"Ipaglaban mo nang puspusan ang pananampalataya. Panghawakan mong mabuti ang buhay na walang hanggan, dahil diyan ka tinawag ng Diyos nang ipahayag mo sa harap ng maraming saksi ang iyong pananalig kay Cristo." I Tim. 6:12

November 22, 2014

Ano ba yung patusok tusok na nasa mga kapilya ng Iglesia ni Cristo?

Maraming ipinapakahulugan ang mga naninira sa Iglesia tungkol sa mga patusok tusok na makikita sa mga kapilya ng Iglesia ni Cristo. 

Andyan yung sinasabi nilang "sungay" daw ng demonyo, o kaya eh missiles daw, meron pa silang paniniwala na ayon daw saming mga miyembro ang kapilya namin sa pamamagitan nito ay lilipad papuntang langit pagdating ng araw ng paghuhukom.

Talaga namang mapapakamot sa ulo at matatawa ang mga architect at iba pang may kaalaman sa pagdidisenyo at paggawa ng isang gusali sa mga ganitong kwento ng mga naninira sa INC. 

Nagtataka ko, bakit, mga kapilya lang ba ng INC ang merong tinatawag na TOWER/SPIRE/STEEPLE?

Basahin po natin ang history ng paglalagay nito sa mga simbahan:

"We frequently receive e-mail messages and letters from around the country from people expressing an interest in learning more about the history of church steeples. Steeples are certainly an interesting architectural feature, and one that we see represented around us daily in architecture. But we rarely stop to ask where church steeples come from. What do they represent? What is the function of a steeple?

This brief introduction should acquaint you with the various architectural styles of steeples and how the steeple designs that we see around us today originated in our churches.

American church architecture originated from European influence as the early American settlers brought with them what they had seen in Europe, which established their ideas of proper church design. These ideas came from the great churches in England and other areas in Europe that, to them, were correct "church architecture." Certainly their churches in their new home should not be lacking in grandness or detail.

Georgian architecture was the style of the 18th century, especially from the reign of King George I, who ascended the throne in 1711, until the American Revolution (King George III). Buildings during this period closely adhered to English precedents, which were made accessible through printed books on architecture, such as the Book of Architecture by English architect James Gibbs. The Georgian style was relatively consistent from Maine through the Southern states. Probably the two most influential European church architects, who are responsible for the traditional church architecture that we most associate with today's steeple and church designs, were English architects James Gibbs and Sir Christopher Wren. Much of America's early architecture was styled from their work overseas.

These early church architects designed grand cathedrals and churches that had intricate, soaring steeples. The vertical lines of the steeple helped to visually enhance the lines of the church, directing the viewers' eyes vertically to the heavens. Obviously, this verticality complements part of the mission of the church, to keep us in a heavenly frame of mind, but from an architectural standpoint, this vertical lift gives the architecture a more graceful and pleasing look. The shorter the building, the more squat the appearance; the taller the building, the more graceful it becomes. The early church believed that the church could communicate the truth of the Bible in pictures and symbols to those who were illiterate, such as using the picture in the stained glass to tell stories, as well as the steeple, which helped by pointing upwards devotedly to Heaven. Therefore, the steeple has a dual role in that it helps the congregant in his or her spiritual mindset, and the steeple also helps the architect with a design feature that enhances the overall harmony of the architecture." source: religiousnewsproducts.com

 Kung di po ninyo alam, ang mga nagdisenyo ng kapilya ng INC noong una ay sila Carlos Raúl Villanueva, Juan Nakpil at siyempre si Carlos Santos Viola.

November 21, 2014

Bakit maraming naiinggit at naaasar sa tagumpay ng Iglesia ni Cristo?

Bakit ganun, kailangan ba talagang kainggitan at kaasaran ang isang tao o grupo ng mga tao kapag nagkakamit sila ng tagumpay? Kailangan talaga? Bakit?

Yun lamang po ang ipinagtataka ko, ang salitang "insecure" lamang ang makakapagdescribe sa mga taong may ganitong ugali. 

