Nung araw na ganapin ang "OFFICIAL ATTEMPT" ng Ang Dating Daan para sa "Largest Gospel Choir" ay mayroon akong pasok sa trabaho.
Nung bandang tanghali nasa cubao nako, ngunit bumili muna ko ng pagkain sa Mercury drug sa Farmers.
Nung andun nako sa pila sa cashier, napansin namin ang mga babaeng nakabihis choir, at may nakatatak na sticker ng "OFFICIAL ATTEMPT" sa dibdib.
Sabi nung cashier "ano yan parang ung sa Iglesia". Sa isip ko naman, sa ano kayang religion yun? Nung papauwi nako galing trabaho, nung nasa cubao na uli ako para sumakay ng jeep, mga 10pm na yun, nakakita na naman ako ng babaeng ganun pa rin ang suot at may sticker sa dibdib, sa isip ko, ano kayang meron?
Kinabukasan, pagkabukas ko ng FB account ko, bumugad sakin yung mga balitang "Ang Dating Daan breaks Guinness Largest Gospel Choir". Dahil na curious ako kaya nagsearch pakong maigi, tapos sabi ko, ahh okay... Magcocomment na sana ko sa official fanpage nila ng CONGRATULATIONS...
Pero may naalala ko, yung LARGEST GOSPEL CHOIR nga pala ang nakasungkit noon ng IGLESIA NI CRISTO para sa Pilipinas nung Centennial Anniversary. Tapos, nabasa ko mga comments ng mga ADD members, sasabihin "Glory be to God" tapos sasabihin "Congratulations" sabay magpaparinig, sisiraan ang Iglesia Ni Cristo. Anung GLORY TO GOD naman ang naidulot ng paninira nyo sa iba?
Tapos may naalala ko, si ADD member, JANE ABAO aka KOTAWINTERS na matagal ng INC BASHER sa social media. Tingin ko isa siyang bulag na bayarang manunulat para sa kapurihan ni G. Soriano at ng kanyang tatag na Iglesia. Sa lahat ng nangyayari sa Iglesia, wala siyang tigil sa paninira dito. Kaya sabi ko, ahh ayan pala yung turo sa inyo ng inyong "BANAL AT MAGALING" na punong si Eli Soriano, na KAMUHIAN, GALITIN AT MURA MURAHIN ang mga lider, miyembro at ang Iglesia mismo. Sa aral kasi nila, hindi masama magmura, kaya nga kapansin pansin sa mga ADD members ang pagmumura lalo na saming mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo. Matagal nakong nakakatanggap ng mga email mula sa ibat ibang accounts ko sa social media, mapa youtube, google, blogger at iba pa ng mga email na... "Mga Iglesia Ni Manalo P@t&%@ nyong lahat" at kapag sisiyasatin kong mabuti ang kanilang mga liham ay mapagtatanto ko na ADD members pala ang mga iyon.
Ngayon, puntahan natin ang sinasabing "PANG AAGAW" ng Ang Dating Daan sa world record na LARGEST GOSPEL CHOIR...
Bakit "PANG AAGAW"?
Baka maisip ng ilan, bakit naman pang aagaw ang termino mo README? Ganyan ba kayo, nagka world record lang ang iba gaganyanin nyo na, bakit kayo ginanyan ba nila kayo pag nagkaka world record kayo???
Gusto ko lang muna linawin, HINDI PO AKO BITTER. At wala po akong pakialam kung makakuha pa sila ng 100 World records dahil kahit sino naman pwede naisin ang magkaroon ng WORLD RECORD. Naisip ko lang kasi ang tunay nilang layunin, hindi para sa PILIPINAS, at hindi para sa DIYOS, kundi para sa KANILANG SARILING KAPURIHAN.
Isipin ninyo, halimbawa na lang ang Iglesia Ni Cristo... Iniaalay ng Iglesia ang mga ito sa kapurihan ng Diyos, at para sa karangalan ng bansa. Yung record na "WORLD LARGEST CHOIR" nasungkit ng Iglesia sa mula sa ibang bansa, tapos nasa Pilipinas na nga yung record, "INAGAW" naman ito ng ANG DATING DAAN. Kung papaganahin natin ang ating common sense, sa dinami dami ng IBE BREAK na records, bakit yun pang RECORD NA NASA ATIN NA???
