"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 3, 2015

An open letter for all the bretheren around the world




Meron lamang po akong nabasa sa facebook na isang liham ng isang kapatid na si Ka Jose J. Marcel Panlilio na ngayon po ay kasalukuyang nasa America. Ang liham niyang ito ay isinalin ni Ka Edwin Dela Cruz. 

Humingi po ako ng permiso upang ipost ito sa ating blog upang mas maraming kapatid ang makabasa...


_______________________________________________________

Mga mahal kong mga kapatid sa INC, 

Kumusta po mula sa USA, kung saan ako naglalakbay. Hayaan po ninyo na bigyan ko kayo ng isang paglalagom kung ano ang nangyayari sa ating Iglesia sapagkat ang mga balita sa kasalukuyan ay sobrang nakapagpabahala sa akin at naisip ko na ilabas ito mula sa aking dibdib.


Ang mga Problema

Mula sa pansarili kong pananaw, nauunawaan ko na nagsimula ang lahat ng mga ito noong pumanaw ang ating mahal na Kapatid na Eraño anim na taon na ang nakararaan, noong ninais ng ina na ang kaniyang iba pang 2 anak ay mailagay bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan at Ministro sa Pananalapi. Samantala, ang isa sa kanila, ay nag-akala na karapat-dapat na siya ang humalili sa Tagapamahalang Pangkalahatan. Kaya, magiging dahilan talaga ito ng isang suliranin ukol sa pagpapatakbo ng mga pondo at aria-arian ng ating Iglesia at ukol sa proseso ng pagtatalaga sa puwesto ng mga ministro sa Iglesia. 

Ang lahat ng iba pang mga balita na pagbibintang at mga imbento tungkol sa paghalili na mababasa nyo ngayon mula sa mga tiwalag, mga di kaanib at sa mga mamamahayag ng balita, ay nag-uugat mula dito. 


Paghahalal

Tayo ay isang napaka maka-biblia, maka-doktrina at nakasalig-sa-Diyos na paghalili. Mula pa sa panahon ni Abraham hanggang kay Isaac, kay Jacob, hanggang sa mga Hari gaya ni Saul, kay Haring David at hanggang sa noong si Zadok na Saserdote at si Nathan na Propeta ay pinahiran si Solomon na maging Hari, at pati na ang kaniyang mga anak na humalili, ang paglalagay ng lider ay ang mataimtim sa panalangin na pagsasa-alang-alang kung saan iyon ay ganap na masusi at buong-ingat na pinag-aralan at ipinanalangin sa pamamagitan ng mga Tagapangasiwa ng mga Distrito sa buong mundo. 

Tinanong sila lahat ng Kapatid na Eraño kung sino ang maaaring may mga pag-aalinlangan o maaaring sumalungat sa iminumungkahi na ang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan noon na sumailalim sa 15 taon ng paghahanda, ang Kapatid na Eduardo, ay mapahiran, pagkatapos ng gayong taimtim na mga pananalangin, bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo. Lubos tayong sumasampalataya na ang Espirito Santo ay bumaba upang dinggin ang mga panalangin ng mga Tagapangasiwa ng mga Distrito na nagbigay-daan sa pagtatalaga kay Kapatid na Eduardo sa sandaling pumanaw na ang Kapatid na Eraño. 


Ang Kabalintunaan

Doon din sa pambuong-mundong pulong na iyon, ang dalawang mga anak, ang mga kaibigan ko na sina Kapatid na Mark & Kapatid na Angel ay dumalo na ipinapanalangin ang pagpapasyang ito. At, noong panahong iyon, hindi nila sinalungat na ang Iglesia Ni Cristo sa darating na panahon ay pangungunahan ng isang bagong Pamamahala, ang Kapatid na Eduardo. Ito ay isinagawa malayo pa ang panahon ng isang biglaang pagpanaw na maglalagay sa Iglesia doon sa isang panahon ng malaking kaguluhan. 


