1. Ipagtanggol ang Separation of Church and State
2. Huwag pakialaman o panghimasukan ni Sec. De Lima ang internal affairs ng Iglesia
3. Huwag gipitin ang Iglesia para sa pansariling interes
At habang may rally kaming isinasagawa sa EDSA-SHAW, hindi maiiwasan ang hinaing naman ng mga hindi miyembro ng Iglesia na naapektuhan ng aming sinagawang aktibidad. Ang sigaw naman nilang lahat:
1. Mag rally kayo pero huwag nyo kaming abalahin
2. Igalang ninyo ang batas, ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho
3. PAPANSIN ANG IGLESIA NI CRISTO
Papansin nga ba kaming mga miyembro ng Iglesia ni Cristo?
HINDI PO. Ang isinasagawa namin ay pagtatanggol sa aming KARAPATAN at PANANAMPALATAYA. Sa loob ng 100 taon kung papansin kami, sana ay araw araw na kaming nag rally sa EDSA, ngunit HINDI. Wala kaming choice, kung hindi namin ito gagawin ay patuloy kaming "gigipitin" ng ilang opisyal ng gobyerno para sa pansarili nilang interes. Kung papabayaan na lang namin na panghimasukan ni Sec. De Lima ang INTERNAL AFFAIRS ng Iglesia, para na rin naming sinuko ang sarili naming mga lider at pinatunayan na TOTOO ang mga akusasyon sa kanila, lalo na ang akusasyon na sila ay TIWALI at KORUP na mga lider.
Saan ba nag-ugat ang lahat ng ito?
Ang pinaka pinaka pinag ugatan ng lahat ng ito para sa akin ay ang FAMILY PROBLEM ng pamilya ng Ka Erano Manalo. Kung nabalitaan nyo ang pagtitiwalag na ginawa sa mga kapatid sa laman at sa sariling ina ng aming Tagapamahalang Pangkalahatan, iyon po yun. MATAGAL NA PO ang "family problem" na ito kung tutuusin, ilang taon na ang nakalipas, hanggang sa bumigat ng bumigat ang sitwasyon at nagdesisyon sila na KALABANIN ang PAMAMAHALA NG IGLESIA sapagkat hindi napagbigyan ang kanilang gusto at hindi imposible na kasama sila sa PLANONG PAGPAPABAGSAK SA PAMAMAHALA NG IGLESIA: Pagpapalit ng SANGGUNIAN, at pagpapalit ng Tagapamahalang Pangkalahatan.
At pagkatapos nito, para magkaroon ng dahilan ang kanilang kilusang ito ay gumawa sila ng mga "KWENTONG KURAPSYON AT KATIWALIAN" na alam na alam ng lahat ng kapatid na NAPAKA LABONG MANGYARI SA LOOB NG IGLESIA sapagkat malinis ang pananalapi nito, iningatan ng 100 taon ng Ka Felix Manalo, Ka Erano Manalo at ng kasalukuyang tagapamahalang pangkalahatan-- Ka Eduardo Manalo. Humanap din sila ng mga makakasama mula sa maytungkulin sa Iglesia - mga ministro at iba pa, na mga may hinanakit din sa PAMAMAHALA upang magsama sama silang PABAGSAKIN ITO.
Kaya may isang "ANTONIO EBANGHELISTA" na lumabas sa social media para diumano "i expose" ang mga anomalya ng SANGGUNIAN pero ang totoo, sila pala mismo ang may mga KASO NG KATIWALIAN sa Iglesia. Hindi na nakakapagtaka kung bakit pinahintulutan ng Diyos na mangyari ito--para maalis ang may masasamang hangarin sa Iglesia.
