"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

August 31, 2015

Paglilinis pagkatapos ng malalaking pagtitipon, gawain ng Iglesia

Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taga media ang nagbabalita na kesyo pagkatapos ng malalaking pagtitipon ng Iglesia ay tambak tambak daw ang basurang iniwan.

FACTS:

1. Sa lahat ng malalaking pagtitipon hindi maiiwasan ang mga basurang nakakalat sa paligid

2. Sa Iglesia ni Cristo, pagkatapos ng malalaking pagtitipon namin, mapa Anniversary, Evangelical Mission o rally ay meron kaming mga naka assign agad agad na maglilinis agad agad pagkatapos ng aktibidad. Sapagkat ang mga event namin ay ORGANISADO, hindi basta nagpa event lang na wala lang, pag uwi layasan na isa isa. Kaya nga meron pa kaming SCAN na tumutulong naman sa pagpapanatili ng kaayusan ng mga aktibidad.

For you information, sa buong mundo aktibo po ang Iglesia ni Cristo sa pagsasagawa ng "CLEAN UP DRIVES" sapagkat alam namin ang kahalagahan ng kalinisan na makikita nyo rin naman sa aming mga kapilya. Meron din kaming mga isinasagawang TREE PLANTING ACTIVITIES at iba pang aktibidad para sa kapaligiran.

Dahil dito kaliwat kanan ang natatanggap na recognition ng Iglesia dahil sa mga pagkakawangga na ito...

Kaya nagtataka ako, bakit may mga taong magpapakalat na HINDI DAW KAMI NAGLILINIS kundi NAGKALAT LANG sa mga venue na aming pinagdadausan ng mga aktibidad?

Type nyo po sa google ang "Iglesia ni Cristo clean up drives" para malaman nyo ang sinasabi ko.

At ang tungkol naman po sa PAGLILINIS PAGKATAPOS NG MALALAKING PAGTITIPON NG IGLESIA, eto po ang ilan sa mga magandang halimbawa:


Feb 2012 Grand Evangelical Mission in Luneta

INC rallyists cleaned up Luneta mess

THE Manila City Hall’s department of public services (DPS) yesterday clarified that the members of the Iglesia ni Cristo (INC) who attended the Grand Evangelical Mission (GEM) at the Quirino Grandstand in Luneta did a clean-up operation right after the said event, aided by personnel from the DPS.

In an interview, DPS chief ret.Col. Carlos Baltazar said the city’s streetsweepers deployed right after the GEM were in fact surprised to find out that most of the area covered by the mission had already been cleaned up.

Baltazar also said that based on the streetsweepers’ accounts, mounds of garbage were indeed usually left behind during big gatherings but that in the case of the INC’s bible exposition that day, the area was clear of such.

According to Baltazar, the second shift of streetsweepers who gave interviews regarding tons of garbage collected in the area and the streets adjacent to it were not fully aware of the entire clean-up operations, that they missed mentioning that the INC members themselves cleaned up the area right after the huge gathering.

He also lauded the INC members for heeding the call of their minister to make sure that they leave the area as clean as it was when they arrived there.

Baltazar deployed some 100 clean-up personnel to aid the INC teams assigned to clear the said venue of any trash, including the streets adjacent to the Quirino Grandstand.

Former traffic bureau chief Col. Rizaldy Yap, who was also in the said affair on invitation, said that indeed, he saw with his own two eyes how the INC members themselves helped clean up the whole area.

“May mga naka-assign na magligpit ng mga silya, meron ding mga naka-assign na mamulot ng basura,” he said.

source: journal.com


August 2015 rally sa Edsa at DOJ





Hindi po namin ugali ang magkalat lalo na, ang mag iwan ng kalat sa daan o sa alinmang pagtitipon. Dahil sa Iglesia mayroon pong DISIPLINA at PAGKAKAISA.

Ngayon lang ba nagsagawa ng rally ang INC sa kasaysayan?

Alam ko kakaunti lamang ang kaalaman ng mga hindi kaanib patungkol sa mga "rally" ng Iglesia ni Cristo kaya tatalakayin natin kung ano ano na bang rally ang isinagawa ng Iglesia sa kasaysayan. 

