TUNAY NGANG MAY KATIWALIAN!
Ngunit...
Hindi po sa panig ng pamamahala, kundi sa PANIG NILA G. ANGEL MANALO AT G. JOY YUSON.
Ito poy idinetalye sa blog ni Ka Pristine Truth, at hayaan nyo isummarize ko po ang mga ito...
ANOMALYA SA OBANDO RADIO TRANSMITTER TOWER
Mula 1965-1995 ang radio transmitter ng DZEC at DZEM ay nasa UGONG, PASIG CITY. At nung 1995 ay tuluyan na itong inilipat sa OBANDO, BULACAN sapagkat higit na mabisa pala ang isang radio transmitter kung ito ay napapalibutan ng tubig. Kung kaya karamihan sa transmitters ng AM radio stations ay matatagpuan dito.
Location of AM Radio TransmittersObando is also a location for the transmitters of top AM radio stations with in Mega Manila. The following stations are DZXL 558, GMA Super Radyo DZBB 594, ABS-CBN DZMM Radyo Patrol 630, DWIZ 882 Todong Lakas!, INC Radio DZEM 954, DZIQ Radyo Inquirer 990, DZEC Radyo Agila 1062, DZKE Radyo Laban 1206, (soon to air) and DZME Radyo Uno 1530.source: wikipilinas.org
Ang nangasiwa pala ng proyektong ito ay ang opisina ng GEMNET kaya dawit dito si G. Joy Yuson bilang Finance at Administrative Coordinator at ang nangangasiwa naman ng GEMNET ay walang iba kundi ang magkapatid na G. Angel at Marc Manalo.
Sa kasamaang palad, nagkaroon ng ANOMALYA sa nasabing proyekto sapagkat hindi ito dumaan sa tamang proseso. Sa halip na ang mga materyales ay MABILI sa "Voice of America" sa Tarlac para sa dalawang radio transmitters na di hamak na mas mura ngunit matibay, ay ang binili ay IMPORTED MATERIALS na mas mahal ngunit mas mababa ang kalidad.
Dahil dito, nang tinatayo na ang tower, ito ay BUMAGSAK.
Anong nangyari pagkatapos?
Napilitan bilhin ang mga materyales sa VOICE OF AMERICA sa Tarlac kaya sa halip na MAKA MURA ay lalo pang NAPAMAHAL sa gastos dahil NA DOBLE ang pag purchase ng mga materyales.
Kung nasunod lang ang TAMANG PROSESO sa canvassing, bidding and so on ay HINDI SANA ITO NANGYARI.
Full article, click here
ANOMALYA SA FORT VICTORIA TOWER
Ang original owner ng property na kinatatayuan ng Fort Victoria ay ang Iglesia ni Cristo na matatagpuan sa BGC, Taguig City na maihahalintulad sa Makati na isang business district. Ang project developer nito ay ang New San Jose Builders, Inc. na sub contractor ng Philippine Arena.
Hindi na BAGO sa NSJB ang pagtatayo ng condominiums sapagkat marami na silang naitayong katulad nito:
CondominiumsVictoria Towers - Quezon CityVictoria Station - Quezon CityVictoria Station 2 - Quezon CityVictoria de Manila - ManilaVictoria de Manila 2 - ManilaVictoria de Malate - ManilaVictoria de Tomas Morato - Quezon CityFort Victoria - Taguig CityIsabelle de Valenzuela - Valenzuela City
source: wikipedia.org
Nabili ang property na ito ng Iglesia noong 1998, may license to sell noong 2009 at ang transfer of certificate title ay noong 2012. Ibinenta ito sa NSJB upang "ma-compensate" ang halaga sa pagpapatayo nito na galing sa abuloy ng mga kapatid kaya ipinasya na itoy ibenta upang MAIBALIK ang perang nagugol dito.
Wala pong anomalya sa mga transaksyon ng Iglesia at ng NSJB sapagkat itoy dumaan sa tamang proseso. Ngunit, ang tanging anomalya dito ay kung SINO ANG MGA NASA LIKOD NG PAGTATAYO NITO.
