"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12
Showing posts with label Lottie. Show all posts
Showing posts with label Lottie. Show all posts

August 10, 2015

Ang tunay na kwento sa likod ng pamilya ng Ka Erano Manalo

Ano nga ba talaga ang tunay na kwento sa likod ng pamilya ng Ka Erano Manalo?

Saksi ang buong Pilipinas sa pangyayaring ito sa Iglesia kung saan ang Tagapamahalang Pangkalahatan na si Ka Eduardo Manalo ay humantong sa desisyon na pagtitiwalag sa sarili niyang mga kapatid, at sarili niyang ina-- sapagkat silay nagdulot ng pagkakabaha bahagi sa Iglesia.

Pagtataka ng maraming mga kapatid at ng mga taong pilit nakiki isyoso sa problema ng pamilya ng Ka Erdy... "Bakit???? Anong problema???"

Ano nga ba talaga ang naging problema? Ano ang ugat ng lahat ng ito?

Ang mga tanong na yan ay hindi ko po masasagot at kahit mismo ng mga ministro ngayon sa internet. Sapagkat ang makakasagot ng tanong na yan ay ang pamilya mismo ng Ka Erdy.

Ang akin lamang mailalahad po sa pagkakataong ito ay ang ilan sa mga katotohanan na aking nabasa sa theiglesianicristo.blogspot.com ni Ka Pristine Truth. Sagutin natin isa isa ang ilan sa mga tanong ng marami tungkol sa isyu na ito.