Ang pagkakaalam ko kasi kahit pa karibal mo yung tao, kahit di mo kaano-ano o kaya eh hindi ka related dun sa organisasyon na iyon, kahit ayaw mo eh dapat i-congrats natin sila kung hindi man ikatuwa dahil masama po ang naiinggit sa kapuwa:

"Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan. Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa Diyos, kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo. Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa." San. 3:14-16 

Noon lamang nagpalabas ng INC Commemorative Stamp ang Philpost eh may nagreklamo na agad, UNCONSTITUTIONAL daw po ang ginawa ng Philpost, Eto ang sabi ng nagreklamo:


“Coming up with the commemorative stamp of the INC is tantamount to sponsorship of a religious activity” which is prohibited by the Constitution"

"The disbursement of public funds by Philpost for the INC occasion is illegal"


source: inquirer.net


Pero, talaga nga bang UNCONSTITUTIONAL at ang ganitong gawain ay PAGPABOR ng gobyerno sa isang relihiyon???

Narito po ang depensa ng Philpost:

"Philippine Postal Corporation (PHLPost) postmaster general Josefina dela Cruz yesterday denied allegations that it was unconstitutional for them to print 1.2 million stamps to mark the centennial anniversary of the Iglesia ni Cristo (INC).
Dela Cruz told The STAR she was wondering why there were people making an issue over the INC stamps that came out last May 10.
She said the PHLPost did not violate the law on the separation of church and state since they did not print the INC stamps on the basis of religion.
“This is in a way a part of history,” she said.
Dela Cruz also said that before they start printing stamps, it is approved by the stamp committee which is composed of representatives from the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the National Historical Commission of the Philippines (NHCP).

She pointed out that this was not the first time that their office featured a religious leader or a religious organization in their stamps.
Just recently, they came out with a se-tenant stamp marking the canonization of Pope John Paul II and Pope John XXIII and a separate commemorative stamp of Pope Francis.
“I don’t know why Iglesia Ni Cristo is being singled out. I don’t think there is anything unconstitutional about it,” she said.
Dela Cruz stressed that the INC stamps were not for free and in fact added to PHLPost’s income.
She said while there were many people who procured the pope stamps, a lot of them only got a few pieces each, unlike the INC buyers who purchased in bulk.
The INC initially only placed an order for 50,000 pieces but later doubled its order.
Since each stamp costs P10, the post office easily made P1 million from the deal, Dela Cruz said.
The INC also bought several stamp frames from PHLPost. A big frame costs P3,000 per piece.
Dela Cruz said the INC stamp was the biggest volume that they have ever printed since she became postmaster general.
She said that on the average, PHLPost only makes 105,000 pieces of stamps."
source: inquirer.net

Yan po maliwanag, una, PARTE NA NG KASAYSAYAN ang Iglesia ni Cristo sa pagsapit nito sa ika 100 taon. Pangalawa, naglabas na rin naman ang Philpost ng commemorative stamp sa mga Papa ng Iglesia Katolika (pero nakakapagtaka na nung sa Katoliko walang nagreklamo, pero sa Iglesia ni Cristo meron). At pangatlo, HINDI PO LIBRE ang stamps na ito, kumita pa nga ng malaki ang gobyerno.

Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit may mga taong gustong gustong hadlangan ang Iglesia sa pagtatagumpay nito...

At eto pa nga, nanggaling na rin mismo sa isang CATHOLIC SEMINARIAN ang ganitong obserbasyon:


"For instance, some Catholics were angry during the Iglesia ni Cristo (INC) 100th anniversary and were busy labeling and cursing the sect’s leaders and followers.

When I was asked about the issue, I told them that, yes, we can all debate with them and oppose their doctrine but I chose not to. Don’t fret, I, too, believe that Christ is 100% human and 100% Divine. My loving and compassionate Jesus is a God and not just a mere prophet. But what I did not like was when some Catholics mocked the INC. Why can’t we just let them be triumphant? Why can’t we just work with them or befriend them since we are all humans under “one God”?

