"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 3, 2015

Ako'y Iglesia ni Cristo!

Ang gandang pakinggan ano po?

Ang sarap ipagsigawan.

At kung maaalala nyo ay ito rin ang ating inaawit sa panahon ng pagsamba.

Kung atin lamang iintindihin at isasapuso pang lalo ang bawat salita sa awit na ito upang maramdaman nating lalo ang ating pagka IGLESIA NI CRISTO at lalong tumibay ang ating PANANAMPALATAYA ay mainam na gawin natin sa tuwing atin itong aawitin.

Pansinin ang huling bahagi ng awit.



AKOY LAGING MAGLILINGKOD
SA DIYOS AT KAY HESUS
SA HIRAP AT PAG UUSIG
AKOY MAGTITIIS


Ang mensahe po ng awit sa kabuuan...

Ang PAG ANIB po natin sa IGLESIANG ito ay dahil sa mga katotohanan na ating tinanggap, sa mga ARAL ng ating Panginoong Diyos na nakasulat sa bibliya. Hindi po tayo umanib sa ano pa mang bagay bukod dito, at higit sa lahat--UPANG MATAMO ANG KALIGTASAN. Anuman po ang mangyari sa atin at sa Iglesia, patuloy po nating SUNDIN ang mga aral ng Diyos at ni Kristo sapagkat ito ang MAKAPAGPAPABUTI sa atin. Huwag tayong bibitiw sa ating PAGKA IGLESIA NI CRISTO... tayoy kaanib sa Iglesia ni Cristo hanggang KAMATAYAN!

Tayo ay NAGLILINGKOD walang iba kundi sa ating Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Hesukristo. Kaya gaano man ang HIRAP at PAG UUSIG ang ating kaharapin, kahit gaano pa kabigat ay ating pasanin. Dahil tunay tayong mga hinirang ng Diyos--TAYOY DAPAT NA MAGTIIS.

"Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. " Mat. 24:13

Kung napansin nyo ay nabanggit sa awit ang katagang "AKOY LAGING MAGLILINGKOD".

Alam ko may naaalala din kayo. Opo, may awit din po tayo na ganyan ang pamagat, awit no. 63

Kung tayoy bibigyan ng pagkakataon na ating awitin ito, ay atin pong isapuso upang ating maintindihan ng lubusan ang mensahe ng awit na ito...



AKO AY LAGING MAGLILINGKOD
ako'y patuloy nasusunod 
sa Dios sa akin ay humirang 
HABANG BUHAY SIYANG PAGLINGKURAN

ANG MGA HIRAP AT TIISIN
Nababatid kong DARANASIN
Ngunit AKO AY MAGPAPATULOY
MAGPAPAKATATAG, DI UURONG


Sa Diyos po tayo naglilingkod, patuloy tayong sumunod sa kaniya, habang buhay natin siyang paglingkuran anuman ang mangyari. Alam natin na ating mararanasan ang mga tiisin at hirap, ngunit magkagayon man, sa halip na manghina, at manlamig, TAYO AY MAGPATULOY, MAGPAKATATAG at HUWAG NA HUWAG PO TAYONG UURONG!

Ngayon, kapatid, naiintindihan nga ba nating talaga ang ating inaawit sa ating mga pagsamba? Atin ba talagang isinasapuso at ibinubuhay ang mga ito?

Ang sagot po ay nasa sa inyo.

Alam po natin na tayo ay nasa panahon ng matinding pagsubok, hindi lang pagsubok sa Iglesia kundi pagsubok din sa ating PANANAMPALATAYA.

Kaya kapatid, sa kabila ng lahat ng HIRAP, TIISIN AT PAG UUSIG na ating nararanasan ngayon, TAYOY MAG TIIS, TAYOY MAGPATULOY, MAGPAKATATAG AT HUWAG PO TAYONG UURONG!

#Akoyiglesianicristohanggangkamatayan

No comments:

Post a Comment

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.