Para sa kaalaman ng lahat, hindi kailanman naging PRACTICE o TUNTUNIN sa Iglesia na kapag may problema ay DALHIN MO ITO SA PUBLIKO dahil naniniwala kami sa sinasabi ng bibliya na:
"Kung magkasala sa iyo ang kapatid mo, puntahan mo siya at kausapin nang sarilinan tungkol sa kanyang kamalian. Kapag nakinig siya sa iyo, naibalik mo sa dati ang pagsasamahan ninyong magkapatid. Ngunit kung ayaw niyang makinig sa iyo, magsama ka pa ng isa o dalawang tao upang ang lahat ng pinag-usapan ninyo ay mapatunayan ng dalawa o tatlong saksi. Kung ayaw niyang makinig sa kanila, sabihin mo sa iglesya ang nangyari. At kung ayaw pa rin niyang makinig sa iglesya, ituring mo siyang parang Hentil o isang maniningil ng buwis." Mateo 18:15-17
"Kung may mga usapin kayo, bakit ninyo ito idinudulog sa mga taong hindi kinikilala ng iglesya?" I Cor. 6:4
Lahat ng uri ng problema, bastat may kaugnayan sa Iglesia, SA IGLESIA MO RIN DADALHIN ANG PANGYAYARI. SA IGLESIA ITO RERESOLBAHIN, hindi mo ito DADALHIN SA SOCIAL MEDIA AT SA PUBLIKO DAHIL WALA NAMAN SILANG ALAM DITO.
Kaya matibay ang paninindigan namin at alam na alam naming mga miyembro ng Iglesia ni Cristo kung sino ang NASA TAMA at kung sino ang NASA MALI. Kaya hindi namin pag aaksayahan ng panahon paniwalaan ang mga paratang ng mga ITINIWALAG sa Iglesia. Kaya nga po may itinitiwalag sa IGLESIA sapagkat silay may NALABAG NA ARAL O TUNTUNIN, bakit sila pa ang kakampihan ng gobyerno at ng mga tao? Anong ibig nitong ipahiwatig? Na kung sino pa ang NAKALABAG o OFFENDERS sila yung dapat na sinusuportahan at binibigyan ng atensyon?
BAKIT MAY RALLY? Papansin ba ang INC?
Muli, itinatanggi ko po ang paratang na ito hindi lamang dahil ako ay miyembro ng Iglesia ni Cristo kundi dahil ITO ANG TOTOO. Kung kami ay papansin bakit sa KASAYSAYAN, BIHIRANG BIHIRA KAMI MAG-RALLY? Kung magbibilangan tayo kung sino sino ang madalas mag rally sa PILIPINAS, KAMI NGA BANG MGA INC YON?
Alam naman ng lahat ang katotohanan, HINDI KAMI YON. Sapagkat kung kelan lamang kinakailangan, ay saka lang kami magsasagawa ng ganitong aktibidad hindi para bastusin ang batas o hindi sumunod sa BATAS kundi upang "IPAHAYAG ANG AMING SALOOBIN" sa mga bagay bagay.
Kaya nga po may tinatawag na "RALLY" para magsama sama ang mga tao na IHAYAG AT IPAGSIGAWAN ANG KANILANG SALOOBIN, PARA IPAGLABAN ANG DAPAT IPAGLABAN.
Kaya nga sa kasaysayan ng Pilipinas, pag may nagrarally kung saan man, ni minsan kaming mga miyembro ng Iglesia ni Cristo, hindi namin INUUSIG, BINABASTOS at SINASABIHAN NG MASASAKIT NA SALITA ang mga taong kasama sa aktibidad na yon. May IPINAGLALABAN LANG SILA, kahit na silay nakapagdudulot ng ABALA, hindi kami NAGREREKLAMO NG MATINDI, hindi namin sila SINUSUMPA, di tulad ng ginagawa ng karamihan ngayon sa amin.
Itoy dahil NATURUAN KAMI NG TAMANG ASAL, NG DISIPLINA AT ARAL NG DIYOS. Anuman ang estado namin sa buhay, hindi namin HAHAMAKIN ang sinuman dahil lamang sa ganoong bagay.
Ang ipinakikipaglaban ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo
1. Ipagtanggol ang Separation of Church and State
Kung babalikan natin ang history, bakit nga ba nagkaroon ng batas tungkol sa SEPARATION OF CHURCH AND STATE? Hindi ba dahil noong panahon ng mga kastila ay HAWAK NG SIMBAHANG KATOLIKO ang gobyerno? Kung hindi man ay sabay nilang pinapamahalaan ang pagpapatakbo ng bansa? Kaya nga para maging patas at magkaroon ng pagkakapantay pantay ay isinabatas na dapat HIWALAY ANG SIMBAHAN SA PAMAHALAAN.
Hindi dapat kino-kontrol o pinapakialaman ng simbahan ang pamahalaan at hindi dapat kino-kontrol o pinapakialaman ng pamahalaan ang simbahan.
