"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

October 26, 2015

Part 2: Ang planadong pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo

Ito ay ang PART 2 ng "Ang planadong pagpapabagsak sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo" Atin pong ipagpapatuloy ang pagbubunyag sa kanilang TUNAY NA LAYUNIN sa lahat ng ginagawa nilang ito, mula kay Lito Fruto, Joy Yuson, Isaias Samson Jr. at ngayon naman kay Lowell Menorca. Ang TUNAY NA LAYUNIN nila na matagal na naming sinabi sa inyo: 

ANG PABAGSAKIN ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA: 
PALITAN ANG NASA SANGGUNIAN, AT PALITAN ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. LALO NA, HIKAYATIN ANG MGA KAPATID NA LUMABAN SA PAMAMAHALA. 

ANG MAHAHALAGANG OKASYON AT AKTIBIDAD NGA BA SA IGLESIA AY 
SINASABAYAN NILA NG KANILANG MGA PAGKILOS?

KAYO NA PO ANG BAHALANG HUMUSGA. 


#1 Ang paghimok na huwag pumunta ang mga kapatid sa Philippine Arena samantalang ika 101 ANIBERSAYO iyon ng Iglesia, sa halip ay ipinanawagan nilang makisama sa isinasagawa nilang VIGIL sa harap ng bahay ng mga kapatid ng Ka Eduardo Manalo



Kahit pa sabihin na merong kontrobersiya sa panahon na iyon kung saan itiniwalag ang mga ka pamilya ni Ka Eduardo Manalo, at sa pagsasabing may banta sa kanilang buhay, ngunit napatunayan naman talagang WALANG NANG HOSTAGE sa kanila. Bakit naman nila pinipigilan ang mga kapatid na ipagdiwang ang ANIBERSARYO ng Iglesia Ni Cristo? Akala ko ba hindi nila NILALABANAN ang Iglesia, eh bakit pati ang anibersaryo idinadamay nila? Ayaw nilang ipagdiwang? Sa halip ay nagsagawa sila ng vigil sa central?

 
#2 Nang magsagawa ng "DAKILANG PAMAMAHAYAG" ang Ka Eduardo Manalo, nagkaroon ng pagra-rally sa California, USA



Sa makasaysayang pangyayari sa loob ng Iglesia na siyang pinangasiwaan ng Tagapamahalang Pangkalahatan, ang DAKILANG PAMAMAHAYAG na pang buong mundo, bakit naman sa saktong araw din nila naisipan MAG RALLY sa harap ng district office sa USA?

Anong gustong palabasin?

PAMAMAHAYAG NG SALITA NG DIYOS... PAGLILIGTAS NG MGA KALULUWA...

Sinabayan ng rally? Ibig bang sabihin dahil mga tiwalag na ang karamihan sa inyo ay ayaw na rin ninyong magsuri at maanib sa tunay na Iglesia ang mga tao para matamo ang kaligtasan?


#3 Ngayong papalapit na ang kaarawan ng Ka Eduardo Manalo, saka nila hiningi ang custody ni G. Menorca, at sinampahan ng kaso ang Sanggunian, kasama na ang Tagapamahalang Pangkalahatan



Bago pa man ang kaarawan ng Ka Eduardo sa Oct 31 ay mababasa na ang pagbati ng mga kapatid sa social media. Ngunit bakit bigla bigla na lamang nagsampa ng kaso ang pamilya ni G. Menorca laban sa Sanggunian at sa Tagapamahalang Pangkalahatan, diumano, ay upang mai-rescue ang kanyang pamilya? At ipinapatawag ng Supreme Court ang mga nabanggit sa Nov. 3. 

Sa dinami dami ng araw at pagkakataon, kung kelan talaga papalapit ang kaarawan ng Ka Eduardo ay saka nyo gusto makitang sinasampahan sila ng kaso? Salamat sa inyong "regalo" sa ating Tagapamahalang Pangkalahatan.

At tulad ng ginawa nila Joy Yuson at asawa niya ay may drama na paiyak iyak pa sila, samantalang makikita mo naman sa presscon na maayos ang kanilang pangangatawan. 

Sino niloko nyo?


Ngayon mga kapatid, ang tanong ko sa inyo ay ganito: 

Anong tingin nyo, PINAGPLANUHAN O HINDI?

TINGIN NYO BA NAGKATAON LANG?
 

Kaya HUWAG NA TAYONG MAGTATAKA kung sa hinaharap ay gumawa na naman sila ng mga pagkilos kung saan SINASADYA nilang ISABAY sa mahahalagang okasyon at aktibidad sa Iglesia. Yan na yung sinasabi namin na malawakang paghimok sa mga kapatid na LUMABAN SA PAMAMAHALA.
 
Dumadating na yung pagkakataon na isinasakatuparan na nila ang kanilang mga masasamang plano, ngunit kahit gaano pa kabigat at kasama ang mga pangyayaring dadating, dumating man ang mga pangyayaring hindi natin inaasahan... 

