Saksi ang buong Pilipinas sa pangyayaring ito sa Iglesia kung saan ang Tagapamahalang Pangkalahatan na si Ka Eduardo Manalo ay humantong sa desisyon na pagtitiwalag sa sarili niyang mga kapatid, at sarili niyang ina-- sapagkat silay nagdulot ng pagkakabaha bahagi sa Iglesia.
Pagtataka ng maraming mga kapatid at ng mga taong pilit nakiki isyoso sa problema ng pamilya ng Ka Erdy... "Bakit???? Anong problema???"
Ano nga ba talaga ang naging problema? Ano ang ugat ng lahat ng ito?
Ang mga tanong na yan ay hindi ko po masasagot at kahit mismo ng mga ministro ngayon sa internet. Sapagkat ang makakasagot ng tanong na yan ay ang pamilya mismo ng Ka Erdy.
Ang akin lamang mailalahad po sa pagkakataong ito ay ang ilan sa mga katotohanan na aking nabasa sa theiglesianicristo.blogspot.com ni Ka Pristine Truth. Sagutin natin isa isa ang ilan sa mga tanong ng marami tungkol sa isyu na ito.
Hindi nga ba pinapapasok sa Central ang mga kapatid ng Ka Eduardo?
Merong ginawang video ang kampo ni G. Angel Manalo na may title sa youtube na "Ka Angel Manalo Visit". Noong February 2015 daw nangyari ito kung saan nagpunta sila G. Angel Manalo upang kausapin si Ka Eduardo ngunit sinabi na umuwi nalang sila.
Ang VIDEO nilang ito ang isang pinakamatibay na EBIDENSYA na SILAY NAKAKAPASOK SA CENTRAL. Kitang kita sa VIDEO NA WALANG PUMIPIGIL SA KANILA, binabati pa nga si G. Angel ng mga staff sa Central. And take note, NAG-VIDEO PA SILA ng pangyayari.
Ngunit para po sa kaalaman ng lahat, panahon pa pala ng Ka Erano Manalo ay ipinapatupad na ang PAGBABAWAL NG PAGPASOK NG CELLPHONE, CAMERA AT IBA PANG GADGET SA LOOB NG CENTRAL OFFICE COMPLEX.
Ayon pa sa blog ni Ka Pristine Truth:
"Kaya nga sa panahon pa ni Ka Erdy nang itayo ang VCO na kung saan ay may metal at electronic detector upang masaway ang mga maydala at i-surrender sa VCO upang balikan na lamang sa pag-uwi. Isa nang matagal na tuntunin o patakaran ito mula pa sa panahon ni Ka Erdy."
By the way, nagpapasalamat ako ng marami sa bumuo ng video na yon, dahil dyan nalaman namin na HINDI TOTOONG HINDI SILA PINAPAPASOK SA CENTRAL at TALAGA NAMANG MAY HIDDEN AGENDA KAYO SA PAGLALABAS NYAN.
Pinipigilan nga ba ng Sanggunian na makausap nila ang Ka Eduardo at wala nga bang ibang paraan ng komunikasyon para sa magkakapatid?
Sakyan natin yung sinasabi nila na PINIPIGILAN DAW ng Sanggunian na makausap nila ang Ka Eduardo. NGUNIT, SUBALIT, DATAPUWAT, meron naman palang ibang paraan para magkausap sila.
ALAM NAMAN PALA NILA G. ANGEL ANG PERSONAL EMAIL ADDRESS NG KA EDUARDO.
ALAM NAMAN PALA NILA G. ANGEL ANG PERSONAL CELLPHONE NUMBER NG KA EDUARDO.
AT MAY MGA KAMAG ANAK NAMAN PALA SILANG PWEDENG MAGING TULAY UPANG MAGKAUSAP USAP SILA.
Kaya papaanong HINDI NILA MAGAWANG MAKAUSAP ANG KANILANG KAPATID kung meron naman palang paraan?
Ayaw nga bang kausapin ng Ka Eduardo Manalo ang kaniyang mga kapatid at ng kaniyang ina?
Ang claim ng kampo ni G. Angel Manalo ang video daw na kanilang ginawa ay isang ebidensya na magpapatunay na AYAW DAW TALAGA KAUSAPIN NI KA EDUARDO ang kaniyang mga kapatid. Ayon sa video, pumunta sila G. Angel sa Central para kausapin daw ang Ka Eduardo ngunit pinauwi lang daw sila nito.