Ang isa pang tanong ng ilan ay kung talaga bang BAWAL SA AMIN ANG MAG RALLY o MAKI SAMA SA RALLY.


Bawal ba sa INC ang "rally"?

HINDI PO. Dahil kung ipinagbabawal sa amin, sana dati pa ay hindi kami nakapagsagawa ng malalaking rally. Sasasabihin ng iba, eh kaya nga di ba hindi kayo pwede umanib sa mga unyon dahil hindi kayo pwede mag rally?

ANG LABAG PO SA ARAL NG IGLESIA AY ANG PAG ANIB SA MGA UNYON, hindi rin ineencourage ang mga kapatid na makisama sa mga rally ng mga hindi kaanib lalot kung walang pasya ng pamamahala. Sobrang bihira magsagawa nito ang Iglesia sapagkat hanggat maaari ay gusto pa rin nito na igalang at sundin pa rin ang pamahalaan.

August 30, 2015

"Papansin ba ang INC, bakit may rally?"

Ilang araw din ang naging rally na isinagawa ng Iglesia ni Cristo upang ilabas ang hinaing na ito sa ating gobyerno, partikular na kay Sec. Leila De Lima. Ang sigaw naming mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ay malinaw:

1. Ipagtanggol ang Separation of Church and State
2. Huwag pakialaman o panghimasukan ni Sec. De Lima ang internal affairs ng Iglesia
3. Huwag gipitin ang Iglesia para sa pansariling interes

At habang may rally kaming isinasagawa sa EDSA-SHAW, hindi maiiwasan ang hinaing naman ng mga hindi miyembro ng Iglesia na naapektuhan ng aming sinagawang aktibidad. Ang sigaw naman nilang lahat:

1. Mag rally kayo pero huwag nyo kaming abalahin
2. Igalang ninyo ang batas, ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho
3. PAPANSIN ANG IGLESIA NI CRISTO

August 24, 2015

Tunay ngang may katiwalian!

Opo! Tama kayo ng pagkakabasa sa pamagat ng artikulong ito.

TUNAY NGANG MAY KATIWALIAN!

Ngunit...

Hindi po sa panig ng pamamahala, kundi sa PANIG NILA G. ANGEL MANALO AT G. JOY YUSON.

Ito poy idinetalye sa blog ni Ka Pristine Truth, at hayaan nyo isummarize ko po ang mga ito...


ANOMALYA SA OBANDO RADIO TRANSMITTER TOWER

Mula 1965-1995 ang radio transmitter ng DZEC at DZEM ay nasa UGONG, PASIG CITY. At nung 1995 ay tuluyan na itong inilipat sa OBANDO, BULACAN sapagkat higit na mabisa pala ang isang radio transmitter kung ito ay napapalibutan ng tubig. Kung kaya karamihan sa transmitters ng AM radio stations ay matatagpuan dito.



Location of AM Radio Transmitters

Obando is also a location for the transmitters of top AM radio stations with in Mega Manila. The following stations are DZXL 558, GMA Super Radyo DZBB 594, ABS-CBN DZMM Radyo Patrol 630, DWIZ 882 Todong Lakas!, INC Radio DZEM 954, DZIQ Radyo Inquirer 990, DZEC Radyo Agila 1062, DZKE Radyo Laban 1206, (soon to air) and DZME Radyo Uno 1530.



Ang nangasiwa pala ng proyektong ito ay ang opisina ng GEMNET kaya dawit dito si G. Joy Yuson bilang Finance at Administrative Coordinator at ang nangangasiwa naman ng GEMNET ay walang iba kundi ang magkapatid na G. Angel at Marc Manalo.

Sa kasamaang palad, nagkaroon ng ANOMALYA sa nasabing proyekto sapagkat hindi ito dumaan sa tamang proseso. Sa halip na ang mga materyales ay MABILI sa "Voice of America" sa Tarlac para sa dalawang radio transmitters na di hamak na mas mura ngunit matibay, ay ang binili ay IMPORTED MATERIALS na mas mahal ngunit mas mababa ang kalidad.