Regardless of gender, wealth, race and religion, there is a God watching us and looking down upon us with love and compassion. So let us embrace our siblings not only in the INC, but in other religions as well like Islam, Protestantism and even atheism." source: rappler.com

Kahit siya napansin niya nung selebrasyon ng Iglesia ni Cristo, ang mga kapwa niya katoliko busing-busy sa paninira at pangungutya sa aming lider at saming mga miyembro.

Isang seryosong tanong, bakit kayo nagagalit sa tagumpay ng INC?

BAKIT???

BAKIT???

November 19, 2014

Sa lahat ng kapatid na gumagamit ng social networking sites

Tama po yan, kahit nasan man tayo, kahit pa nasa bahay lang at gumagamit ng internet, dapat nating isa-isip na hindi nawawala ang pagka-KRISTIYANO natin at pagka-IGLESIA NI CRISTO, anuman ang sitwasyon.

Kaya kung tayo po ay gumagamit ng social networking sites, napakaimportante na maghinay hinay lang tayo sa ating mga pinopost o kino-comment, dahil hindi nyo napapansin andami dami na palang nakakabasa non. Kaya nga ang sabi, THINK BEFORE YOU CLICK and before you type.


Eto po paalala lang para sa ating lahat, para maingatan natin ang ating pagka-INC, at para maprotektahan natin ang Iglesia sa kabuuan.

Dinu-diyos ba namin ang mga "Manalo"?

(ang larawang nakikita niyo sa gawing kaliwa ay galing sa splendorofthechurch.com.ph)

Nagtataka ako kung saan nanggaling ang kaisipang kami daw na mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ay dinu-diyos daw namin sila Ka Felix Manalo, Ka Erano Manalo at Ka Eduardo Manalo. 

Sabi nila, sinasamba daw namin sila. Itong akusasyon na ito eh narinig ko rin mismo sa mga kakilala ko, hindi lang dito sa internet.

Pero ang tanong, totoo ba na dinu-diyos namin sila at sinasamba?

HINDI PO. Maniwala man kayo o hindi sapagkat labag sa bibliya na sumamba sa mga hindi naman dapat sambahin. Mga TAO lang din silang tulad natin, hindi sila mga DIYOS at hindi sila pinapasamba ng Diyos Ama kaya walang dahilan para ituring namin silang mga Diyos.

Sasabihin ng ilan, eh bakit meron kayong mga larawan o kaya eh mga pigurin nila? Hindi ba katunayan yan na sobra ang pagkilala niyo sa kanila?

HINDI PO. Ang mga larawan nila na makikita nyo sa bahay ng isang miyembro o kaya naman eh makikita din sa PASUGO MAGAZINE ay upang kilalanin at alalahanin sila, bilang mga lider na nagpapagod para sa kapakanan ng Iglesia. Kung sa gobyerno nga lang tulad ni Pangulong Noynoy yung iba merong larawan sa bahay na nakasabit sa dingding, paano pa kaya yung RELIGIOUS LEADER?

Yung mga nakadisplay nilang larawan ay tulad lang din ng mga simpleng larawan natin na dinidisplay at nilalagay sa picture frame, minsan pa nga eh sinasabit sa dingding. Ibig bang sabihin sinasamba din natin at dinu-Diyos yung mga mahal natin sa buhay dahil lang doon?

Ihihirit pa ng iba, eh kung ganun naman pala, eh bakit tingin nyo saming mga katoliko eh sinasamba namin yung mga larawan at rebulto ng mga santo namin at ni Kristo? Hindi ba double standard yan?

HINDI PO, wala kaming double standard. Ang pagturing namin sa mga larawan o rebulto ng aming mga lider ay tulad ng pagturing namin sa mga ordinaryong larawan o rebulto ng aming mga mahal sa buhay o kaya ng ating pambansang bayani. Kahit kelan hindi namin sila ipinantay sa Diyos, ginawang tagapamagitan sa Ama, o mas mataas kay Kristo. Ang mga larawan o rebulto rin nila ay hindi namin dinalanginan, pinaniniwalaang nakakagawa ng mga himala, ipinagpipyesta at kung ano ano pa. Kaya naman malaki po ang kaibahan ng pagturing naming mga Iglesia ni Cristo at ng mga katoliko pagdating dito.