"Ang bilin ng Ka Eduardo, kung handa raw po kayong sumunod, umuwi nalang po kayo" - Ka Rene Panoncillo
Tanong, nagpunta nga ba talaga sila G. Angel upang kausapin si Ka Eduardo para magkaayos ayos na sila o para KWESTUNIN ANG PAGKAKATIWALAG NG KANIYANG MGA KASAMBAHAY?
Sasagutin yan mismo ni Kelly Ong:
"Ang dahilan ng pagpunta ng Ka Angel at Ka Lottie Manalo sa opisina ng Ka Rene Panuncillo ay hindi po para gumawa ng katibayan o i stage ang video. Kay po sila nagtungo roon sapagkat gusto nilang ipakiusap kay Ka Rene na huwag paalisin at huwag itiwalag ang nag-iisa na lamang na kasambahay nila na natitira. Ito po ay nangyari ng Pebrero. Gusto nilang makausap ang Ka Eduardo upang linawin kung totoo ba na ang lahat ng pang-aapi sa kanila ay utos mismo ni Ka Eduardo."
1. Hindi daw para gumawa ng katibayan o i stage ang video?
Bakit pa VINIDEOHAN? At bakit yung video na inilabas nyo ang gusto nyo palabasin ay GUSTO NILANG MAKAUSAP ANG KA EDUARDO NGUNIT PINAUWI LANG SILA? Sino niloloko nyo?
2. "Pang aapi" pala ang tawag kapag itiniwalag ang isang miyembro ng Iglesia ni Cristo?
Kaninong aral ba ang PAGTITIWALAG? Kung sa Diyos, naniniwala ka ba na ang pagtitiwalag na utos ng Diyos ay upang MANG API? O dahil may nagawang PAGLABAG?
Hindi pa nga ba nakausap ng Ka Eduardo Manalo ang kaniyang mga kapatid?
Ayon sa blog ni Ka Pristine Truth:
"IKATLO, MALAKING KASINUNGALINGAN ANG PAGSASABINGHINDI PA SILA NAGKAKAUSAP NA MAGKAKAPATID
Sa mga post nila sa social media ay paulit-ulit na sinasabi nila na “hindi raw kinakausap ni Ka Eduardo ang kaniyang mga kapatid na may anim na taon na.” Nagpa-press con pa si Angel Manalo na ang sinsabi ay ang nais lang daw nila ay kausapin na sila ng kanilang “Kuya.” Hindi pa nga ba talaga kayo nagkaka-usap? Hindi ba kayo nagkausap noong pagkatapos ng closing centennial anniversary celebration? Tiyak naman na itatanggi ninyo ito sapagkat ang hangad ninyo ay “pasamain” ang Ka Eduardo sapagkat hindi siya sumang-ayon sa gusto o kondisyon nila.”
Bakit natiwalag ang kasambahay nila G. Angel Manalo?
Dahil siyay/silay nagsasalita ng laban sa pamamahala.
Nang inalis isa isa ang mga driver, gwardiya, hardinero at mga kasambahay sa bahay nila G. Angel Manalo, ito ba ay isang uri ng panggigipit?
Ang mga driver, gwardiya hardiner at ang mga kasambahay na binabanggit ay ITINIWALAG sa Iglesia sapagkat silay lumaban sa pamamahala at hindi "inalis upang gipitin at apihin ang pamilya Manalo".
Ayon na rin kay Kelly Ong:
"Walang humpay at sunod-sunod ang mga pamilya noon na kanilang itiniwalag, pawang mga driver, kasambahay ng Ka Tenny at mga anak, mga guwardiya at mga hardinero hanggang sa maubos nila ang lahat sapagkat gusto nilang ang Ka Tenny at ang mga anak ng KA ERDY ay lubos na mahirapan."
Sinasabi nila na upang PAHIRAPAN, APIHIN, at GIPITIN ang pamilya, ngunit ang totooy kaya itiniwalag ang mga ito ay dahil silay LUMABAN SA PAMAMAHALA. Ang nagpapasweldo po sa mga ito ay walang iba kundi ang IGLESIA...