Dahil dito, nang tinatayo na ang tower, ito ay BUMAGSAK.

Anong nangyari pagkatapos?

Napilitan bilhin ang mga materyales sa VOICE OF AMERICA sa Tarlac kaya sa halip na MAKA MURA ay lalo pang NAPAMAHAL sa gastos dahil NA DOBLE ang pag purchase ng mga materyales.

Kung nasunod lang ang TAMANG PROSESO sa canvassing, bidding and so on ay HINDI SANA ITO NANGYARI.

Full article, click here


ANOMALYA SA FORT VICTORIA TOWER

Ang original owner ng property na kinatatayuan ng Fort Victoria ay ang Iglesia ni Cristo na matatagpuan sa BGC, Taguig City na maihahalintulad sa Makati na isang business district. Ang project developer nito ay ang New San Jose Builders, Inc. na sub contractor ng Philippine Arena.

Hindi na BAGO sa NSJB ang pagtatayo ng condominiums sapagkat marami na silang naitayong katulad nito:



Condominiums

    Victoria Towers - Quezon City
    Victoria Station - Quezon City
    Victoria Station 2 - Quezon City
    Victoria de Manila - Manila
    Victoria de Manila 2 - Manila
    Victoria de Malate - Manila
    Victoria de Tomas Morato - Quezon City
    Fort Victoria - Taguig City
    Isabelle de Valenzuela - Valenzuela City
source: wikipedia.org 

Nabili ang property na ito ng Iglesia noong 1998, may license to sell noong 2009 at ang transfer of certificate title ay noong 2012. Ibinenta ito sa NSJB  upang "ma-compensate" ang halaga sa pagpapatayo nito na galing sa abuloy ng mga kapatid kaya ipinasya na itoy ibenta upang MAIBALIK ang perang nagugol dito.

Wala pong anomalya sa mga transaksyon ng Iglesia at ng NSJB sapagkat itoy dumaan sa tamang proseso. Ngunit, ang tanging anomalya dito ay kung SINO ANG MGA NASA LIKOD NG PAGTATAYO NITO.

Ngayon ang tanong ko, TOTOO BANG ANG MAY PAKANA NG PAGKAKATAYO NG FORT VICTORIA AY WALANG IBA KUNDI SILA MISMONG MGA LUMALABAN SA PAMAMAHALA? KAYA BA NASA KANILA ANG LICENSE TO SELL AT IBA PANG MGA DOKUMENTO UKOL DITO? 

Full article, click here


ANOMALYA SA BINABALAK SANANG PAGTATAYO NG MALAKING "COMMUNICATION NETWORK"

Bali-balita pala sa Central na may proposal ang magkapatid na G. Angel at G. Marc Manalo na pagtatayo ng MALAKING COMMUNICATION NETWORK na tatalo daw sa Globe, Smart at Sun. Isang maliwanag na ebidensya ang pagpunta nilang tatlo ni G. Joy Yuson sa Japan para makipag usap sa mga hapones kasabay ng pakikipag usap nila para sa teknolohiyang ISDBT para maging kauna unahang digital television sa Pilipinas ang GEMNET.

Nungit hindi lang pala sa Central naging bali balita ang tungkol dito kundi pati sa Metro Manila at maging sa kapulungan ng mga ministro sa buong mundo. Isa palang "COMMERCIAL COMMUNICATION NETWORK" ang gusto nilang itayo ngunit kung siraan nila ang pamamahala ngayon na NAGNENEGOSYO daw ay ganun ganun na lang samantalang SILA PALA ITONG GUSTONG MAGKA NEGOSYO ang Iglesia. Nakapag PONDO na pala sila para dito, ngunit tinutulan pala ito ni Ka Eduardo sa halip ay ang pondong iyon ay inilaan para sa pagpapatayo ng Philippine Arena.

EH KAYA NAMAN PALA SILA GALIT NA GALIT SA PAGKAKATAYO NUN!

Full article, click here


Grabe, di talaga ako makapaniwala sa mga katotohanang ito. SILANG MGA LUMALABAN NGAYON SA PAMAMAHALA na naninira ng kung ano ano AY SILA PALA ANG TUNAY NA MASASABI NATING MGA "TIWALI".

