"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 18, 2015

"Felix Manalo" Movie showing nationwide on Oct. 7, 2015


Teaser trailer



PRODUCTION:

Direction: Joel Lamangan
Screenplay: Bienvenido Santiago
Cinematography: Rody Lacap
Costume Design: Joel Marcelo Bilbao
Production Design: Edgar Littaua
Art Direction: Danny Red
Music: Albert Michael Idioma & Von de Guzman
Producer: Iglesia ni Cristo (Christian Era Broadcasting Service International)
Distributed by: Viva Films

Sa wakas! Mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang "Felix Manalo" na may original title na "Ang Sugo: The Last Messenger" sa October 7, 2015. May original budget po ito na P300 million, ngunit dahil nga nagkaroon ng maraming pagbabago, mula sa mga artista, director, at iba pa ay maaaring mababa pa sa kalahati ang naging gastos sa pagkakabuo nito. Binigyan ng napakalaking budget ang pelikulang ito ng Iglesia upang maging magandang pelikula ito, na hindi tinipid. Hindi man nasunod ang orihinal na plano, mula sa mga artista hanggang sa budget, naniniwala ako na dahil hindi ito minadali (planned playdate: July 2014) sa halip ay pinag aralang mabuti at hinayaan na matapos ang shooting ng walang pressure sa production team ay talaga namang naging MAGANDA ang pagkakagawa nito.

Sa teaser trailer pa lang ay marami ng pumuri maging mga di kaanib sa Iglesia, kaya kaabang abang ang pelikulang ito. Kaya inaanyayahan po namin ang lahat na panoorin ito upang magkaroon tayo ng kaalaman sa TUNAY NA KWENTO NG BUHAY ng kinikilala naming sugo ng Diyos sa mga huling araw-- ang Ka Felix Manalo. At upang malaman natin ang pinagmulan ng Iglesia. Ang pelikula pong ito ay para sa lahat, anuman ang relihiyon. 


TANONG AT SAGOT

Required ba na manood ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo?

HINDI PO. Ang panonood ng pelikula na ito ay hindi nirequired samin at hindi irerequired sapagkat wala naman pong sapilitan sa Iglesia. Hindi rin po "matitiwalag" ang mga di manonood na kaanib. Ang PAGTITIWALAG po ay nangyayari lamang kung mayroong mga nagagawang mga paglabag sa aral ng Diyos.

Naniniwala ako na kaya isinapelikula ang buhay ng Ka Felix Manalo ay hindi naman talaga para sa kapakinabangan namin, kundi ng mga taong hindi pa kaanib. Kasi kaming mga miyembro, may mga kaalaman na kami sa pangyayari sa buhay ng Ka Felix at ang pinagmulan ng Iglesia. 

Marami pang mga kababayan natin ang wala pang kaalaman tungkol sa Iglesia. Ang alam lang ng ilan ay bumuboto kami pag eleksyon, hindi kumakain ng dinuguan, wala kaming pasko, wala kaming mga fiesta at iba pa. Ngunit kung itoy maisasapelikula, atleast kahit curiosity man lang upang lalo pang magsuri ang mga di pa kaanib sa Iglesia ay isa nang malaking bagay.


Bakit ata puro hindi nyo ka miyembro ang mga artista sa pelikula nyo?

Miyembro man o hindi, wala pong isyu dito. Ang mahalaga po ay mabigyang buhay nila ang mga roles nila. Ang akala kasi ng iba samin ay GALIT KAMI SA MGA KATOLIKO, PROTESTANTE at iba pa kaya nagtataka sila na ang bumuo ng pelikula ay puro hindi ka miyembro. Una, wala po kaming galit sa mga katoliko, protestante at iba pa, maniwala man po kayo o hindi. Pangalawa, ang pagkakaiba po ng bawat isa sa atin ay ang ating sinasampalatayanan. Kung sinasabi nyo mang "galit kami" ay hindi sa mga PERSONALIDAD kundi sa mga maling doktrina. Sino ba naman tao ang natutuwa sa MALING DOKTRINA at nasisiyahan kapag nakikita ang ibang mga tao na sumusunod sa maling paniniwala?

Hindi po ito ang panahon para tukuyin kung sinong may mali o tamang pananampalataya. Ang punto lamang po na nililinaw ko ay wala po kaming GALIT sa mga di kaanib sa Iglesia sapagkat karamihan po sa mga kaibigan at sa mga araw araw naming mga nakakasalamuha ay mga katoliko at protestante.


Inaasahan nyo bang magiging blockbuster ang pelikulang ito?

WALA PO KAMING INAASAHANG ANUMAN. Kumita man ito o hindi, hindi na po iyon mahalaga. Ang mahalaga po ay NAISAPELIKULA ito at naipalabas sa mga sinehan. Para mabigyan ng pagkakataon ang mga tao na gustong magsuri sa Iglesia ni Cristo at magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa buhay ng Ka Felix Manalo. Sa totoo lang po, marami po kasing mga "tsimis at akusasyon" sa katauhan ng Ka Felix, kaya sa halip na maniwala sa mga maling impormasyon ay eto po, maaari na nating mapanood ito upang malaman ang katotohanan.


Saan mapupunta kung saka sakali ang kikitain ng pelikulang ito?

Una po sa lahat, lilinawin ko lang, hindi po ginawa ang pelikulang ito upang itoy KUMITA. Kaya nga po malaki ang budget kung mapapansin nyo, dahil maging blockbuster man o mag flop, ang importante ay NAISABUHAY ang kwento ng buhay ng Ka Felix Manalo. Kung saka sakali naman na ito ay kikita, hindi pa man naglalabas ng opisyal na pahayag ang INC, sa tingin ko laman po bilang miyembro ay ito poy gagamitin sa pagkakawanggawa namin. Maaaring sa Lingap sa Mamamayan, Felix Manalo Foundation at iba pa, upang makatulong sa ibang tao.