"The separation of Church and State shall be inviolable. (Article II, Section 6), and, No law shall be made respecting an establishment of religion, or prohibiting the free exercise thereof. The free exercise and enjoyment of religious profession and worship, without discrimination or preference, shall forever be allowed. No religious test shall be required for the exercise of civil or political rights. (Article III, Section 5)....." source: wikipedia.org
2. Huwag pakialaman o panghimasukan ni Sec. De Lima ang internal affairs ng Iglesia
Ang "INTERNAL AFFAIRS" na binabanggit ay tulad na ng inyong nabalitaan kamakailan lang kung saan nagkaroon ng isyu ng korapsyon at paghihimagsik ang ilang mga miyembro ng Iglesia. May PROBLEMA SA IGLESIA, at itong PROBLEMANG ITO ay DAPAT LAMANG MAISAAYOS ng IGLESIA MISMO AT HINDI KAILANGAN NG PANGINGIALAM AT PANGHIHIMASOK ng GOBYERNO.
Mali yung binabalita ng media at sinasabi ng ilan na GUSTO DAW NG IGLESIA NA PAHINTUIN ANG IMBESTIGASYON SA KASONG "ILLEGAL DETENTION" laban sa Sanggunian, ngunit bago pa man ang rally malinaw na ang STAND ng IGLESIA ukol dito, eto po ang ilan sa OFFICIAL STATEMENT NG IGLESIA:
“Ang pagsusulong ng reklamong inihain ni Samson ay napag-alaman naming nagawa sa ilalim ng patnubay ni Sec. Leila de Lima, sapagkat labis at di pangkaraniwan ang atensyon na iniukol niya—ano kaya ang motibo niya?–siya pa mismo ang personal na nagasikaso sa nasabing reklamo,”
WALA NAMANG PROBLEMA kung magsampa ang mga tiwalag na miyembro ng kahit ilan pang kaso sa korte, dahil matagal ng sinabi ng Iglesia na ang tamang lugar para patunayan ang mga alegasyon ay SA KORTE. Magsampa sila, hindi sila hahadalangan ng Iglesia, karapatan nila yon.
Pero yung BIGYAN NG SPECIAL ATTENTION NI SEC. DE LIMA ang kaso ng mga itiniwalag at ang katotohanang inaalagaan pa ng DOJ ang mga tiwalag na ito na gustong magkagulo ang Iglesia (na nangyayari na sa kasalukuyan dahil sa kanila), tanong, BAKIT? ANONG MOTIBO?
Pwede naman gumulong mag isa ang kaso, NGUNIT NG WALANG TULONG AT SUPORTA NI SEC. DE LIMA. Dahil yung halatang ginagawa nya ngayon ay meron na siyang PINAPABORAN, kaya nga hinaing namin MAGING PAREHAS AT WALANG BIAS.
Muli, hindi kami nag rally PARA HARANGIN ANG KASO, kaya kami nag rally para ipabatid sa DOJ NA MAGING PATAS SILA, AT KUNG MAY KASO AY PABAYAAN NA GUMULONG ANG KASO NG MAG ISA NG WALANG PANGINGIALAM, PANGHIHIMASOK AT PAGBIBIGAY NG ESPESYAL NA ATENSYON.
Isa kasi sa PLANO ng mga tiwalag dati pa ay PALITAN ANG NASA SANGGUNIAN, at para magawa nila ito ay kailangan MAIALIS SILA. Ano ang pinakahuling option para maisasakatuparan nila ito gayong tiwalag na sila at wala ng naniniwala sa kanila? EH DI IPAKULONG SILA SA KASONG NON BAILABLE.
PERFECT CASE DIBA PARA MAALIS ANG SANGGUNIAN SA IGLESIA? Hindi ba nakakapagtaka?
At yung PAGDISIPLINA AT PAGSISIYASAT NA GINAWA SA PAMILYA SAMSON na isang TUNTUNIN NA ISINASAGAWA SA IGLESIA MATAGAL NA ay ginawa nilang dahilan para masampahan ng KASONG ILLEGAL DETENTION ang SANGGUNIAN. AYOS DIBA?
Yan ang hindi alam ng maraming di kaanib, marami pa silang HINDI ALAM SA TUNAY NA NANGYAYARI sa kasalukuyan. Na ang lahat ng ito ay may motibo, hindi para sa KATOTOHANAN KUNO kundi para pabagsakin ang PAMAMAHALA NG IGLESIA.