Kaya pala hindi na nakakapagtaka na NILOOB NG DIYOS na silay matiwalag ngayon, na kahit silay pamilya ng Sugo ay hindi iyon naging excuse para sila ay DISIPLINAHIN ng Tagapamahalang Pangkalahatan sa pamamagitan ng pagsunod ng maigi sa tuntunin.

HAMON KO KALA ANTONIO EBANGHELISTA, AT KELLY ONG: PATUNAYAN NYO NA WALA KAYONG KINALAMAN SA MGA ANOMALYANG IYAN NA NABANGGIT SA ARTIKULONG ITO. AANTAYIN KO ANG DETALYADONG SAGOT DITO NI ANTONIO EBANGHELISTA.

Asan na ang "mas malaking convention center" na itatayo sa Manila, Eli Soriano?

Napakalakas ng loob nyo mag conclude G. Soriano na talagang MAY KATIWALIAN sa Iglesia ni Cristo at sabi mo pa matagal na itong nangyayari at ngayon lang lumabas.

Ngayon ang tanong ko G. Eli Soriano, ASAN NA YUNG PLANO NYONG PAGPAPATAYO NG MAS MALAKING CONVENTION CENTER with 100,000 seating capacity dito sa Metro Manila?

Nabasa ko kasi sa blog nyo nagpapa-concert concert kayo para magkaroon ng funds para dito.









3 years na ang nakalipas, ASAN NA? ANO NG BALITA?

SAKA BAKIT KAILANGAN NYO NG "FUNDRAISING EVENTS" PARA LANG MAKAPAGTAYO KAYO NG CONVENTION CENTER NA PINAGSASAMBAHAN NYO NA GINAGAWA RING LUGAR PARA MAKAPAGNEGOSYO? (Kainan, tindahan at iba pa)

SAN NA NAPUNTA YUNG PONDO NG MGA NAKARAAN NYONG CONCERT?

ILANG CONCERT PA BA ANG KAILANGAN PARA MAKAPAGPATAYO NUN?

HINDI PA BA SAPAT ANG MARAMING ABULUYAN NG MGA MIYEMBRO NYO KAYA KELANGAN PA NG MGA PA CONCERT CONCERT?

HINDI BA UMUBRA ANG PAGMAMAKAAWA AT PAGTATAKDA SA BAWAT MIYEMBRO NG IAABULOY?

BALITA KO, AYON SA BLOG NYO NAKAPAG RAISE KAYO NG FUNDS NA HIGIT 6 MILLION PESOS PARA SA 1 GABING CONCERT LANG. INYONG DINONATE DATI SA SAF44 FAMILY VICTIMS. TAPOS KELAN LANG NAGPA CONCERT ULI KAYO, NA INYONG DINONATE SA PNP AT AFP. NAKA KOLEKTA NA NAMAN KAYO NG 6 MILLION PESOS. WOW. ITS A NICE THING TO KNOW NA MILYON PALA ANG KINIKITA NG PA CONCERT CONCERT NYO.

TANONG KO NGAYON: SAAN NGA BA TALAGA ANG MAY KATIWALIAN AT ANG MAY KASAYSAYAN NG KATIWALIAN???




KUNG GUSTO NYONG PATUNAYAN NA NAGUGOL NG MAAYOS ANG PONDO PARA SA CONVENTION CENTER NYO, MAGLITAW NAMAN KAYO NG DEVELOPMENTS. KUNG WALA, NAKU ALAM NA NINYO MGA KABABAYAN!

KUNG IKUKUMPARA KASI SAMIN SA IGLESIA NI CRISTO, ANG LAHAT NG AMING MGA GINUGUGOL SA PAGTULONG SA MAHIHIRAP PATI NA ANG MGA PAGTATAYO NG AMING MGA KAPILYA AT IBA PANG IMPRASTRAKTURA AY GALING LAMANG SA BUKAL NA PUSO NAMING PAGHAHANDOG. DI NAMIN KAILANGAN NG PA CONCERT CONCERT NA YAN. KAYA NAKAKAPAGTAKA NA MAY ABULUYAN NA KAYO, MAY PA CONCERT PA KAYO EH NGA NGA PA RIN ANG PROYEKTO NYO, NASAN NA ANG PERA?