Mga Tsismis sa Tabi-tabi, Mga Pagnanasa, Mga Pagsasaya ng mga Taga-Labas sa Kasalukuyang mga Pangyayari (Schadenfreude)

Opo, maraming naglalabasang mga pagbibintang laban sa ating Iglesia, sa ating mga pondo mula sa ating mga abuluyan, at sa ating mga mehoras na ari-arian tungkol sa maling paggasta sa huling nabanggit. At, gaya ng dati na, laban sa ating Iglesia at sa ating mahal na Kapatid na Eduardo, may mga tao na malisyosong natutuwa sa kanilang mga sarili sa inaakala nilang mga hinagpis natin. 


Tungkol sa mga Eroplano, Pagbili ng mga Simbahan, & mga Lupa sa Ibayong Dagat

Personal kong nababatid na ang ating Pamamahala (kahit na sa panahon pa ng Kapatid na Eraño) ay nakatanggap na ng di-mabilang na mga pananakot na mga sulat sa nagdaang mga dekada, mga pagtatangkang pisikal na pamiminsala habang sila ay naglalakbay sa mga pampublikong mga sasakyan, at masasakit na mga panlilibak at mga pandidilat ng mga mata mula sa ating mga kapuwa tao bilang isang kinahinatnan ng ating mga gawaing pagpapalaganap. 

Kapag tayo ay umuupa ng mga dako o lugar, bumibili ng mga Simbahan lalong-lao na sa ibayong dagat at magtalaga ng pribadong daraanan para sa paglalakbay ng ating lider sa Iglesia, ito ay kasang-ayon ng ating mga panalangin na bulagin ang mga kumakaaway sa atin nang upang hindi nila mabatid kung ano ang ating mga ginagawa sa ating buong-kapakumbabaang pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos na nasa Kaniyang Biblia. Hindi natin dapat kailanpaman na payagan o ipakipagsapalaran na mailagay sa panganib ng biglaang kamatayan ang ating Namamahala. Gayon na nga, dahil sa paraan ng paglalakbay, sapagkat ang Iglesia Ni Cristo ay isa na ngayong pambuong-mundong organisasyon. 

Kapag ikaw ay maglalakbay sa isang mas maliit na jet kasama ang ilan lamang mga opisyal, hindi mo maisasama ang lahat ng mga tagasuri, mga abogado ng Iglesia, at accountants sa pananalapi nang upang matiyak na ang mga pagbili at pagtatalaga ng Iglesia sa ibayong dagat ay mahigpit na maipatupad sa pinakamatipid at pinakamasinop na pamamaraan hanggat maaari. Tingnan niyo na lamang kung papaano tayo nagbibilang ng ating mga abuloy sa Iglesia sa mga araw ng Huwebes at Linggo kung saan napakaraming mga Maytungkulin mula sa iba’t ibang sangay ng local ang nakamasid sa pagbibilang. Sa bandang huli, papanong masasabi ninuman na mayroong kahit isang maytungkulin na nagnanakaw sa ating iniabuloy na salapi? Kahit pa ang mga iglesia sa karamihan sa mga bansa ay hindi pinapatawan, ang Iglesia Ni Cristo ay palagiang nagbabayad ng amilyar o buwis para sa mga lupang pag-aari nito. Batid ko ang katotohanan na bawat barya, butal, isang-pera, sentimo, at ginto na ginagastos sa pagbili ng mga ari-arian dito at sa ibayong-dagat ay dumarating na may kapalit na titulo ng lupa at gusali o deposito sa bangko sa account sa ilalim ng pangalan ng Iglesia Ni Cristo, walang labis-walang kulang. 

Kapag pinagpasyahan ng ating Iglesia na ilagay ang ating napakalaking halaga ng pananalapi na buong-ingat na binilang sa nagdaang 101 mga taon doon sa mga bahagi ng kalakal (shares of stock) o iba pang mga aria-arian tangi sa salapi, iyon ay sa dahilang hindi iyon kikita ng anupaman dahil sa pagtaas-baba ng salapi (inflation) na kinakain iyon na maubos sa isang deposito sa bangko. Hinding-hindi na sana ako aanib sa ating Iglesia kung may naamoy akong alinmang katiwalian o kurapsiyon sa paraan ng pangangasiwa sa ating pananalapi. Sa halip, taglay ko ang buong paghanga sa paraan ng pagbibilang ng ating pananalapi. 