Nasa atin na INAGAW mo lang sa iba, anong gusto mong palabasin dun? Tapos nagka world record lang kayo panay na ang pagpaparinig nyo sa INC ng kung ano ano, sasabihin pa "talo ang INCM" etc etc. At ang nakakatuwa pa nito, sa dinami dami ng relihiyon na aagawan ng record dun pa sa kanilang tratong "kaaway", sa INC pa.
Coincidence o sinasadya?
Lumalabas ang tunay na layunin ninyo ay hindi para sa kapurihan ng Diyos at karangalan ng bansang ito kundi para sa MAKASARILI NYONG HANGARIN, SARILING KAPURIHAN.
Sinisiraang pilit ang Iglesia Ni Cristo dahil sa nakakamit nitong World Record, pero ano to?
Sa bawat pagkamit ng Iglesia ng World Record, ang mga ADD members laging nagkokomento ng mga masasama, sapagkat yun ang itinuro ng kanilang "BANAL" na lider na si G. Soriano. Andyan yung sasabihin, naku puro kayo world record di nyo naman yan madadala sa langit. Andyan pa yung sasabihin, pansariling karangalan naman nila yan, mga papansin. At marami pang iba. Noong una pa lang AGAINST na AGAINST sila sa pagkakamit namin ng World records, eto pa nga sabi ng isa nilang kilalang miyembrong si JANE ABAO:
ANO DAW?
KAYA PALA...
PANALONG PANALO DIBA?
Nakakahiya talaga silang mga kaanib sa Iglesia na itinayo ni G. Soriano, madalas ganyan ang kanilang ginagawa, KINAKAIN ANG SARILING SUKA.
Tulad na lang ng ginawa nila kay JOHN REGALA, nung nasa INC pa sya sinabihan nila ng masasama, na sabi ano ba yan yan ba ang bunga ng banal na aral ng INC kay John kung anong masasamang ginagawa, tapos nung umanib sa kanila sabay bawi. Sasabihin WOW nakita rin niya ang tunay na relihiyon hashtag super proud.
BOOMERANG...
Kaya pala nila sinisiraan ang INC sa WORLD RECORDS na yan, INGGIT PALA SILA! Kaya ayan nagpa world record na rin, kunwari pa noong una ayaw na ayaw sa ganyan, yun pala sila din...
Ang PANLOLOKO ng Ang Dating Daan
Alam nyo ba kung PAANO SINUNGKIT NG ANG DATING DAAN ang world record na LARGEST GOSPEL CHOIR?
Sa pamamagitan ng PANLOLOKO!
Noong una hindi rin ako makapaniwala. Kasi nga wala lang naman sakin kung mabreak nila yon kahit masama hangarin nila, i cocongratulate ko pa sana sila. Kaso eto pa isang rebelasyon...
INSTANT CHOIR?
Ngayon ko lang naisip pwede pala dayain ang mga world record ng Guinness!
Kahit mga hindi choir member, pinagdamit choir ng Ang Dating Daan para lang AGAWIN (opo tamang tama pala talaga ang terminong ito) ang record sa IGLESIA NI CRISTO. Wala naman talaga sanang problema kung papuntahin nila sa Araneta Coliseum ang kanilang choir sa buong mundo para sa OFFICIAL ATTEMPT nila, kaso kinulang ata, kaya pati mga members nila ginawang INSTANT CHOIR NA RIN.
Tanong ko, VALID BANG TAWAGING "LARGEST GOSPEL CHOIR" kung hindi naman pala lahat ng nandun ay OFFICIAL CHOIR?
Tsk tsk tsk
Sige, sa inyo na yang WORLD RECORD NA YAN. Ngunit naaawa ako sa kanila, sa sanhi ng kanilang pagtatagumpay...
INGGIT, MASAMANG HANGARIN AT PANLOLOKO!
Bilang pangwakas, hayaan nyong i congratulate kayo sa sa pagkakamit nyo ng "WORLD'S LARGEST INSTANT CHOIR" na ang pagtatagumpay ay sa pamamagitan ng INGGIT, MASAMANG HANGARIN AT PANLOLOKO, dahil dyan, YOURE OFFICIALLY AMAZING!
"Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling
hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang
katotohanan. Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa Diyos, kundi
makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. Sapagkat saanman naghahari
ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan
at lahat ng uri ng masamang gawa." San. 3:14-16
October 26, 2015
25 comments:
RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.
