Sa wakas, napanood ko na rin ang pelikulang "Felix Manalo" at gusto ko agad gumawa ng review tungkol dito para sa mga nakapanood na at hindi pa nakakapanood.
Nakapagbasa na rin ako ng ibat ibang REVIEWS tungkol sa pelikula, may positive, may nagative.
Ganun talaga, hinuhusgahan ng tao ang resulta ng isang natapos na proyekto, kaya kahit ano pa man ang opinyon nila, ang higit na mahalaga, ay nabigyan ng kaunting "curiosity" ang mga hindi kaanib sa Iglesia at maging daan ito upang lalo nilang mas maintindihan ang pananampalataya nating mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo.
PAG USAPAN NATIN ANG PAGKAKAGAWA NG PELIKULA
Ang magiging RATING po na ibibigay ko ay from 1-10. Gumawa po ako ng sarili kong kategorya. Ang magiging basehan ko ay ayon sa TUNAY KONG EXPERIENCE BILANG MANONOOD NG PELIKULA.
10-PERFECT, 9-VERY GOOD, 8-GOOD, 7- "PWEDE NA", 6-NEEDS SOME IMPROVEMENT 5- NEEDS LOT OF IMPROVEMENT 4 and below- "BAGSAK"
Kung pag uusapan ang CINEMATOGRAPHY o yung sa madaling salita yung camera movements, bibigyan ko ito ng 9. Dahil Filipino made ito, isa sa mga dapat mapansin ay ang camera movements. Kadalasan kasi sa mga teleserye at pelikulang Pilipino hindi gaanong binibigyang pansin yan, pero ang hindi alam ng marami malaki ang nagagawa nyan para sa takbo ng istorya at sa emosyon. Isipin mo nalang pag madrama na yung mga eksena, umiiyak na ang mga artista lalo na yung bida tapos naka zoom out yung camera, ang pangit diba? Sa halip na mapapaiyak ka na rin nasayang yung scene na yon dahil sa pangit na cinematography. Natutuwa naman ako dahil maganda ang pagkakagawa nito sa pelikulang FELIX MANALO.
Kung pag uusapan ay ang PRODUCTION DESIGN o yung nakikita nating binuong "set" at COSTUME DESIGN o yung costume na nakikita nating suot ng mga artista, bibigyan ko ito ng 10. Ito rin ay mga importanteng bagay na hindi dapat winawalang bahala. Yung costume ba swak dun sa itinayong SET? Pag ako nanonood ng mga FANTASERYENG gawang pinoy at pelikulang fantasy tulad ng Enteng Kabisote, naiinis ako. Kasi naiisip ko, bakit ganun, pag ibang bansa gumawa swak naman yung kwento, yung costume at yung environment. Bakit tulad nalang dun sa Enteng Kabisote ang O.A nung costume, tapos yung SET hindi makatotohanan napaghahalataang props lang. Natutuwa akong muli sapagkat sa FELIX MANALO, PERFECT ang pagkakagawa nila. Pag pinanood mo hindi mo mapapansin na ginawa lang yung mga bahay doon, kapilyang maliit at iba pa.
Kung pag uusapan ay ang VISUAL EFFECTS, bibigyan ko ito ng 8. May mga pagkakataon kasi na maganda ang visual effects, may mga parte naman na hindi. Dun sa pelikula halata na effects lang yung pagsakay ni Ka Felix sa barko, nung umaandar yung barko, yung nasa school of religion sya, pati yung tinutuluyan nya habang nakaupo sya at nakatalikod sa bintana. Yung labas ng bintana effects lang din. Yung lumilipad na mga air craft pagdating ng mga hapon, pati yung scene na may sumabog. Halatang effects lang. Mas mababa pa sana ang ibibigay kong grado pero considering na Filipino film ito, di hamak na maganda na to kung tutuusin. Mas naging maganda sana kung talagang nag shooting sila sa ibang bansa, talagang may kinuhaan na umaandar na barko, at makatotohanan ung mga air craft at mga pagsabog noong may digmaan.
Kung pag uusapan ay ang SCORING, o yung background music na naririnig natin kapag may mga importanteng scenes, bibigyan ko ito ng 10. Ang ganda ng music na ginawa, original at swak lang dun sa movie.