Tulad ng dati na nilang planong pagpapakulong sa Sanggunian at pati na rin ang Ka Eduardo Manalo na kanila ng idinamay. Sa ating mga tunay na kapatid, HUWAG SANA TAYONG SUSUKO.

Kung yung mga kalaban ay hindi sumusuko sa pag atake nila, HUWAG DIN NAMAN TAYONG SUMUKO SA PAGDEPENSA. Manalangin tayo, patatagin ang ating pananampalataya, at higit sa lahat manalig sa magagawa ng Diyos. Sapagkat siya ang pinaka makapangyarihan sa lahat, hindi niya papabayaan mawasak ang TUNAY NA IGLESIA SA MGA HULING ARAW, sapagkat itoy GAWAIN NIYA. 

Nasaksihan natin ang karanasan ng Ka Felix Manalo sa napanood nating pelikulang "FELIX MANALO" pati na rin ang karanasan ng mga kapatid noong dati, kahit buhay man ay kapalit, silay hindi NAGPATINAG SA KANILANG PAGKA IGLESIA NI CRISTO.

Gayahin sana natin ang kanilang HINDI NATITINAG NA PANANAMPALATAYA.

Humingi tayo ng tulong sa Diyos.

______________________________

AMA, TULUNGAN NYO PO KAMI. KAYO NA PONG BAHALA SA IGLESIANG ITO. IPINAGKAKATIWALA NA PO NAMIN SA INYO ANG LAHAT. INGATAN NYO PO KAMING LAHAT, MATAMO PO NAMIN ANG KAPAYAPAAN SA PAGLILINGKOD SA INYO. PINAPANGAKO NAMIN NA HINDI KAMI BIBITAW ANO MAN ANG MANGYARI. IKAW LANG PO ANG TANGING MAKAKAGAWA NG SOLUSYON. IKAW LANG PO ANG INAASAHAN NAMIN, AT ANG TANGING LAKAS NAMIN. 

IKAW NA PO AMA ANG BAHALA SA AMIN.

8 comments:

  1. ako ay isang convert lamang, pero hinihiling ko sa Diyos na kung sinuman ang may pagkakasala ay siyang managot, tutal nasa bibliya naman yun diba, tinatanong ako if ever may fault nga ang INC officials, well syempre sabe ko na lang kahit anu pa maging resulta eh sa Diyos ako , kay Cristo ako, sa Iglesia ako. sana po wala na munang mangGAGATONG sa mga taong ito kahit sa magkabilang PANIG, hayaan nating umusad ang proseso at malaman natin kung anu ang katotohanan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mahirap yan brad. Neutral ka lang, nasa gitna. Di ko alam kung narinig mo mga recent lectures ng Ka Eduardo pero ang sabi ng Biblia, di pwede ang neutral. 2 lang ang pwedeng maging panig mo, either kaisa ka ng Pamamahala, o kalaban ka ng Pamamahala.

      Delete
    2. Sinagot ng Ka Eduardo lahat ng mga binibintang nila sa atin, pinasinungalingan niyang lahat. Di ka ba naniniwala sa kaniya brad?

      Delete
    3. Sa Diyos ka manalig at makikita mo ang katotohanan.Convert din ako tulad mo.

      Delete
  2. Puro pambibitang at kasinungalingan lang naman mga bato nila eh, Yung pamamahala galing sa Diyos yan kya ang gus2 ng diyablo sa liko nito eh ugain lang ang iglesia kase di nya kayang pabagsakin yun, Kya yung ibang nagaalinlangan sa pamamahala eh unti unti ng nauuga ang pananampalataya nun kya kabahan ka na kung may pagaalinlangan ka na sa pamamahala ng dahil sa unti unti kang nagdududa dahil sa paratang nila menorca

    ReplyDelete
  3. Tumpak ka Soul Annihilator. Walang katiwaliang nangyari. Si Ka Eduardo na mismo ang nagsabi nyan. Simple lang naman po. Sa panig ng Pamamahala=sa panig ng katotohanan=sa panig ni Cristo=sa panig ng Ama. Simpleng logic.Ngayon, pano mo ipapakitang panig ka sa Pamamahala? Magpasakop always...at all times...pag lahat ng tunay na kapatid ganyan na ang level ng faith, darating na si Cristo. Dinadalisay nga tayo.

    ReplyDelete
  4. Patunanyan mo muna sa sarili mo sa diyos ka naglilingkod.. Kung napatunayan mo na.. Wag kang magdalawang isip sa pamamahala ka dahil yan ang Totoo ang diyos ang naglagay sa pamamahala... Walang Duda totoo yan... Ang pamamahala ay sa Diyos... Pamamahala ang nagtalaga sa sangunian ang sangunian ay sa diyos... Kaya wag kang maniwala sa mga tiwalag

    ReplyDelete
  5. Ako,convert ako.Tinanong ako ng ate kong di Iglesia na kung bakit ganito.
    Sabi ko,ang Ama lamang ang nakakaalam kung sino nagsasabi ng totoo.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.