Kaya nga ipinagsisigawan namin na ang lahat ng ito ay INTERNAL AFFAIRS na hindi DAPAT PANGHIMASUKAN AT PAKIALAMAN ni SEC. DE LIMA at ng GOBYERNO.
3. Huwag gipitin ang Iglesia para sa pansariling interes
Bakit sinasabi namin na GINIGIPIT ANG IGLESIA? na may nagaganap na BLACK MAILING? Hindi ba ito palusot lang ng Iglesia para magkaroon ng dahilan para makapag rally?
HINDI! Kami yung nagkakaisa sa pagboto, kami yung nilalapitan ng mga pulitiko pag nalalapit na ang eleksyon kaya walang ibang makakaalam kundi KAMI LAMANG kung may motibo sila o wala sa ginagawa nila.
ANO BANG MAPAPALA NILA KUNG GIGIPITIN NILA ANG IGLESIA?
Hindi bat nalalapit na ang ELEKSYON? Gusto nila SILA ANG IBOTO NAMIN, ngunit hindi kami papayag na gagamitin ang PROBLEMANG ITO SA KASALUKUYAN ng IGLESIA para mapilitan kami sa gusto nila.
Kung gusto nila iboto sila ng Iglesia, DUMAAN SILA SA TAMANG PROSESO. Magpasa sila sa DISTRITO O SA CENTRAL at maghintay ng PASYA. Hindi yung gagamitin nila ang pagkakataong ito na I-PRESSURE kami para sila IBOTO NAMIN!
Sabihan nyo kami ng MASASAKIT NA SALITA, kung yan ang makakapagpasaya sa inyo
Sige, sabihan nyo na lahat ng MASASAKIT na SALITA sa amin, na kami ay mga B*BO, T*NGA, UTO UTO, G*GO, S*RA ULO, ABNORMAL, KULTO, D*MONYO, T*RANT*DO, P*TA, lahat na....
Siraan nyo kami, saktan nyo kami, insultuhin nyo kami, lahat na ng inyong maisipan. SA IKAGAGAAN NG INYONG DAMDAMIN AT SA IKAKASIYA NINYO.
Ngunit kahit ano pang sabihin at gawin ninyo sa amin, maninindigan kami sa aming PANANAMPALATAYA, hindi po mabubuwag ang aming PAGKAKAISA. Ito lamang po ang relihiyon sa buong mundo ngayon na TUNAY ANG PAGKAKAISA.
Tandaan po natin, IF THERE IS RULE OF LAW, THERE IS ALSO LAW OF GOD.
Diyos muna bago TAO.
Ang sabi sa bibliya:
"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Kasama sa ARAL NG IGLESIA NI CRISTO ang pagsunod sa BATAS NG TAO, at kasama rin sa ARAL na higit sa ano pa man ay UNAHIN ANG IBIG NG DIYOS. Ang sabi ng bibliya ay IPAGLABAN NG PUSPUSAN ANG PANANAMPALATAYA, ito po ang ginagawa namin sa kasalukuyan.
Ang isyu dito na hindi nakikita ng iba ay hindi lang ito tungkol doon sa KASO LABAN SA SANGGUNIAN kundi ipinaglalaban din namin ang aming PANANAMPALATAYA sa panggigipit ng ilang maipluwensyang tao sa gobyerno!
PASENSYA NA PO, SANA MAPATAWAD NYO KAMI
Alam ko po ang malaking traffic na idinulot ng rally namin na ito, at alam ko ang pakiramdam ninyo na mga hindi kaanib sa Iglesia, sapagkat ako mismo ay naranasan din ito. Para po sa kaalaman nyo nagtatrabaho po ako malapit sa SHAW BLVD, katabi lang ng YNARES PASIG, kaya yung tipong maglalakad ka simula SM MEGAMALL hanggang GREENDFIELD makasakay ka lang ng jeep, alam ko po yan. Yung naisipan mong makipagsiksikan nalang sa MRT dahil alam mong matraffic sa EDSA, naranasan ko na po yan. Yung uuwi ka tapos ang layo ng lalakarin mo makasakay ka lang ng BUS, GETS KO PO KAYO DYAN.
