Yan ang maaaring iniisip ng ilan.
Alam ko po curious ang ilang sa mga nagbabasa nito kung sino ba talaga ko.
Sagutin natin ang katanungang iyan sa pamamagitan ng QUESTION AND ANSWER FORMAT.
1. Bakit "README" ang iyong pangalan?
Ako po si "README" ito po ang username ko na ginamit ko sa catholic.com forums noong aktibo pa ako doon. README kasi dati hindi ko alam kung active ba ang forum na iyon, kaya sa pag aasam na may sasagot sa akin ay ginawa kong "readme" ang aking username. Yun po ang istorya non.
Nagsimula po akong sumagot sa mga di kapananampalataya noong akoy 3rd year highschool, noong kami ay nagkaroon ng internet connection. Lahat ng sagot ko ang gamit ko ay mga artikulo ng PASUGO. Doon din nagsimula ang pagkahilig ko sa pagbabasa ng PASUGO at pangongolekta ko nito.
Nagdesisyon po akong gawin ang blog nito nung napansin ko na napakaraming blogs, websites at forums ang ginagawang daan ng mga kumakalaban sa Iglesia upang siraan ang INC. Noong panahon na yon, 2009, kakaunti lamang ang mga kapatid na nagtatanggol sa Iglesia. At upang hindi masayang ang mga sagot ko, sa halip na mamalagi ako sa mga forums ay nag blog na lamang ako.
2. Sino ka ba talaga? INC ka ba talaga?
Pasensya na po pero hindi na po mahalaga kung sino talaga ako. Ayoko pong madamay ang personal kong buhay sa aking ginagawang pagbo-blog. Kaya simula pa dati aY CONFIDENTIAL po talaga ang aking pagkatao. Ngunit maaari rin naman akong magsabi sa inyo ng kahit konti sa aking personal na impormasyon.
Ako po ay isang Pinoy, 22 years old, nakatira sa Metro Manila, isang HRM graduate. Handog po ako sa Iglesia. Nakatala po ako sa isang lokal na sakop ng Distrito ng Metro Manila East.
Ako po ngayon ay isang KADIWA, at isang maytungkulin sa pananalapi.
3. Sabi nila ministro ka, totoo ba yun?
Hindi po ako Ministro, manggagawa o nag aaral sa pagka ministro, ni hindi rin po naka attend ng klase sa CEM. Ako po ay ordinaryong kaanib lamang sa Iglesia ni Cristo.
4. Ito bang blog mo ay official? Otorisado ka ba ng Pamamahala? May pahintulot ka ba mula sa kanila?
Ni minsan po ay hindi ako nag claim na ang aking blog na ito ay OFFICIAL. Maliwanag po sa "About Me" section ng blog ko at sa homepage ng blog ko na ito ay isang UNOFFICIAL BLOG. Hindi po ako otorisado ng pamamahala at wala pong pahintulot. Sapagkat hindi naman po ako humingi at alam kong hindi ako mabibigyan sapagkat kung pag uusapan ang "karapatan" ay wala po talaga sapagkat hindi naman ako isang ministro.
Ang layunin ko po kaya ginawa ko ang blog na ito ay hindi upang maging OFFICIAL ito, hindi upang maging otorisado at mabigyan ng pahintulot ng pamamahala. Ang pananampalataya ko ang nagdikta sa akin na gawin ito, upang makatulong sa Iglesia sa kabuuan: ipagtanggol ang Iglesia, makatulong sa mga kapatid, at maipagsabi ang katotohanan sa mga tao.
Kung ako po ang tatanungin, mas maigi na pong UNOFFICIAL ang blog na ito, una, dahil hindi malabong akoy magkamali sa aking mga sinasabi, pangalawa kung itoy magiging OFFICIAL, yung paraan ko ng pagsulat ng artikulo ay maiiba sapagkat ito ay dadaan sa proseso hanggang sa mai-publish ang mga ito.