Idudugtong nila, kung ganoon, bakit kailangan nyo pang magkaroon ng mga larawan nila na nakadisplay sa bahay niyo? Bakit meron kayong larawan nila pero larawan ni Kristo wala?

Una po, HINDI TIYAK at walang makapagsasabi ng eksaktong itsura ng ating Panginoong Hesukristo kaya wala kaming larawan niya. Halimbawa, kung si Jake Cuenca ang pumanaw mong anak, tapos ang dinisplay mo sa bahay nyo eh larawan ni Coco Martin dahil kunwari eh nawala na ang lahat ng kaniyang larawan, walang natira ni isa, nasunog na o kaya eh binaha, kaya naman larawan na lang ng ibang tao ang ipinalit mo at in-assume mo nalang na siya iyon para alalahanin. Tingin mo kung nabubuhay pa yung anak mo matutuwa kaya siya kung yung dinisplay mo sa bahay nyo at yung larawan na lagi mong tinitignan at kinakausap pa eh HINDI NAMAN SIYA?

Pangalawa, meron kaming mga larawan sa bahay ng aming mga lider para sa PAGGALANG, PAGKILALA at PAG-ALALA sa kanila ayon sa nasusulat sa bibliya:


"Alalahanin ninyo ang mga dating namumuno sa inyo, ang mga nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo ang kanilang pananampalataya sa Diyos." Heb. 13:7

At sa I Tess. 5:12-13


"Mga kapatid, ipinapakiusap namin na igalang ninyo ang mga nagpapakahirap sa pamamahala at pagtuturo sa inyo alang-alang sa Panginoon. Pag-ukulan ninyo sila ng lubos na paggalang at pag-ibig dahil sa kanilang gawain. Mamuhay kayo nang mapayapa."

Sinusunod lamang po namin ang bibliya ukol dito at kailanman hindi namin sila itinuring na parang Diyos at hindi rin namin sila kailanman sinamba. Isa lang ang kinikilala naming Diyos, walang iba kundi ang DIYOS AMA. Wala kaming ibang sinasamba kundi ang Diyos, kasama na ang kaniyang Anak na si Kristo para sa kaluwalhatian ng Ama.

November 18, 2014

Paano isinasagawa ang pagsamba sa Iglesia ni Cristo?

Maraming mga tao ang nacu-curious kung paano nga ba magsagawa ng pagsamba sa Iglesia ni Cristo. 

Iba iba kasi ang paraan ng pagsamba sa ibat ibang relihiyon, iba sa Iglesia Katolika, sa El Shaddai, sa born again, sa ADD, sa mga saksi ni Jehova, sa Mormons, at lalo na sa labas ng Kristiyanismo tulad ng Islam at Buddhism.

Karamihan naman eh nahihiyang subukan na pumasok sa loob ng kapilya ng Iglesia ni Cristo kapag naisipan nila na i-try sumamba. Meron din kasi silang mga tsismis na nasasagap halimbawa na lang, bawat isa daw hihingian ng abuloy at marami pang iba. Ito ang nagiging dahilan para hindi nila ituloy ang pagdalo ng pagsamba o paunlakan ang imbitasyon ng kaibigan, kamag anak o kakilala na kaanib sa Iglesia. 

November 9, 2014

Bakit "sanlibutan" ang terminong ginagamit ng INC sa mga taong nasa labas ng Iglesia?

Tanong ng ilan, bakit ba TAGA SANLIBUTAN ang tawag nyo saming mga di nyo ka miyembro? konting respeto naman...

Pag sinabi ba naming SANLIBUTAN, ito ba ay pambabastos sa kanila? Inimbento lang ba namin ang terminong ito?

Ang sagot po ay HINDI. Sapagkat ang terminong ito ay termino ng BIBLIYA para sa mga taong nasa labas ng Iglesia.

Maaaring may magtanong, saan naman mababasa sa bibliya na ang tawag ng mga nasa labas ng Iglesia ay SANLIBUTAN readme?

