"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 31, 2015

Ngayon lang ba nagsagawa ng rally ang INC sa kasaysayan?

Alam ko kakaunti lamang ang kaalaman ng mga hindi kaanib patungkol sa mga "rally" ng Iglesia ni Cristo kaya tatalakayin natin kung ano ano na bang rally ang isinagawa ng Iglesia sa kasaysayan. 

Ang isa pang tanong ng ilan ay kung talaga bang BAWAL SA AMIN ANG MAG RALLY o MAKI SAMA SA RALLY.


Bawal ba sa INC ang "rally"?

HINDI PO. Dahil kung ipinagbabawal sa amin, sana dati pa ay hindi kami nakapagsagawa ng malalaking rally. Sasasabihin ng iba, eh kaya nga di ba hindi kayo pwede umanib sa mga unyon dahil hindi kayo pwede mag rally?

ANG LABAG PO SA ARAL NG IGLESIA AY ANG PAG ANIB SA MGA UNYON, hindi rin ineencourage ang mga kapatid na makisama sa mga rally ng mga hindi kaanib lalot kung walang pasya ng pamamahala. Sobrang bihira magsagawa nito ang Iglesia sapagkat hanggat maaari ay gusto pa rin nito na igalang at sundin pa rin ang pamahalaan.

Ngayon lang ba kayo nag "rally" o nakisama sa "rally"?

HINDI PO. Kung babalikan natin ang kasaysayan matagal nang pinapakita nito ang KAISAHAN sa Iglesia. 




1965 - Protesta laban sa "Cuenco Bill"


"Once, the INC youth --aware of the importance of religious freedom -- even rallied against a legislative move that aimed to make (Catholic) religious instruction compulsory in public schools" source: Pasugo issue July-August 1979

Feb. 14, 1975 - Protesta laban sa Martial law 
human rights abuses


Feb. 14, 1975: Protest march of 50,000 Iglesia ni Cristo brethren against martial law human rights abuses." source: Pasugo issue September 2009

July 22, 1991 - 
Protesta para i-rollback ang presyo ng gasolina 
(ngunit hindi na natuloy dahil nasolusyonan agad ng administrasyon ng dating Pangulong Cory Aquino)
"...the twenty-second day of July might well be known as Erano Manalo Day, both a secular and a religious public holiday."

"We will explain to our progeny that it is a day specifically set aside for the nation to acknowledge the great gift of a nationalistic religious sect, which in the nick of time saved millions of poverty-stricken Filipinos from cruel, lingering death at the hands of the multinational oil companies in partnership with a foreign creditors-owned administration."

"We will tell future generations, moreover, that July 22, 1991 was when this nation's most Catholic leadership to date was brought to its knees by a threatened mass action of more than two million Iglesia ni Cristo members and sympathizers, thus confirming that denomination's extraordinary hold on our economic, social and political affairs."
(Rodolfo E. Dula, "Erano Manalo Day", Malaya, July 22, 1991)

 

April 2001 - Edsa III: Protesta laban sa dating 
Pangulong Gloria Macapagal Arroyo


EDSA III (pronounced EDSA Tres) was a protest sparked by the arrest in April 2001 of newly deposed President Joseph Estrada of the Philippines. The protest was held for seven days in a major highway in Metropolitan Manila, the Epifanio de los Santos Avenue or EDSA, which eventually culminated in an attempt to storm the MalacaƱang presidential palace. source: wikipedia

August 2015 - Protesta laban sa pagbibigay ng 
"undue attention" ni Sec. De Lima sa kaso ng isang itiniwalag sa Iglesia laban sa Sanggunian


“Ang pagsusulong ng reklamong inihain ni Samson ay napag-alaman naming nagawa sa ilalim ng patnubay ni Sec. Leila de Lima, sapagkat labis at di pangkaraniwan ang atensyon na iniukol niya—ano kaya ang motibo niya?–siya pa mismo ang personal na nagasikaso sa nasabing reklamo,”
“Nakarating po sa aming kaalaman na may ilan pa pong inaalagaan ang DOJ na mga inalis na sa Iglesia at mga kabilang sa nais na manggulo sa Iglesia.”
“Sa madaling sabi, ay dapat maging parehas at walang bias ang Kagawaran ng Katarungan. The least we can expect from the Department of Justice–is justice,” from INC official statement

Kung mapapansin nyo hindi ito ang PINAKA UNANG BESES na nagsagawa ng rally o nakisama sa rally ang Iglesia, at mapapansin nyo rin BIHIRANG BIHIRA po ito na gawin ng Iglesia. Hindi po kami tulad ng ibang relihiyon na kada issue sa gobyerno ay makikisaw at magpapatawag ng rally. Hindi rin po kami tulad ng iniisip nyo na mga PAPANSIN, dahil kung ganun nga kami sana ay araw araw na naming ginawa ito.