Paghihimagsik Laban Sa Pinaka-mabait na Kuya

Ibinabalik tayo nito sa pamilya ng mga Manalo. Bawat isa sa kanila ay mayroon nang taglay na mga matataas na puwesto, laong-lalo na sa Kagawaran ng Komunikasyon (Communications Department). Wala namang alinman o walang mehoras na mamanahin sapagkat ang lahat ng mga pag-aari ay nasa ilalim ng pangalan ng Iglesia. Kahit pa ang ang kanilang napaka tataas na puwesto at ang pagiging napakalapit nila sa pakinig ng kanilang nakatatandang kapatid, taglay nilang lahat iyon, at ang mga ito ay hindi kailanpaman naisapanganib na mabawasan nang ang Kapatid na Eduardo ay naging Namamahala. Sa halip, matapos nating ilibing ang Kapatid na Eraño, tinangka nilang brasuhin ang mga Ministro sa Central upang sumapi sa kanilang layunin at hindi na tumupad ng kanilang sinumpaang mga tungkulin sa maraming mga taon. 

Samantala, ang Kapatid na Eduardo ay isang mabuting kuya na naghintay at naghintay at patuloy na naghintay sa loob ng mahabang anim na mga taon para sa kaniyang mga kapatid upang magbalik sa tungkulin at sa pamamahala sa kanilang sari-sariling mga kagawaran upang tumulong sa pagpapalaganap ng mga Salita ng Diyos na nasa Biblia, ay nakatanggap pa ng napakaraming mga di-inaasahang matatalasik na pagsagot mula sa kaniyang mga kapatid, at nagdusa sa walang-tigil na pahaging na panlalait na kanilang ginawa sa Pamamahala habang sila ay nagdadalaw sa mga (lokal) ng Iglesia kapag Huwebes at Linggo. 

Ang Pag-hihimagsik Ay Hindi Na Isang Bagong Bagay Ayon Sa Kasaysayan. Tingnan natin ito sa ganitong paraan: Noong panahon ng Kapatid na Felix Manalo, ang isa sa mga isinugo upang ipangaral ang Salita ng Diyos, isang Ministro na si Teodoro Santiago ay nainggit sa kanya. Sa gayon ay kaniyang ni-recruit na hinikayat ang iba pang mga katuwang na mga ministro na sina Januario Ponce, Teofilo Ora at Benito Mansilungan at ang apat ay pumunta -- gaya ngayon, sa press (o media na mga namamahayag ng balita) -- na ilarawan ang Kapatid na Felix at ang noon ay munti pang Iglesia sa isang masamang itsura. Ang ating unang Tagapamahalang Pangkalahatan, na namumuhay sa loob ng Iglesia at halos hindi na magkandaugaga, ay hindi natakot sa kanila. Tinulungan ng Diyos ang munting Iglesia na makapanindigan at nakapagpatuloy na malagpasan kahit pa ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 

Noong panahon ng Kapatid na Eraño, isang Doctor na si Melanio Gabriel, na siyang namuno noon sa ating kilusan sa pagpalano ng pamilay (family planning) at nangangasiwa sa pagpapatibay, ay palihim na nakipag-negosasyon sa USA Population Commission Fund at nadiskubre na ibinulsa ang lahat ng mga pera. Itiniwalag siya at di nagtagal ay naibalik ng Iglesia ang mabuting relasyon sa kinauukulang kawanihan ng gobyerno ng America. 


Pag-hihimagsik Sa Biblia

Gaya ng mga lipi ng Israel, nilabanan nina Aaron at Miriam ang pamamahala ni Moises. Subalit pinaalalahanan sila ng Diyos na kay Moises lamang Siya nakikipag-usap. Gayunman, ang dalawa ay nagka ketong samantalang ang kanilang mga nahikayat na 250 mga maytungkulin sa angkan na pinangunahan ni Kore, Dathan at Abiram ay biglang nilamon ng lupa. 