Ganito po ang sinasabi ng bibliya, basahin natin ang sinabi mismo ng ating Panginoong Hesukristo:

"Kung napopoot sa inyo ang sanlibutan, alalahanin ninyong ako muna ang kinapootan nila bago kayo. Kung kayo'y taga-sanlibutan, mamahalin nila kayo, sapagkat kayo'y kabilang sa kanila. Hindi kayo taga-sanlibutan. Sila'y napopoot sa inyo dahil pinili ko kayo." Juan 15:18-19

Ang mga tao ay TAGA SANLIBUTAN, ngunit ang mga PINILI o HINIRANG ni Kristo ay HINDI NA TAGA SANLIBUTANG ito.

Eto pa ang sinasabi, sa Juan pa rin, 17:9-11,14-18

"Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila.  At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa. 

Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita, at kinapootan sila ng mga tao sa sanlibutang ito, sapagkat hindi na sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi taga-sanlibutan. 
Hindi ko idinadalanging kunin mo sila sa daigdig na ito, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan. Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan."

 Ayan, maliwanag na maliwanag ang sabi ng bibliya, HINDI NA PALA TAGA SANLIBUTAN ang mga taong sa Diyos at kay Kristo kahit na NASA SANLIBUTAN pa rin ang mga ito. Kahit nga si Kristo sabi niya hindi rin siya TAGA SANLIBUTAN, bagamat siyay tao na isinilang sa mundong ito.

Kaya hindi po kawalang galang kung sasabihin man namin na ang mga di kaanib sa TUNAY NA IGLESIA ay TAGA SANLIBUTAN dahil si Kristo mismo ang nagsabi noon. Ang mga sa Diyos at kay Kristo ay HINDI TAGA SANLIBUTANG ito dahil silay PINILA na, silay mga HINIRANG.

Kaya kung gusto nyong mapabilang sa mga kay Kristo, kailangan po ang pag anib sa Iglesiang itinatag niya, dahil ang Iglesiang iyon ang kaniyang ililigtas pagdating ng araw ng paghuhukom.

 

November 6, 2014

Ang pagkakaisa ay lakas



Naniniwala ba kayong ang PAGKAKAISA AY LAKAS? 

Unity is strength ika nga sa english.

Wala sa bilang ang lakas, kundi nasa pagkakaisa.

Takang taka ang karamihan na mga di kaanib ng Iglesia, sabi nila ang konti nyo lang naman wala pang 5% sa  populasyon ng Pilipinas pero panong nakapagpapatayo kayo ng milyon milyong pisong halaga ng mga kapilya nyo? Meron pa kayong mga binibiling properties sa ibang bansa na milyon milyon din ang halaga, meron pang mga ospital, paaralan, mga resettlement projects, pati na yung Philippine Arena. Saan nanggaling yung perang ginugol nyo para dito?

Sa pagtataka nilang ito, hindi nila maiwasang mag isip na kesyo tumatanggap kami ng pera mula sa mga pulitiko, o kaya naman eh merong mga negosyo ang Iglesia o kaya naman eh todo todo daw ang "panghuhuthot" o ang dami dami daw abuluyan kaya ganun.

Kapag naman sinasabi namin na GALING LAMANG ITO SA MGA KUSANG LOOB NA HANDOG ng mga kaanib, ayaw nilang maniwala.

Pati nga yung kaisahan sa pagboto na isinasagawa namin pinagtatakhan nila, sabi nila PANO NYO NAGAGAWA NA MAGING MAIMPLUWENSYA SA PULITIKA SA PAMAMAGITAN NG BOTO NYO EH ANG KONTI NYO LANG NAMAN.

Kung ano ano pa sasabihin nila, kesyo bine-brainwash daw ang mga kaanib kaya ibinoboto ang pasya ng lider, o kaya eh tinatakot na ititiwalag o kung ano pa man. Andyan din yung sinasabing MAY KAPALIT DAW na pera ang pagsuporta ng Iglesia sa mga kandidato, may bidding daw na nagaganap, kung sino may pinakamalaki yun daw sinusuportahan. At syempre ibabanat nila, kesyo sikreto lang daw kasi ng namamahala yun kaya daw hindi namin alam.