Bigyang pansin natin ang isasagawa sanang rally noong 1991 kung saan hindi na natuloy na lumabas ng kalye ang mga kaanib sa INC dahil sa noong July 21, isang araw pa bago magsimula ang rally ay nagtungo na agad sa Central Office ang mga kinatawan ng Cory Administration upang pakinggan ang hinaing ng sambahayang Pilipino na pinangungunahan ng Iglesia ni Cristo.

Kaya kung iisiping mabuti, ang mga paglabas sa kalye ng INC ay di lamang para sa kapakanan ng mga kaanib sa INC kundi para sa kapakanan ng buong bansa lalo na ng mga mahihirap, inaapi, at ginigipit ng mga nasa kapangyarihan.

At sa bandang huli, sa lahat ng ito ay isa lang ang makikita ng tao ano man ang tingin nila sa Iglesia masama man o mabuti -- ANG WALANG MAKATITIBAG NA PAGKAKAISA NG IGLESIA.

4 comments:

  1. minsan nkakasama ng loob itong ibang mga kababayan natin. kc pag sila ang gumamit at magprotesta s kalsada WALA SILANG MARIRINIG NA REKLAMO MULA SA IGLESIA NI CRISTO. pero pag tayo ang gagamit ng kalsada, punong-puno sila ng reklamo.

    Nkakasama din ng loob ang ibang network ng tv, lalo n yung isa s pnakamalaking network. MAS BINIBIGYANG DIIN ng kanilang pag-uulat ang mga pangyayari n ikakagalit ng iba s INC. Hndi nila ipinapatas ang kanilang pang-unawa s KARAPATAN DIN NATIN n maghayag ng ating saloobin. s pagbibigay lamang ng bilang ng mga nagsidalo ay nahahalata ang knilang hindi patas n pagbabalita. hndi ko narinig ang pagbabalita nila ukol s paglilinis n ginawa ng mga kapatid natin nung lisanin ang isang dako n ating gnamit. laging humhanap ng ikakasira ng INC ang knilang pagbabalita PERO pag nagkamali at npatunayan nilang MALI ANG KANILANG GINAWANG PAG-UULAT AY WALA SILANG GINAGAWANG PAGSASAAYOS.

    Kunsabagay sbi nga ng Ka EVM s pmamagitang ng biblia, BAHAGI ITO NG PAGSUBOK upng maging dalisay at karapat-dapat s Ama. SANA bago nila tayo husgahan ay ALAMIN MUNA NILANG MABUTI ANG IGLESIA NI CRISTO. dhil cgurado, MAUUNAWAAN NILA TAYO.

    SANA...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Well said, Kapatid! Ang Ama ang ating saksi. INC FROM BIRTH TO GRAVE!

      Delete
  2. Nagkakaisa lang naman sila kapag nakikisakay sa isyu.Pero yun nga lang,wala yung basbas kasi kahit yung otoridad nila iba iba din ang pananaw pagdating sa usaping ito.

    ReplyDelete
  3. Wala tayong narinig na maganda sa kanila.

    Sila naman,maraming beses nang gumagawa ng labag sa batas,walang sumisita.

    EDSA1 and 2,countless rallies against RH Bill (Law na ngayon),anti-discrimination rallies and other cheche-bureche nila.

    Free speech ang pinamamarali nila,tapos tayo,bawal?Ano yun,sila lang ang free?

    May permits ang rallies natin,sila nga,wala.Yun ang difference natin sa kanila.

    ReplyDelete

RULES ARE STRICTLY BEING IMPLEMENTED.
COMMENTS THAT VIOLATE RULES ARE DELETED.

1. Comments should be related to the topic posted
2. No flooding
3. No cursing and name calling (kultoliko, ADDict, Iglesia ni Manalo, etc)
4. No posting of any kind of advertisement/promotion
5. No debates/arguments

You can ask, suggest, answer or react to an article. Discussion or sharing of knowledge is appreciated, not to be confused with debates/arguments.