ETO PA SAGUTIN NIYO...

G. Eli Soriano, diba sabi nyo kayo ay DUKHANG PANTAS, tanong ko, SAAN GALING YUNG PERANG PINAMBILI NYO NG INYONG MANSYON SA SANTA CATARINA ISLAND SA BRAZIL?

Ayon sa Brazilian news, nagkakahalaga ang mansyon nya ng R$ 2.5 million. At ng kinonvert ko ito sa peso, ang lumabas ay P33,315,861.11

YAMAN NYO PALA EH, KALA KO BA DUKHA? SAN GALING YUNG P33 MILLION PESOS?

HUWAG MO SABIHING SA ABULOY NG MGA MIYEMBRO NYO NA KARAMIHAN AY MAHIHIRAP DIN NAMAN?

NAAAWA AKO SA MGA MIYEMBRO NG IGLESIA NI G. SORIANO. SANA BALANG ARAW AY MAMULAT KAYO SA "TUNAY" NA KATOTOHANAN...


SAAN KAYA ANG TOTOONG MAY KORUPSYON? 
SINO NGA BA TALAGA ANG TUNAY NA TIWALI?

August 23, 2015

On Janice de Belen's being no longer an INC member

Gusto ko lang po malaman ng lahat ng tao ang tungkol kay Janice de Belen at sa iba pang artista na miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Nalaman ko lang ang balitang ito dahil pinost ito sa blog ng isang pari na sikat sa pagsisinungaling at pagiging bastos sa kaniyang blog-- Si Mr. Abe Arganiosa. Ni-repost nila sa kaniyang blog ang balita na si Janice De Belen ay hindi na miyembro ng Iglesia ni Cristo.

Ang reaksyon ko naman: SO WHAAAT?

Akala kasi nila BIG DEAL yung ganung bagay, na malaking kasiraan na samin at sa pananampalataya naming mga miyembro ng Iglesia ni Cristo. Sorry pero hindi po kami sumasampalataya sa INC dahil sa mga "artistang kaanib sa INC" o sa kahit ano pa mang bagay, kundi dahil sa katotohanang ito ang TUNAY NA IGLESIA na dapat aniban ng mga tao.

Kaya kung mapapansin nyo, hindi ako nagblog kailanman ng tungkol sa mga artista na naging kaanib sa Iglesia o kaya nagbibigay ako ng listahan ng mga artistang kaanib sa INC. Isang simpleng dahilan.

SILAY MGA ORDINARYONG KAANIB LANG DIN PO SA IGLESIA TULAD NAMIN.

August 19, 2015

Sumasakay na naman si Eli Soriano sa isyu para sumikat

 Alam nyo bang ginagawa na naman ni G. Soriano ang taktika niya para sumikat? 

Ano po iyon?

Ang maging isang parasite.

Ano ba ang isang parasite?


"Organism obtaining nourishment from or living one another organism (the 'host') for survival and usually harming it and causing disease." source: businessdictionary.com

Hindi bat noon pang 1980's ay nagsimula na ng kampanya ng paninira si G. Soriano sa Iglesia ni Cristo? 

FOR FAME. FOR SURVIVAL. Opo, para mapansin ang itinayo nyang Iglesia at lalo pang dumami ang mga malilinlang nya. At dahil nga sa ginagawa nyang itong pagsakay sa kasikatan ng Iglesia bilang isang matagumpay at nirerespetong relihiyon ay gumawa siya ng mga bagay upang madungisan ang pangalan ng Iglesia at upang siraan ang mga lider, mga ministro at mga myembro nito.

Thoughts on those opposing the church administration

This article came from Ka Eugenio Balceda




Those opposing the church administration claim that their objective in using social media is to inform the Executive Minister, Bro. Eduardo V. Manalo of the alleged “corrupt practices” of the Sanggunian because he is being blindsided by his trusted Sanggunian Ministers from seeing the “true state of the brethren and the Church.”