Ayon kay Ka Pristine Truth:
IKATLO, “ang “kasambahay” nilang ito ay ang Iglesia ang nagbibigay ng “suweldo.” Kung hindi ang Iglesia ang nagpapasuweldo sa “kasambahay” na ito ay bakit kailangan nilang maghabol kay Ka Rene na head ng Personnel Departent ng Central Office. Kaya, kung nagsasalita ng laban sa Pamamahala ang “kasambahay” na ito, ang Iglesia ang nagpapasuweldo sa kaniya, bakit hindi siya aalisin?
Kung ITINIWALAG ang mga ito ibig sabihin lamang ay hindi na ang Iglesia ang magpapasweldo sa kanila, nasa pamilya na kung sila na ang magpapasweldo sa mga ito o silay patitigilin sa kanilang paninilbihan sa kanilang bahay.
"Masamang anak at kapatid" nga ba si Ka Eduardo Manalo?
Noon pang 2013 ay tumigil na sa pagdalo ng klase ang magkapatid na Angel at Marc Manalo, at ito ay nangangahulugan ng pagbaba nila sa tungkulin ng pagkaministro. Ngunit si Gng. Lottie ay hindi naman naglilingkod sa Central at si Gng. Tenny naman ay wala doon kundi nasa ibang bansa...
Ngunit sa kabila noon, pinanatili pa rin ng Ka Eduardo ang mga kasambahay, hardinero, gwardiya at driver sa bahay nila G. Angel hanggang sa matiwalag na nga ang mga ito dahil sa paglaban sa pamamahala.
Iyon ba ang matatawag na walang malasakit sa kaniyang sariling pamilya?
Mali ba na itiniwalag ang pamilya ng Ka Erano Manalo?
Sa mga sunud sunod na nangyayari ngayon sa Iglesia, tingin nyo ba MALI na ITINIWALAG ang pamilya ng Ka Erano Manalo sa kadahilanang PAGDULOT NG PAGKAKABAHA BAHAGI SA IGLESIA? Hindi ba iyan ang dahilan kung bakit may mga maytungkulin at mga kapatid ang sa halip na SUMUNOD sa pamamahala ay nakiisa sa panawagan ng grupo ni G. Angel Manalo?
Mag vigil, mag rally, bumaba sa tungkulin at pahinain ang pananampalataya ng mga kapatid?
Ito ba ay isang uri ng paglapastangan sa sariling pamilya o isang uri ng PAGDIDISIPLINA AT PAGSUNOD NG MAIGI SA TUNTUNIN NG IGLESIA?
Hindi nga ba sila NAKAPAGDULOT NG PAGKAKABAHA BAHAGI NGAYON SA IGLESIA?
Bakit sa halip na sila ang lumapit sa Ka Eduardo upang sabihin ang lahat ng gusto nila sabihin, ang gusto pa nila ay ang Ka Eduardo ang gagawa ng paraan upang magkausap sila?
Hindi ba kayo nagtataka? Bakit kaya ang Tagapamahalang Pangkalahatan ang dine-demand nila na kumausap sa kanila samantalang marami naman palang paraan upang makausap nila ito? Kung totoong may katiwalian dati pa bakit sa halip na isumbong ito sa kanilang kapatid ay sa MEDIA pa nila ito ipinagsabi? Para sa anong dahilan?
Ano nga ba ang TUNAY NA DAHILAN kung bakit bumaba sa tungkulin ang magkapatid na G.Angel at G.Marc Manalo? Dahil sa "katiwalian" o dahil hindi nasunod ang kanilang "gusto"?
Kung ikaw ay isang ministro, at ang kapatid mo ay ang Tagapamahalang Pangkalahatan mismo at meron kang nakitang mga "katiwalian" sa Iglesia, anong DAPAT na gawin mo?
a. Gagawa ng paraan upang maisumbong ito sa Ka Eduardo, at gagawa ng mga aksyon upang lumabas ang katotohanan
b. Hindi na dadalo ng klase at iiwan ang pagkaministro
Ano pong sagot niyo, kung kayo po ay isang "MINISTRO"?
At gaano katotoo na kaya sila bumaba ay dahil hindi nasunod ang kanilang "GUSTO"?
Ano naman kaya ang "GUSTO" na ito?
Sana sagutin ito ng grupo nila Antonio Ebanghelista. Baka magulat tayong lahat kapag nalaman natin ang katotohanan at malinawan tayo kung bakit meron silang PLANO na pagpapabagsak sa pamamahal ng Iglesia.
