"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 10, 2015

Bakit mahalaga ang "kredibilidad" para sa media?

Hindi ba kayo nagtataka kung bakit ganoon na lamang kung mag bida ang media na sila ay panig sa katotohanan? 

Kung nag iisa lang ang katotohanan, bakit kailangan pa nilang mag pagalingan sa pagsasabing "katotohanan" lamang ang kanilang binabalita? Na sila ang TUNAY na pinagkakatiwalaan ng mga mamamayan?

Isang halimbawa na lamang ay ang slogan ng GMA news and current affairs, alam ko kabisadong kabisado nyo ang linya nila na " Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Walang Kasinungalingan, Serbisyong Totoo Lamang".

Bakit pa kaya nila kailangan sabihin ang mga linyang ito kung ang lahat ng NAPAPAKINGGAN, NABABASA, NAPAPANOOD natin sa media ay pawang mga KATOTOHANAN LAMANG???

Sa totoo lang, mali kasi ang ating pananaw sa mga nagbabalita sa kasalukuyan. Akala natin porke napanood natin ang balita sa TV, TOTOO TALAGA. Kapag nabasa natin sa DYARYO, TOTOO TALAGA. Napakinggan natin sa RADYO, TOTOO TALAGA.

YES, MOST NEWS that we encounter everyday through MEDIA REPORTS are TRUE. But not ALL.


 Masaya ako dahil nalinawan ako at nagkaroon ng ideya kung paano magtrabaho ang media tungkol sa kanilang mga binabalita. I recommend everyone to please watch "Pinocchio" (Korean Drama).

Napalabas na po ito sa GMA7, ang istorya nito ay umiikot sa trabaho ng isang reporter. Na ang akala natin na sa lahat ng pagkakataon ay puro KATOTOHANAN ang kanilang mga ibinabalita, may mga pagkakataon pala na MERON SILANG KINIKILINGAN, MERONG PINOPROTEKTAHAN, MAY KASINUNGALINGAN, AT BAYARANG SERBISYO LAMANG.

Hindi ko po ito pinapatungkol sa GMA7 o sa kahit alinmang tv stations kundi para sa LAHAT NG TAGA MEDIA SA BUONG MUNDO.

Narealize ko, na ang isang balita ay KAYANG KAYANG manipulahin ng mga taga media. Ang POSITIVE NEWS pwede nilang gawing negative news at ang negative news ay pwede nilang gawing POSITIVE NEWS. Nasa mga reporter kasi kung papaano nila ito ibabalita, SA KANILA NANGGAGALING ang mga balita sa araw araw. Sila ang nagreresearch sa isang istorya at sila ang nag iimbestiga.

Ngunit paano kung MALI pala ang naipon na mga impormasyon ng isang reporter? At paano kung yung ibinalita nila ay MALI pala? Sila ba ay humihingi ng PAUMANHIN sa mga tao? Kailan naman nila ginawa ito? At lahat ba ay kayang gawin ito?

Lahat ba ng kanilang binabalita ay KATOTOHANAN? Lahat ba ng binabalita nila ay ang BUONG KATOTOHANAN o PARTE LANG NG KATOTOHANAN?

Mga halimbawa:

1. Isang karaniwang balita ng suicide... May isang teenager ang nagpakamatay, walang nakakaalam kung ano ang rason, kahit ang pamilya niya. Ang akala naman ng mga kaibigan niya ay dahil sa stress. 

Then, the media comes and reported it to TV, NEWSPAPERS AND RADIO STATIONS.

Pagkalipas ng ilang araw/linggo/buwan lumabas ang autopsy result, hindi pala sya nag suicide kundi may pumatay pala sa kaniya.

Tanong: May follow up report ba ang media sa LAHAT ng kanilang binabalita sa publiko? Paano kung nagkaroon ng damage sa pamilya niya ang pagkaka balita sa publiko ng nangyari sa kanilang anak o kapatid kung kaya na-trauma ang ilan sa kanila? 

2. Usapang pulitika... Isang kilala at well respected na mayor ang inakusahan ng pagnanakaw ng pondo ng kanilang lokal na pamahalaan. Maraming mga tao ang humarap sa publiko para maglabas ng mga ebidensya. Sinampahan siya ng ibat ibang kaso at di man lang naipagtanggol ang kaniyang sarili.

Then, the media comes and reported it to TV, NEWSPAPERS AND RADIO STATIONS.