OK, FINE! IT IS WELL CRAFTED AND SAID!

However, social media is not the proper venue for saying our grievances or complaints to any member in the church.  Our Lord Jesus Christ told us what to do if any controversy arises within the brethren.


"If your brother sins against you, go to him and show him his fault. But do it privately, just between yourselves. If he listens to you, you have won your brother back.  But if he will not listen to you, take one or two other persons with you, so that 'every accusation may be upheld by the testimony of two or more witnesses,' as the scripture says.  And if he will not listen to them, then tell the whole thing to the church. Finally, if he will not listen to the church, treat him as though he were a pagan or a tax collector. Matthew 18:15-17 TEV


Disputes between any members if any should not be settled by anyone who has no standing in the church.  The apostles condemned those brethren who brought their disputes if there is any in front of unbelievers.

August 18, 2015

Ang "Felix Manalo" Movie at sila Antonio Ebanghelista


Curious lang ako, ano kaya ang reaksyon at ang magiging aksyon ng grupo ni Antonio Ebanghelista sa paglabas ng pelikula patungkol sa Ka Felix Manalo?

Ang magiging aksyon kasi nila ang isang magiging napakatibay na ebidensya kung ANO BA TALAGA ANG GRUPO NI ANTONIO EBANGHELISTA.

Anong ibig kong sabihin?

Kung babalikan natin ang mga sinasabi ng grupo nila, sabi nila HINDI DAW SILA LABAN SA IGLESIA, SA PAMAMAHALA, SA SUGO, SA KA ERANO, AT LALO NA SA TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Ginagawa lang daw nila ito para "malinis" ang Iglesia. Kaya kahit silay tiwalag na naniniwala pa rin daw sila na ito ang tunay na Iglesia at ang nagtuturo ng tunay na mga aral ng Diyos.

Kung sasakyan natin ang sinasabi nilang ito...

Naisip ko...

A. Kung hindi nila ipo-promote ang pelikulang ito, sa halip ay ginawan pa ng masasamang kwento, isa lang ang ibig sabihin nyan. WALANG PAGDUDUDA, SILAY TUNAY NA KALABAN NG SUGO AT NG DIYOS.

Ang pelikulang ito ay WALANG KONEKSYON sa mga nangyari kamakailan lang na pagkakatiwalag ng pamilya ng Ka Erano, mga pagkakatiwalag ng mga ministro at mga kapatid, mga paglaban sa pamamahala, kidnapping, katiwalian and so on...

Ang PELIKULANG ITO ay tungkol sa buhay ng kinikilala nating SUGO NG DIYOS, bilang mga TUNAY NA IGLESIA NI CRISTO, ang Kapatid na Felix Manalo.

Kaya mga instrumento lamang ng Diyablo ang gagawa ng mga paninira sa pelikulang ito.


B. Kung i-ignore lang nila ang pelikulang ito na para bang WALA LANG, isa na naman ang ibig sabihin nyan. WALANG PAGDUDUDA, WALA NA TALAGA SA PUSO NILA ANG PAGIGING IGLESIA NI CRISTO AT HINDI NA NILA KINIKILALA NA SUGO SI KAPATID NA FELIX MANALO.

Kung kaya, ang lahat ng ginagawa nila ngayon na kesyo para daw maiayos ang Iglesia at maibalik ito sa dati ay isa lamang MALAKING KASINUNGALINGAN sa likod ng kanilang tunay na mga plano.

Ngayon, ano kaya ang gagawin ng grupo ni Antonio Ebanghelista???

A. Hindi ipo-promote ang pelikula, gagawa pa ng masasamang kwento, at akusasyon 
B. Ignore lang, kunwari walang pelikulang ipapalabas ang Iglesia
C. Makikiisa sila sa pagpo-promote ng pelikulang ito para patunayan sa lahat na "naniniwala pa rin sila na TUNAY ANG IGLESIA NI CRISTO NA IPINANGARAL NI KA FELIX MANALO at kinikilala pa rin nila ang kahalalan ni KA FELIX MANALO" kahit pa sila’y MGA TIWALAG NA O HINDI NA KAANIB SA TUNAY NA IGLESIA.