Kaya nga po sa pag rarally namin na ito BUONG KAPAKUMBABAAN PO KAMING HUMIHINGI NG TAWAD SA INYO sa pagdudulot ng TRAFFIC at inconveniences sa mga hindi kaanib sa Iglesia ni Cristo. Kahit po kailan hindi namin IKINATUWA at IPINAGSASAYA kung may mga taong nahihirapan, kaya hindi po kami masaya kung kayo man ay aming naabala ng husto.
Alam po namin ang nararamdaman nyo dahil PARE PAREHO LANG DIN PO TAYONG PILIPINO. Ngunit sana lang po ay kahit papaano, kahit 1 porsyento lang ay maintindihan po ninyo kung bakit namin kailangang gawin ito, kung bakit kami nag rally, nag rarally kami ng may dahilan, sa mas malalim pang dahilan bukod sa nalalaman ninyo.
Kung nagawa po ninyo makapag rally ng MAKA ILANG BESES SA KASAYSAYAN NG PILIPINAS at nakapagdulot din ng inconveniences sa ibang tao at nagawa namin kayong intindihin, sana KAMI RIN PO AY MAINTINDIHAN NYO hindi man ng buong buo kundi kahit 1 porsyento lang. AT muli, sanay mapatawad po ninyo kami.
HILING SA MGA DI KAANIB NG IGLESIA NI CRISTO
Ang hiling ko lamang po sa mga hindi kaanib ng Iglesia ni Cristo ay sana po BUKSAN NATIN ANG ATING PUSO AT PALAWAKIN PA NG HUSTO ANG ATING UNAWA. Hindi naman namin kayo pipilitin na intindihin kami dahil nasa sa inyo na yon wala na kaming magagawa.
NASA MALAKING PAGSUBOK PO NGAYON ANG IGLESIA NI CRISTO. May mga taong naghihimagsik at nagpa-planong pabagsakin ang pamamahala ng Iglesia para sa kanilang pansariling interes. Kaya nang magsimula ang lahat ng ito noong July 2015, tingin ko hindi pa dito matatapos ito, dahil ang mga itiniwalag sa Iglesia ay GAGAWA AT GAGAWA PA RIN NG PARAAN para maalis ang mga nasa SANGGUNIAN, at susunod ay ang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Hindi sila titigil hanggat hindi nila nakakamit ang hangad nila.
Gusto nilang baguhin ang Iglesia ni Cristo. Pinapalitaw nila na gusto nilang I-RESTORE ang Iglesia ngunit ang totoo gusto nilang PAMAHALAAN at MAPASAKAMAY ang Iglesia.
Hindi na po bagong bagay ang pangyayaring ito dahil noon pa mang 1920's ay meron ng mga ministro ang NAG REBELDE sa Iglesia, at sa kalaunan ay nagtayo ng sari sarili nilang Iglesia. HINDI NA RIN BAGONG BAGAY ITO sa USAPING RELIHIYON, dahil karamihan sa malalaking relihiyon-- CATHOLIC CHURCHES, AT PROTESTANT CHURCHES, ay DUMAAN at DUMADAAN sa ganitong uri ng pagsubok.
MAG INTINDIHAN PO TAYO. PAG ANG ISANG TAO MAY PROBLEMA, INTINDIHIN NATIN, LAWAKAN NATIN ANG PANG UNAWA NATIN AT KUNG MAAARI AY TULUNGAN NATIN. HINDI PO YUNG MAY PROBLEMA NA NGA I-DODOWN PA NATIN SILA, UUSIGIN PANG LALO AT KAKAMUHIAN PA. HINDI PO MAKATAO ANG GANIYAN. MAGBIGAYAN. RESPETO SA ISAT ISA ANG KAILANGAN.
sana nga maintindihan nila tayo kapatid.
ReplyDeletemasakit magbasa ng kanilang mga kumento ukol sa ating ginawang pagrarally. may joke pa nga sila na kapag may maghahagis umano ng "dinuguan" dun sa shaw blvd, eh magtatakbuhan umano ang mga tao roon. meron pa nga akong nakita na para daw tayong mga robots na kung sasabihan ng ating lider na tumalon ay tatalon kahit walang paa. tinatawag din po tayo ng iba ng kulto. meron ding mga taong nagpopost ng kanila.kanilang opinion regarding sa rally na parang mga abogado. instant lawyer ang peg. kung tutuusin, mas matunog ang latang walang laman. HAHA
Pinagdaanan rin ito lahat ng mga apostol at ng mgabunang henerasyon ng unang Iglesia, tandaan natin, at tulad nila tayo rin ay magtatamo ng ganti balang araw.
