Ang iba sasabihin naman, ang yayabang ng mga to, etong kultong to ni Manalo mukhang world record, hindi yan ang sukatan ng tunay na relihiyon. Buti pa sa relihiyon namin, hindi namin ginawang priority ang world record na yan...
etc etc etc...
Yan ang sinasabi nila sa Iglesia Ni Cristo udyok ng sagad sa butong pagka inggit sapagkat yung kanilang sariling relihiyon ay hindi man lang makapagpakita na may pagkakaisa ang kanilang mga miyembro.
Yung tipong sa halip na MATUWA ka nalang at i-congratulate mo ang kapwa mo sa achievement nila eh siniraan mo na, binastos mo pa. San ang pinag aralan dun, mga minamahal naming ate at kuya?
"Bitter" ang tawag sa mga taong hindi natutuwa sa achievement ng iba. Alam nyo ba yon?
Kapag yung ka officemate mo na promote, samantalang ikaw hindi eh mas matagal ka naman sa kaniya, sa halip na ka inggitan mo at sumama loob mo, i-congratulate mo! Para patunayan na karapat dapat ka ring ma-promote balang araw.
Sa isang laro, kapag nanalo ang kalaban mo, i-congratulate mo! Para patunayan na sport ka lang, walang personalan, na marunong kang tumanggap ng pagkatalo.
Ang Iglesia Ni Cristo naman ngayon ay nagkakamit ng WORLD RECORDS hindi para magpapansin o masabi lang na marami kaming world records kaya tunay na ang relihiyon namin. Nagpapakita lamang ito na may tumutulong sa amin upang makamit ito, walang iba kundi sa tulong ng DIYOS!
Sagutin natin ang ilan sa kanilang iba pang katanungan...
Bakit may representatives pa ng Guinness ang pumupunta sa event nyo? Halatang gusto nyo lang magpasikat eh!
Kailangan mag apply sa Guinness upang mapasama ang inyong record sa kanila. At isang patakaran ang pagpapadala ng ADJUDICATORS ng Guinness upang ma-verify ang magiging record.
"Guinness World Records have an expertly trained Records Management Team who undertake substantial research and verification checks to confirm whether a new record title has been achieved.
When you submit an application, the Records Management Team carefully assess this to confirm whether or not your proposal can be accepted, and when you submit your evidence, the team will run comprehensive checks on this evidence to confirm whether it is sufficient enough to demonstrate that you have achieved the record title in question." source: guinnessworldrecords.com
Ano ang layunin ng Iglesia nyo bakit parang sunod sunod ang pagkamit nyo ng world records?
Bago natin sagutin nyan, dapat muna nating malaman kung para saan ba ang GUINNESS WORLD RECORDS na ito. Ayon sa kanilang website:
"Guinness World Records aims to inspire ordinary people to do extra-ordinary things. Our mission is to entertain and inform, and to celebrate the world’s best ." source: guinnessworldrecords.com
IT AIMS TO INSPIRE ORDINARY PEOPLE...
Walang ibang nais ipakita ang Iglesia Ni Cristo kundi ang PAGKAKAISANG namamayani sa mga miyembro nito. Na kahit kung iisipin kakaunti lang kami kung ikukumpara sa mga dambuhalang mga relihiyon, makakaya namin silang tapatan o kahit pa HIGITAN dahil sa PAGKAKAISANG ito. Ngunit gusto ko lang bigyang linaw na hindi kami NAKIKIPAGKUMPITENSYA. Ang ibig kong sabihin sa kayang tapatan o higitan ay yung MAGAGAWA ng aming PAGKAKAISA kumpara sa kung anong meron sila.
Kung magiging daan ang KAISAHAN naming ito para ma INSPIRE ang buong mundo, BAKIT HINDI? At kung maging ehemplo ito upang magkaisa ang mga organisasyon, relihiyon, at bansa, hindi bat MAS MAIGI? Naipapakita nito na WALA ITO SA BILANG kundi nasa diwa ng pagkakaisa.
TO DO EXTRA ORDINARY THINGS...
Kakaunti sa bilang kumpara sa iba, ngunit dahil sa pagkakaisa NAGAGAWA NAMIN ANG BAGAY NA HINDI PANGKARANIWAN. Kung nagawa namin, kaya rin ng iba gawin kung gagayahin lamang nila ang PAGKAKAISA na isinasagawa ng Iglesia Ni Cristo.