Ang paraan ko kasi ng pagsusulat at pagsagot sa mga tao ay SADYA, pati na ang paggamit ko ng mga salita. May mga kumakalaban sa Iglesia kasi na pilosopo at nambabaluktot ng mga pahayag, kaya sa pagsagot ko sa kanila ay yung tipong hindi na nila nanaisin pang sagutin ako. Ganun po iyon. Hindi po dahil sa ayaw kong magpasakop.
Yung maging "aware" lang po ang pamamahala sa blog na ito at mabigyan ng mga gabay ay magiging sapat na sa akin upang maging epektibo ang blog na ito sa mga mambabasa sa buong mundo.
At kung saka sakaling dadating ang pagkakataon na magkaroon ng bilin sa akin na itigil ko na ito, huwag po kayong mag alala, hindi po matigas ang ulo ko. Walang pag aalinlangan po akong magpapasakop. Kung isasara lang ang blog madali lang yan, at yung pag iwan kay "readme" at kay "James Montenegro" (username sa social media sites) at mamuhay bilang isang ordinaryong kaanib lang talaga ay wala pong problema sa akin.
Tama na po ang panghuhusga sa pagsasabi ng salitang "Pangahas". Ang PANGAHAS ay ang taong walang takot na gawin ang isang bagay na hindi nya karapatan ng walang limitasyon. Pwes, simula pa po noong una, ako po ay may takot at lahat ng ginagawa ko ay may limitasyon kaya hindi po akma na ihusga sa akin yan. Ngunit kung ganyan ang tingin nyo sa ginagawa ko, wala na po akong magagawa.
5. Kung miyembro ka lang, bakit ka sumisitas ng mga talata sa bibliya? Hindi ba parang nangangaral ka na niyan?
Para sa akin, ang ginagawa ko po ay hindi PREACHING, kundi SHARING. Sa mata ng iba kapag gumagamit ako ng mga talata ng bibliya ay nangangaral na, MALI PO ang ganoong pag iisip. Kapag ba tinuruan ng isang guro ang isang estudyante, at ang estudyante nyang iyon ay magtuturo sa kaniyang kaklase, ibig bang sabihin TEACHER na rin yung estudyanteng yun? Na may karapatan na rin siyang magturo?
Ako naniniwala ako na pag ikaw ay nagkaroon ng kaalaman, ibahagi mo sa iba para makinabang din sila. SHARE YOUR KNOWLEDGE, huwag mong ipagkait sa iba. Hindi mo kailangan ng lisensya o badge para magbahagi ng impormasyon sa iba. Ang mga bagay lamang na iyon ay para malaman na ikaw ay LEHITIMO, o may KARAPATAN.
Kaya sa mga kapatid, huwag po kayong mag alala. Mag alala po kayo kung akoy:
1. Nagdodoktrina ng mga di kapananampalataya
2. Nagsasariling pakahulugan sa mga talata sa bibliya
3. Humahawak ng bibliya at personal na nangangaral sa mga tao
4. Nagke-claim na akoy may karapatan, o nagke-claim na akoy ministro o manggagawa
5. Iba ang binibigay na impormasyon na taliwas sa mga aral sa Iglesia ni Cristo
Sa labas ng Iglesia ni Cristo hindi isyu kung tutuusin kung ang miyembro man ay sumitas ng bibliya o mag blog tulad ng ginagawa ko. Naiintindihan ko na maselang isyu sa atin pag pinag usapan ang salitang "KARAPATAN", kung yan din lang talo ako dyan. Ngunit kung pag uusapan ay ang pagpapalaganap ng katotohanan, KAISA po ako dyan.
Maaaring ang iniisip ng iba sa akin ay ako yung taong laging may hawak ng bibliya. Nagkakamali po kayo.
LAHAT PO NG MABABASA NYO SA BLOG KO AY RESULTA LAMANG NG AKING "RESEARCH".
