Sabi ng "Fallen Angels": Ninenegosyo na ngayon ng Sanggunian ang pelikula, ginamit pa ang Ka Felix Manalo. Bakit hindi nalang ibigay ng libre ang ticket? Ginawa na nilang negosyo, kinorakot pa pera ng Iglesia.
Eto ang mga paratang na paulit ulit nilang pinopost sa facebook fanpages nila.
Kaya naisip ko, ano ba talaga layunin nila? Ano o Sino ba talaga nilalabanan nila?
Mga "katiwalian" sa Iglesia?
o
Ang Pamamahala ng Iglesia at ang Diyos?
Kaya naman gumawa ako ng artikulo na nagsasabi na kung di nila ipopromote ang pelikula kundi ay siniraan pa, lalabas na LABAN sila sa Ka Felix Manalo sapagkat umiikot ang istorya nito sa buhay niya at sa pagsisimula ng Iglesia.
Akalain nyo ba umamin din na silay LABAN sa Ka Felix Manalo at sa Diyos?
At eto pa napagtanto ko ng inilabas na ang pelikula...
Kaya naman pala pilit nilang sinisiraan ang pelikula ay dahil ito ang MAGPAPATATAG PANG LALO NG PANANAMPALATAYA NG MGA KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO!
At yung mga nabiktima nilang ibang kapatid at tiwalag, hindi malabong umalis na sa kanila.
Dito kasi makikita sa pelikula yung mga NARANASAN NG MGA KAPATID NOON, na yung NAGAGANAP PALA NGAYON WALANG BINATBAT NOONG PANAHON NA IYON.
Nung una pala may NAGREBELDE NA sa pangunguna ni Teofilo Ora.
Nung panahon ng mga Hapon, ang mga kapatid, ministro at manggagawa pinapatay, sinasaktan at inuusig. At nung noong panahon ng HUKBALAHAP (hindi ko lang alam kung kasama sa pelikula) ay ganoon din ang nangyari sa mga kapatid, pinatay, sinaktan, inusig.
Tapos ngayong kinakalaban nila ang Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo, gusto nila sumama sa kanila ang mga kapatid. Pero itong PELIKULA palang ito ang MAGPAPATATAG at MAGBABALIK NG MGA ALA ALA NG MGA DATING KAANIB NA NANINDIGAN SA PANANAMPALATAYA ANUMAN ANG MANGYARI.
Ngayon mga kapatid, tayo bay MANININDIGAN DIN TULAD NILA, o tayoy magpapatangay sa mga taong ihihiwalay tayo sa ating Panginoong Diyos?
Kayo na po ang bahalang magdesisyon.
October 5, 2015
1 comment:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang talangka,manghihila yan.
ReplyDeleteTayo naman,langgam,nagtutulungan.