Nalaman ko lang ang balitang ito dahil pinost ito sa blog ng isang pari na sikat sa pagsisinungaling at pagiging bastos sa kaniyang blog-- Si Mr. Abe Arganiosa. Ni-repost nila sa kaniyang blog ang balita na si Janice De Belen ay hindi na miyembro ng Iglesia ni Cristo.
Ang reaksyon ko naman: SO WHAAAT?
Akala kasi nila BIG DEAL yung ganung bagay, na malaking kasiraan na samin at sa pananampalataya naming mga miyembro ng Iglesia ni Cristo. Sorry pero hindi po kami sumasampalataya sa INC dahil sa mga "artistang kaanib sa INC" o sa kahit ano pa mang bagay, kundi dahil sa katotohanang ito ang TUNAY NA IGLESIA na dapat aniban ng mga tao.
Kaya kung mapapansin nyo, hindi ako nagblog kailanman ng tungkol sa mga artista na naging kaanib sa Iglesia o kaya nagbibigay ako ng listahan ng mga artistang kaanib sa INC. Isang simpleng dahilan.
SILAY MGA ORDINARYONG KAANIB LANG DIN PO SA IGLESIA TULAD NAMIN.
Na kahit anong oras o araw o panahon ay pwedeng makagawa ng kasalanan, na kahit kelan pwede rin namang umalis o matiwalag. Wala naman kasing special treatment sa kanila. Kahit ikaw pa ay miyembro na may katungkulan sa gobyerno, o kilalang tao ka sa abroad o mataas ang katungkulan mo sa Iglesia and so on...
PANTAY PANTAY TAYONG LAHAT.
Nasa tao na yun kung gusto nyang ipagpatuloy ang pagiging kaanib sa Iglesia, o hindi na siya sasamba o makakagawa siya ng paglabag kung kaya siyay matitiwalag. Nasa sayo na rin kung ikaw ay magbabalik loob. Sapagkat wala sa iba, kundi NASA SAYO ang desisyon kung ikaw ay lalakad patungo sa kaligtasan o patungo sa kapahamakan.
Kaya kung pag uusapan ang tungkol sa mga artistang kaanib ng INC, at one point nakaka proud dahil atleast may "kilalang" mga tao na nakaalam din ng katotohanan, pero hindi dahilan para ipagyabang, dahil tulad natin, tao lang din sila...
Eto po ang balita na nagsasabing di na INC member si Janice:
Hindi na pala member ng Iglesia Ni Cristo (INC) si Janice de Belen kaya hindi siya kasama sa star-studded cast ng Felix Manalo ng Viva Films.
Marami ang nagtataka at nagtatanong dahil wala si Janice sa trailer ng filmbio ng unang ministro ng Iglesia Ni Cristo.
Nasagot ang kanilang mga tanong nang malaman nila na hindi na member si Janice ng INC.
Matagal ko nang hindi nasisilip ang cooking show ni Janice sa NET25, ang Spoon, kaya hindi ko alam kung patuloy pa rin ang programa.
Minsan na akong umapir sa Spoon bilang guest ni Janice kaya pamilyar na pamilyar ako sa kanyang TV show sa television network ng Iglesia Ni Cristo.
source: philstar.com
Puntahan natin ang topic tungkol kay Janice De Belen, hindi ko man siya tinanong ng personal ngunit sa pagkaka search ko ng mga impormasyon ay nalaman ko na hindi na pala nakakapagtaka kung isang araw ay hindi na siya kaanib sa Iglesia.
Eto po balita noon pang Oct 2013:
Ito ang pabirong sagot ni Janice de Belen nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang lagay ng kanyang puso.
Pero sabi rin niya pagkatapos, “Alam mo, yun ang last on my list—and not even on my list.
“Kasi, di ba, ano pa ba?
"Pagdating sa pag-ibig, wala na akong dapat i-prove kasi may anak na ako.
"Di ba, in the normal cycle of life, siyempre, yun ang nilu-look forward mo—yung mag-asawa, magkaroon ng anak.
“Pag hindi umuubra, huwag nang ipilit. Baka hindi yun ang para sa akin.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janice sa presscon ng ABS-CBN series na Honesto, noong October 24.
Kailan ba ang pinakahuli niyang relationship?
“Tagal na, five years na... Okey naman ako,” sabi niya.
Miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang dating kasintahan ni Janice, at nakitang nag-iba na rin si Janice ng relihiyon noon.
Ngunit kahit wala na sila, nananatili pa ring kapanalig ng INC si Janice, at hindi raw niya naiisip na kumalas rito.
“Wala namang kinalaman yun dun, e,” sabi niya.
Hindi niya ba isinasara ang posibilidad na magkaroon uli ng boyfriend o bagong pag-ibig?
Pahayag ni Janice, “Lagi na ngang tinatanong 'yan sa akin, e.
source: pep.ph
Matagal na palang "break" si Janice at ang kasintahan niyang INC member. Ang pagkakaroon pala nya ng dating manliligaw na INC member na naging kanyang kasintahan ang naging daan para maging kaanib si Janice sa INC. Kaya kung break na sila matagal na, na kay Janice na pala yon kung magpapatuloy pa siya maging kaanib.
Ngunit baka matanong ng ilan tulad ko, bat kaya hindi sila nakapag pakasal?
Mula sa interview nya noong Oct 2013:
Do you see yourself getting married again or would you rather stay single? Why or why not?
I’m done with marriage. I used to fear growing old alone… not anymore. I’ve been independent for a long time now. I make my own decisions. I do what I want. Yeah sure, it’s lonely sometimes pero okay lang (but it’s okay) I snap out of it soon enough.
source: inquirer.net
Mukhang wala na pala sa konsiderasyon ni Janice ang pagpapakasal.
Its a personal thing though...
Ang punto lang po ng post na ito ay hindi talaga tungkol kay Janice, kundi
ITS EVERYONE'S FREEDOM TO CHOOSE WHETHER THEY WANT TO JOIN THE CHURCH OR NOT, ITS UP TO THEM IF THEY WANT TO CONTINUE BEING A MEMBER UNTIL THE END OR DECIDE TO CHOOSE A DIFFERENT PATH--WHATEVER IT IS ITS ONE'S FREEDOM SO LET'S JUST RESPECT. But of course, we should convince them to come back because as we believe, only in the Iglesia ni Cristo we can attain the promised salvation.
UPDATE! Confirmed: Janice still an INC member
annulled na bago pa maging Iglesia pwede ba mag asawa uli at magpakasal s iglesia ni cristo?
ReplyDeleteTangin kamatayan lang na makapag hihiwalay sa magasawa.
ReplyDeleteTama
DeletePd po b matiwalag ang pamilyadong tao.kung may kinakasma ng iba
ReplyDelete