Magmasid nalang tayo mga kapatid! :)

"Felix Manalo" Movie showing nationwide on Oct. 7, 2015


Teaser trailer



PRODUCTION:

Direction: Joel Lamangan
Screenplay: Bienvenido Santiago
Cinematography: Rody Lacap
Costume Design: Joel Marcelo Bilbao
Production Design: Edgar Littaua
Art Direction: Danny Red
Music: Albert Michael Idioma & Von de Guzman
Producer: Iglesia ni Cristo (Christian Era Broadcasting Service International)
Distributed by: Viva Films

Sa wakas! Mapapanood na sa mga sinehan ang pelikulang "Felix Manalo" na may original title na "Ang Sugo: The Last Messenger" sa October 7, 2015. May original budget po ito na P300 million, ngunit dahil nga nagkaroon ng maraming pagbabago, mula sa mga artista, director, at iba pa ay maaaring mababa pa sa kalahati ang naging gastos sa pagkakabuo nito. Binigyan ng napakalaking budget ang pelikulang ito ng Iglesia upang maging magandang pelikula ito, na hindi tinipid. Hindi man nasunod ang orihinal na plano, mula sa mga artista hanggang sa budget, naniniwala ako na dahil hindi ito minadali (planned playdate: July 2014) sa halip ay pinag aralang mabuti at hinayaan na matapos ang shooting ng walang pressure sa production team ay talaga namang naging MAGANDA ang pagkakagawa nito.

Sa teaser trailer pa lang ay marami ng pumuri maging mga di kaanib sa Iglesia, kaya kaabang abang ang pelikulang ito. Kaya inaanyayahan po namin ang lahat na panoorin ito upang magkaroon tayo ng kaalaman sa TUNAY NA KWENTO NG BUHAY ng kinikilala naming sugo ng Diyos sa mga huling araw-- ang Ka Felix Manalo. At upang malaman natin ang pinagmulan ng Iglesia. Ang pelikula pong ito ay para sa lahat, anuman ang relihiyon. 


TANONG AT SAGOT

Required ba na manood ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo?

HINDI PO. Ang panonood ng pelikula na ito ay hindi nirequired samin at hindi irerequired sapagkat wala naman pong sapilitan sa Iglesia. Hindi rin po "matitiwalag" ang mga di manonood na kaanib. Ang PAGTITIWALAG po ay nangyayari lamang kung mayroong mga nagagawang mga paglabag sa aral ng Diyos.

Naniniwala ako na kaya isinapelikula ang buhay ng Ka Felix Manalo ay hindi naman talaga para sa kapakinabangan namin, kundi ng mga taong hindi pa kaanib. Kasi kaming mga miyembro, may mga kaalaman na kami sa pangyayari sa buhay ng Ka Felix at ang pinagmulan ng Iglesia. 

Marami pang mga kababayan natin ang wala pang kaalaman tungkol sa Iglesia. Ang alam lang ng ilan ay bumuboto kami pag eleksyon, hindi kumakain ng dinuguan, wala kaming pasko, wala kaming mga fiesta at iba pa. Ngunit kung itoy maisasapelikula, atleast kahit curiosity man lang upang lalo pang magsuri ang mga di pa kaanib sa Iglesia ay isa nang malaking bagay.


Bakit ata puro hindi nyo ka miyembro ang mga artista sa pelikula nyo?

Miyembro man o hindi, wala pong isyu dito. Ang mahalaga po ay mabigyang buhay nila ang mga roles nila. Ang akala kasi ng iba samin ay GALIT KAMI SA MGA KATOLIKO, PROTESTANTE at iba pa kaya nagtataka sila na ang bumuo ng pelikula ay puro hindi ka miyembro. Una, wala po kaming galit sa mga katoliko, protestante at iba pa, maniwala man po kayo o hindi. Pangalawa, ang pagkakaiba po ng bawat isa sa atin ay ang ating sinasampalatayanan. Kung sinasabi nyo mang "galit kami" ay hindi sa mga PERSONALIDAD kundi sa mga maling doktrina. Sino ba naman tao ang natutuwa sa MALING DOKTRINA at nasisiyahan kapag nakikita ang ibang mga tao na sumusunod sa maling paniniwala?