Sino ba si "Felix Manalo" para sa inyo?

Si Ka Felix Manalo po ay kinikilala naming isinugo ng Diyos sa mga huling araw na naging kasangkapan ng Diyos upang maitayo muli ni Kristo ang Iglesia na natalikod pagkamatay ng mga apostol. Hindi po namin siya kinikilala na FOUNDER ng Iglesia, hindi po namin siya sinasamba at hindi po namin siya kinikilalang Diyos. Hindi rin po namin kinikilala si Ka Felix na mas mataas kaysa kay Kristo. 


Sino ba ang kinikilala nyong Diyos at ano ang pagkilala nyo kay Kristo?

Ang kinikilala naming Diyos ay NAG IISA LANG, ang Diyos sa luma at bagong tipan--Ang AMA. Si Kristo po ay anak ng Diyos, ang nagtatag ng Iglesia, tagapagligtas, at tagamagitan ng tao sa Ama ngunit hindi namin siya kinikilalang Diyos kundi isang banal at espesyal na tao. 


Pag aari ba ng mga "MANALO" ang Iglesia ni Cristo?

HINDI PO. Ang nagmamay ari ng Iglesia ni Cristo ay ang ating Panginoong Diyos at ang ating Panginoong Hesukristo. Ang Ka Felix Manalo, Ka Erano Manalo at ang Ka Eduardo Manalo ay mga LEADER lamang ng Iglesia ngunit hindi nila pag aari ito. Saksi ang buong Pilipinas sa kamakailan lamang na pangyayari kung saan natiwalag ang pamilya ng Ka Erano Manalo sa pagdudulot ng pagkakabaha bahagi ng Iglesia. Kaya kung totoong PAG AARI ITO NG MGA "MANALO" ay hindi sana ito nangyari.


Kung mayroon pa po kayong iba pang mga katanungan tungkol sa Iglesia ni Cristo, pwede po kayong pumunta sa pinakamalapit na lokal ng Iglesia. At eto po baka po makatulong sa inyong pagsusuri, paki click lamang po dito.


5 comments:

  1. Noong mapanood ko ang trailer ng Felix Manalo movie ay halos pumatak ang luha ko dahil sa alam na alam ko ang mga isinulat na kasaysayan ukol sa buhay ng Ka Felix Manalo. Dahil sa may movie na para sa panahong kasalukuyan ang ukol sa biography niya, ang pakiramdam ko ay kabilang ako sa mga nabuhay sa panahon ni Ka Felix Manalo at tuwirang nasasaksihan ang mga pangyayari sa kanyang buhay. Sana ay October 7 na upang mapanood ko at ng aking buong pamilya ang pinakamahalagang movie na ito para sa akin dahil kaya ako napabilang sa tunay na Iglesia ni Cristo ay dahil sa pagsusugo ng Diyos sa kapatid na Felix Manalo.

    ReplyDelete
  2. I have a question?
    Will the movie show in the U.S. on Oct 7, 2015 and will it show in theaters in So. Cal, specifically in West Covina and Los Angeles? Thank you
    Bro. Matthew Angel
    Locale of San Gabriel Valley
    Ecclesiastical district of Southern California

    ReplyDelete
  3. Ito na po ang pagkakataon na maibahagi ng Iglesia Ni Cristo ang tunay naming damdamin sa mga taong hindi kaanib sa loob ng Iglesiang ito. Malalaman nila kung bakit ang mga kaanib ay pursigido at patuloy na nagpupumilit na maipaalam ang tunay na pananampalatayang dapat ilaan sa Panginoong Diyos, at dapat talikdan ng mga taong nalinlang ng mga paring nagtatag ng mga sariling relihiyon, at itinakwil ang tunay na aral ng Diyos na ipinangaral ng Kanyang dakilang Anak na si Cristo Jesus.

    Ang mga Iglesia Ni Cristo po ay walang galit kahit kaninong relihiyon, ito po ay tunay na pagmamalasakit sa mga taong hindi kaanib ng relihiyong ito upang sila man ay maintindihan ang tunay na paglilingkod sa ating Panginoong Diyos, at makapag alay at makapag bigay papuri sa makapangyarihang Diyos na nagbigay ng ating buhay at lakas. Hindi ang mga rebulto o imahen.

    Hindi dahil sinasabing madalas ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ang tamang pagsamba sa ating Panginoong Diyos, mga bagay na hindi dapat ginagawa sa harap Niya ay kaming mga miembro ay may galit sa mga hindi kaanib. Kami po ay totoong nagmamalasakit upang kayo man ay makasama namin sa tunay na paglilingkod sa Diyos at ito ay sa kaniyang kapurihan.

    Hindi rin po kumita ang paghahangad ng pelikulang ito, kundi upang makapag bigay liwanag sa mga hindi kaanib kung paano ang tunay na paglilingkod sa ating makapangyarihang Diyos na tunay na Siya ang dapat sambahin.

    Inaanyayahan po namin kayong manood ng pelikulang ito, sinisigurado po namin na hindi masasayang ang inyong pera't panahon kundi magiging kalusugan at kaligtasan ng inyong kaluluwa.

    ReplyDelete
  4. Hanggang kelan po ang showing?

    ReplyDelete
  5. Magaganda ang sinabi ng lahat ng mga nagkomento.. At lahat ng iyon ay para sa kapurihan ng Diyos na lumalang sa ating lahat..
    Inaanyayahan namin ang lahat upang makibahagi sa pag alam ng buhay ng Ka Felix Manalo, ang sugo ng Diyos sa mga huling araw

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.