Hindi po ako nagkakabisado ng mga talata sa bibliya at kung tutuusin ay hindi po talaga ako maalam sa bibliya. Ang lahat ng aking nalalaman sa ngayon ay bunga lamang ng aking pagsesearch sa internet at opo, nagbasa din ako ng bibliya at nagtake down notes ako ng mga importanteng talata na maaari kong magamit sa pagbo-blog.
6. Alam ko mahusay ka sa pagtatanggol sa Iglesia, kung marami ka ng nalalaman bat hindi ka na lang mag ministro?
Hindi ko po maitatanggi na minsan sa buhay ko ay nai konsidera ko ang pagiging ministro. Ngunit sa kalaunan, habang lalo pa akong nagkakaroon ng kaalaman ay napagtanto ko na akoy hindi karapat dapat para sa napakaselang tungkulin sa Iglesia-- ang pagpasok sa ministeryo. Kung ang pagiging ministro nga lang po sana ay umiikot lang sa pagdepensa ng ating pananampalataya, bakit hindi? Ngunit MALAWAK po ang responsibilidad ng mga ministro, siyay nagpapatibay sa pananampalataya ng mga kapatid, nangangasiwa ng mga pagsamba, nangunguna sa pagdalo sa mga aktibidad, nagpapalaganap ng aral, nagdodoktrina ng mga gustong umanib sa Iglesia at marami pang iba.
Kung nakasalalay sa doktor ang ikakaligtas ng buhay ng kaniyang pasyente, nakasalalay naman sa ministro ang ikakaligtas ng kaluluwa ng mga tao. Ngunit syempre, alam natin na ang may hawak ng lahat ng ito ay ang Diyos, sa kaniya talaga ito nakasalalay, silay mga instrumento lamang upang maligtas ang buhay at ang kaluluwa ng tao.
_______________________________________
Sa paggawa ko ng blog na ito, wala po akong hinihingi na anumang kapalit at hindi po ako naghihintay ng anumang parangal, pagkilala o kasikatan. Yung malaman ko lang na ang isang kapatid ay naliwanagan, malaman ko lang na ang isang kapatid ay naging matatag sa kaniyang pananampalataya, malaman ko lang na nakakatulong ito upang marami pang tao ang matawag sa Iglesia...
Yun na po ang pinaka AWARD para sa akin. Isang parangal na hindi matutumbasan ng kahit anu pa man...
May mga nagsasabi sa akin na bat di ko daw lagyan ng ADS ang blog na ito upang ako naman ay kumita? Sa 6 na taon ko po na pagboblog ni minsan di ko naisip na PAGKAKITAAN ang blog na ito. Dahil hindi naman kasama sa mga layunin ko sa paggawa ng blog na ito ang gawin itong isang pang kabuhayan.
At sa ibang mga kapatid, baka mapagkamalian po ninyo, ito pong blog ko ay iba sa blog ni Ka Pristine Truth na may kaparehas na titulong "THE IGLESIA NI CRISTO", isang paglilinaw lamang...
Kaya sa mga tagasubaybay ng blog na to, hanggat kaya ko, IPAGPAPATULOY KO PA PO ANG PAGGAWA NG MGA ARTIKULO, IPAGPAPATULOY KO PA PO ANG PAGTATANGGOL SA IGLESIA. Ang kailangan ko lamang po ay inyong suporta. Maraming salamat mga kapatid! :)
Ayus kapatid! Magaling ka. Akala ko nga ministro ka o kaya manggagawa. Sobrang galing mo sa isang HRM. Para kang isang manunulat.
ReplyDeletemabuhay ka "ka readme" keep up the good works. sinusubaybayan ko ang blog na ito . marami akong natututunan at nakakatulong na lalong tumatag ako sa pananampalataya. Alam kong marami pang mga kapatid ang matutulungan mo sa pagbasa ng blog na ito.Hanga ako saiyo. at your age marami ka ng alam sa mga aral ng iglesia.
ReplyDeleteKa Readme,you're the one.
ReplyDelete