____________________________________________
Ngayon po ay ito muna ang maibabahagi kong mga impormasyon sa inyo, at kapag nagkaroon pa ko ng iba pang mga impormasyon ay iuupdate ko po ang artikulo kong ito.
Ang mga nabasa nyo ang "TUNAY NA KWENTO" sa likod ng pamilya ng Ka Erano Manalo. Ang TUNAY NA KWENTO ng mga pangyayari sa Iglesia sa kasalukuyan.
Sana ay nasagot nito ang ilan sa mga tanong ng marami mapa-kapatid man sa Iglesia o hindi.
Patuloy po ninyong subaybayan ang pagbubunyag nating ito na siyang pinaka UGAT na sinasabi ng grupo ni Antonio Ebanghelista.
ReplyDeleteAng Panginoon Jesucristo ay may personal gusto na ipinakiusap niya sa Dios, na kung maaari ay masunod ang kanyang ibig, subalit bagamt may personal gusto ang Panginoon Jesucristo ay hindi niya ito ipinilit na mangyari at ang kanyang binigyan daan ay kung ano ang kalooban ng Dios.
Ganun din ang kapatid na Eduardo V. Manalo, mayroon din siyang personal na gustong mangyari. Ayaw niyang matiwalag angkanyang mga kapatid sa laman at ang kanyang mahal na ina, subalit ang personal niyang ibig ay hindi rin niya ipinilit at ang kanyang binigyan daan ay kung ano ang kalooban ng Dios, na dapat gawin sa mga lumilikha ng pagkakabaha-bahagi sa loob ng iglesia.
Gaya ng aral ng Panginoon Jesucristo.
"Ang sinoman tao na gustong sumunod sa akin (Jesucristo) ay dapat niyang itanggi ang kanyang sariling kagustuhan"
Ang kagustuhan muna ng Panginoon bago ang kagustuhan ng tao.
.
TANONG: Kataka-taka ba kung may mga kapatid at ministro sa Iglesia na mapasa-ilalim ng kapangyarihan ng diablo upang labanan ang Pamamahala?
ReplyDeleteApocalipsis 12:12 Magandang Balita Biblia
Kaya't magalak kayo, kalangitan, at lahat ng naninirahan diyan! Subalit kalagim-lagim ang daranasin ninyo, lupa at dagat! Sapagkat ANG MATINDING POOT NG DIYABLO AY BABAGSAK SA INYO. ALAM NIYANG KAUNTING PANAHON NA LAMANG ANG NALALABI SA KANYA.
Hindi tayo dapat magtaka kung bumagsak sa atin ang matinding poot ng diablo sapagkat alam niyang kakaunting panahon na lang ang nalalabi sa kaniya. Sino pa ba ang kapopootan ng diablo, iyon bang sanlibutan. Hindi sapagkat kanya na ang sanlibutan. Ang tiyak na kapopootan ng diablo ay ang Iglesia Ni Cristo. Tayo na magbigay pakahulugan sa salitang KAUNTI na lang ang nalalabing panahon sa diablo. NAPAKALAPIT na natin sa Araw ng Paghuhukom.
tama po kayo jan kapatid! Saan pa ba babagsak ang poot ng diablo? sa sanlibutan? eh diba siya na may ari non? kaya sa tunay na Iglesia sya babagsak.. pero nasan na ngayon yung mga diablo? wala na!! natiwalag na po..
DeleteCommon sense Lang brod... after 46 LONG YEARS (pagkahaba-haba) na nakapwesto ang mga yan at kung pagdudugtungin natin lahat ng pahayag theiglesianicristo.blogspot.com na naputol ang luho ng mga yan ay isa lang ang masasabi ko dyan... I'm sure you all know what I'm talking about. I'll leave it all to you to carefully think about it.
ReplyDeleteKaya brod, humanga din ako sa mga article na publish mo at madami akong napulot. Keep it up.
dios ang po ang hahatol alin ang makttohanan ang paghahandg namin tuwing pagsamba ay laan sa ikalulugod ng panginong dios para gamitin sa tamang paraang ikalaalaw pa ng iglesia kung totoong giamit man nila ito sa ikararangya ng buhay ng mga kasangkot dito dios ang hahatol sa pinakaabilis na pparaan
ReplyDelete