugo, TAMA BA?
1. Pagbebenta ng mga T-Shirts para sa iba't-ibang okasyon at aktibidad na nagkakahalaga ng 300 pesos at sa US ay 50USD.
Sa panahon ng Ka Erano alam ko meron ng mga ginagamit na customized tshirt para sa mga aktibidad. Yung magulang ko meron silang mga tshirt para sa anibersaryo ng lokal nila dati at iba pa... Ano korupsiyon don? Pag UNLAD ang nagbenta korupsiyon? Mahiya ka naman sa mga kapatid na naghahanapbuhay, dugo at pawis pinupuhunan nila magawa lang nila iyon ano gusto mo libre lang? Kabuhayan nila yon, tinutulungan sila ng Iglesia para mayroon silang pagkakakitaan. At sa isang tunay na mananampalatayang Iglesia ni Cristo, hindi nila ikakatisod yon. Sa ibang relihiyon nga andaminng binebenta sa kanila pag meron silang aktibidad, bat satin nagrereklamo tayo kung may kaugnayan naman ito sa Iglesia?
2. Pagbebenta ng mga asawa ng ministro ng mga kakanin at inumin sa loob ng Philippine Arena.
3. Palagiang paghingi ng abuluyan sa lahat ng mga Tanging Pagtitipon maging sa panonood sa WEBEX.
4. Mga karagdagang abuluyan at handugang inilulunsad.
5. Paghingi ng abuloy para sa isasagawang Pamamahayag.
6. Paghingi ng mga abuluyan para sa kawanggawa at sa mga nasalanta ng kalamidad maliban pa sa lingguhang Tanging Handugan para sa Lingap. Saan napunta ang pondo sa Lingap mula sa T.H. Linggu-linggo sa loob ng anim na taon?
7. Paghingi ng mga registration fees para sa iba't ibang mga okasyon at aktibidad na inilulunsad.
8. Panghihingi sa mga maytungkulin para sila ang magbayad at managot sa mga gugulin sa mga okasyon at iba't ibang mga aktibidad.
Panahon pa ng Ka Erano may mga tanging handugan nang isinasagawa. Ang tanging handugan para sa isang bagay na pinaglalaanan kaya nga "TANGI" halimbawa para sa isang okasyon na kailangang gugulan at iba pa. Lahat ng abuluyan sa Iglesia ni Cristo, UDYOK ng pananampalataya, at hindi UDYOK dahil sa pamimilit ng sinuman o dahil tinakdaan ng gantong halaga. Ang mga nalilikom ay ginagamit ng TAMA para sa mga aktibidad sa Iglesia at mga gugulin nito tulad ng pagpapatayo ng mga gusaling sambahan.
Honestly, hindi pa ako napunta sa Philippine Arena at nakadalo ng aktibidad doon ngunit sa pagtatanong tanong ko sa mga kapatid sa facebook ay nalaman ko na HINDI TOTOO NA NAGBEBENTA ANG MGA ASAWA NG MINISTRO NG MGA KAKANIN AT INUMIN SA LOOB NG ARENA. Kung may nagbebenta man doon ito yong karaniwang nagbebenta sa mga venue ng pagkain at inumin. At kung may kapatid man doon na nagbenta ng kanilang paninda, sabi nga ng isang kapatid, ano naman? Galing pa daw sa malalayo ang iba sa kanila kaya naisipan nila pandagdag man lang sa kanilang pamasahe at pagkain din, sa halip na galit ay awa ang ating pairalin at sympre handa dapat tayong magbigay sa mga nangangaingalan. Huwag maging sakim.
Kung may mga registration fees na kinukolekta tulad ng nangyari sa WORLD WIDE WALK sapagkat itoy isang CHARITY para sa mga kapatid at di kapatid. Hindi MASAMA ang registration fees, kaya nga CHARITY eh. Sa Iglesia ni Mr. Soriano nga nagpapa concer concert pa sila para makapagfund ng kanilang convention center na mas malaki pero hanggang ngayon wala pa. Eh tayo alam natin na magagamit sa tama ang bawat sentimo na binibigay natin lalot Pamamahala ng Iglesia ang nagpapasya kung saan ito gugugulin.