Ngayon ang tanong ko, TOTOO BANG ANG MAY PAKANA NG PAGKAKATAYO NG FORT VICTORIA AY WALANG IBA KUNDI SILA MISMONG MGA LUMALABAN SA PAMAMAHALA? KAYA BA NASA KANILA ANG LICENSE TO SELL AT IBA PANG MGA DOKUMENTO UKOL DITO?
Full article, click here
ANOMALYA SA BINABALAK SANANG PAGTATAYO NG MALAKING "COMMUNICATION NETWORK"
Bali-balita pala sa Central na may proposal ang magkapatid na G. Angel at G. Marc Manalo na pagtatayo ng MALAKING COMMUNICATION NETWORK na tatalo daw sa Globe, Smart at Sun. Isang maliwanag na ebidensya ang pagpunta nilang tatlo ni G. Joy Yuson sa Japan para makipag usap sa mga hapones kasabay ng pakikipag usap nila para sa teknolohiyang ISDBT para maging kauna unahang digital television sa Pilipinas ang GEMNET.
Nungit hindi lang pala sa Central naging bali balita ang tungkol dito kundi pati sa Metro Manila at maging sa kapulungan ng mga ministro sa buong mundo. Isa palang "COMMERCIAL COMMUNICATION NETWORK" ang gusto nilang itayo ngunit kung siraan nila ang pamamahala ngayon na NAGNENEGOSYO daw ay ganun ganun na lang samantalang SILA PALA ITONG GUSTONG MAGKA NEGOSYO ang Iglesia. Nakapag PONDO na pala sila para dito, ngunit tinutulan pala ito ni Ka Eduardo sa halip ay ang pondong iyon ay inilaan para sa pagpapatayo ng Philippine Arena.
EH KAYA NAMAN PALA SILA GALIT NA GALIT SA PAGKAKATAYO NUN!
Full article, click here
Grabe, di talaga ako makapaniwala sa mga katotohanang ito. SILANG MGA LUMALABAN NGAYON SA PAMAMAHALA na naninira ng kung ano ano AY SILA PALA ANG TUNAY NA MASASABI NATING MGA "TIWALI".
Kaya pala hindi na nakakapagtaka na NILOOB NG DIYOS na silay matiwalag ngayon, na kahit silay pamilya ng Sugo ay hindi iyon naging excuse para sila ay DISIPLINAHIN ng Tagapamahalang Pangkalahatan sa pamamagitan ng pagsunod ng maigi sa tuntunin.
HAMON KO KALA ANTONIO EBANGHELISTA, AT KELLY ONG: PATUNAYAN NYO NA WALA KAYONG KINALAMAN SA MGA ANOMALYANG IYAN NA NABANGGIT SA ARTIKULONG ITO. AANTAYIN KO ANG DETALYADONG SAGOT DITO NI ANTONIO EBANGHELISTA.
Ang KASALANAN ni Eba at Adan - - KASAKIMAN SA KAPANGYARIHAN (maging parang Diyos)
ReplyDeleteAng KASALANAN ni Cain - MATINDING INGGIT SA BIYAYA NG DIYOS NA TINAMO NG KANYANG KAPATID.
Hindi ba ganyan din ang napakalaking kasamaan na nahahayag ngayon sa mga lumalaban sa Pamamahala ng INC sa pangunguna ni Felix Nathaniel (Angel) Manalo at ng kanyang mga kasamahan?
Kaya pala ipinasiya ng Diyos sa pamamagitan na Kanyang piniling Tagapamahala ngayon sa Iglesia na itiwalag sila sa bayan ng Diyos.
NAKAKA MIS-LEAD PO ANG TITLE......
ReplyDeleteKa Bhoy Galaxtika,
DeletePasensya na po kapatid. Ngunit bilang blogger, isinaalang alang ko po sa paggawa ko ng mga post ang pagkakaroon ng "catchy" headline or title to attract people to read the post.
Nagiging disadvantage nga lang minsan dahil may ilang mga tao na humuhusga hindi sa nilalaman ng artikulo kundi dahil sa PAMAGAT lamang ng artikulo. Maraming beses na nga na may ilan din mga kapatid na nagdududa kung INC daw ako, dahil lamang sa mga pamagat na hindi obviously panig sa dapat panigan. Ngunit kung babasahin lang sana ng maigi ang nilalaman ng artikulo ay malalaman nila na walang mali dito.