Kung pag uusapan ay ang SCREENPLAY o yung script bibigyan ko ito ng 8. Kung yung sequence of events naman bibigyan ko ito ng 7. Pag napanood mo ang pelikula, mapapansin mo napakabilis ng mga pangyayari. BITIN na BITIN nga ako eh, pero dahil nga 6 hours talaga yung movie at ginawang 3 hours lang kaya siguro nagkaganoon. May mga scene na nakita tayo sa FULL TRAILER na wala sa MOVIE na inilabas sa sinehan, kasi nga kung hindi pinutol ay pinabilis na lang. Sayang tuloy may mga event sana na kung hindi pinutol ay makadadagdag sa kagandahan ng pelikula. Kung sa bagay, ang hirap din kasi na yung simula pagkapanganak hanggang pagkamatay ng Ka Felix ay yung cover ng pelikula, masyadong maikli talaga ang 3 hours kapag ganun.
Kung pag uusapan ay ang ACTING ng mga pangunahing gumanap sa pelikula, bibigyan ko sila ng 9. Dun naman sa ibang hindi artista at sa ibang artista sa pelikula na hindi ko na papangalanan pa, bibigyan ko ng 6. Bakit ganun, pag nanonood ako ng koreanovela at Holywood films kahit yung bata magaling umarte, tamang tama yung emosyon, ultimo yung paghinga at tingin sa mata may ibig sabihin. Pero pag sa Filipino films pag bata ung umarte parang isip bata, galaw bata na walang muang. Kahit yung "extra" lang sa pelikula nila tama yung arte, angkop lang sa hinihingi ng pagkakataon. Yung "extra" naman sa Filipino films at sa mga teleserye parang dekorasyon lang, masabi lang na may "taong kasama" dun sa scene na yun, pamparami kumbaga. Kaya tingin ko kailangan pa ng improvement sa parteng yan, hindi lang sa pelikulang ito, kundi sana sa mga ginagawang pelikula at mga teleserye ng Pinoy.
Kung pag uusapan ay ang THEME SONG ng pelikula, bibigyan ko ito ng 10. Swak na swak yung pagkanta ni Sarah Geronimo sa theme song. Akala ko magiging "korni" ang kalalabasan, maaari kasing hindi bumagay yung kanta sa pelikula, pero nagkamali ako. Tamang tama lang talaga.
Nung kinompute ko ang grade na ibinigay ko, ang kabuuang rating ng pelikula para sa akin ay 87%
Pero dahil itoy pinoy made film, masasabi kong itoy "one of the best filipino films of all time" Kapantay nito ang mga pelikulang Jose Rizal at Heneral Luna.
MGA KAPANSIN PANSIN SA PELIKULA
Pagpasensyahan nyo na kung masyado akong mapansinin sa mga pelikula, pagbigyan nyo na ko! :)
Kung ikaw ay totoong nanood ng pelikula, magegets mo ang mga KEYWORDS na ito:
1. Tasa ng kapeng walang laman.
2. Saging sa lamesa.
3. Tubig, baso at Pitsel.
4. Kape at isang platitong dessert.
MGA SCENES NA NAKAKAIYAK
1. Nung ikinasal si Ka Felix Manalo kay Ka Honorata De Guzman.
2. Nung pag ubo ni Ka Felix may lumabas na dugo sa panyo.
3. Nung pinatay at inusig ang mga kapatid, ministro at manggagawa noong panahon ng Hapon
4. Pagpanaw ni Ka Felix Manalo
UNFORGETTABLE LINES FROM KA FELIX MANALO
1. "Ang bibliya ang magtuturo ng kung ano ang sa Diyos"
2. "Im not founding any church, im establishing a congregation"
3. "Hindi maaaring hindi mailantad ang mga mali"
4. "Diyos na ang bahala sakin, ito naman ay gawain niya"
5. "Ang Diyos ang ating lakas, may lakas sa pagkakaisa"
6. "Saang Iglesia mo dadalhin ang mga tatanggap sa ituturo mo?... Diyos na ang bahalang magturo satin non"
Kung may mababasa man kayo na negative reviews sa ibang websites at blogs tungkol sa pelikula, isa lang siguro ang nakikita ko kung bakit. Malaki ang kaugnayan ng pagkakaputol putol ng mga pangyayari, kaya ang iba tulad ko sinasabing ang bilis bilis ng takbo. May pagkakataon pa na mukhang may pinag uusapan pero wala tayong narinig na dialogue o kaya naman ay subtitle na lang ang ginawa, sapagkat pinutol nga ang ilan sa mga eksena. Kung paggawa ng pelikula ang pag uusapan, siguro ngay may mas IGAGANDA pa ito, sa pagkakasunod sunod ng istorya, sa pag focus sa mga mahahalagang pagkakataon at sa paggamit ng mga salita na hindi kailangang mahaba, kahit kaunti lang ngunit tatatak sa isip ng mga makakanood.