Kung may mga gugulin sa mga okasyon naman, walang PANGHIHINGI na nagaganap sa mga maytungkulin kung iniisip natin na parang nanlilimos na. Kung may karagdagang gugulin itoy pinag uusapan sa mga pagpupulong at pinagtutulung tulungan ng mga kapatid sa pangunguna ng mga maytungkulin. Sa mga organisasyon hindi bagong bagay ito kaya hindi kailanman naging katitisuran gumastos bastat para sa paglilingkod sa Diyos.
9. Pagbebenta ng coffee table book, kalendaryo, mga memorabilia ng Iglesia at iba't-ibang UNLAD ITEMS.
Sa panahon ng Ka Erano Manalo ang pasugo binebenta sa kapilya ngunit ang mga kapatid ay hindi kailanman nagreklamo sapagkat alam nila ang kahalagahan ng mga nilalaman noon. Ito rin ay ginagamit sa pagmimisyon. Sa pagprint ng pasugo, may ginugol dito, hindi pwede iasa nalang lahat ng gugulin sa pera ng Iglesia kaya kahit paano kahit ilang porsyento ng kabuuang gugol doon ay binibili natin. Sa ibang relihiyon may bayad din ang Church magazine nila mas mahal pa.
Ang coffee table book, kalendaryo, memorabilia ng Iglesia ay binibili ng mga kapatid sapagkat hindi naman sa lahat ng panahon ay available ito, kaya nga MEMORABILIA eh. Ang iba pang bagay courtesy of UNLAD items ay ibinebenta sapagkat itoy KABUHAYAN NG MGA KAPATID NA TINUTULUNGAN NG UNLAD. At sa pagkaka alala ko, ang buong pangalan ng proyekto ay UNLAD KABUHAYAN. Kung ikukumpara sa iba, ito ay parang isang KOOPERATIBA. Kaya sa halip na matisod dahil lang nagbenta ang isang kapatid, ay BILHIN mo na lang ang binebenta nila para makatulong ka sa kanila, nakasunod ka pa sa bibliya sa pagkakawanggawa.
Kaya nga inilunsad ang UNLAD KABUHAYAN para bigyan ng mga kabuhayan ang mga kapatid at mga di kapatid. At ang benta nito hindi napupunta sa Sanggunian at sa Iglesia, kundi sa UNLAD mismo kaya nga separate ito na nakarehistro--> "Unlad, INCORPORATED" nga eh, gets mo?
10. Paglalagay ng iba't-ibang negosyo sa compound ng Philippine Arena kalakip ang isang mini casino.
Ang Philippine Arena ay isang ENTERTAINMENT VENUE, hindi isang KAPILYA kaya walang masama kung pumayag ang pamunuan ng MALIGAYA DEV. CORP na magkaroon ng mga kainan at iba pa sa paligid ng Arena. Pagkatapos ba ng event gugutumin mo ang mga taong pumunta doon? San ka nakakita entertainment venue walang malapit na makakainan? At dahil venue yon hindi ba pwede magbenta ang mga negosyante kapatid man o hindi? Muli, ang PHILIPPINE ARENA, muli, ARENA (which is a multi purpose venue) ay hindi isang BAHAY SAMBAHAN. AT sa paratang na may MINI CASINO doon karapat dapat lamang na magbigay ng ebidensya kang mailabas o simpleng laruan tinawag mo ng MINI CASINO?
11. Pagsingil sa mga kapatid at pagpaparenta sa mga tent sa loob ng Philippine Arena.
Ang EVENTS na ginagawa sa Philippine Arena ay iba sa perang paggugugulan ng Iglesia. Alam naman natin ang mga pinaggugugulan nito, ang pera sa Pasalamat ay para sa pagbili ng mga lupa at pagpapatayo ng mga kapilya. Ang pera sa mga pagsamba ay para sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos. Ang pera sa tanging handugan sa lokal ay para sa gastusin sa lokal, kung sa Distrito ay para sa pagpaparenovate ng mga lokal na nakakasakop dito...