TO INFORM...
Hindi ko maitatanggi na ang Iglesia Ni Cristo, kahit na umabot na ito sa ika 101 taon ay hindi pa rin ganun "kilala" sa ibang panig ng mundo. May nabasa nga kong CONVERT STORY sa pasugo, ang sabi nung isang kapatid na ibang lahi nung iniimbitahan siya dati na dumalo ng pagtitipon sa Iglesia, wala daw siyang alam tungkol sa Iglesia Ni Cristo. Dahil ang alam lang nyang CHURCH OF CHRIST eh yung sa Mormons na CHURCH OF JESUS CHRIST LATTER DAY SAINTS. Natatakot siya baka kulto ang Iglesiang ito dahil nga hindi siya pamilyar dito.
Malayo pa ang tatahakin ng Iglesia para tuluyan itong makilala ng mga tao sa ibat ibang bansa, para maabot at mamisyon din sila. Kung ito ang magiging daan upang MAKILALA nila ang Iglesia Ni Cristo,
BAKIT HINDI?
ANONG MASAMA?
WALA DIBA?
Sa nalaman ko, ang GUINNESS WORLD RECORDS pala ay ang BEST SELLING BOOK OF ALL TIME!
"The book itself holds a world record, as the best-selling copyrighted book of all time." source: wikipedia.org
Kaya kung ang WORLD RECORDS ng Iglesia Ni Cristo ay MATATALA sa kanilang website o sa libro, hindi imposible na itoy magiging daan upang makilala ng maraming tao ang tungkol sa IGLESIA NI CRISTO.
Mga makasarili naman kayo, gusto nyo makilala lang Iglesia nyo. At yang mga world record nyo na yan para lang naman yan sa kapurihan ng mga "Manalo" nyo, mga uto uto talaga kayo.
Hindi kailanman naging makasarili ang Iglesia Ni Cristo. Ang Iglesia tumutulong sa mga mahihirap at sa mga nangangailangan kahit pa minamasama ng iba. Kaming mga kaanib naman ay walang sawang nag aanyaya para sa kaligtasan ng mga kaluluwa ng mga tao.
Ang mga WORLD RECORDS na ito ay INIAALAY NAMIN unang una sa ATING PANGINOONG DIYOS, dahil kung hindi dahil sa kaniya, hindi kami magkakaroon nito. Kung babalikan natin ang kasaysayan, ang Iglesia noong una, maliit, hinahamak, at sino mag aakala na balang araw KIKILALANIN NG ATING BANSA, at kalaunan ay NG BUONG MUNDO ang Iglesiang ito?
Ang pagkilala sa IGLESIA NI CRISTO ay pangalawa lamang, sapagkat itoy nagpapatunay sa patuloy na pag gabay ng Diyos sa Iglesia. Nagpapakita ito ng pagkasangkapan ng Diyos sa Pamamahala ng Iglesia upang mapangunahan ito maayos ang Iglesia.
At pangatlo, ang mga WORLD RECORDS na ito ay ibinabahagi namin sa kapwa namin Pilipino at sa BANSANG PILIPINAS dahil hindi lang naman ang Iglesia ang mabibigyang pagkilala kundi ang BANSA kung saan ito nagmula.
Kung titignan nyo ang mga WORLD RECORDS sa website nila makikita nyo na naka indicate din doon kung saang BANSA ito naganap o kung saang BANSA ito naroroon, tulad nito:
Kaya walang sinuman ang may karapatang magsabi na mga SAKIM kami, dahil ang TAGUMPAY ng Iglesia Ni Cristo ay tagumpay din nating mga PILIPINO at ng PILIPINAS!
Bilang pang wakas, gusto ko po ito sabihin sa mga walang sawang naninira sa Iglesia Ni Cristo patungkol sa pagkamit nito ng mga WORLD RECORDS. Huwag po galit at INGGIT ang ating pairalin, sapagkat sinasabi sa bibliya:
"Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan. Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa Diyos, kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa." San. 3:14-16
Sa dami ng choir na Katoliko,makakakuha sila ng record....
ReplyDeleteActually,may record na sila dun.Yung largest penalty about clergy abuses....
Nakupo,naloko na.