Ngunit kung pag uusapan naman ay kung na achieve ba ang LAYUNIN KUNG BAKIT GINAWA ANG PELIKULA, OPO. NAGTAGUMPAY ANG PELIKULANG ITO!
Ang layunin naman talaga nito ay ipakita ang mahahalagang pangyayari sa Iglesia simula sa buhay ng Ka Felix Manalo sa isang pelikula. "Summarized events" ika nga. Yung madalas kong nababasa sa Pasugo ay nandito, kung paano isinulat ang biography ng Ka Felix ay yun din naman ang ipinalabas sa pelikula. Para saan? Para makita ng mga tao at para maipaalala sa mga kapatid kung paano ipinangaral ng Ka Felix ang Iglesia Ni Cristo.
Yung mga tanong na, "gumawa lang ba si Ka Felix ng sariling relihiyon dahil naguguluhan siya sa mga doktrina ng ibat ibang Iglesia. Gumawa lang ba si Ka Felix ng sariling relihiyon upang pagkakitaan ito. SI Ka Felix ba ay tulad ng ibang bulaang mangangaral na bigla bigla na lamang mag cclaim na silay sugo ng Diyos. SI Ka Felix ba ay namuhay ng marangya at maginhawa, hindi nagtiis ng hirap at hindi nagpakasakit."
Lahat ng mga tanong nilang yan ay nabigyang linaw sa pelikulang ito. Iba pala talaga kapag mapapanood mo, sa nababasa mo lang. Nabibigyang buhay kasi, mas naiintindihan at mas nararamdaman mo ang mga emosyon at pangyayari.
DAPAT MAPANSIN SA PELIKULA
1. Sa pagpapalit palit ng relihiyon ng Ka Felix Manalo, makikita natin ang malalim na pagsusuring kaniyang ginawa kung ang mga katuruan ba sa bawat relihiyon na kaniyang kinaaniban ay tunay na nakasalig sa BANAL NA KASULATAN. Hindi siya umalis sa bawat relihiyon dahil gusto lang nya, o trip lang nya o dahil matigas ang ulo nya, kundi dahil pinapanindigan lamang nya kung anong tama sa mali. Kung alam mong nasa mali ka, bakit mananatili ka dyaan?
2. Si Ka Felix Manalo ay laki sa hirap, ngunit hindi naging hadlang yon upang manindigan siya sa kanyang pananampalataya. Akala ng iba kaya niya ipinangaral ang Iglesia Ni Cristo ay upang gawing negosyo, upang kumita. NAGKAKAMALI SILA. Bata pa lamang sya ay interesado na siya sa pagbabasa ng bibliya at sa pananampalatayang espiritwal. Kung kaya nagpalipat lipat pa sya ng relihiyon upang mahanap ang "tunay" na relihiyon. Ngunit WALA doon ang TUNAY na relihiyon, ang hindi nya alam, siya palay kakasangkapanin ng Diyos upang ipangaral ang TUNAY na relihiyon na matagal na niyang hinahanap... Ang Iglesiang nasa bibliya. Ang Iglesiang itinayo ni Kristo. Ang Iglesia Ni Cristo.
3. Ibinuhos nya ang kanyang buhay para ipangaral ang Iglesia Ni Cristo. Nung magkulong pa lang sya sa kwarto ng tatlong araw, WALANG KAIN, AT WALANG TULOG. Dati na ay nakitaan na siya ng karamdaman, na sa bandang huli ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan. Anong sakit? ULCER. Napabayaan hanggang sa lumala, na hindi na kinaya kahit bigyan pa siya ng surgery. Ano bang sanhi ng ULCER? Alam naman natin lahat. Bakit sya nagkaroon non? Ito ay dahil sa pagpapakasakit nya sa pangangaral ng mga salita ng Diyos, at sa pangangalaga ng Iglesia Ni Cristo. Inuna nya ang gusto ng Diyos bago ang kaniyang sarili.