Kaya nga may MALIGAYA DEV. CORP na magpapatakbo ng Philippine Arena at iba pang gusali sa Ciudad De Victoria eh, at hindi ang Iglesia mismo. Hindi rin ang Iglesia mismo ang nagpapatakbo ng New Era University kundi meron silang ADMINISTRATION.
Kaya ang mga gastusin ba sa events sa Philippine Arena tulad ng tickets, rents at iba pa ay ipapasagot natin ang bayad sa Iglesia? Kung ganoon matutugunan pa kaya natin ang napakaraming pinagugugulan ng Iglesia sa kasalukuyan?
12. Up to 400% marked-up price ng lahat ng pagkain at inumin sa loob ng compound ng Philippine Arena.
Pakikialaman ba ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo at ng Maligaya Dev Corp ang magiging presyo ng mga itinitinda sa compound ng Philippine Arena? Sa experience ko sa pagpunta sa Araneta Colisseum mapa loob at labas sadyang MAHAL ang mga pagkain at mga bilihin doon. Sobra bang nakakapagtaka kung sa WORLDS LARGEST DOMED ARENA ay masasabi natin na hindi mumurahin ang mga pagkain at bilihin na tinitinda doon? Magkano ba gusto DIVISORIA PRICE? Punta nga kayo sa ibang bansa na may arena, stadium o colisseum magtanong tanong kayo kung magkano presyo bilihin doon. OA ang 400% marked up price na sinasabi mo Kelly Ong, walang maniniwalang kapatid sa iyo nyan sapagkat SILA at hindi IKAW ang nakapunta na sa mga pagtitipon sa Arena.
13. Pangungontrata ng UNLAD sa lahat ng uniporme ng NEU students and Staff, mga BEM STUDENTS, mga ministro at manggagawa at ng mga maytngkulin sa Lokal.
14. Pangungontrata ng UNLAD sa mga giveaways sa Pagsamba ng Kabataan.
Ano pa bang magiging "sense" at "silbi" ng UNLAD KABUHAYAN kung hindi ito magbebenta? Paano kikita at matutulungan ang mga kapatid na nangangailangan? May garment factory ang UNLAD bakit hindi sila ang gumawa ng uniporme nila? Ano ba mas maganda, umorder at magpagawa sa ibang kompanya o sa sariling mga kapatid na lang upang silay matulungan din naman sa kanilang kabuhayan?
15. Automatic na kaltas tulong tuwing tulong ng mga kawani sa lahat ng okasyon at paraphernalia na ginagamit sa Philippine Arena.
16. Automatic na kaltas tulong at "good as sold" ng lahat ng mga tickets na ibinibigay sa mga ministro sa lahat ng mga Distrito sa lahat ng okasyong ginaganap sa Philippine Arena.
Hindi ko masasagot ang paratang na ito sapagkat hindi naman ako ministro na tumatanggap ng nasabing "tickets" at hindi rin kawani na nakakaranas ng sinasabing "kaltas tulong". Aantayin ko ang mga ebidensya mo Kelly Ong.
17. Pagbayad kay Chris Brown ng Iglesia mula sa pondo at Tanging Handugan ng mga lokal at Distrito sa Metro Manila at paligid ng mga Distrito nito para sa mahalay na concert nito na hindi natuloy. Umabot sa 1million USD ang kinuhang pondo sa iglesia ngunit napag-alaman na hindi naman pala tumanggap ng paunang bayad si Chris Brown. Nasaan na ang abuloy ng mga kapatid na 1million USD?
Sino naman nagsabi na ang pondo ay kinuha sa Iglesia at tanging handugan sa mga lokal? At nabenta ang mga tickets sa Arena kaya yun yung pinambayad kay Chris Brown na hindi natuloy. Kung kinuha ito doon, itoy naibalik na. Kaya nga hinahabol ng MALIGAYA DEV CORP si Chris Brown at ang manager nya, fully paid na may kontrata pa pero hindi natuloy. Baka naman isisi mo pa sa Iglesia ang hindi pagtuloy ng kanyang appearance sa concert?