Kung alam lang nila, at kung mag-Iiglesia sana sila eh malalaman nila na lahat ng mga iniisip nila ay WALANG KATOTOHANAN.

Unang una, ang tagumpay ng Iglesia ni Cristo ay walang iba kundi dahil sa Diyos.

Pangalawa, ang formula para magawa ang lahat ng ito ay isa lang, PAGKAKAISA.

Kahit gaano pa kayo kakonti sa bilang, bastat kayoy nagtutulungan at nagkakaisa, kayoy magtatagumpay. Kumpara sa marami nga kayo sa bilang, hindi naman kayo nagkakaisa, nagkakaiba iba pa nga kayo ng pananaw at nag aaway pa, KABIGUAN lang ang ibubunga non.

Parang VOLTES V lang at POWER RANGERS (naku naka relate ang mga isip bata hehe), hanggat hindi nila kino-combine yung katawan nung robot o kung ano man klaseng nilalang yon, hindi nila natatalo ang kalaban. 

Kaya nga ang Iglesia ni Cristo ay itinulad sa isang TAO, si Kristo ang ulo at ang Iglesia ang katawan. Gumagana ang mga parte ng katawan mo base sa gusto mo, dahil isa lang ang utak mo at konektado ito sa ating katawan. Kung may kani-kaniyang utak ang bawat parte ng katawan natin, e di magulo ang buhay mo sa pang araw araw. Ngayon, tungkol naman sa Iglesia, kahit may kaniya kaniyang pag iisip ang myembro, dapat manaig ang namamahala para maging maayos ang takbo nito. Pakikipag-cooperate ang tawag doon. Kaya nga nung tayoy nag aaral pa, kung merong members merong LEADER. Pwedeng magsuggest ang members pero sa huli ang masusunod ay ang LEADER, kaya kung may ayaw man na miyembro eh kelangan niyang magpaubaya sa magiging desisyon ng leader para naman maging maayos at matagumpay ang kung ano man ang gusto gawin.

Sabi nga ni Ka Felix Manalo nung siyang nabubuhay pa:

"Ang pagkakaisay mabuti, sapagkat ang pagkakaisay lakas at kapangyarihan. Malaki ang nagagawa at maraming nayayari ang ibinubunga." 

"Ibig kong magkaisa ang lahat nang ayon sa kalooban ng Diyos, at hindi sa kalooban ng mga tao, upang masaklaw ng katuwiran ng Diyos sa ikapaghahari ng Diyos sa mga tao, kung paano sa langit ay gayon din naman sa lupa. Itoy hindi mahirap kung itatanggi ang sarili ng bawat isa at susunod sa hulihan ni Hesus na papasanin ang kaniyang pamatok." (from "Ang pagkakaisang Ebangheliko" published in March 1939)

At ang sabi sa bibliya:


"Mga kapatid, ako'y nakikiusap sa inyo, sa pangalan ng ating Panginoong Jesu-Cristo, magkaisa kayo at huwag magkabaha-bahagi maging sa isipan at maging sa layunin." I Cor. 1:10

Kaya naman merong KAISAHAN sa loob ng Iglesia ni Cristo, di tulad ng ibang relihiyon, kung kaya nakakamit ang PAGTATAGUMPAY dahil dito, at lalo na dahil sa pakikisama ng Ama. Kaya mga kapatid, huwag po tayong magsasawang makipagkaisa sa namamahala sa atin, sapagkat silay instrumento ng Diyos para tayoy pangalagaan at gabayan tungo sa daan na patungo sa Diyos.

November 4, 2014

Kailan kaya lalaban ng debate si Eliseo Soriano sa Iglesia ni Cristo?

Higit kumulang 10 taon na ang nakakaraan ng unang magkahamunan sa debate ang Iglesia ni Cristo at ang Members Church of God International ni Mr. Soriano. Hanggang ngayon, hindi pa rin matuloy tuloy dahil takot ang puno ng MCGI na humarap sa mga ministro ng Iglesia kaya ang ginawa ni Soriano noong 2005 ay hamunin ang tagapamahalang pangkalahatan namin na hindi naman tungkulin ang pakikipagdebate.