Pagkalipas ng isang taon, ang isa sa mga nag akusa sa kaniya ay humarap sa publiko at nagsabi na hindi iyon totoo dahil napag utusan lang sila upang siraan si mayor dahil nalalapit na noon ang eleksyon.

Tanong: Kung wala sanang lumabas na mga akusasyon ay siya sana ang nananlo noong nakaraang eleksyon, ngunit mababawi pa ba nila ang damage na nagawa sa katauhan ng mayor? Maibabalik pa ba ang TIWALA ng mga tao kung dati ay ibinalita na siya ay isang KORUP?

3. Showbiz balita... Isang sikat na sikat na aktor, nang away at nanutok ng baril. Dumating ang manager ng aktor, inayos ang problema at binayaran na lamang ang nakaaway ng aktor para lamang manahimik.

Then, the media comes and reported it to TV, NEWSPAPERS AND RADIO STATIONS.

Ang pinalabas sa media ay yung nakaaway ng aktor ang siyang nagsimula ng gulo. At dahil nga sikat na sikat ang aktor, ayaw nilang masira ang kaniyang imahe kaya ginamit ng manager ng aktor ang kaniyang impluwensya upang mapagtakpan ang insidenteng iyon.

Tanong: Kung binayaran nga nila ang nakaaway ng aktor ngunit sumama naman ang tingin ng buong sambayanan sa kaniya dahil sa insidente... Maitutuwid ba ng media ang ginawa nilang pagtatakip sa nangyaring insidente para ma klaro ang tunay na biktima sa galit ng sambayanan at para maihatid ang buong katotohanan sa publiko?


KONKLUSYON: 

Hindi lahat ng ibinabalita sa atin ng media ay ang BUONG KATOTOHANAN. Maaaring PARTE ito ng KATOTOHANAN ngunit hindi ang BUONG KATOTOHANAN.

May mga pagkakataon na meron silang PINO-PROTEKTAHAN at PINAGTATAKPAN na isang indibidwal o isang organisasyon o institusyon para sa kanilang sariling interes.

May mga pagkakataon na meron silang PINAPANIGAN kahit pa sabihin nila na hindi. Hindi dapat ONE SIDED ang istorya, napaka importante na kunin din ang panig ng kabila at huwag agad agad magbibigay ng sariling konlusyon sa pangyayari.

May mga pagkakataon na may halong KASINUNGALINGAN ang kanilang binabalita, lalo na kung ang balita ay hango dito.

May mga pagkakataon na may mga BAYARANG reporter ay magbabalita ng lihis sa katotohanan para mapagtakpan, o maprotektahan ang isang indibidwal, organisasyon o institusyon.
 
Kaya nilang PASAMAIN ang isang mabuting tao. At kaya nilang gawing isang MABUTI ang masamang tao. Gets mo?

 _________________________________________________

Kaya kung NAG IISA LANG ANG KATOTOHANAN, ngunit nasa kamay naman ng MEDIA kung papaano ito ibabalita, naiintindihan nyo na ba kung bakit MAHALAGA ANG "KREDIBILIDAD" para sa MEDIA?

Dahil kung wala silang "KREDIBILIDAD" wala silang karapatan upang "MAGBALITA".

At kung malalaman ng mga tao na wala silang "KREDIBILIDAD", WALA NANG MAGTYATYAGANG MANIWALA AT TUMANGKILIK SA KANILA. All for one goal-- HIGH RATINGS = BIG BUSINESS.

3 comments:

  1. And this is why the only news I watch is the Onion.

    ReplyDelete
  2. THE ETHICS CODE OF JOURNALISM: FAIRNESS– ACCURACY – TRUTHFULNESS – OBJECTIVITY – IMPARTIALITY – AND PUBLIC ACCOUNTABILITY.
    It’s important for media to present Fairness NOT Indictments and stay unprejudiced and explore all sides of an issue by reporting the findings accurately with truthfulness, integrity, fairness and accountability.
    1. It is their responsibility to examine the motive and to ensure that their personal feelings and emotions don’t influence what’s reported and determine to highlight the story.
    2. Is to think carefully the language usage, the tone use to ensure that it doesn’t give inaccurate and unfair representation of the facts.
    3. Reporting is information but not manipulation and should not have a desired outcome whereby become an activist for a cause compromising the core values of journalism.
    4. Thereby providing their own report with scrupulous fairness but uninspiring the public through poor, opinionated conversation ever!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yan ang di napag-aralan ng mga Media personalities natin ngayon.

      Delete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.