18. Paggawa ng pelikula ng SUGO hindi ang layunin ay banal kundi para makakolekta ng salapi.
Ang paggawa ng pelikula patungkol sa buhay ng SUGO ay alam ng lahat ng TUNAY NA KAPATID na para maging daan ito upang malaman ng lahat ang buhay ng Ka Felix at kasaysayan ng Iglesia. Pati na rin upang ipakita na ang lahat ng pagtatagumpay ng Iglesia ay dahil sa tulong ng Diyos. 100 years na Iglesia tamang pagkakataon ito para maramdaman at makita nila ang mga karanasan ng Ka Felix. Kung inenegosyo lang pala pelikula bat hindi nalang dati pa naisip? Bakit ngayon lang kng kelan 100 years na Iglesia?
Eh kasi nga hindi naman ito ginawa upang inegosyo, masama lang talaga isip nyo na nagrereflect naman sa pagkatao nyo.
19. Pagbebenta ng thumb pin at T-Shirt na I am one with EVM.
20. Pagbebenta ng iba't-ibang bagay na may kaugnayan sa iglesia at sa paglilingkod. Wala na tayong iniwan sa mga katoliko at ADD.
21. Pagbebenta ng CD ni Anthony Castelo at iba pa.
Lahat na lang ba ng bagay ay kukunin sa pananalapi ng Iglesia? Bukas ang isip ng mga kapatid na ang pananalapi ng Iglesia ay hindi UNLIMITED. Kung hindi aalagaan itoy mauubos, ngunit dahil itoy patuloy na naaalagaan kaya naman hindi ito mauubos. Kahit ano pa mang tshirt yan, CD o kung ano pa yan kung mga kapatid naman gagamit, malamang hindi magdadalawang isip ang mga kapatid na bumili nyan. Hindi iyan ikakatisod ng tunay na kapatid, TSHIRT lang yan, CD lang yan at higit sa lahat hindi iyan negosyo ng Iglesia.
22. Pagbebenta ng mga kapilya ng Iglesia at iba't-ibang mga ari-arian.
Hindi nagbebenta ng KAPILYA ang Iglesia na tulad sa nangyayari ngayon sa ibang relihiyon. Hindi PAGBEBENTA kundi PAGBILI ang ginagawa ng Iglesia ngayon. Properties maniniwala pako at hindi isyu ito dahil kung ibinenta ibig sabihin wala ng paglalaanan. Bakit mo pagkakagastusan i maintain ang mga properties na kukunin sa handog ng mga kapatid para lang sa ALA-ALA?
23. Pagpapabaya sa mga kapilya at mga mehoras ng Iglesia.
Isa sa sampung utos sa Iglesia ni Cristo upang maingatan ang kaligtasan ay "Huwag pababayaang wasak ang sambahan." Kaya kasalanan na pabayaan ang mga kapilya at mga mehoras ng Iglesia. Kaya naman ginagawa ng lahat ng ministro upang gumawa ng mga hakbang upang maayos ang mga kapilya maliit man o malaki upang mapagdausan ng mga pagsamba. Ngunit lahat ng ito dumadaan sa proseso, hindi porke may sira ganito pangit ganito agad agad may pondo na. Kahit saang relihiyon ang isang bagay na konsiderasyon sa pagpapagawa ng sambahan ay PONDO.
Kaya kung may makikita ka na kapilya na hindi ganoon ka ganda tulad ng bago, huwag mo agad pag isipan ng masama na pinapabayaang sadya ang mga ito. May mga priority projects ang Iglesia, mapapaayos din ito, ang kailangan lang maghintay hanggang sa maipagawa at maipasaayos ng lubusan.
24. Pagpapagawa ng mga "Barangay Chapels" kung saan ang malaking bahagi ng gugol ay mula sa mga donasyon ng mga kapatid at mga batares subalit ang nasa kontrato at budget nito ay mahigit sa 2million pesos. Kahit huwag tumanggap ng donasyon at batares ay hindi uubos ng dalawang milyong piso ang mga barangay chapels na tinatawag nila. Ang mga lupa ay donasyon o kaya ay rented lamang.
Dati ng gawain ng mga kapatid ang pagdodonate ng lupa para mapagtayuan ng mga kapilya. Sa ibang relihiyon ganito rin ang ginagawa. Hindi ito katitisuran sa isang kapatid kundi buong kagalakan sa puso lalo nat alam nya na malaki ang ambag nya para maitayo ang kapilya ng isang lokal. Bahala na ang Diyos sa pagbibigay ng pagpapala sa mga kapatid na buong pusong nagbibigay.