Sa pagkakaalam ko, bilin ni Soriano na hanggat nabubuhay siya ay siya lamang ang haharap sa debate bilang respresentative ng MCGI. Ayaw niya ipagkatiwala sa mga ministro niya, baka kasi sumablay. Ngunit sa panig naman ng INC, kung usaping debate lang din naman, merong mga OFFICIAL DEBATERS kami, hindi porke ministro eh pwedeng makipagdebate, kailangan pa ng pahintulot sa pamamahala. Hindi sakop ng tungkulin ng tagapamahalang pangkalahatan ang pakikipagdebate tulad sa ibang malalaking relihiyon. Ang "representative" mapa kung sino man, ANG KAKATAWAN para sa relihiyon na kinaaniban niya, hindi na kailangan pa na yun mismong LIDER ng relihiyon ang makikipagdebate. Mga walang alam sa debate lamang ang makakaisip non.

Walang problema samin ang makaharap si Mr. Eli Soriano sa debate, napakatagal ng panahon, ilang beses di sinipot ng mga ministro ng MCGI ang mga agreement kaya di natutuloy. Ilang beses na rin hinamon ng ilang ministro ng INC ang mga taga MCGI ngunit tikom ang bibig, ayaw makipagdebate. Kaya pag nagkakahamunan, ang alam lang nilang sabihin ay "ILABAS SI MANALO", yan ang dialogue ng mga duwag. Imaginin nyo nalang, sa lahat ng relihiyon na dinedebate ni Soriano, INC lang ang hinamon niya ng "PUNO SA PUNO", duwag nga kasi, ayaw humarap sa mga official debaters :)

Kaya ang tanong namin sa mga taga-MCGI, KELAN HAHARAP SA DEBATE SI SORIANO AT HANGGANG KELAN SIYA MAGTATAGO SA IBANG BANSA???

Laos na ang dialogue na MAY BANTA SA BUHAY, bakit wala ka bang Diyos, ganun ka ka-duwag mamatay. Kung pinagbabantaan ng INC ang buhay niya, matagal na dapat siyang wala sa mundong ito, dahil gano man siya kalayo pwedeng pwede naman siyang ipahanap ng INC saka gawin ang ibinibintang samin. Pero hanggang ngayon kita nyo naman, BUHAY NA BUHAY SIYA. Nagtatago sila sa style na may "nagbabanta sa buhay" ang korni.


Bakit hindi nagdiriwang ang Iglesia ni Cristo ng araw ng mga patay at halloween?

Ito ang tanong ng karamihan... sabay sasabihing ano ba yan andami namang bawal sa inyo gawin, ano namang masama kung dalawin mo ang mahal mo sa buhay at makisaya sa halloween? Halata namang nag iiba na naman kayo ng turo eh...

Pero sa kanilang mga katanungan at opinyon na tulad nito, bakit nga ba talaga? ano nga ba talagang dahilan kung bakit kaming mga miyembro ng Iglesia ni Cristo ay hindi nakikisama sa paggunita ng mga namatay ng mahal sa buhay tuwing Nov.1? At bakit hindi rin kami nakikisama sa mga kaugalian tuwing halloween?

Eto ang sagot...

Kaya hindi kami nagdiriwang ng araw ng mga patay at ng halloween ay dahil:

1. Mula sa pagano ang mga pagdiriwang na ito.
2. May mga aral ang Iglesia Katolika ukol dito na taliwas sa tinuturo ng bibliya.
3. Ang pagdiriwang na ito ay wala sa bibliya at hindi ipinagdiwang ng mga unang Kristiyano. 
4. Wala ang practices ng halloween sa bibliya at hindi ipinagdiwang ng mga unang Kristiyano.
5. Magulo ang aral nila, Araw ng mga patay daw pero "ARAW NG MGA SANTO" ang Nov.1


Maaaring sabihin ng ilan, naku readme inaatake mo na naman ang mga katoliko wala namang basehan ang mga pinagsasasabi mo.

Hayaan nyong talakayin natin isa isa ang mga ito.