4. Maraming beses na inusig si Ka Felix Manalo, ngunit ang madalas nyang sabihin ay "Huwag nyo silang papatulan". Simula pa sa Sugo, marami ng pang uusig ang kinaharap ng Iglesia, at magpahanggang ngayon. Ngunit sa halip na GANTIHAN sila, sana matawagan ng pansin ang mga kapatid, ano ang bilin ng Ka Felix Manalo? HUWAG NATIN SILANG PAPATULAN. Pag sinabing huwag papatulan, hindi ibig sabihin ay magwawalang kibo na lang at hahayaan na lamang tayong apihin. Ang ibig sabihin lamang noon ay HUWAG NATIN SILANG GANTIHAN ng tulad ng ginagawa nila sa atin.
5. Nang naisip ng Ka Felix Manalo na panahon na upang humanap ng hahalili sa kaniya, hindi agad pumayag ang mga ministro sa pagpupulong, silay nagtaka at nagtanong. Ngunit tulad ng sabi ng Ka Felix Manalo, kailangan ng hahalili sa kanya tulad ng nangyaring paghalili kay Moises ni Josue. Oo, siya na ang pinakahuling isinugo ng Diyos sa mga huling araw, at wala ng iba pa sapagkat ang susunod ay ang pagdating na ni Kristo. Ngunit habang hinihintay ang pagdating nya, kailangan ipagpatuloy ang GAWAIN NG DIYOS SA MGA HULING ARAW. Ang gawaing ito ay ang PANGANGARAL SA BUONG MUNDO upang ang mga taoy makapakinig, at sumampalataya sa TUNAY na mga aral ng Diyos na nakasalig sa bibliya.
6. Maraming kapatid, ministro at manggagawa ang NAGBUWIS ng buhay alang alang sa Iglesia. Kahit na may banta sa kanilang buhay, hindi nila iyon alintana, ipinagpatuloy pa rin nila ang mga paglilingkod sa Diyos. Sana sa panahon din na ito, kahit na may bumangong problema sa loob ng Iglesia, sa halip na manghina ay MAGPAKALAKAS TAYO MGA KAPATID at PANGHAWAKAN NATING MAIGI ANG ATING PANANAMPALATAYA. Kung dati BUHAY ANG IBINUBUWIS, ngayong may isyu lang ng "korupsyon" sa Iglesia, hinang hina kana? Gusto mo na rin sumama sa mga lumalaban sa Iglesia? Nakakahiya naman sa yo.
7. Ang GAWAIN NG DIYOS sa panahong ito ay nagmula lang sa ISANG TAO, ngunit ngayon naging milyon na ang mga kaanib at patuloy na lumalago. Itoy dahil sa tulong at awa ng Diyos. Napakadaming hadlang noong nagsisimula pa lamang mangaral ang Ka Felix, ang kalaban nya dambuhalang mga relihiyon, ngunit hindi siya nagpadaig, may banta man sa buhay, inuusig at kinapopootan man ng iba, NANINDIGAN SIYA. Sana ganun din tayo. Matutunan natin kung paano manindigan sa ating pananampalataya.
Para sa akin, ito ang pinakamensahe ng pelikula -> "Huwag kang matakot, kasama mo ang Diyos"
October 13, 2015
2 comments:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
kakapanood ko lang kagabi,. kasama ko asawa ko, grabe hindi ko mapigilan na maiyak, lalo na yung pag baril sa asawa ni sheryl cruz., may guest akong hapon, mabait naman xa. kaya naisip ko. parang ang lupit pala nila nuon. salamat sa Dios at matibay ang mga kapatid nuon,. kahayagan talaga na tunay ang Iglesia Ni Cristo.
ReplyDeleteNapanood ko ang Felix Manalo.
ReplyDeleteNakakiyak yung pagpatay dun sa Ministrong asawa ni Alice Dixson at sa 2 kasama niya dun.Di man lang pinatapos ng mga Hapon yung panalangin.
BTW,i just loved it.
Kay OGGY and the Cockroaches Cruz na nagsabing di maganda ang film....
Bigyan kita ng siyanse,nandiyan na naman yung mga kaibigan mong IPIS.