Highschool days naaala ko pa yung tinuro sa English na kung gagawa daw ng essay dapat CATCHY yung pamagat. Inaapply ko lang po dito sa aking pagboblog. Sana maintindihan ng ilan at ng ilang mga kapatid.
Maraming salamat po sa inyong concern, naging daan ito upang maipaliwanag ko ang dahilan :)
baka po si Angel Manalo at AE ay iisang tao lang. . . mind blown!!
ReplyDeletesi isaias samson jr po ang ae
DeleteMaaaring si G. Angel po ang AE dahil ayon na mismo sa kanya ay makikilala sya sa pangalang ginagamit nya na Antonio ebANGELista..
DeleteMaaaring marami po ang gumagamit ng AE account or antonio ebANGELista account at maaaring si G. Angel ang utak...
DeleteTama po kayo Ka Readme, ganyan din po ang itnuro sa amin nung high school pa ako ( 1975 ) and because of Ka Boy Galaxtika, ibig sabihin umepekto yung application mo. Congratulation. Congratulation din sa 1M hits ng blog mo.
ReplyDeleteAdriano Uy,
Deletemaraming salamat po kapatid sa suporta!
Kung hindi nga lang po sana ko lumipat ng blog mas mataas pa dyan ang hits nakakapanghinayang din hehehe pero para na rin maprotektahan ang account ko sa mga kalaban kailangang gawin para maipagpatuloy ko ang paboblog.
ingat po kayo lagi at ang inyong sambahayan :)
tama nga naman..malapit na bumababa ang matandang dragon na susundo kay soriano.
ReplyDeleteCongratulation ka readme. Sumusubaybay ako sa blog mo tulad ng maraming kapatid. Very inspiring ang mga article mo. May 2 bagay lng una ano masasabi mo kay isais samson lalo ngaun nagsampa cya ng kaso sa doj at saka ano ba kinalaman sa lhat ng ito ni ka tenny. Salamat po
ReplyDeleteReny Reny,
Deletesalamat po kapatid sa suporta! :)
Ang masasabi ko kay Isaias Samson ay habang maaga pa, MAGBALIK LOOB NA SILA SA IGLESIA. Huwag nilang pilit dinudungisan ang pangalan ng Iglesia. Kailan lang naisip ko kung ako kunwari ang TP hinding hind ko na papayagan na magbalik loob sila, magtayo na lang sila ng sariling Iglesia kung gusto nila. Pero sa huli nahabag pa rin ako sa kanila dahil alam ko gagawa ang Diyos ng paraan upang pahintuin sila sa masasama nilang gnagawa, para magsisi at magbalik sa Iglesia. Huwag na silang gumawa ng mga bagay sa ikasasama ng Iglesia, tama ba yung nangyaring mga rally sa EDSA. Dahil isang beses pa hindi ko na mapapatawad ang grupo nila Isaias Samson at Joy Yuson.
Tungkol kay Gng. Tenny Manalo, wala po akong alam sa isyu na yan. Ngunit sa mga nasabi sakin at nabasa ko mukang kasama siya sa mga nagplano ng pagpapabagsak sa pamamahala ng Iglesia. Ngayon na yung magandang pagkakataon para bumalik sila ng bansa para magkausap usap at magkaayos. Pero nasan na sila? o baka Ginagamit lang din ata siya ng mga gustong pabagsakin ang Iglesia dahil sya ang asawa ng Ka Erano na minahal nating mga INC,
yun lang po maraming salamat :)
Pa epal ang fallen angels..
ReplyDeleteLagi kong SINUSUBAYBAYAN ang iyong BLOG o ang Bagong Blog na iyong ginagawa...
ReplyDeleteMarami din po akong napupulot dito na PAHAYAG ... At nagagamit sa bawat taong nagtatanong sa akin...
Salamat po at may ganitong blog at ito ay naging malaking tulong para sa akin..
Salamat po Ka readme...
Natatawa ako dun sa Yuson na yun.Sino ba yung ahas na yun?
ReplyDeleteAt dun sa nagsabing misleading ang title....Ano to,Expectation vs Reality ang gusto mo?
Ikaw na,ikaw na ang mangmang.