DeleteHindi sila ang may ari ng sansinukob at pagdating ng araw ng tunay na Panginoon ng lahat ay mabuti nang datnang inaapi ng lubos kaysa nangaapi ng lubos.
Sana mahimasmasan ang mga nalinlang at mga manlilinlang kapag napalabas na ang Felix Manalo.
sa inyong INC, pwede ba itigil nyo pag gamit ng mga bible verses para ijustify mga pinag gagagawa ninyo.. mahiya kayos tinatawag ninyong DIYOS kung ganyan mga pinag gagagawa ninyo!!! UNA, ung sinasabi ninyo na pakikialam ni de lima sa kalakaran ninyo sa iglesia, mali ho kayo!!! nag karon ng kaso na isinampa sa institution ninyo na nakaalarma sa buong publiko kaya sila gumawa ng hakbang. hindi pakikialam sa internal affairs ng institution ninyo yon.. natural na gagawa sila ng action para sa paglilinaw ng mga kaso na naibato sa mga tao ng institution ninyo at para narin protektahan ang milyon milyon ninyong kasapi.. things has to be straighten out and kung ang pilit na nagkukubli sa mga ginagawa ninyon kalokohan eh mismong nasa taas ng pamunuan ninyo then sino sa tingin ninyo ang aaksyon para itama kayo? egal actions were taken dahil pumasok kayo o yung mga nagreklamo sa pamunuan ninyo sa legal na paraan. KAYA MAGTIGIL KAYO SA PAGSASABI NA PINAKIKIALAMAN KAYO DAHIL TINUTUGUNAN LNG NG COURT ANG REKLAMO SA INYO!! simple lang, gawin nating mas malinaw na illustration, sa loob ng PAMILYA o KAMAG ANAKAN, pag may gulo nananahimik lang, pinag uusapan, pag hindi na talaga ma settle at nagkakagirian, san cila umaabot? sa baranggay, sa korte kapag may nagreklamo diba? pakikialam ba yon ng pamahalaan sa pamilya? HINDI!! TUMUTUGON SILA SA INILALATAG SA KANILA NA PANGANGAILANGAN.. HUWAG KAYONG MAKITID ANG UTAK!!! porke KUYOG kayo kung kumilos cge lang kayo ng cge, HINDI NA KAYO NAHIYA!!! PINANGANGALANDAKAN NYO PA KLASE NG INYONG PANANAMPALATAYA!!! SINO NGAUN ANG NAKIKIALAM AT PILIT NA PINAGTATALO ANG STATE AT CHURCH HINDI BA MALINAW NA KAYO??? WAG KAYONG PROUD SA MGA SARILI NINYO DAHIL HINDI GUSTO NG DIYOS ANG PROUD NA TAO
ReplyDeletenaddie: sana nagresearch ka muna kasi sa comment mo hindi mo alam ang tunay na dahilan kung bakit nasa EDSA at DOJ ang mga kaanib sa INC..
DeleteOpinyon nyo po yan, and we respect it. Ngunit di ibig sabihin ay maniniwala na kami sa yo o susundin na namin ang gusto mo. Sana naman irespeto mo rin ang sa amin. Di ka rin namin pinipilit na maniwala sa amin. Ang mahalaga sa amin ay ipaglaban ang aming karapatan na ginagarantiyahnn ng constitusyon. Pasensiya na lang kung nadamay kayo sa ginawa namin. Kapag ang iba ang gumawa tahimik lang kami kasi iginagalang namin ang ipinaglalaban nila kahit di kami sang-ayon. Maari po ba na maging ganoon din po kayo!
ReplyDeleteKailan po kaya ipapalabas yun Felix Y. Manalo excited na po ako ..inaabangan namin yan.. Hindi ko na pinapansin pang uusig nila sanay at saw a na ako ng paulit-ulit na comment nila..
ReplyDeleteJoseph Mercadejas Local ng Pandacan ..😁😁 #ForeverINC
grabe po ang mga kampanya ngayon laban sa pamamahala at INC. lalo na mga taga ADD kesyo mas marami daw sila sa atin at kung anu anung mga chismis pinagsasabi nila. ang sarap na po patulan.
ReplyDelete