1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments
You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MAGANDA SIGURO BAWIIN NG INC YAN E.. PUNUIN YUN PHILIPPINE ARENA NG CHOIR,, 55,000 CHOIR PARA MA BREAK YUN RECORD NG ADD.. YAN NMN GUSTO NILA E.. TINGNAN NATIN KUN MA BREAK NILA ULIT YUN 55, 000 GOSPEL CHOIR NG INC,,SIGURADONG SASAKIT ULO NI SORIANO KUN PANO NILA TATALUNIN YUN 55,000 NA CHOIR NG INC.. HAHAHAH
ReplyDeletePAG NAGKAGANUN DI NA NILA MABE BREAK YUN 55000 KASI KAHIT MAG INSTANT CHOIR ULI SILA DI NA AABOT SA 55000 MIYEMBRO NILA KABUUAN ATA NILA 54900 NA LANG HAHAHAHA YUNG ISA NAGTAYO NA NG SARILI RELIHIYON YUNG ISA NAGTATAGO KASAMA SYOTA NYANG KAPWA LALAKIK AYYYYY.....
DeleteActually 10k choir nung centennial. 4700 sa Arena tapos yung iba sa stadium na. Ang binilang lang ay ang nasa arena.
ReplyDeleteNatawa ako sa pic totoo pala talagang may 1 day choir members sila, actually nung nabalitaan ko yan nainis lang ako pero hindi ako nabahala yung sa PH arena pagsamba kc yun kaya portion lang ang para sa mang aawit pero kpag inutos ng pamamahala na punuin ang arena ng mang aawit kayang-kaya natin yan..
ReplyDeleteKayang kaya natin punuin ng TUNAY na mga mang aawit ang arena kpag nangyare yun nga nga sila
ReplyDeletehayaan mo na sila sa kalokohan nila
ReplyDeleteS katunayan nd n tatalunin p ng INC ang ginawang world record kuno ng ADD knila n yun. . hltang hlata.n ginwa nila un nd para s bansa nd para s Diyos daw kundi pansarili lng tlga nilang hngarin
ReplyDelete,magpatay0 din daw cla ng arena para malagpasan ang rec0rd ng phil arena, gagawa din ng m0vie,hahaha
ReplyDeletei seriously pity them. kahit umawit sila ng 100,000, ang tanong tinatanggap ba ng inaawitan nila ang inaawit nila?
ReplyDeleteTanging pagtitipon ng mga mangaawit sa phil arena tapos ang usapan sa record na yan. Hehehe
ReplyDeleteWag na nating patulan.
ReplyDeleteHindi na natin sila kailangan talunin sa world records. Kanila na yan. Sino ba ang tunay na maliligtas?sino b ang mas malapit sa Dios?sino b ang tinubos sa pamamagitan ng dugo ni JesuCristo?
ReplyDeletetuwa si engkong.nian.bka magpabuntis na sia nian sa boyfriend nia na parehi silng.may.begote.heh
ReplyDeletee.
Noong ginanap kasi ang Tanging Pagtitipon sa Philippine Arena, ang mga kapatid nating mang-aawit, hindi naman nila talaga iniisip ang Guinness World Record na 'yan, kahit pangkaraniwang araw pa ng pagsamba, sabik ang mga kapatid nating mang-aawit na umawit dahil masaya sila sa ginagampanan nilang tungkulin at panglilingkod sa Diyos. Kita naman natin na payak at classic ang ginawa nilang pag-awit at maririnig mo ang iba't ibang uri ng boses, hindi gaya sa Ang Dating Daan na parang sa centennial oratorio natin, halatang kumpintensya ang habol nila. Kung ako ang papipiliin, mas gusto ko ang ginawang pag-awit ng mga kapatid natin noong Tanging Pagtitipon sa Philippine Arena, hindi dahil sa kaanib ako, dahil hindi ko type ang uri ng music ng Ang Dating Daan, 'yung uri ng music nila lively kasi, tapos may naka-set up sa kanilang mga drum at guitar yata, sa boses, maayos naman sila at unison ang boses na ginamit nila, kasi ayon sa kaanib nila, 3 months daw ang practice nila para sa Guinness World Record nila, pero sa Iglesia Ni Cristo, organ at choir lang, pero babawi naman sa boses, kasi maririning mo 'yung harmony ng iba't ibang uri ng boses, gaya ng Soprano, Alto, Tenor, at Bass, may dinagdag pa raw yata na boses sa choir ng Iglesia Ni Cristo noong Tanging Pagititpon sa Philippine Arena. Pinanood ko kasi 'yung dalawa; sa Ang Dating Daan na choir at sa Iglesia Ni Cristo na choir, nababasa ko nga mga comment ng mga kababayan nating Ang Dating Daan tungkol diyan, akala siguro nila nakatayo lang ang mga kapatid nating mang-aawit at umaawit lang nang basta-basta, hindi ba nila alam na sa simpleng pagsamba lang natin, todong ensayo ang ginawa ng mga kapatid nating mang-aawit, paano pa kaya noong centennial natin, saka hindi ka puwedeng basta umawit doon sa koro, marami kang dadaanan na audition at practice, tapos kapag hindi ka pa pumasa, hindi ka makakaawit sa koro, ayon na rin sa kakilala ko.