Hindi naging kalakaran kailanman sa Iglesia na ang contractor at yung Iglesia mismo ay magkaroon ng anomlya dahil sa pagpapatong ng malaki di tulad sa nangyayari ngayon sa mga proyekto ng gobyerno.
25. Pagpatayo ng Fort Victoria Condominium noong 2009. Buhay pa ang kapatid na Erano G. Manalo ay inilihim nila itong patayuan. Makikita sa kontrata nito ang pakikipag-negosyo nila Jun Santos kay Acuzar na siyang may-ari kuno ng San Jose Builders subalit sa katotohanan ay dummy lamang siya ni Jun Santos.
Hindi pwedeng maililihim ang pagpapatayo ng ganoong kalaking halagang proyekto. Sa panahon ng Ka Erano nasimulan yan at ang may pakana nyan ay walang iba kundi ang mga lumalaban sa Iglesia sa kasalukuyan. Kaya huwag nyong ibintang sa iba ang gawa ninyo.
26. Pagbili ng mga personal na mga farms ng Sanggunian.
27. Pagbili ng Sanggunian ng mga luxury cars at ng kanilang mga pamilya.
28. Pagbili ng Sanggunian ng mga sariling condos.
29. Pagbili ng Sanggunian ng mga house and lot.
30. Luxurious around the world travels ng Sanggunian at pamilya halos buwan buwan.
Kailan pa naging bawal ang bumili o mag may ari ng mga ari arian? At para palabasing masama ang Sanggunian yung normal na sasakyan, bahay at iba pa ay kakabitan ng salitang LUXURIOUS? Pati pag travel at yung pamilya nila dinamay? Ganun na kayo kasama? Kamag anak ko nga hindi naman mayaman at hindi rin may kaya pero nakapag travel abroad kasi pinag ipunan at sinakto sa promo, pati nanay ko kasama nila. Minsan ka lang mabubuhay bakit yung simpleng bonding ng pamilya ng ibang tao gagawan mo pa ng isyu hindi ka naman namemersonal nyan?
31. Pagtayo ng FYM Foundation at paglipat sa abuloy ng Iglesia dito.
Hindi kailanman isang katiwalian ang pagtatayo ng Felix Manalo Foundation. Ang ibat ibang relihiyon sa buong mundo may kani kaniyang charitable arm yan kaya hindi bago yan. At sino nagsabi na ang abuloy ng Iglesia ay inilipat dito? At kung inilipat man ay para ba sa pagtulong sa kapwa o para gastusin sa pansariling interes? I search nyo nalang mga donations ng FYM foundations sa ibang bansa malalaman nyo.
32. Pagpapasara sa mga bank accounts ng Iglesia at pagbubukas naman ng mga personal accounts ng Sanggunian at ng mga kapatid na DUMMIES nila.
33. Ang "kahon system" sa pagkolekta ng abuloy ng Iglesia. Umiiral na ito sa maraming lokal sa buong mundo kung saan hindi na naiingatan ang kalinisan ng pananalapi.
Kailangan munang magbigay ng matibay na ebidensiya si Kelly Ong ng mga sinarang accounts ng Iglesia para malaman ang katotohanan, dahil kung hindi, lalabas at malalaman ng lahat na kasinungalingan na naman nila ito. At anong ibig sabihin ng KAHON SYSTEM? Sana ay mas nilinawan mo Kelly Ong para naman masagot ko ang mga kasinungalingan mo :)
33. Ang paghakot ni Jun Santos at ng mga inuutusan niyang mga ministro sa mga abuloy ng iglesia pagkatapos na pagkatapos ng mga pagsamba at inilalagay ito sa bags nila o kaya ay inihahatid ng mga ministro at maytungkulin sa kanilang mga tinutuluyang mga hotel.