Hindi po ito ang panahon para tukuyin kung sinong may mali o tamang pananampalataya. Ang punto lamang po na nililinaw ko ay wala po kaming GALIT sa mga di kaanib sa Iglesia sapagkat karamihan po sa mga kaibigan at sa mga araw araw naming mga nakakasalamuha ay mga katoliko at protestante.


Inaasahan nyo bang magiging blockbuster ang pelikulang ito?

WALA PO KAMING INAASAHANG ANUMAN. Kumita man ito o hindi, hindi na po iyon mahalaga. Ang mahalaga po ay NAISAPELIKULA ito at naipalabas sa mga sinehan. Para mabigyan ng pagkakataon ang mga tao na gustong magsuri sa Iglesia ni Cristo at magkaroon ng tamang kaalaman tungkol sa buhay ng Ka Felix Manalo. Sa totoo lang po, marami po kasing mga "tsimis at akusasyon" sa katauhan ng Ka Felix, kaya sa halip na maniwala sa mga maling impormasyon ay eto po, maaari na nating mapanood ito upang malaman ang katotohanan.


Saan mapupunta kung saka sakali ang kikitain ng pelikulang ito?

Una po sa lahat, lilinawin ko lang, hindi po ginawa ang pelikulang ito upang itoy KUMITA. Kaya nga po malaki ang budget kung mapapansin nyo, dahil maging blockbuster man o mag flop, ang importante ay NAISABUHAY ang kwento ng buhay ng Ka Felix Manalo. Kung saka sakali naman na ito ay kikita, hindi pa man naglalabas ng opisyal na pahayag ang INC, sa tingin ko laman po bilang miyembro ay ito poy gagamitin sa pagkakawanggawa namin. Maaaring sa Lingap sa Mamamayan, Felix Manalo Foundation at iba pa, upang makatulong sa ibang tao.


Sino ba si "Felix Manalo" para sa inyo?

Si Ka Felix Manalo po ay kinikilala naming isinugo ng Diyos sa mga huling araw na naging kasangkapan ng Diyos upang maitayo muli ni Kristo ang Iglesia na natalikod pagkamatay ng mga apostol. Hindi po namin siya kinikilala na FOUNDER ng Iglesia, hindi po namin siya sinasamba at hindi po namin siya kinikilalang Diyos. Hindi rin po namin kinikilala si Ka Felix na mas mataas kaysa kay Kristo. 


Sino ba ang kinikilala nyong Diyos at ano ang pagkilala nyo kay Kristo?

Ang kinikilala naming Diyos ay NAG IISA LANG, ang Diyos sa luma at bagong tipan--Ang AMA. Si Kristo po ay anak ng Diyos, ang nagtatag ng Iglesia, tagapagligtas, at tagamagitan ng tao sa Ama ngunit hindi namin siya kinikilalang Diyos kundi isang banal at espesyal na tao. 


Pag aari ba ng mga "MANALO" ang Iglesia ni Cristo?

HINDI PO. Ang nagmamay ari ng Iglesia ni Cristo ay ang ating Panginoong Diyos at ang ating Panginoong Hesukristo. Ang Ka Felix Manalo, Ka Erano Manalo at ang Ka Eduardo Manalo ay mga LEADER lamang ng Iglesia ngunit hindi nila pag aari ito. Saksi ang buong Pilipinas sa kamakailan lamang na pangyayari kung saan natiwalag ang pamilya ng Ka Erano Manalo sa pagdudulot ng pagkakabaha bahagi ng Iglesia. Kaya kung totoong PAG AARI ITO NG MGA "MANALO" ay hindi sana ito nangyari.


Kung mayroon pa po kayong iba pang mga katanungan tungkol sa Iglesia ni Cristo, pwede po kayong pumunta sa pinakamalapit na lokal ng Iglesia. At eto po baka po makatulong sa inyong pagsusuri, paki click lamang po dito.