ReplyDeletetandaan po natin mga kapatid na ang mga ginagawa natin ay para sa kapurihan ng ating Panginoong Diyos at hindi upang makipagkumpitensiya sa iba. kung anu man po ang ginawa nila ay hayaan na po natin. dahil kung makikipag paligsahan pa tayo sa kanila, hindi na po sa ating Panginoon iyon. magpasalamat po tayo sa ating Panginoong Diyos sa mga tagumpay na nararanasan ng Iglesia Ni Cristo sa tulong niya. wag na po natin tignan ang ginagawa ng iba kundi ang bantayan natin ay ang ating mga sarili upang lalo po tayong makapagbigay ng ng kaluwalhatian sa ating Panginoong Diyos.
ReplyDeleteMalamang magpapatayo din ang ADD ng 100,000 seaters na kubeta..hahaha .juice colored
ReplyDeleteParasites yan si engkong.Parang garapata kelangan sumipsip ng dugo para lumaki at mapansin.hahaha.
ReplyDeleteNaalala ko tuloy yung theme ng UNTV, "Isang Araw Lang".
ReplyDeleteAba,totoo nga.Instant Choir,Instant audience....
Yung mamang nasa Brazil,di makauwi ng Pinas,takot sa kaso.Samantalang si Ka Eduardo,andito,sinagot lahat.
Gawa sila stadium sa Apalit,yung kasya 200,000 tapos aya sila ng mga taong napadaan at bigyan nila ng datung,sabihin nila Guinness,natalo namin INC dahil sa dami ng tao at laki ng arena namin.
Well,Eli Boy....Ikaw na.
ay hindi po yan gawain ng mga tunay na kristiano. gawain po ng mga panatiko yan ni manalo. 😂
Deleteganyan yung ginawa nyo noon sa edsa. nagbayad sa mga tao. nagbigay tig lilimang daan basta sama lang sa rally nyo! ahahahahahahahaha
Deleteang tunay na sa Dios hindi natatakot para sabihin ang katotohan, dapat ang leader handang sumagot at magpatanong. ako matagal sa katholiko "DATI" at maraming kaibigang INC pero ito ang masasabi ko hindi kayang gawin ng EVM nyo ang ginagawa ni Bro. Eli. every month po may bible expo sa ADD locals pwde po kayong magtanong at open kayo kahit ano pa itanong nyo at promise safe kayo.
ReplyDeletetama ka dyan tol.😊
Deletedo u know what happen to ur brother john regala? aun nakitang nahandusay sa daan, walang malay at nakahandusay sa supermarket sa zapote cavite napanood ko ngaun sa jessica soho. nasan na ang pag-akay nyo sa mga kapatid nyo? mas kawawa sya ngayon kesa dati.
ReplyDeleteAs far as i know po, si John Regala ay dating INC, na naging kaanib sa samahan nyong ANg Dating Daan. Ngunit dahil alam nya ang katotohanan, ay nagbabalik loob na muli sa Iglesia...
DeleteAnuman ang nangyayari sa buhay nya ngayon ay walang kinalaman ang Iglesia sapagkat nasa tao kung paano nya isasaayos ang kanyang buhay. ANg relihiyon ay gabay, ang mga kapatid ay handang tumulong, laging andyan.
Maraming salamat.
tanggapin nyo na lang ang pagkatalo nyo! 😂😂 yun lang yun.
Delete