Ang ganda ng kwento inspired by Janet Napoles story ba ito? :)
Ang galing naman magnakaw ng pera ng Iglesia yung tipong ilalagay lang sa BAG ang CASH at ihahatid pa mismo sa tinutuluyan nilang hotel? Ano to, kumakain lang ng pera? Magnanakaw na lang lantaran pa? Pag intrego nga lang ng pera sa handugan sa pagsamba kabataan ng mga guro ingat na ingat na paano pa yung sa lokal?
Isa sa mga kasinungalingan na wala ni isang maniniwala dahil hango sa fantasy at hindi sa realidad :D
34. Ang mga marked-up na presyo ng mga inaangkat ng iglesia na mga kagamitan, maging bigas at groceries para sa lingap.
35. Ang paghingi ng sanggunian at ng kanilang mga bataan ng porsiyento sa mga suppliers.
Sana ay makapagbigay kayo ng mga ebidensya sa paratang na ito. Mag aantay kaming lahat. Hindi ko masasagot ang paratang na ito hanggat wala kayong naibibigay na ebidensya. Pero alam naman naming wala at kung may maipapakita naman kayo ay PEKE naman. Huwag nang asahan.
36. Ang pagtitiwalag at panggigipit sa sinumang nag-uusap na kapatid o nagsisiwalat ukol sa KATIWALIAN O CORRUPTION.
37. Ang panunuhol sa mga ministro at mga kapatid na tikom ang bibig at mga bulag na tagasunod.
Saktong sakto ang mga talata ng bibliya na ito sa inyo, wala na kong iba pang sasabihin kundi ito nalang:
"Ang taong baluktot ang isipan ay naghahasik ng kaguluhan, at sinisira naman ng tsismis ang magandang samahan. Tinutukso ng taong liko ang kanyang kapwa, at ibinubuyo sa landas na masama." Kaw. 16:28
38. ANG PAGTUON NG IGLESIA SA PAGLIKOM NG SALAPI SA IBA'T IBANG KAPARAANAN na naging sentro ng mga leksiyon sa mga Pagsamba.
Ang PAGHAHANDOG ay matagal ng bahagi ng aral ng Iglesia ni Cristo na nakasulat sa bibliya. Hindi rin ito bagong bagay sa ibat ibang relihiyon sa buong mundo. Ngunit magkagayon man, hindi kailanman naging sentro ng aming pananampalataya o aral ang tungkol sa paghahandog. Ang PARAAN ng paglikom sa handog ay walang ipinagbago, gaya pa rin ng dati.
39. Ang patuloy na pagnenegosyo at pagpapalabas ng mga makamundong programa sa Philippine Arena na labag na sa doktrina ng Diyos. Dati rati noong hindi pa ito itinayo ay ipinagyayabang nila na anomang palabas na labag sa doktrina ng Iglesia ay hindi pahihintulutan sa PA.
Ang Philippine Arena ay isang entertainment venue. Dati pa bago pa magawa ito, sinabi na papayagan itong ipahiram sa concerts at iba pang aktibidad bastat hindi labag sa aral ng Iglesia. Ang mga events na labag sa aral ng Iglesia ay tulad ng lotto, at iba pang may kinalaman sa sugal... X-rated shows at iba pang kauri nito.
40. Malayong malayo pa ang election subalit nakakontrata na kay Binay ang banal na kaisahan ng Iglesia kapalit ng salapi at kalakal an pakikinabangin ng Sanggunian sa kaniya.
Walang makakapagbibigay ng ebidensya na "nakakontrata" na kay Binay ang suporta ng Iglesia. Sinuman ang mapagkakaisahang iboto, kaming mga TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO ay hindi magdadalawang isip na makipagkaisa dahil ang PAGKAKAISA ang ipinamamayani at hindi kung sinong mananalong kandidato. Bawal na bawal tumanggap ng kahit ano ang mga ministro mataas man o mababa ang katungkulan, sa sinumang politiko. At sa kasaysayan ng Iglesia, walang "kapalit" ang pagsuporta sa mga kandidatong pinagkaisahan nitong iboto.