Ang mga nakalipas na mga kasaysayan ng paghihimagsik na ito kung gayon ay hindi na bagong bagay. Kahit pa sa kasaysayan, ang paghihimagsik ay nasa likod ng ating mga kapatiran. 


Konklusyon

Alam niyo ba na tanging 12% lamang ng ikatlong henerasyon ang nakapananatili hanggang sa ika-apat mula sa panahon ng mga nagpasimjula ng gawain? Kung mayroong suliranin ang Kapatid na Eduardo sa kaniyang mga kapamilya sa ikatlong henerasyon, ito ay hindi na isang bagong bagay. Sino ba ang walang anumang problema sa pamilya? Samantala, bilang mga kaanib, dapat tayong manindigan na nagkakaisa upang hindi mapayagan ang pagkakataon na mabigo ang ating Iglesia na magtagumpay para sa susunod pang henerasyon. 

Ano-ano ang ating mga dapat gawin bilang mga karaniwang kapatid?

1) Kung ang mga tao, lalo na ang mga di-kaanib, ay nagbigay ng palagay o nagtanong kung ano na ba ang nangyayari sa ating Iglesia, maaari tayong sumagot sa kanila ng, “Eh, ano naman po? Pangkaraniwan lamang itong mga problema ng ikatlong henerasyon at dalangin namin na sana ay maisaayos na ito kapag pinaalalahanan na ng Diyos ang pamilya Manalo na huwag paliligaw ng landas, gaya ng ginawa Niya sa pamilya ni Moises.” Samantala, manatili tayong gumagalang sa pamilya ng Kapatid na Eduardo. Mula sa London, England, Barcelona, Spain, at Maui Island kung saan ay dinalaw ko ang mga local ng Iglesia na nakapakinig sa mga pagtitiwalag, ang inyong mga kapatid sa ibayong dagat ay tinanggap nang matahimik at mapagkumbabang pagkakaisa ang kamakailan lamang na mga pagpapasya ng ating Pamamahala.
 

2) Kung ang mga makikitid na tagapagbalita ay patuloy na magsagawa ng mga mapanghamak na pangungutya sa ating Iglesia sa pamamagitan ng pag-uulit sa mga sinasabi ng mga tao na nagagalit sa Iglesia tungkol sa walang-katotohana at walang-basehan na mga pag-aakusa, at kung magkagayon taglay ang mahinahon na walang-pagkatinag ay manalangin na lamang tayo nang lalo pang mas mataimtim nang upang bigyang katapusan na ito ng ating Ama.
 

3) Batid ng lahat ng mga kapatid na ang Kapatid na Eduardo ay buong-tiyagang naghintay at sa ngayon ay nasa lalo pang kalungkutan dahil sa mga pangkasalukuyang mga kaganapan na kumakaladkad sa kredibilidad ng ating Iglesia. Ipanalangin natin na basbasan ng Diyos ang ating Namamahala nang upang sapat na gumaan ang kaniyang puso upang maipagpatuloy ang pagpapalaganap, gaya ng itinuturo ng Bibia, na makapagpatayo pa ng mga Gusaling Sambahan ng Iglesia para sa Kaniya, na ang ulo ay ang Kaniyang Anak & ang ating Panginoong Jesu-Cristo.
 

4) Sa huli, sinabi ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa Mateo na ang tunay niyang ina at mga kapatid ay yaong mga nagsisisunod sa mga utos ng ating Amang Diyos. Ipinaalala ni Apostol Pablo sa mga taga-Corinto & sa mga Hebreo na dapat tayong magpasakop taglay ang iisang tinig, iisang pag-iisip at iisang paghatol. Kung kaya, tayong lahat ay tunay na kaisa ng ating Kapatid na EVM.

Nawa ay patuloy niyo mga kapatid na makita ang tama at mabuting daan bago magpasya ang Diyos sa Kaniyang araw ng Paghuhukom. Salamat sa inyo sa pagtanggap ninyo sa aking mababang-loob na pananaw.

Lubos na sumasainyo & Buong Pagkakatiwala,

Kapatid na Jose J. Marcel Panlilio
(Translated by Edwin D. Delacruz)



1 comment:

  1. Nice translation,can you make it Arabic para mai-post ko?

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.