41. Pagpaskil ng mga advertisement ads o mga posters ukol sa concert at ibang pagkakakitaan sa PA.
Ang Iglesia ni Cristo ang MAY ARI ng Philippine Arena. Kung may meron mang mga kapatid na gustong manood o makabili ng tiket, sino pa ba ang ipa-prioritize maunang mabentahan? Ang P.A open for non members yan, kung mag concert si Sarah Geronimo dyan o mag show ang Disney masama bang tangkilikin ito ng mga kapatid? Kung may event napaka NORMAL lang na i advertise yan.
42. Paniningil sa mga maytungkulin ukol sa mga tickets na ipinamahagi sa panahon ng pagbubulay-bulay bago ang pagtupad.
Hindi ko alam kung totoo ang paratang na ito, ngunit ang sinisigurado ko hindi ito regular na nangyayari, kundi may mga pagkakataon lang. Bago ang pagtupad, may pagpapanata. At bago ang pagpapanata may time para magparating ng kaunting tagubilin, practice ito hindi lang sa pagsamba ng katandaan kundi pati sa pagsamba ng kabataan. Hindi ako naniniwala na may nagaganap na "bayaran ng tiket" bago ang panata, pwede pa ipapaalala lang ang tiket.
43. Pagbebenta ng mga memorabilia sa loob ng Templo Central, sa mga lokal sa Hong Kong, U.S. at iba pa.
Kung may koneksyon ito sa Iglesia, bakit hindi? As long as hindi ito makakasagabal o makakahadlang sa mga pagsamba ay walang masama dito. Ang Pasugo po ay ibinebenta din sa loob ng mga kapilya, isang babasahing magazine ng Iglesia. Ngunit kung ito ay iniaalok at ibinebenta HABANG MAY PAGSAMBA, iyan po ang mali. At alam ko na wala namang nagaganap na ganito sapagkat iuulat ng mga maytungkulin ang isang kapatid na gumagawa ng ganito. At baka iniisip ng mga di kaanib, etong pagbebenta na ito ay through WORD OF MOUTH lamang, wala kaming booth o kiosk sa loob ng aming kapilya, FYI.
44. Pagkakasangkot ng Sanggunian sa mga malalaking katiwalian at krimen sa lipunan tulad ng pagkanlong sa isang kriminal at wanted sa batas tulad ng koreaning si Ja Hoon Ku, pagkakasangkot ni Erds Codera sa corruption sa Customs ayon sa report ng NICA.
Ang BATAS mismo ang nag utos na sa pangangalaga muna ng Iglesia si Ka Ja Hoon Ku sapagkat siyay naging miyembro ng INC. At si Ka Ja hoon ku ay hindi isang KRIMINAL at hindi WANTED, siyay ipinadeport ng kompanyang kanyang pinapasukan, hindi siya tumakas sa batas at inaaayos na ang mga problemang kinasangkutan sa pagitan niya at ng kanyang kompanya. Tungkol naman kay Ka Erano Codera, hanggat walang ebidensyang maipapakita na syay guilty sa "pagkakasangkot" dito ay nangangahulugang hindi pa muna ito dapat paniwalaan.
Ngayon Kelly Ong, may mga bagay ka pang dapat bigyan ng MATIBAY NA EBIDENSYA at kung wala kang maibibigay, isa lang ang ibig sabihin nyan... LAHAT NG PINAGSASASABI MO AY PAWANG MGA KASINUNGALINGAN LAMANG.
Lantad na lantad na ang mga kasamaan mo kasama na ang grupo mo. Mahiya naman kayo, tiwalag na kayo pero ginagamit nyo pa rin ang pangalan ng IGLESIA lalo na ang pangalan ng KA ERANO MANALO para sa kilusan nyo!
Ka readme ang siningil lang po sa T-Shirt for the World Wide Walk ay $30 po sa US hindi po $50.
ReplyDeleteYun lamang magatago siya/sila sa ALYAS, ay isang malaking PANLILINLANG... Ano pa ang mapapala diyan kundi PAWANG KASINUNGALINGAN... Mga walang basehang akusasyon, habang ang PUSO ay binalot ng INGGIT at Hinagpis sa kanilang KABIGUAN.
ReplyDeleteWhen telling the truth,no masks.
ReplyDeleteBakit nag-alyas tong si AE....Ang Engot?Ang Engeng?O Ang Ermitanyo?
Sino ka ba talaga,AE?